S'bang ka Marawi

  • Home
  • S'bang ka Marawi

S'bang ka Marawi A community media outfit that brings stories on peace & social justice from Marawi & the Bangsamoro

S'bang Ka Marawi is a community media outfit that brings stories on peace and social justice from Marawi City and the Bangsamoro. We are composed of communication practitioners, community journalists, and grassroots patrollers who believe in the power of the media to build peace, uphold human dignity, and enact meaningful social changes. S'bang Ka Marawi started as a radio program and was establis

hed back in 2017 as a humanitarian response to the Marawi Crisis. Several years after, S'bang Ka Marawi continues to amplify people's stories and underreported social issues. Our reportage is supported by the Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) and its partners. For coverages, media releases, and collaborations, send a message to our page or email us at [email protected] and [email protected].

EYY KA MUNA EYY!๐Ÿค™Binabati ng Sโ€™bang Ka Marawi ang mga nagsipagtapos ngayong taon, lalo na ang ating mga community patrol...
03/08/2024

EYY KA MUNA EYY!๐Ÿค™

Binabati ng Sโ€™bang Ka Marawi ang mga nagsipagtapos ngayong taon, lalo na ang ating mga community patrollers at S'bang Ka reporters na walang sawang nagsilbi sa kanilang mga komunidad habang nagsusumikap para sa kanilang edukasyon. We are so proud of you ๐Ÿ‘ Padayon!

๐๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข! ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ ?Nasa 25 na estudyanteng mamam...
24/07/2024

๐๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข ๐ง๐š ๐ญ๐š๐ฒ๐จ ๐ง๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ฆ๐ข! ๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ ?

Nasa 25 na estudyanteng mamamahayag ng Butig National High School at Sultan Langco Memorial National High School ang lumahok sa 2-araw na pagsasanay para sa Media for Peace noong ika 26-27 ng June 2024.

Ang Sowara Kalilintad (Boses para sa Kapayapaan) ay naglalayong pagtibayin ang kakayahan ng mga miyembro nito sa larangan ng midya upang epektibo nilang maipahayag ang naratibo ng kanilang komunidad.

Isinalaysay ni Dr. Juvanni Caballero ang pinag-uugatan ng kaguluhan sa Bangsamoro at ang kasalukuyang mga inisyatibo para sa kapayapaan. Ipinakita naman ni Tocod Aromponi ng SANDAB 438 Frequency ang tamang paggamit ng two-way radio bilang isang epektibong midyum ng komunikasyon sa kanilang komunidad.

Aktibong lumahok ang mga kabataang mamamahayag sa ibat-ibang sesyon upang hasain pa lalo ang kanilang mga kasanayan sa pagsulat ng balita, radio broadcasting, photojournalism, paggawa ng video, at graphic design.

Subaybayan natin ang mga susunod na hakbang ng ating mga bagong community patrollers upang mas palakasin pa ang boses ng kanilang komunidad.

_____

Ang activity na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

17/07/2024

Kakulangan sa suplay ng kuryente ang matagal ng iniinda ng mga residente ng Pagalamatan Permanent Shelter sa Saguiaran, Lanao del Sur simula pa noong Pebrero 2019.

Ayon sa mga residente, paulit-ulit daw na nasisira ang mga transformer ng kuryente dahil hindi sapat ang capacity nito para sa halos 200 na internally-displaced households sa shelter.

Panawagan ni Barangay Pagalamatan Secretary Ansary Alan Pangcoga sa bagong LASURECO General Manager Percival G. Crisostomo na bigyang-pansin ang kanilang suliranin. Hiling ng mga bakwit na magkaroon ng dagdag na transformer na sasapat para sa kanilang komunidad.

Ganito rin ba ang iyong karanasan? Wala rin bang kuryente sa iyong komunidad? Isa rin ba ang iyong pamilya sa nakakaranas ng kakulangan sa suplay ng kuryente? I-share mo yan! ๐Ÿ‘‡

20/06/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang huling episode ng โ€œPamayandeg sa Ranao, Inungka ko Ranao, Tindug ko Ranaoโ€ kasama sina community broadcasters Nashiba R. Usman at Soraida Sultan mula sa Pamayandeg sa Ranao Residences at Dansalan (PRRD) Village Permanent Shelter, Marawi City.

Sa episode na ito:

๐Ÿ“ปTinalakay ni Nabila Mipanga, social worker at staff ng Philippine Red Cross - LDS Chapter, ang ibaโ€™t ibang mga karapatan ng mga kabataan.

๐Ÿ“ปNilatag din ni PRRD Permanent Shelter President Nashiba Usman ang mga polisiya sa kanilang komunidad na pumoprotekta sa mga kabataan.

