Durian News

Durian News Duterte's Unified Reforms, Initiatives and Achievements Nationwide (DURIAN) established Jan. 1, 2016 Alternative sources of news. Not fake news!

Publishing news, informations and materials relevant to the Filipinos worldwide.

03/03/2025
03/03/2025

Ang Init bukas! Magdala ng payong o magsombrero
49 degrees sa Muñoz, Nueva Ecija
46 degrees sa Quezon City

SOCCSKSARGEN BILANG TUNA CAPITAL, PALALAKASIN NI LAPIDSa pagpapatuloy ng kampanya, sinuyod ni Ang Supremo ng Senado, Sen...
27/02/2025

SOCCSKSARGEN BILANG TUNA CAPITAL, PALALAKASIN NI LAPID

Sa pagpapatuloy ng kampanya, sinuyod ni Ang Supremo ng Senado, Senador Lito Lapid ang ilang bayan sa South Cotabato, nitong Miyerkoles.

Inikutan ni Lapid ang mga palengke at ilang Barangay sa Koronadal City, Polomolok at General Santos City kung saan magiliw at malugod syang
sinalubong ng mga tao.

Ipinangako ni Lapid sa mga taga South Cotabato na isusulong ang pagpapalago ng turismo kabilang na ang medical at agri-tourism para makalikha ng hanapbuhay sa mga kababayan natin.

Isa sa mga nakikita ni Lapid na maaaring palakasin at palawigin pa ay ang industriya ng Tuna dahil 80 porsyento ng tuna ay nanggagaling sa SOCCKSARGEN at ini-export sa ibang bansa.

Ayon kay Lapid, chairman ng Senate committee on Tourism, maaari itong maging tourist attraction na siguradong magbibigay ng mas marami pang trabaho sa mga taga-SOCCKSARGEN.

Gaya na lamang pagpapakilala sa iba’t-ibang putahe ng Tuna na maaring i-alok sa mga turistang dayuhan o lokal.

Si Senator Lapid ang may akda ng bill na magdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital of the Philippines na nakatakdang pirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr.

Nitong Huwebes ng umaga, nilibot din ni Lapid ang mga bayan ng Alabel, Malapatan at Glan, Saranggani kung saan magiliw syang sinalubong ng mga residente.

Kasama sina dating Senador Manny Pacquiao, Saranggani Governor Roel Pacquiao at GenSan Mayor Lorelie Pacquiao, dumalo naman si Lapid sa pagdiriwang ng Kalilangan Festival sa lungsod nitong Huwebes ng gabi.

BAGONG MUNICIPAL BUILDING AT POLICE STATION SA PORAC, BINUKSAN MAY BAGO ng tahanan ang munisipyo ng Porac, Pampanga mata...
05/02/2025

BAGONG MUNICIPAL BUILDING AT POLICE STATION SA PORAC, BINUKSAN

MAY BAGO ng tahanan ang munisipyo ng Porac, Pampanga matapos pasinayaan ni Senador Lito Lapid ang bagong municipal building at police station sa Barangay Cangatba nitong Miyerkoles ng gabi.

Sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba, pinondohan ni Lapid ang poryekto na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways(DPWH).

Inihayag ni Lapid na ang nasabing proyekto ay isang malaking achievement ng mga Poraqueño dahil simbolo anya ito ng katatagan, katahimikan, kaayusan at kaunlaran ng kanilang bayan.

Naniniwala si Lapid na ang bagong munisipyo at police station ay magbibigay ng magandang imahe sa Porac.

“Pangarap ko na gawing isang maunlad na lungsod ang Porac na nabaon sa lahar sa loob ng higit 3 dekada mula sa bulkang Pinatubo na pumutok noon 1991. Hangad ko na maaalala ng ating susunod na henerasyon ang legacy projects na ating pinatatayo hindi lang sa Pampanga kundi sa buong bansa,” ani Lapid

Sa datos ng Philippines Statistic Authority(PSA), itinuturing nang first class municipality ang Porac.

