03/09/2020
DEMONIC INTRUSIONS: PAGGAGAMBALA NG MGA MASASAMANG ELEMENTO
—Tommy Aqua
(NOTA BENE: Ang artikulong ito ay buhat lamang ng manunulat na galing sa mga aklat, talatroniko at karanasan.)
“The devil always appears as an angel of light to those who know no better.”
― Rev. Fr. Jose Francisco C. Syquia, Exorcism - Encounters with the Paranormal and the Occult (Chief Exorcist of the Archdiocese of Manila)
Demonyo at masasamang espiritu, kinakatakutan ng karamihan dahil sa mapanirang epekto nito, mapapisikal, emosyonal, mental at sikolohikal na kalagayan. Kung ating titingnan ang palabas na "Exorcism of Emily Rose" (2005) ay talagang matatakot ka sa dalang hatid ng mga madidilim na nilalang.
Sa Bibliya nung nakipagdigma si San Miguel na Arkanghel at ng kanyang mga kasamahan at ni Lucifer at ng kanyang mga nasasakupan, nalupig ng kampon ng kabutihan ang kasamaan at napagdesisyunan ng Poong Maylikha na itapon ang mga natalong nilalang sa mundo. (Isaias 14:12-14) At napagtanto nila na maghasik ng lagim sa daigdig~na siyang kahanga-hangang nilikha ng Panginoon.
Maraming mga reperensya at sanggunian na sumasanib daw ang kampon ng kadiliman sa mga tao at ito ang mga dahilan:
• Paglalaro ng Ouija Board (Spirit of the Glass, Coin, atbp)
• Paniniwala sa mga pamahiin (superstitious belief)
• Paniniwala sa astrolohiya (Zodiac Sign, Horoscope atbp.)
• Pagkakaroon ng mga bagay na may kaugnay sa Satanismo at Okultismo
• Labis na pagkakasala
• Merong kaugnayan sa mga mangkukulam at bruha, kasama na ang mga spells
• Neo-paganism
At marami pang iba.
Ang Demonic Intrusion ay ang pagagambala ng kampon ni Satanas sa tao at meron itong apat na uri. At tinatawag din ang Demonic Intrusion bilang "4 Stages Before Demonic Possesion.
1. Demonic Infestation - Ito ay ang pinakapangunahing uri ng paggagambala ng mga kampon ng dilim, ito ay tumatama sa tao sa pamamagitan ng kanyang pandama (hal. Third Eye, nakakarinig ng hindi karaniwang tinig, nakaksinghot ng asupre kahit wala namang apoy atbp.) Ang Demonic Infestation ay hindi lang nahihinto sa pandama ng tao, maari din ang lugar at bagay ay pwede atakihin ng ganitong kababalaghan, katulad ng mga lugar kung saan nagaganap ang maraming aksidente, mga ancestral houses, mga establisyemento na matanda na at mga bagay na may kaugnay sa pangkukulam, pamahiin at astrolohiya, maari din mga hayop ay pwede ding mapasailalim ng Demonic Infestation.
2. Demonic Oppresion - Bangungot, hirap sa pagtulog, mga sakit na hindi mapaliwanag ng doktor o experto, depresyon. Iilan lang yan sa mga sintomas ng Demonic Oppresion sa baitang na ito, inaatake na ng kampon ng kasamaan ang iyong pisikal na aspeto. Nilalagyan na ng masasamang elemento ang katawan ng tao ng sakuna. Merong pagkakataon na gumagaling lamang ang sakit na ito sa pamamagitan ng mga mapamahiing doktor (quack doctor) at bumabalik naman ang sakit at lalong lumalala.
3. Demonic Obssesion - Sa yugtong ito hindi na nakakaisip ng normal ang isang tao na syang humahantong sa pagkitil ng sariling buhay, puro negatibong bagay nalang ang nasa isip ng isang indibidwal, naapekto na ang emosyonal, sosyal at sikolohikal na takbo ng isang tao. Madalas naging tahimik ang isang tao dahil sa sandamakmak na suliranin at problema na kanyang nararanasan, at kapag itoy lumala ang tao ay di na namamalayan ng tao na siya ay nagkakasala o normal nalang sa kanya gumawa ng mga kagimbal-gimbal na kasalanan (hal. Pagpatay etc.).
4. Demonic Possesion- Ang panghuli, sinakop na ng kadiliman ang kamalayan at nakokompromiso ang kanyang diwa at pandama. Naging aggresibo ang tao at nakakagawa ng mga di pangkaraniwang bagay, katulad ng pagsasalita ng mga lengwahe na di naman niya natutunan, lakas na higit sa tao, pagkontrol ng mga bagay na hindi nahihipuan o nahahawakan, pisikal na pagbabago at takot sa mga banal na mga bagay. Taliwas sa paniniwala ng iilan, di kinukuha ng demonyo ang kaluluwa ng tao sa pamamagitan ng Demonic Possesion, bagkus siya ang nagkokontrol sa katawan ng isang indibidwal.
Talagang napakatalinghaga at misteryoso ang ating daigdig, nasa saatin kung maniniwala tayo sa mga bagay na ito, o gusto mong maranasan ang ganitong mga bagay.
Mga Sanggunian:
EXORCISM Revised Edition, Rev. Fr. Jocis Syquia (AKLAT)
https://www(.)newportri(.)com/a63da3b5-172f-5463-94cb-72f705f27120(.)html (WEBSITE)
Roman Ritual, (AKLAT)
My Battle Against Satan, Rev. Fr. Gabriele Amorth (AKLAT)
Litrato mula sa google(.)com