15/09/2022
PRO2 News Brief 09-15-19
September 15, 2022
Mahigit 4 Milyon na halaga ng kahoy nasabat ng PNP at DENR Region 2 saAritao, Nueva Vizcaya
Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City - 8,155 board feet ng “Narra” na nagkakahalaga ng Four Million Seventy-seven Thousand Five Hundred Pesos (Php 4,077,500.00) nasabat ng PNP Nueva Vizcaya at DENR Region 2 sa isang checkpoint sa Barangay Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya kagabi.
Alas onse y medya kagabi nang madakip ang tatlong kalalakihang kargado ng mga nabanggit na kontrabandong kahoy. Kinilala ang mga suspek na sina Cecilio Macalos, 43-anyos, residente ng San Jose del Monte Bulacan; Armario Cahayagan, 50-anyos, residente ng Norzagaray, Bulacan, at Arcadio Pascual, 50-anyos at residente naman ng Pinokpok, Kalinga.
Ayon sa ulat ng Aritao PNP, wala umanong naipakitang dokumento ang drayber at mga pahinante nito nang harangin ng mga awtoridad ang sinasakyang trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa nabanggit na bayan. Batay sa salaysay ng mga suspek, nanggaling sa Balbalan, Kalinga ang 281 na piraso ng “Narra” flitches na nakumpiska sa operasyon.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP Aritao upang alamin kung ang insidenteng ito ay may kaugnayan sa mga unang anti-illegal logging operations sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Matatandaang nakumpiska ang mga kontrabandong kahoy na nagkakahalaga ng halos isang milyon sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng DENR ang mga narekober na ebidensya habang ang mga suspek ay nasa Aritao Police Station kung saan inihahanda ang kasong paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines na isasampa laban sa mga ito.
# # #