JemCreates

JemCreates Creating human connections through meaningful conversations, storytelling, and capturing people’s experiences through my lens.

Current projects:
📸 Human Connections
📝 Notes from Strangers

For collaborations:
📩 [email protected]

Appreciation post sa lahat ng nag-share ng kanilang notes/stories. ✨Ikaw, ano ang BIGGEST regret mo?Support Notes from S...
24/11/2024

Appreciation post sa lahat ng nag-share ng kanilang notes/stories. ✨

Ikaw, ano ang BIGGEST regret mo?

Support Notes from Stranger project by sharing your stories🥹

Zamboanga City overlooking view + sunset = therapeutic 🥹✨🫰🏾
22/11/2024

Zamboanga City overlooking view + sunset = therapeutic 🥹✨🫰🏾

We received 60+ notes from strangers last week. Thank you very much for sharing your stories! Here are some random shots...
19/11/2024

We received 60+ notes from strangers last week. Thank you very much for sharing your stories! Here are some random shots taken. Enjoy! 😃

Apologies pala sa late upload, may mga urgent lang akong inasekaso. We will be sharing their notes this week. Sana maka-relate kayo sa mga feelings na pinakanami-miss natin. ✨

Notes from Strangers: Anong feeling ang pinakanami-miss mo? (What’s the feeling you miss the most?)Catch us in Boulevard...
11/11/2024

Notes from Strangers: Anong feeling ang pinakanami-miss mo? (What’s the feeling you miss the most?)

Catch us in Boulevard now and share your notes 🫰🏾✨

Heartbreaking 💔 Nasaan ang puso niyo?😢😭
09/11/2024

Heartbreaking 💔 Nasaan ang puso niyo?😢😭

"Ta pasa gayot kita lisud na di atun bida, otro otro tamen maga pensamiento del gente liga na futuro del vida. Para kumi...
08/11/2024

"Ta pasa gayot kita lisud na di atun bida, otro otro tamen maga pensamiento del gente liga na futuro del vida. Para kumigo debe dale kita importansiya con el vida cay prestao lang ece."
(Dumadaan talaga tayo sa mahihirap na panahon sa ating buhay, iba-iba rin ang isip o pananaw ng mga tao pagdating sa kinabukasan. Para sa akin, mahalaga na mabigyan ng kahalagahan ang buhay ng tao dahil hiram lang ito)

"El cosa kame quirre aquel tiene lang kame para di amun, cosa kome pati labida. Era liga el dia nuay ya quien ta cuhi, c...
08/11/2024

"El cosa kame quirre aquel tiene lang kame para di amun, cosa kome pati labida. Era liga el dia nuay ya quien ta cuhi, cay tan labida lang man kame."
(Ang gusto namin ay yung mayroon kaming pangtustos sa pang araw-araw, para sa pagkain, at sa aming hanapbuhay. Sana dumating ang panahon na wala ng nanghuhuli sa tulad naming mga street vendors dahil naghahanap buhay lang kami)

“Ang Rainbow Mosque sa Zamboanga City ay sumisimbulo ng kapayapaan.”Ayon sa isang Bilal (yung boses na ating naririnig t...
06/11/2024

“Ang Rainbow Mosque sa Zamboanga City ay sumisimbulo ng kapayapaan.”

Ayon sa isang Bilal (yung boses na ating naririnig tuwing prayer time), on-going na ang construction ng Rainbow Mosque sa Zamboanga City noong nagkaroon ng kaguluhan sa Marawi, at Rainbow ang naging kulay ng Mosque para suportahan ang kapayapaan sa Mindanao.

Ang loob ng Rainbow Mosque ay isang sagradong lugar ng pagdarasal, kaya kung inyong mapapansin kailangan munang maglinis ng katawan o kasuotan bago pumasok, kaya hindi pinapahintulutan ang mga turista na pumasok sa loob para lang mag-picture or mamasyal, maliban kung ikaw ay magdadarasal.

Celebrating small wins! ✨🎉After more than 2 weeks, we were able to connect and share contents to 500+ followers! Yeyyy!M...
06/11/2024

Celebrating small wins! ✨🎉

After more than 2 weeks, we were able to connect and share contents to 500+ followers! Yeyyy!

