25/12/2024
Kanina, pauwi ako galing trabaho, narinig ko si Kuya na may kausap sa telepono. 😔😢
Anak: “Pa, asan ka na? Wala si Mama, hinintay ka niya kanina pa.”
Kuya: “Pauwi na ako, ‘nak.”
Anak: “Pa, may pasalubong kang dala?”
Kuya: “Oo, ₱400 lang kinita ko ngayon. Yung ₱200, binili ko ng doughnut para sa inyo ng kapatid mo. Pamasko ko na sa inyo.”
Anak: “Okay lang yun, Pa. Uwi ka na, tapos magpahinga ka na. Kahit wala tayong handa bukas, basta makauwi ka, sapat na yun.”
Grabe, sa maliit na halagang kinita niya sa maghapon, naisip pa niyang bumili ng ikasasaya ng mga anak niya. Kahit pagod na siya sa trabaho, ginawan pa rin niya ng paraan na makauwi ng may dalang munting pasalubong, kahit ₱200 na lang ang natitira sa kanya. 😢
Aral:
Tayo, madalas malaki ang kinikita, pero minsan nakakalimutan nating pahalagahan ang maliliit na bagay.
Lagi nating tandaan na maging mapagpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap natin, gaano man ito kaliit.