๐Ÿ’ฌPara mapanood ang mga dating episodes, follow and like โ€™bang Ka Marawi (make sure that the page is tagged)
๐Ÿ“ž May mga gusto ka bang itanong o talakayin? Mag-text sa 0920 251 4027

__

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

19/06/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang huling episode ng โ€œHadiya KalangKaFUNโ€ kasama ang mga community broadcasters na sina Abduljalil Madid at Abdul Latif Bidra mula sa Hadiya Village Permanent Shelter, Marawi City.

Sa episode na ito:

๐Ÿ“ปIpinaliwanag ni Aleem Alfarouk Radia ang kahalagahan ng pagpapaigting ng pananampalataya sa Allah (SWT) at ang pagsunod sa katuruan at prinsipyo ng Islam bilang daan tungo sa pagkakaisa ng mamamayan para sa mas maayos, mas mapayapa, at tuloy-tuloy na pagbangon ng kanilang komunidad.

๐Ÿ’ฌPara mapanood ang mga dating episodes, follow and like S'bang ka Marawi.
๐Ÿ“ž May mga gusto ka bang itanong o talakayin? Mag-text sa 0920 251 4027

__

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

19/06/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang huling episode ng โ€œKapamagogopa Radio Programโ€ kasama ang isa sa mga community broadcasters na si Jamyla Guinal ng Pagalamatan Permanent Shelter.

Sa episode na ito:

๐Ÿ“ปTinalakay ni Pagalamatan Barangay Secretary Ansary Alan Pangcoga ang kasulukuyang problema sa kuryente sa kanilang komunidad at kung paano ito nakaaapekto sa maayos na pamumuhay ng mga residente.

๐Ÿ“ปNanawagan rin siya sa LGU ng Saguiaran at sa bagong LASURECO General ManagerPercival G. Crisostomo na makinig sa kanilang hinaing na magkaroon ng maayos na kuryente sa kanilang komunidad.

๐Ÿ’ฌPara mapanood ang mga dating episodes, follow and like Sโ€™bang Ka Marawi.
๐Ÿ“ž May mga gusto ka bang itanong o talakayin? Mag-text sa 0920 251 4027
โ€”

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

We extend the warmest Eidโ€™l Adha Mubarak to our Muslim brothers and sisters around the globe. In celebration of the Feas...
16/06/2024

We extend the warmest Eidโ€™l Adha Mubarak to our Muslim brothers and sisters around the globe. In celebration of the Feast of Sacrifice, we stand in solidarity with Muslims in Palestine and around the world who are unable to observe this holiday. Eidโ€™l Adha will not be as joyous until Palestine is free, from the river to the sea! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ธ

๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป โœŠ๐ŸพMatapang na nilabanan ng mga Mindanawon ang pagsakop ng mga Espanyol noong 1989, at pa...
12/06/2024

๐—”๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ธ ๐—ฎ๐˜† ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป โœŠ๐Ÿพ

Matapang na nilabanan ng mga Mindanawon ang pagsakop ng mga Espanyol noong 1989, at patuloy nilang nilabanan ang pananalakay ng mga Amerikano sa mga sumunod pang taon pagtapos. Ngayong Araw ng Kalayaan, inaalala natin ang kanilang kabayanihan.

Mula paglaban sa pananakop ng mga kolonyal na bayan hanggang sa pagtaguyod ng ating mga karapatan, araw-araw nating tatrabahuin ang ating paglaya โ€“ paglaya mula sa kahirapan, paglaya mula sa hindi pagkakapantay-pantay, at paglaya mula sa pang-aapi. Maligayang Araw ng Kalayaan!

๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐ŸŒŠ Mahigit-kumulang 70% ng mundo ay tubig at ang pinaka malaking anyong tubig na bumub...
08/06/2024

๐—”๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐ŸŒŠ

Mahigit-kumulang 70% ng mundo ay tubig at ang pinaka malaking anyong tubig na bumubuo sa porsyentong ito ay ang karagatan. Dito nanggagaling ang kalahati ng suplay natin ng hangin, at ito rin ang nagsisilbing natural na tahanan ng milyon-milyong saribuhay sa mundo.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nasisira, namamatay, at nauubos ang natural na yaman ng maraming parte ng karagatan. Ang dating nagbibigay ng suporta ay ngayo'y nangangailangan ng ating proteksyon at pag-alaga.

Nakikiisa ang Sโ€™bang Ka Marawi sa paggunita ng World Oceans Day. Mahalaga ang pangangalaga sa at proteksyon ng natural na yaman ng ating mundo, hindi lamang para sa kasalukuyan kundi pati na rin para sa kinabukasan natin at ng mga susunod na henerasyon.