Todo pasalamat naman kay Sen Lapid sina Pampanga Gov. Dennis Pineda, Vice-Governor Lilia Pineda, Acting Mayor Myla Clarete, mga kawani at mga kapulisan sa kanilang bagong tahanan. END

‘𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢 𝗞𝗔𝗬 𝗚𝗨𝗢 𝗛𝗨𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗚?’Deputy Minority Leader Risa Hontiveros raised this question as she voted “No”...
28/01/2025

‘𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗡𝗔𝗧𝗨𝗧𝗢 𝗞𝗔𝗬 𝗚𝗨𝗢 𝗛𝗨𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗚?’

Deputy Minority Leader Risa Hontiveros raised this question as she voted “No” to a bill granting Filipino citizenship to Chinese national Li Duan Wang, also known as Mark Ong, who allegedly has ties to Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) actors during Monday’s plenary session on January 27, 2025.

Hontiveros insisted that Wang raises too many red flags for Congress to grant Filipino citizenship to the Chinese national.

“Susugal pa ba tayong muli sa isang taong ikinubli sa Kongreso ang kanyang mga kaduda-dudang kaugnayan? Hindi ko hinatulan ng guilty sa anumang krimen si Li Duan Wang… pero sapat ang mga red flags na ito para hindi siya pagkalooban ng pagiging Pilipino nang ganito lamang kadali,” the senator said.

(📸 Voltaire F. Domingo / Senate Social Media Unit)

LAPID NANAWAGAN NG KAPAYAPAAN, NAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MGA NASAWINAGPAABOT ng taus-pusong pakikiramay si Senador Lito ...
24/01/2025

LAPID NANAWAGAN NG KAPAYAPAAN, NAKIKIRAMAY SA PAMILYA NG MGA NASAWI

NAGPAABOT ng taus-pusong pakikiramay si Senador Lito Lapid sa pagkamatay ng mga sundalo ng Philippine Army matapos umanong tambangan ng Moro Islamic Liberation Front(M**F) sa Sumisip, Basilan nitong Miyerkoles ng umaga, January 22.

Sinaluduhan ni Lapid sina Cpl. ORLAND JAMES DIAMEL (Inf) ng
Kalawit, Zamboanga del Norte at PFC MARK BARAT (Inf) ng Carmen, Cotabato dahil sa kanilang sakripisyo at pagbubuwis ng buhay para sa bayan.

“Nakikisimpatiya ako sa mga naulila ng ating mahal na mga sundalo sa panahon ng kanilang pagdadalamhati dahil sa pagkawala ng padre de pamilya. Maliliit pa ang kanilang mga anak na naulila na kailangan ng suporta ng pamahalaan”, pahayag ni Lapid

Handa naman si Lapid magbigay ng financial assistance sa mga pamilya ng nasawi.

Bukod sa napatay na sundalo, sugatan din ang 12 tropa ng 32nd Infantry Battalion sa engkwentro sa mga tauhan ng 114th Base Command ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF), ang armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front (M**F).

Umaapela si Lapid sa magkabilang kampo na patuloy na irespeto ang peace agreement at panatilihin ang kapayapaan sa lalawigan ng Basilan.

Noong 2014, ang M**F at gobyerno ay lumagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro para sa kapayapaan at kaligtasan ng mga kababayan natin sa Mindanao.
END

18/01/2025

DINUMOG ng mga Cebuano ang show ng Batang Quiapo cast sa pangunguna nina Senador Lito Lapid, Direktor at actor Coco Martin sa pagdiriwang ng Sinulog festival nitong Sabado ng gabi.
Kasama rin sa cast sina Kim Domingo (Madonna), Mark Lapid(Ben), Smugglaz, Bassilyo at iba pa.
Nakatakda rin makilhok ang BQ cast sa float parade na gaganapin ngayong Linggo, January 19.

BREAKING NEWS! VP SARA DUTERTE, TINANGGAL SA NSCNAG-ISYU ng Executive Order No. 81 si  Pang. Ferdinand Bongbong Marcos  ...
03/01/2025

BREAKING NEWS! VP SARA DUTERTE, TINANGGAL SA NSC

NAG-ISYU ng Executive Order No. 81 si
Pang. Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na bumalasa sa National Security Council at sinibak si Vice-President Sara Duterte mula sa NSC at NSC executive committee.

