08/05/2024
I just want to share my experience in the hospital last May 07,2024
7:30pm dumating ako ng hospital para bantayan si father ko, May 4 pa na admit si father up to this day,. Pagpasok ko ng room mayroong mag asawa na admit katabi ni papa, nasa 70's narin age nila. Mukang malakas naman si tatay around that time dahil masigla naman sya nakikipag usap samin , gusto pa nga nila sana bilhin yung dala naming extension pra magamit nila pero tumanggi nalang ako para naman magamit rin nila. Sabi ng kasama namin sa room hapon narin raw na admit si tatay, sinabihan na raw siya ng mga nurse na bawal siyang tumayo or umupo hanggat maari dahil na diagnosed siya ng heart attack, same kay father ko. Pero matigas raw ulo ni tatay, naglalakad lakad pa nga raw nung pagka admit sa kanya. May pagkakataon pa nga pinapagalitan pa nya si nanay(asawa niya),.
Past 11 pm, napansin kong iritable na si tatay, napapadalas pagbangon nya then uupo siya. Ilang ulit na ganun siya mukang naiinitan na hndi mapakali. Gusto niyang uminom ng malamig na tubig, (ang alam ko pinagbawal rin ang malamig), hindi n tlga mapakali si tatay, kaya pinuntahan na sya ng nurse pra tanungin kong nahihirapan ba syang huminga, nilagyan na sya ng oxygen mask, after a few min. Ok naman na raw si tatay,. Akala din namin ok na siya Hanggang sa hirap na ulit siya huminga at napansin ko na hndi na siya nakakapag inhale/exhale. Wala na syang pulso sabi ng isang nurse, dumating narin si doc para i assess si tatay, tinanung agad nila si nanay kung papatubuhan na raw si tatay pra tulungan huminga, hindi maka sagot si nanay, ilang beses inulit ni doc tanungin si nanay, sabi ng nurse dapat ang ksama nagbabantay ng patiente is ung mga malakas pa dahil pag tutubuhan na ang pasyente need ito ipump manually ng tuluy-tuloy. Pinapapirma na si nanay, pero hndi parin makapag decide si nanay dahil hindi nya ito kaya hanggang umiiyak nalang si nanay wala magawa, ramdam ko pagiging helpless ni nanay 😭 bumisita naman raw ung anak nya ng gabi pero saglit lang. Walang contact no. Na iniwan kaya hndi nila matawagan agad family nila.
Nag inject ang mga nurse ng pang pa tibok ng puso (4x) pero hndi parin nag rerespond si tatay, 12:30 tinigil na nila pag cpr kay tatay....
Past 1 am na dinala sa morge si tatay, umiiyak si nanay, wala parin ang mga anak niya. Hanggang pagdating ng liwanag. Gamit nalang ni nanay nakita ko sa higaan nila...
Ang bilis ng pangyayari, Napakabilis... Yung nadatnan mo na masigla at akala mo normal lang na kasa kasama mo, ganun nalang mawawala.
Nakikiramay kami kay nanay na taga san manuel pangasinan,. Pasensya na po hindi ka namin magawang ma comfort..
Pa alala narin sa ating lahat,. Spend quality time sa mga magulang at mahal natin sa buhay, hindi natin alam kung hanggang kailan natin sila makakasama sa mundong ito. Habang maaga pa alagaan rin ang sarili, aanihin natin balang araw kung ano man ang itinatanim mo sa ngayon.
God bless po sa ating lahat..