Pagbabago ng sistema, hindi pagbabago ng klima ๐ŸŒฑNgayong World Environment Day, tumitindig ang S'bang Ka Marawi para sa h...
05/06/2024

Pagbabago ng sistema, hindi pagbabago ng klima ๐ŸŒฑ

Ngayong World Environment Day, tumitindig ang S'bang Ka Marawi para sa hustisya sa klima. Pinaka-apektado ng krisis sa klima ang mga komunidad na may pinakamaliit na kontribusyon dito โ€“ mga katutubo, mga kabataan at kababaihan, at mga maralita. Sa Bangsamoro, lubos pang mas malala ang epekto nito sa mga komunidad dahil sa madalasang paglikas dulot ng gulo. Kaya naman, panawagan namin sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kalikasan: aksyon sa krisis ng klima, ngayon na!

Pinaalalahanan ng Marawi Compensation Board (MCB) ang mga Marawi IDPs na i-sumite na ang kanilang application para sa co...
04/06/2024

Pinaalalahanan ng Marawi Compensation Board (MCB) ang mga Marawi IDPs na i-sumite na ang kanilang application para sa compensation bago ang nakatakdang deadline sa darating na July 3, 2024.

Nitong Mayo, sunod-sunod na mga community dialogues ang isinagawa ng MCB kasama ang mga civil society organizations, mga residente, barangay chairpersons, at mga kinatawan ng Most Affected Area (MAA) upang linawin ang mga tanong at proseso sa pag-apply ng claims.

Tampok sa mga usapin ang isyu tungkol sa Fair Market Value (FMV) na ginagamit sa komputasyon ng halaga ng compensation. Marami ang nagpahayag ng dismaya dahil sa mababang halaga ng appraisal para sa mga nasirang bahay at gusali.

Ayon sa datos ng MCB noong May 17, 2024, tinatayang 20,000 na ang naprosesong applications ng kanilang opisina at nakatanggap na ang mga claimants ng may halagang halos Php 175 million.

Pinabulaanan rin ni MCB Chairperson Maisara Damdamun-Latiph ang mga kumakalat na maling impormasyon na ang pondo para sa compensation ay nasa kanilang opisina. Ipinaliwanag niya na nasa Department of Budget and Management (DBM) ang pondo at DBM ang tanging nagpoproseso at nagrerelease ng cheke ng mga claims. # # #

Ngayong ika-pitong taong pag-alala ng Marawi siege, patuloy na nananawagan ang S'bang Ka Marawi, kasama ang iba't ibang ...
23/05/2024

Ngayong ika-pitong taong pag-alala ng Marawi siege, patuloy na nananawagan ang S'bang Ka Marawi, kasama ang iba't ibang sektor ng syudad, para sa permanenteng tirahan, sapat na oportunidad para maghanap-buhay, agarang kompensasyon, tunay at pangmatagalang kapayapaan, at torotop na kambalingan.

Naniniwala kami na susi ang impormasyon at pagbabahagi ng kwento ng mga komunidad na naapektuhan at patuloy na naaapektuhan ng krisis na ito upang mas lumawak pa ang ating alyansa โ€“ alyansa ng mga naninindigan para sa hustisya at karapatan ng mga taga-Marawi na mamuhay nang may dignidad.

Kaya naman bilang pakiki-isa ay pinagsama-sama namin ang ilan lang sa mga media outputs na ginawa ng aming team kasama ang lokal na komunidad sa Marawi nitong nakaraang pitong taon โ€“ mula documentary films, news report, at digital art: marawisiegecommemoration.carrd.co

Sa bawat kwentong ito ay naka-ugat ang aming pagtaguyod para sa isang payapa at maunlad na Bangsamoro.

28/04/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang ika-apat na episode ng โ€œKapamagogopa Radio Programโ€ kasama sina community broadcasters Janisah Acmad at Hamima Macacuna ng Pagalamatan Permanent Shelter.

Sa episode na ito:
Pinagusapan nina Barangay Secretary Ansary Alan Pangcoga at Shelter President Daico Mimbisa ang kasalukuyan nilang kinakaharap na suliranin na may kinalaman sa kalsada sa loob ng kanilang shelter.

Iminungkahi nila na gamitin ng maayos ang pondo na nakalaan para sa mga proyektong pang kalsada at pang transportasyon.

Isa rin sa nagbahagi ng kanyang sentimyento ay si Hamima Macacuna, isang community broadcaster tungkol parin sa matinding problema sa kalsada ng kanilang lugar.

