16/01/2026
“Pera lang ‘yan. Madali lang kitain ‘yan.”
“Kayo pa maubusan.”
For some it may be true
pero para sa iba ay hindi ganito.
Para sa iba, madali nilang kitain ‘yan lalo na kung may regular na trabaho, maayos ang sweldo, at may sapat na ipon.
Pero para sa ibang hindi kagandahan ang sweldo at wala o konti ang ipon, those statements may not apply.
Kaya naman ang iba ganun na lang kung mag-budget o magtipid at kaya rin nagse-set sila ng boundaries.
Hindi naman porke naglagay ka ng limit o boundaries ay madamot ka na.
Pwedeng mayroong pamilyang isinasaalang-alang. Pwede rin namang mayroong pinag-iipunan.
Maaaring itinatabi ang kinikita para sa kinabukasan.
We should learn to respect other people’s boundaries lalo na kung hindi natin alam ang kanilang mga pinagdadaanan. Besides, it’s their money, not ours kaya we should avoid being entitled sa kung anumang pinaghihirapan nila.