04/08/2023
Natakot ako noong sinabi mong mag-usap tayo dahil alam kong iyon na ang huli. Hindi na masusundan pa ng bukas o ng kung ano pa mang wakas. Panahon na rin siguro para harapin ang takot - ang iyong paglisan.
Kaya sa huling pagkakataon, hayaan mong sambitin ko ang mga katagang nakasanayan. Baka kasi bukas hindi na kita makita, makasama at makapiling.
At kasabay ng paglisan ay pagpapaalam sa nakaraan. Kaya sige, mag-usap na tayo.