Abangan ang iba pang programa at mga napapanahong usapin mula sa ating mga community broadcaster!

Mayroon ka bang katanungan, pagbati, o mga nais ibahagi?
mag-text sa 0920 251 4207
mag-chat sa S'bang ka Marawi kasama ng iyong pangalan at lugar

โ€”

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

27/04/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang ika-apat na episode ng โ€œPamayandeg sa Ranao, Inungka ko Ranao, Tindug ko Ranaoโ€ kasama sina community broadcasters Nashiba R. Usman at Nabila Mipanga mula sa Pamayandeg sa Ranao Residences at Dansalan (PRRD) Mipantao Gadongan Permanent Shelter, Marawi City.

Sa episode na ito:
Ibinahagi ni Abu Fatih Rajiab Manardas ang sakripisyo ng isang ama para sa kanyang pamilya bilang haligi ng tahanan at ang mahalagang papel ng mga ama sa pagtataguyod ng Islam sa kanyang pamilya.

Nagbigay rin siya ng wastong pamamaraan ng pag-aalaga, paggalang, at pakikitungo sa magulang. Ayon sa kanya, malaki ang gampanin ng isang anak sa kanyang mga magulang, kalakip nito ang iparamdam ang pagmamahal sa kanila at siguraduhing nasa maayos silang kalagayan.

Abangan ang iba pang programa at mga napapanahong usapin mula sa ating mga community broadcaster!

Mayroon ka bang katanungan, pagbati, o mga nais ibahagi?
mag-text sa 0920 251 4207
mag-chat sa S'bang ka Marawi kasama ng iyong pangalan at lugar

โ€”

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

27/04/2024

๐Œ๐š๐ฆ๐š๐ค๐ข๐ง๐ž๐  ๐ญ๐š๐ง๐ฎ ๐ฌ๐š ๐’'๐›๐š๐ง๐  ๐Š๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข!
๐Œ๐š๐ ๐š๐ง๐š๐ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐จ๐ ๐จ๐ฉ ๐“๐š๐ง๐จ. ๐Œ๐š๐ ๐ฉ๐จ๐จ๐ง ๐“๐š๐ง๐จ.

Pakinggan ang ika-apat na episode ng โ€œHadiya KalangKaFUNโ€ kasama ang community broadcaster na si Abdul Latif M. Vedra mula sa Hadiya Village Permanent Shelter, Marawi City.

Sa episode na ito:
Ipinaliwanag ni Al-Hafidh Bangcola ng Leadership Institute Organization of Student Leader sa Al-Khwarizmi International College ang mahalagang papel ng kabataan at kung paano sila makatutulong para sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad.
Tinalakay rin ang responsibilidad ng mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak para isapuso ang Qurโ€™an.

Abangan ang iba pang programa at mga napapanahong usapin mula sa ating mga community broadcasters!

Mayroon ka bang katanungan, pagbati, o mga nais ibahagi?
mag-text sa 0920 251 4207
mag-chat sa S'bang ka Marawi kasama ng iyong pangalan at lugar

โ€”

Ang episode na ito ay parte ng proyektong na nagsusulong ng kapayapaan sa BARMM sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga boses, pagsig**o ng pag-unlad, at pagbibigay ng dialogue platforms para sa mga komunidad na apektado ng conflict.

IN PHOTOS: IDEALS, Inc. welcomes youth fellows at the Salimbago Fellowship Programme launch event ๐Ÿ“ฃ๐Ÿš€IDEALS Inc. launched...
19/04/2024

IN PHOTOS: IDEALS, Inc. welcomes youth fellows at the Salimbago Fellowship Programme launch event ๐Ÿ“ฃ๐Ÿš€

IDEALS Inc. launched the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme at M Bistro, Lanao Del Sur on April 13, 2024. The programme is an intensive 4-week fellowship designed to enhance the capacities of youth organizations in Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, and Maguindanao del Sur provinces to contribute to peacebuilding advocacy through media and communication.

Representatives from the selected organizations participated in the event:
โญBangsamoro Scholars Association
โญOMAR (Organization of Muslims for Autonomy and Reforms)
โญUnawa Philippines
โญN'ditarun Tano
โญPeace Builder Youth Organization

Prof. Tirmizy Abdullah from the Mindanao State University led the first training session and discussed the historical context of conflict in the Bangsamoro region.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga g**o mula sa ibaโ€™t-ibang parte ng Lanao del Sur at Marawi City, aktibong lumahok sa training para sa pagtu...
11/04/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | Mga g**o mula sa ibaโ€™t-ibang parte ng Lanao del Sur at Marawi City, aktibong lumahok sa training para sa pagtuturo ng Media for Peace and Development (MPD) sa kanilang mga klase ๐Ÿ–‹๏ธ

Noong March 28, tinalakay ni Prof. Sorhaila L. Latiph-Yusoph ng Mindanao State University - Main ang kahalagahan ng at kung paano ito maaaring maituro ng mga g**o sa loob ng classroom.

