18/05/2023
💯
"Seafarer is NOT for Everyone"
WHY??
Buhay Seafarer 💯
Pag babarko?
Isang malaking sakripisyo na gagawin mo para sa sarili mo at lalong lalo na para sa pamilya mo.
Akala nila madali, at masarap ang buhay ng nagbabarko. Sa totoo lang, mahirap nakakapagod pero kaya naman. Travel the world for free nga daw? Oo, pero alam nyo ba bilang lang ang oras ng pag gagala mo.
Pag pang umaga ka, mamimili ka kung ipapahinga mo or ilalabas mo ang 2-3hrs na break at kung lalabas ka picture dito, picture doon, shopping ng mabilisan di kana makakapili ng maayos kung minsan. Pag pabalik kana tatakbo kana sa gangway para makapag bihis at mag trabaho na ulit.
Sa mga pang gabi naman, mahaba nga ang oras mo sa labas pero apektado naman yung tulog mo dun. Makagala lang tanggal na pagod, kahit wala na itulog. Yung iba naman hindi na lumabas mas pinipili nalang mag pahinga dahil sa sobrang pagod na.
Trabaho?
8-9 months wala kang day off,
trabaho mo sa isang araw minimum mo 10hrs 😅
Rough Sea?
Isa sa pinaka kalaban ng seaferer 💯 Kahit mag kanda basag basag ang baso magka hulog hulog ang mga trays, tabingi ka na mag lakad dapat tuloy lang sa trabaho kung mahilo pahinga lang konti inom ng anti seasickness na gamot tapos balik na agad sa area 😅
Breaktime?
Minsan 30 mins, kakaen ka nalang wala kana oras magpahinga sa cabina dahil sa haba ng pila sa crew mess.
One hour, kakaen ka mabilisan para makapaghinga ka sa cabina makakatulog tapos maririnig mo yung alarm mo, kahit na ayaw mo bumangon kailangan mo tumayo dahil may duty ka pa.
Pagkain?
Dami mo nga pera pero di mo naman makaen yung gusto mo.
Paulit ulit lang yung pagkaen na kakaen mo wala ka magagawa dahil ayon lang yung nakahanda na pagkaen sa crew mess.
Tulog?
Tulog manok kung tawagin.
4-5 hrs na tulog sapat na satin yun, swerte na yung mga 6-7hrs ka nakatulog 🙄😴
Inom?
Isa sa tanggal stress ng mga nagbabarko, makasama ang barkada, konting kasiyahan, at pampatulog na din pero sa tulad kong di mahilig mag inom deretso cabina or tamang kwentuhan lang sa mga katrabaho 😁
Kaya iwasan magkasakit, ingatan ang kalusugan at pangagatawan. Wag masyado mag pagod! Wag abuso sa katawan! Dahil ito ang puhunan natin sa barko 👌🏻
Pera?
Rason kaya nagbabarko tayo para magkaroon tayo ng maayos na buhay at mabigay ang mga pangangailangan ng ating pamilya at magiging pamilya sa tulad kong hindi pa kasal at para matupad din ang mga pangarap natin sa buhay
Homesick?
Kasama sa buhay yan, natural lang yan kahit gaano ka pa katagal sa barko, kahit na datihan kana dadating pa din yung araw na minsan malulungkot ka, ang hirap kaya ng malayo sa mga taong mahal mo. Mga okasyon na wala ka tulad ng Birthdays, Anniversary, Christmas at New Year. Pero kaya yan! Wag magpapatalo sa homesick, at kung maramdaman mo man ito just pray to God, it helps me alot when im going through this phase while on board and always tell yourself KAYA KO TO!!
Bakasyon?
Pinakahihintay ng lahat, makauwi at makasama ang mahal nila sa buhay ♥️
Kasabihan sa barko:
"Kontrata ang tinatapos hindi trabaho." 💯
Trabaho hindi mauubos yan.
Minsan mapapasip ka nalang. Araw araw eto nalang ginagawa ko? Paulit ulit? Nakakasawa na nakakapagod pero wala ka magawa kundi gawin padin. Nakakabilib kung iisipin mo lahat ng sakripisyo ng mga nagbabarko, gagawin lahat para sa pamilya kaya ako saludo ako sa mga katulad ko na nagbabarko! 💪🏻⚓️
(courtesy) | Matt Alonzo