PANOORIN: Pahayag ni Mody Floranda, Chairperson ng PISTON tungkol sa iligal na sapilitang pagcoconsolidate sa ilalim ng programa ng Public Utility Vehicle Modernization Program.
#NoToJeepneyPhaseout
#NoToPUVPhaseout
PANOORIN: Pahayag ni Tony "Ka-Lakay" Batulan, residente ng Brgy. San Vicente, Diliman, tungkol sa kumakalat na petition form sa panukalang Charter Change o chacha.
Aniya, ipinapipirma sa mga residente sa kanilang konunidad ang petisyon kapalit ng pangakong ayuda nang hindi man lang ipinaliliwanag ang tunay na layunin ng nilalaman ng kanilang pipirmahan na tungkol pala sa pag-aamyenda ng 1987 Constitution.
[Maaaring panoorin dito: 🔗 https://vt.tiktok.com/ZSNwEBys7/ ]
PANOORIN: Magsasagawa ng malawakang pagkilos ang mga drivers at operators bukas, January 16. Tutungo muli sa tarangkahan ng Mendiola ang transport groups na MANIBELA at PISTON kasama ang iba't ibang sektor upang manawagan sa paglalabas ng Supreme Court ng Temporary Restraining Order at pagbabalik ng kanilang mga prangkisa at makapagpatuloy sa kanilang hanapbuhay. #NoToJeepneyPhaseout #NoToPUVPhaseout #peoplesstruggle #fyp #manilaphilippines
Kuwentong Tsuper Episode 1: Rhoy Pacheco
KUWENTONG TSUPER: Episode 1 | Rhoy Pacheco
Si Roy Pacheco ay 13 na taon nang namamasada ng traditional na dyip sa ruta ng Alabang - Pasay Rotonda. Mula 2021, pinapasada naman na niya ang modernong dyip na gawa ng Glorious Works, isang lokal na manupaktura na nakabase sa Laurel, Batangas. Ang modified at modernized dyip na ito ay nagkakahalaga lamang ng Php 700,000 - Php 800,000 malayong malayo sa dalawa hanggang tatlong milyong halaga ng mga imported na modern dyip na inilalako ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) sa mga korporasyon at kooperatibang pumasok sa konsolidasyon ng prangkisa.
Hindi nakabubuhay para sa kaniyang pamilya ang magiging arawang sahod sa modern dyip.
#KuwentongTsuper
#NoToJeepneyPhaseout
#NoToPUVPhaseout
PANOORIN: Ginagamit ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) sa pangangalap ng mga pirma sa isang 'signature campaign' sa porma ng People's Initiative para iratsada ang Charter Change o Cha-Cha na pag-aamyenda sa 1987 Constitution.
Nakalagay sa cover letter na bahagi ng amendments na para lumago ang ekonomya kailangang ibukas ang ito sa mga foreign investors. Bagay na mariing kinundena ng mga progresibong grupo at binansagang 'misprioritization' ng gobyerno.
PANOORIN: Nagpiket-protesta ang iba't ibang transport groups at support groups sa huling araw ng franchise consolidation deadline. Patuloy na panawagan nila ang pagbasura sa PUV Modernization Progrma na kikitil sa hanapbuhay ng maraming tsuper at opereytor.
[ Tiktok: 🔗 https://vt.tiktok.com/ZSNWj5aeL/ ]
#NoToJeepneyPhaseout
#NoToPUVPhaseout
PARA!
PARA!
Tula ng Defend Jobs Philippines
Kahapon, libo-libong mga tsuper, opereytor at mga sumusuporta ang nagmartsa patungong tarangkahan ng Mendiola para irehistro ang kanilang malawakang pagtutol sa anila'y bogus na Public Utility Vehicle Modernization Program ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Ayon sa LTFRB, higit 31,000 o 70% ang bilang ng hindi pa nagpapaconsolidate sa buong National Capital Region. Apektado sa bilang na ito ang libo-libong pamilya ng bawat tsuper at operator maging ang ordinaryong komyuter na tumatangkilik sa tinaguriang 'hari ng kalsada'.