Samantala, binahagi naman ni Senior High School Teacher at Publication Adviser Haniah Krys E. Ilupa ang kanyang karanasan sa pagtuturo ng Media for Peace and Development.

Noong 2021 ay 34 na mga g**o ang nag-pilot ng MPD module sa kanilang mga klase. Ngayong taon, inaasahan na 14 na g**o ang sunod namang magpapasok nito sa kanilang mga aktibidad.

Maraming salamat sa patuloy na suporta ng mga g**o at school Senator Ninoy Aquino College Foundation , Dhayfullah Islamic Institute Foundation, Inc., Datu Blo Umpar Adiong Agricultural - BUAD AGRI - School Foundation, Inc., Adiong Memorial National High School, Sultan G**o Memorial National High School, Bubonga-Marantao National High School, Datu Mamintal National High School, SULTAN ANGIN MNHS, Datu Calaca Memorial National High School, Marawi City National High School , Angoyao National High School Page, Dansalan National High School, RPMD National Science High School at Lake Lanao National High School .

๐™๐™–๐™ฆ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ก๐™–๐™๐™ช ๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™ฌ๐™– ๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ ๐™ช๐™ขMay this blessed occasion bring peace, harmony, and prosperity to everyone. Sโ€™bang ka Marawi ...
11/04/2024

๐™๐™–๐™ฆ๐™–๐™—๐™–๐™ก๐™ก๐™–๐™๐™ช ๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ฃ๐™– ๐™ฌ๐™– ๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ ๐™ช๐™ข

May this blessed occasion bring peace, harmony, and prosperity to everyone. Sโ€™bang ka Marawi sends its warmest greetings and wishes everyone a blissful feast filled with sweet moments and endless blessings. May Allah (SWT) accept our prayers, and may He grant us peace and good health in this world and the next.โ˜ฎ๏ธ

Eid Mubarak!!!!!




Heads up, applicants!We've sent you an email regarding the application results. Congratulations to the fellows of the Sa...
08/04/2024

Heads up, applicants!

We've sent you an email regarding the application results. Congratulations to the fellows of the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme! We can't wait to see you amplify your impact in the community as influential peacebuilders and effective storytellers.

The email also contains details regarding the kickstart and orientation. See you there!

Registration ends today!Join the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme! This intensiv...
05/04/2024

Registration ends today!

Join the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme! This intensive 4-week program is designed to develop your capacities in recreating Bangsamoro narratives at the grassroots level. After the program, you'll have the opportunity to secure a small grant to fund your communication for peacebuilding projects.

Register now at bit.ly/Salimbago2024. Form closes at 11:59 PM.โฌ…๏ธ

1 day left!Seize the chance to secure a small grant to fund your communication for peacebuilding projects! Through the S...
04/04/2024

1 day left!

Seize the chance to secure a small grant to fund your communication for peacebuilding projects! Through the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme, you will be able to enhance your design thinking and communications skills, know more about the importance of literature in times of conlifct, develop your project management skills, and engage in other workshops designed to cultivate your storytelling and peacebuilding skills.

Register now at bit.ly/Salimbago2024. โฌ…๏ธ

2 days left!Don't miss the chance to amplify your impact in the community and become influential peacebuilders and effec...
03/04/2024

2 days left!

Don't miss the chance to amplify your impact in the community and become influential peacebuilders and effective storytellers! Through the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme, you will be able to apply hope-based communications, learn the essentials of multimedia reporting, and engage in other workshops designed to cultivate your storytelling and peacebuilding skills.

Register now at bit.ly/Salimbago2024. โฌ…๏ธ

Calling all youth-led organizations in Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, and Maguindanao del Sur! ๐Ÿ“ฃReady to amplify ...
22/03/2024

Calling all youth-led organizations in Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, and Maguindanao del Sur! ๐Ÿ“ฃ

Ready to amplify your impact in the community and become influential peacebuilders and effective storytellers?

Join the Salimbago: Storytelling for Peace and Social Change Fellowship Programme! This intensive 4-week program is designed to develop your capacities in recreating Bangsamoro narratives at the grassroots level. After the program, you'll have the opportunity to secure a small grant to fund your communication for peacebuilding projects.