Maraming salamat for your love and support! Continue supporting our projects by sharing contents, reels, posts, and following our TikTok and Instagram.

Sino ba naman ang hindi kikiligin makita ang mga cute and adorbs na furbabies na 'to?! Thank you furparents for particip...
06/11/2024

Sino ba naman ang hindi kikiligin makita ang mga cute and adorbs na furbabies na 'to?! Thank you furparents for participating to the Petshow for a cause by Forest Lake Parks-Zamboanga City and for sharing your stories❤️

Abangan niyo po ang kanilang mga stories in my next post!

If you're also a fur parent, gusto po naming malaman: Ano ang nagpapa-special sa bond ninyo ng iyong alaga? COMMENT BELOW! Baka mabasa ng inyong furbabies at sila rin ay kiligin! 😁

Gracias Forest Lake Parks-Zamboanga City!🥹📸🐾 PSFurparents you may directly PM me for a copy of your photos. 🫰🏾✨
04/11/2024

Gracias Forest Lake Parks-Zamboanga City!🥹📸🐾

PS
Furparents you may directly PM me for a copy of your photos. 🫰🏾✨

ATM: Let’s hear the stories of fur parents and their special bond with their fur babies.🥹Thank you, Forest Lake Parks-Za...
31/10/2024

ATM: Let’s hear the stories of fur parents and their special bond with their fur babies.🥹

Thank you, Forest Lake Parks-Zamboanga City for allowing us to setup our small table!

Let’s enjoy the petshow for a cause for the benefit of Paw Savers Zamboanga 🐾❤️

Sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-viral na street artist na si Tatay Bador dito sa Zamboanga City? First time kong u...
31/10/2024

Sino ba ang hindi nakakakilala sa nag-viral na street artist na si Tatay Bador dito sa Zamboanga City? First time kong umupo sa tabi niya at makipagkwentuhan habang may tinatapos siyang artwork. Sobrang saya ng naging experience ko! At hindi lang ‘yon, nakabili pa ako ng 3 artworks sa halagang ₱210!

Kahit grade 1 lang ang natapos ni Tatay, siya ay pursigido sa kanyang passion na pagguhit/pagdradrawing sa daan. Naibahagi niya na hirap siyang magsulat at magbasa, ngunit mayaman siya sa creativity and imagination. Lahat ng gawa niya ay out of his imagination at mga nakikita/napapanood niya sa TV, Facebook, at ibang mga drawings. Sa edad na 12 yrs old, mag-isang sinusuportahan ni Tatay ang kanyang sarili, nagtitinda siya ng mga bote, and other junks, at siya rin ay namamalimos to make ends meet. Marami na ring mga trabaho ang nasubukan ni Tatay, at sa edad na 56 yrs old nagsimula si Tatay sa kanyang passion na pagguhit/pagdradrawing. Ngayon siya ay 65 yrs old na, at patuloy pa rin sa kanyang passion.

During typical weekdays, nakapwesto na si Tatay ng 10am ng umaga at nagsisimulang magdrawing hanggang gabi (7pm). Sa weekend naman siya ay tumatanggap ng mga commissioned artworks. Masayang nabahagi ni Tatay na marami sa kanyang mga customers ay nagbibigay ng in-kind donations. Siya rin ay nakatanggap ng maraming tulong mula sa good samaritans, lalo na noong nag-viral siya sa TikTok and Facebook.

Out of curiosity, naitanong ko kung nais ba ni Tatay na magkaroon ng sarili niyang shop/pwesto para hindi siya gaanong mahirapan kung umuulan man sa daan. Ayon sa kanya, kuntento na siyang nagdrawdrawing sa daan, at masaya siya sa kanyang ginagawa. Lumilipat lang siya ng pwesto na may masisilungan tuwing umuulan. Thank you Tay sa oras at kwento mo. See you soon!

Kung ikaw ay may gustong ipaggawang drawing, bisitahin mo lang si Tatay Bador. Malaking tulong yun sa kanya. 😊 or pwede ring i-message mo ako so I can help facilitate.

My heart is so happy seeing this behavior/kind gesture of customers in Jollibee Divisoria branch. 🥰 Oh diba, we can alwa...
28/10/2024

My heart is so happy seeing this behavior/kind gesture of customers in Jollibee Divisoria branch. 🥰 Oh diba, we can always spread kindness in different ways. Maliit lang na bagay pero malaking tulong na sa crew/servers ng fastfood restaurant.