Ayon din sa Inclusive Cities Advocacy Network (ICAN) aabot sa P40 hanggang P50 pesos ang magiging minimum na pamasahe sa mga modern na mga dyip. Ito ay habang naglalaro sa P500 ang kinikita ng tsuper kada biyahe samantalang aabot sa P50-P60 ang average ng isang kilong bigas. Nananatili rin sa P610 ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa NCR na papasan ng dagdag gastos sa nagbabadyang pagtaas ng pamasahe.
"Para lang ba sa iilan?
Para ba ito sa inyo lang?"
#NoToPUVPhaseout
#NoToJeepneyPhaseout
TINGNAN: pagwagayway ng bandila ng PISTON at MANIBELA sa harap ng libo-libong drayber at opereytors kasama ang iba't ibang sektor at komyuter na sumusuporta sa kanila. Patuloy nilang panawagan na ibasura ang bantang PUV Phaseout sa mga traditional na mga dyip. #NoToPUVPhaseout #NoToJeepneyPhaseout #PeoplesStruggle
PANOORIN: Candle lighting ng mga drayber at opereytor sa Mendiola upang ipanawagan pa rin ang pagbabasura ng anila'y 'di makamasang PUV Modernization Program na nagbabanta ng malawakang PUV Phaseout.#NoToJeepneyPhaseout #NoToPUVPhaseout
TINGNAN: Matagumpay na nakarating ang mga tsuper at opereytor kasama ang mga komyuter sa tarangkahan ng Mendiola para irehistro ang kanilang panawagan para sa pagbabasura ng huwad na PUV Modernization Program #NoToPUVPhaseout #NoToJeepneyPhaseout
PANOORIN: Libo-libong draybers at opereytors kasama ang mga komyuter at ibang grupong sumusuporta sa kanila ang lumahok sa martsa patungong Mendiola upang ipanawagan ang pagbasura sa huwad na PUV Modernization Program.
PANOORIN: Buong puwersang nagmamartsa ang mga jeepney drivers at operators kaisa ng mga komyuter bitbit ang panawagang ibasura ang PUV phaseout lalo pa't papalapit na ang franchise consolidation deadline na tatanggalan ng kabuhayan ang libo-libong tsuper sa bansa.
WATCH: Led by transport groups STARTER - PISTON and MANIBELA, jeepney drivers and operators together with broad alliances call to junk PUVMP echoing along University Avenue, UP Diliman, Quezon City.
PANOORIN: Kasalukuyang nagkikilos-protesta ang mga tsuper at operyetor kasama ang mga taga-suporta sa Monumento Circle.
Patuloy na pinapawagan ng mga grupo ang pagbabasura sa franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Tutungong University of the Philippines Diliman (UPD) ang mga ito bago magmartsa pa-Mendiola mula Welcome Rotonda.
PANOORIN: Nagsumite ng petisyon para sa isang Temporary Restraining Order ang transport group na MANIBELA at PISTON sa Supreme Court para pigilan ang Department of Transportation's (DOTr) Order 2017-011 na Omnibus Franchising Guidelines. Ito ang pinagbasehan na December 31, 2023 deadline ng franchise consolidation. #NoToJeepneyPhaseout #NoToPUVPhaseout #manilaphilippines #PeoplesStruggle
LIVE: Kilos-protesta sa Monumento, Caloocan ng mga tsuper at opereytor sa ilalim ng transport group na MANIBELA at PISTON.
NGAYON: Kilos-protesta ng grupong MANIBELA sa Monumento, Caloocan ngayong araw 13 na araw bago ang deadline ng franchise consolidation na para sa mga tsuper ay porma rin ng phaseout. Nag-anunsyo ang grupo ng MANIBELA at PISTON ng pambansang tigil-pasada mula ngayong araw hanggang ika-29 ng Disyembre. Ayon sa Department of Transportation, aabot sa 60,000 ang tsuper na mawawalan ng kabuhayan kung matutuloy ang deadline.
BALITA | Ika-17 ng Disyembre Binigyang parangal at pagkilala ang namayapang rebolusyonaryong lider na si Jose Maria Sison bilang naging inspirasyon ng maraming grupo ang kaniyang mga artikulo't sulatin sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago.
WATCH: Atty. Edre Olalia's Reflections on Peace Negotiations held during Paaralang Jose Maria Sison's activity on the first death anniversary of Filipino Revolutionary leader Jose Maria Sison.
#PeaceTalks