Register now at bit.ly/Salimbago2024. โฌ…๏ธ

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Œ๐ ๐š ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐๐‘๐‘๐ƒ ๐†๐š๐๐จ๐ง๐ ๐š๐ง ๐Œ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐จ ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ, ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐ข๐ง ...
19/03/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Œ๐ ๐š ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐›๐ฅ๐ž๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐ฎ๐ก๐š๐ง๐š๐ง ๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐›๐ข๐  ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐๐‘๐‘๐ƒ ๐†๐š๐๐จ๐ง๐ ๐š๐ง ๐Œ๐ข๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐จ ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ, ๐ฌ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฒ๐ข๐ง ๐ง๐  ๐ ๐จ๐›๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐จ
๐Ÿ“ทKuha ni Nashiba Usman, SKMarawi Patroller

Bumisita ang drilling team ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa PRRD Gadongan Mipantao permanent shelter noong February 24 para tukuyin ang mga lugar na maaaring pagkunan ng tubig ng mga residente.

Matagal nang iniinda ng mga internally-displaced persons (IDPs) ang kakulangan ng suplay ng tubig sa kanilang mga shelters. Mula 2021 ay umaaasa na ang mga residente sa pag-iigib tuwing umuulan, habang ang iba ay bumibili na lamang ng tubig sa halagang PHP 300 para sa 1,000 liters na tubig.

Ngayong buwan ng Ramadhan, mas mataas ang pangangailangan para sa tubig. Ginagamit ito para sa wudu o paghuhugas bago manalangin, na ginagawa nang maraming beses sa isang araw. Kailangan din ito para sa pagluluto at paghahanda para sa iftar o panggabing pagkain pagtapos ng isang araw na pag-aayuno. Ang pagkakaroon ng akses sa tubig ay hindi lamang para sa mga gawing panrelihiyon, ngunit para rin sa pagtataguyod ng kalusugan at kalinisan sa komunidad lalo na sa sagradong buwan ng Ramadhan.

Marami pang mga bakwit ang apektado ng kakulangan ng tubig, kabilang ang mga residente ng mga barangay ng Lumbac Madaya, Rayamadaya, Datu Dansalan, at Datu Naga.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nasisimulan ang paghuhukay ng mga natukoy na lugar sa permanent shelter.

๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ฆ๐›๐š๐ค ๐ง๐š ๐›๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ง ๐๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซโœ๏ธ๐Ÿ“ท Jamaliah Sau...
19/03/2024

๐๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ฆ๐›๐š๐ค ๐ง๐š ๐›๐š๐ฌ๐ฎ๐ซ๐š, ๐ฉ๐ข๐ง๐ฌ๐š๐ฅ๐š ๐š๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐š๐ง๐š๐ง๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐š๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ๐š๐ง ๐๐ž๐ซ๐ฆ๐š๐ง๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ก๐ž๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ
โœ๏ธ๐Ÿ“ท Jamaliah Saumay, Sโ€™bang ka Marawi

Dahil sa kawalan ng regular na koleksyon ng basura, iniinda ngayon ng mga residente ng Pagalamatan Permanent Shelter (PPS) ang malaking tambak ng basura na lubos na nakapipinsala sa kanilang mga pananim.

Marami sa mga bakwit na naninirahan ngayon sa shelter ang nagtatanim ng gulay sa kanilang mga bakuran bilang pagkain at dagdag na pagkakakitaan.

Isa si Rahma Mandagi, 67, sa mga residente na inirereklamo ang kawalan ng solid waste management sa shelter.

โ€œNasisira ang mga pananim na nagsisilbing pinagkukunan ng ulam at gulay ng mga tao rito sa shelter. Hindi na tumutubo iyong mga pananim dahil sa mga basura,โ€ panawagan ni Mandagi sa isang narrowcasting episode ng Kapamagogopa Radio Program.

Dahil hindi regular na kinokolekta ang mga basura, itinatapon na lamang ito ng mga residente sa bakanteng lote na malapit sa shelter. Sa loteng ito nagtatanim si Mandagi ng kanyang mga gulay.

Ayon sa panayam kay Barangay Chairman Al-moghni Pangcoga, susubukan daw ng opisina niya na makapaghukay ng lote para pansamantalang takpan ang mga naipon na basura.

โ€œIpapatupad na ang ordinansa na sinumang lumabag sa hindi tamang pagtatapon ng basura ay may multa,โ€ ani Hon. Pangcoga.

Ngunit ang paghuhukay ng bagong lote para sa basura ay hindi rin pinaburan ng mga residente dahil sa posibleng epekto nito sa kalikasan at kalusugan. Ayon sa mga pag-aaral, ang ganitong gawain ay nagdudulot ng kontaminasyon sa lupa, lalo na kapag may nasisipsip itong kemikal na pollutant. Ito ay may matinding epekto sa tao at hayop na kumo-konsumo ng mga pananim mula sa ganitong uri ng lupa.