Napadaan ako sa ginagawang flyover dito sa Sta. Cruz market, Zamboanga, at saktong nagpapahinga or on break ang ating mg...
28/10/2024

Napadaan ako sa ginagawang flyover dito sa Sta. Cruz market, Zamboanga, at saktong nagpapahinga or on break ang ating mga masisipag na workers. Habang nakipagkwentuhan, isa sa mga construction workers ay nagbahagi ng kanyang pangarap na maging engineer at sa kalagitnaan ng kwento, naibahagi niya ang napaka-personal na karanasan:

Ayon sa kanya, bago mag-construction, siya ay nagtrabaho bilang assistant mechanic for 21 years sa isang barko na nagbabarter ng mga pagkain, gamit, at iba pa. Noong 2014 o 2016 (inaalala niya yung taon), lumubog yung sinasakyan nilang barko. Pito silang na-stranded sa dagat, palutang-lutang at walang makain/mainom. Pitong araw silang palutang-lutang bago sila na-rescue. 3 sa 7 kasama niyang kasama ang namatay or missing, dahil hindi na nila kinaya.

After the fun and challenging run, nagshare naman ng stories ang ating mga runners ng Hermosa Run 2024! Can’t wait to re...
27/10/2024

After the fun and challenging run, nagshare naman ng stories ang ating mga runners ng Hermosa Run 2024! Can’t wait to read all of them! Thank you for taking the time to share your wonderful insights and stories!

Congrats for achieving your km goals and for finishing the race! 👏

Special shoutout to JCI Senate Zamboanga for allowing us to setup our small table/booth.✨🫰 Congratulations as well on the success of the Hermosa Run 2024! Kudos!

Abangan niyo po ang mga stories ng ating mga runners in our upcoming uploads.

Part 2: What have you learned from heartbreak? (Ano ang natutunan mo from heartbreak?)Buenas dias! We started "Notes fro...
25/10/2024

Part 2: What have you learned from heartbreak? (Ano ang natutunan mo from heartbreak?)

Buenas dias! We started "Notes from Strangers" project to build human connections through meaningful conversations and storytelling. We setup a simple physical booth in a public place and gather insights and stories of strangers. We also arranged a platform for "online notes" to expand our reach, because we believe that everyone's story matters. Lahat tayo ay may kwento na may kwenta.

If you get to see us in your area, please feel free to write your note. 🙂

Gracias for the continuous support and for sharing your stories. We truly appreciate your openness and sincerity.

Kaya pala siguro lagi tayong pinagsama-sama noong mga bata pa tayo dahil bihira na tayong magkita-kita sa ating pagtanda...
25/10/2024

Kaya pala siguro lagi tayong pinagsama-sama noong mga bata pa tayo dahil bihira na tayong magkita-kita sa ating pagtanda, lalo na with our childhood friends.

Meet the magbabarkada I bumped into malapit sa ilog dito sa amin. They were having so much fun jumping from the bridge, pero medyo delikado kasi sobrang taas at malalim rin ang tubig (fresh from heavy rain). Hesitant pa akong magpicture dahil nga mukhang delikado at ang taas ng bridge, pero sanay na daw sila, parang eto na yung laro nila tuwing tumataas ang tubig sa ilog. Habang nagkwekwentuhan, naitanong ko yung mga gusto nila paglaki, luckily hindi sila nahiyang magsabi. Karamihan sa kanila gustong maging seafarer, para maka-travel daw at i-explore ang mundo. Yung isa naman ay gustong maging pulis para makatulong sa magulang niya at masiguro daw niya na maging maayos ang barkada niya (hindi malulong sa bisyo/pibagbabawal na gamot). Mayroon ring gustong maging piloto, kasi gusto niya lang daw masubukan.

Enjoy your childhood, savor the moments and experiences and I pray na, you guys will remain friends hanggang sa pagtanda niyo, at magkaroon kayo ng maraming bonding time and moments in the future.

PS
Doble ingat kayo always kung naliligo sa ilog, safety first before fun.

Address

Zamboanga City
7000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JemCreates posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share