Nakasaad din sa EO 81 ang pagtanggal sa past Presidents bilang NSC members pero binibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na magtalaga ng ibang government officials at pribadong mamamayan bilang miyembro.

Sa EO 81, sinabi ni Marcos na kailangan na matiyak na ang mga miyembro ng NSC ay kailangan protektahan ang national security at sovereignty.

LAPID, NANANATILI SA MAGIC 12 SA SWS SENATORIAL SURVEY INILABAS na ng Social Weather Station(SWS) ang last quarter pre-e...
26/12/2024

LAPID, NANANATILI SA MAGIC 12 SA SWS SENATORIAL SURVEY

INILABAS na ng Social Weather Station(SWS) ang last quarter pre-election Senatorial Preferential survey nito sa buong bansa.

Isinagawa ang face-to-face survey sa 2,097 registered voters mula December 12 hanggang December 18, 2024.

Nasa magic 12 pa rin si Sen. Lito Lapid na nasungkit ang number 11 spot kung saan nakakuha sya ng 23 percent.

Taus-pusong nagpasalamat si Lapid sa mga kababayan nating patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya.

“Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala at pagmamahal. Hangad ko po na maipagpatuloy ang mga nasimulan kong mga programa para sa agrikultura, edukasyon, kalusugan, paglikha ng mga trabaho, turismo at pagtulong sa mga mahihirap. Ramdam ko po ang inyong kalagayan,” diin ni Lapid na gumaganap na Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo.

Si Sen. Lapid ay isang beteranong lingkod bayan na nagsilbi ng mahigit 30 na taon bilang Bise Gobernador at Gobernador ng Pampanga at Senador.

FLASH REPORT: MARYJANE VELOSO, BALIK PINAS NA DUMATING na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos lumapag ang eroplano ...
18/12/2024

FLASH REPORT: MARYJANE VELOSO, BALIK PINAS NA
DUMATING na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos lumapag ang eroplano na kanyang sinakyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Indonesia ngayong umaga.

Sa unang pagkakataon nakabalik ng Pilipinas si Veloso matapos ang 14 na taong pagkabilanggo sa Indonesia dahil sa nahulihan ng illegal drugs at nahatulan ng death penalty noong 2010.

Hindi nayakap ni Veloso ang kanyang mga magulang at mga anak dahil agad syang ideneretso sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

LINGKOD LAPID, NAGPALUGAW AT NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA NASUNUGAN SA MAYNILANASA 522 pamilyang nasunugan sa Sta. Cr...
09/12/2024

LINGKOD LAPID, NAGPALUGAW AT NAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA MGA NASUNUGAN SA MAYNILA

NASA 522 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila ang nabigyan ng family food packs na ipinamahagi ni Senador Lito Lapid nitong Lunes ng umaga, Dec. 9.

Sa kanyang mensahe, nagpaabot si Sen. Lapid ng pakikisimpatiya sa mga kababayan nating naabo ang mga bahay at nawalan ng kabuhayan.

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa natanggap nilang relief goods na umano'y malaking tulong na sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Nagpakain naman ng mainit at masustansyang lugaw ang Supremo ng Senado sa mga matatanda at kabataan sa evacuation center.

Pansamantalang naninirahan sa loob ng Brgy 310 covered court ang mga biktima ng sunog kamakailan, na katabi lang ng Manila City Jail.

"KISS OF DEATH?"Makikita sa larawan na nagbeso-beso pa sina Pang. Bongbong Marcos at Vice-President Sara Duterte sa isan...
02/12/2024

"KISS OF DEATH?"

Makikita sa larawan na nagbeso-beso pa sina Pang. Bongbong Marcos at Vice-President Sara Duterte sa isang event noon.

Nitong nakalipas na November 2024, nagbanta ang Bise-Presidente na ipinapapatay nya si Marcos Jr.

Ito'y sa gitna ng mainit na imbestigasyon ng House Quadcomm sa di maipaliwanag na paggastos ng intelligence funds ng Office of the Vice-President at Department of Education.