Panawagan ng mga residente na agarang tumulong ang lokal na pamahalaan, partikular sa General Services Office (GSO) upang makapagbigay ng pangmatagalang solusyon. Ang GSO ang sangay ng gobyerno na may mandatong pangasiwaan ang regular na pangongolekta ng basura.

Sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang GSO ukol sa isyu sa kabila ng hiling para makapanayam sila.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Œ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐’๐š๐ ๐ฎ๐ข๐š๐ซ๐š๐ง, ๐‹๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ, ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐›๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ญ๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐šBilang p...
15/03/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: ๐Œ๐ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ๐ž ๐ง๐  ๐’๐š๐ ๐ฎ๐ข๐š๐ซ๐š๐ง, ๐‹๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ, ๐ง๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ฉ ๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐›๐ซ๐ž๐ง๐  ๐›๐š๐ค๐ฎ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐›๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐ญ๐ซ๐š๐ง๐ ๐ค๐š๐ฌ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ๐š

Bilang parte ng pagpapataas ng vaccination rate sa Lanao del Sur, nagkaroon ng libreng pagpapabakuna sa mga barangay ng Poblacion, Maliwanag, Pagalamatan, Batangan, Pindolonan, Maito Basak, Pantaon, Bubong, Limogaw, at Cadayonan noong Enero 25 hanggang Pebrero 3.

Ayon sa tala ng Rural Health Unit ng Saguiaran, ang 10 na barangay na napili ay kabilang sa mga may mabababang bilang ng nagpapabakuna.

Pinangunahan ng mga barangay health workers (BHW) sa mga nasabing barangay ang diskusyon tungkol sa benepisyo ng pagbabakuna. Layunin nila na palawakin ang kaalaman ng mga residente sa pag-iwas sa sakuna at ang responsibilidad ng bawat miyembro ng komunidad na magpabakuna.

โ€œKiyatokawan ko a naba marata so kapakibakuna. Mapiya so vaccine ka phakaugop rekta lagid o anti-flu vaccine, manga vaccine sa pulmonia. So kaimportante o kapaka-graduate o wata ko bakuna niyan,โ€ pahayag ni Saada Pangcoga, residente ng Barangay Pagalamatan.

(Nalaman ko na hindi pala masama ang pagpapabakuna. Nakakatulong ang vaccine sa atin tulad ng anti-flu vaccine, mga vaccine para sa pulmonya, at [mas naintindihan ko yung] kahalagahan na mapabakunahan yung mga maliliit na anak).

Ang mga aktibidad na ito ay parte ng Implementation of Vaccination Advocacies through Community Engagement and Accountability (CEA) na sinusuportahan ng Philippine Red Cross.

๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐œ๐ฅ๐š๐ข๐ฆ๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐ฌ๐ข๐ž๐ ๐ž ๐ง๐š๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ค๐š-๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ก๐ฒ...
08/03/2024

๐ƒ๐ž๐ฆ๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐œ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐œ๐ฅ๐š๐ข๐ฆ๐ฌ ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐ข๐ค๐ญ๐ข๐ฆ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ฐ๐ข ๐ฌ๐ข๐ž๐ ๐ž ๐ง๐š๐š๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐š ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ง๐š๐ค๐š-๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐  ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ง๐  ๐’๐จ๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‚๐š๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ก๐ฒ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐ƒ๐„๐๐‘ ๐‘๐ž๐ ๐ข๐จ๐ง ๐—
โœ๐Ÿฝ ๐Ÿ“ท Mosphera Comadug and MJ Romero, SKMindanao

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ng Marawi Compensation Board (MCB) ang Data Sharing Agreement for Social Cartography mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region X, dahilan sa pagka-antala ng pagproseso ng mga demolished structural claims sa ilalim ng RA 11696 o Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

Ang datos na ito ang magsisilbing baseline upang matukoy ang makatarungang kabayaran para sa mga may-ari ng pribadong imprastraktura na giniba dahil sa Marawi siege. Nakasaad ang requirement na ito sa naipasang Marawi Compensation Act, kasama ang mga tuntunin sa pagpapatupad ng Marawi Recovery, Rehabilitation and Reconstruction Program (MRRRP).

โ€œBinigyan po ng DENR ang MCB ng access para lang makita ang mga conflict areas, pero hindi po namin siya magagamit as evidence ng mga claimants natin, dahil hindi pa po opisyal na nai-turnover ito sa amin,โ€ paliwanag ni Fahad Taib, MCB Information Officer.

Dahil sa pagkakaantala ng claims, umani ng batikos ang MCB. Dismayado ang ilang claimants dahil matagal nang nagsimula ang filing of claims ngunit ngayon lang sila inabisuhan tungkol sa hinihintay na datos mula sa DENR.

โ€œBe fair naman po and abide by what you have said na first come first serve. Wala rin palang silbi kahit nauna mag-file ang apektado ng MRRRP, kasi hindi rin pala sila pina-prioritize,โ€ panawagan naman ni Azurah Ambor Laca, isang bakwit mula sa Brgy. Dansalan.

Noong January 2024 ay may naitalang 166 demolished structural claims and MCB. Wala pa sa mga ito ang nakakatanggap ng compensation sa ngayon.

Kasalukuyang tinatrabaho ng MCB na makuha ang datos pero hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang DENR Region X. Naidulog na rin ito ng MCB sa senado at kongreso.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa proseso ng claims, maaring bisitahin ang primer na ito: bit.ly/IDEALSRA11696FullPrimer.

๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐ฌ๐ช๐ฎ๐ž ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ง๐ญ๐š๐จ, ๐ง๐š๐ค๐š๐›๐ข๐ง๐›๐ข๐ง ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ ๐Ÿ“ทโœ๐Ÿผ Ustadz Musanif Jamail Mabasok, Sโ€™bang Ka Mar...
07/03/2024

๐ˆ๐ญ๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐ฌ๐ช๐ฎ๐ž ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ซ๐š๐ง๐ญ๐š๐จ, ๐ง๐š๐ค๐š๐›๐ข๐ง๐›๐ข๐ง ๐๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ
๐Ÿ“ทโœ๐Ÿผ Ustadz Musanif Jamail Mabasok, Sโ€™bang Ka Marawi Patroller

Naantala ang ipinapatayong extension ng mosque sa Brgy. Limaka Loks, Marantao na nakatakdang matapos sa darating na buwan ng Ramadhan sa Marso. Ito ay nakalaan sana para sa humigit kumulang na 600 na kababaihan sa barangay.

Ang mosque o masjid ay hindi lamang lugar ng pagsamba ngunit ito rin ay lugar para sa kababaihan at sa kanilang mga gawaing panrelihiyon at Islamikong pang-edukasyong.

Upang matustusan ang gastos sa pagpapatayo ng masjid, na aabot ng humigit-kumulang P500,000, nagkaroon ng inisyatiba ang mga ulama at ustadh na kumalap ng donasyon sa mga ahensya at iba pang indibidwal.

โ€œAya mala ka-importante a kapasad angkai a masjid tano na para maosar sa giyangkai a khauma a bolan a Ramadhan para maka Taraweeh so mga bae rektano. Makathatakna so pikir iran, so khatrang a sambayang na miyakarani, go makaloloag so darpa ron o manga bae,โ€ ani Aisah (hindi tunay na pangalan), isa sa mga ustadh sa barangay.

(Ang pagdarasal ng Taraweeh ay isang makabuluhang kasanayan sa buwan ng Ramadan. Importante na matapos ang masjid para magamit sa darating na buwan ng Ramadhan para makapagsamba ng Taraweeh ang mga kababaihan. Magkakaroon ng kapanatagan ng loob, at yung nais magdasal ay mas malapit at malaki yung espasyo.)

Sa mga nagnanais magpaabot ng kanilang tulong o sadaqa, maaaring niyong tawagan o i-text ang numero na ito: 09076105515.

Isa ang Sโ€™bang Ka Marawi na naging sandalan ng publiko noong kasagsagan ng Marawi Siege. Sa mga radio programs, nagbigay...
06/03/2024

Isa ang Sโ€™bang Ka Marawi na naging sandalan ng publiko noong kasagsagan ng Marawi Siege. Sa mga radio programs, nagbigay ang Sโ€™bang Ka Marawi ng tama at napapanahong mga impormasyon at pinalakas ang boses ng mga internally-displaced communities.

Ngayon, nagpapatuloy pa rin ang serbisyo ng S'bang Ka Marawi bilang isang community media outfit. Kasama natin ang mga patrollers at reporters na nagbabalita tungkol sa mga kinakaharap ng mga komunidad ๐Ÿ–‹๏ธ๐Ÿ“ธ

Panoorin dito:

Since the start of the Marawi Conflict, S'bang ka Marawi (Rise Up, Marawi) has been bridging dialogues among Maranao internally-displaced persons, civil soci...

Address


Telephone

+639202514207

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when S'bang ka Marawi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to S'bang ka Marawi:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share