LAPID: 200 ESTUDYANTE, NAKINABANG. SA AKAP PAYOUT SA BUGUIAS, BENGUETNAMAHAGI si Ang Supremo Senador Lito Lapid ng ayuda...
30/11/2024

LAPID: 200 ESTUDYANTE, NAKINABANG. SA AKAP PAYOUT SA BUGUIAS, BENGUET

NAMAHAGI si Ang Supremo Senador Lito Lapid ng ayuda mula sa DSWD-Ayuda sa Kapus ang Kita Program(AKAP) sa mga mahihirap na college student sa Buguias, Benguet.

Sa kanyang inisyatiba, nasa 200 benepisyaryo ang nabiyayaan ng tig-P5,000 para sa kanilang pangangailangan.

Sa kanyang mensahe, inaasahan ni Lapid na makatutulong ito sa kanilang pamilya.

Hinikayat naman ng Senador ang mga estudyante na pagbutihin ang kanilang pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Todo pasalamat si Buguias Vice-Mayor Dione Baucas sa pagbisita at pagbibigay ng ayuda ni Sen Lapid sa mga estudyante.

Nagpaabot naman ang mga benepisyaryo kay Sen. Lapid sa napapanahong ayuda sa kanila, lalo na ngayong papalapit na ang pagsusulit nila.

13/10/2024

SMLL PR No. 2024-041
(Tagalog version)

October 13, 2024

LAPID: PAGLAGO NG TURISMO, SAGOT SA UNEMPLOYMENT SA BANSA

SINAKSIHAN ni Senador Lito Lapid ang pagbibigay ng pondo para sa
dalawang recipients ng Corporate Social Responsibility(CSR) ng Association of Tourism Officers of the Philippines(ATOP) sa kanilang 25th national convention sa Koronadal City, South Cotabato nitong Huwebes, October 10.

Ang dalawang beneficiaries ng ATOP financial assistance ay tumanggap ng tig-50K kada isa.

1. Cooperative of Womens in Health and Development COWHED sa Lake Sebu
2. Fu Yabing Dulo Community sa Sitio Amgoo, Polomolok.

Katuwang ng Senador ang kanyang anak na si Mark Lapid, Chief Operating Officer ng TIEZA at si Ginang Junel Ann Divinagracia, National President, kasama ang iba pang opisyal ng ATOP sa awarding ceremony.

Bilang pinuno ng Senate Committee on Tourism, naniniwala si Lapid na solusyon ang turismo sa kawalan ng trabaho ng ating mga kababayan.

Ayon kay Lapid, malaki rin ang maitutulong sa ekonomiya ang pagpapalago at promosyon ng “One Town, One Product” program ng pamahalaan.

Nauna rito, isa sa umakda ang Senador sa Republic Act 9593 of 2009 o ang pagbalangkas at pagpapaunlad ng turismo sa mga kanayunan para mas marami ang mga Pinoy na may hanapbuhay at makahikayat ng mga local at foreign tourist.

Sa media forum sa Koronadal, sinabi ni Lapid na malaki ang pagbabago at pag-unlad ng turismo sa Mindanao dahil sa nawala ang stigma ng kaguluhan at naging maayos na ang peace and order situation sa rehiyon.

BREAKING NEWS!! NAARESTO na ng kapulisan si KOJC Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City pasado alas-6 ng gabi ngayong Ling...
08/09/2024

BREAKING NEWS!! NAARESTO na ng kapulisan si KOJC Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City pasado alas-6 ng gabi ngayong Linggo.
Ang umano'y appointed Son of God ay nadakip ng PNP sa pamumuno ni Police Brig. Gen. Nicolas Torre matapos ang 16 araw na pagsasagawa ng search operations sa buong kingdom at mahigit isang buwang pagtatago ni Quiboloy sa batas.
Nataon din na ngayon ang kaarawan ng Mahal na Inang Maria.
Si Quiboloy nahaharap sa mga kasong sexual abuse of a minor, child abuse, at qualified trafficking sa dalawang hukuman.
Inaasahan naman na dadalhin ng PNP si Quiboloy sa Metro Manila para harapin ang mga kaso at imbestigasyon ng Senado.

(FB: DILG Sec. Benhur Abalos)

LOOK: Pa-tweetams si fugitive Mayor Alice Guo nang maiturn-over ng Indonesian authorities kay DILG Secretary Ben Abalos....
07/09/2024

LOOK: Pa-tweetams si fugitive Mayor Alice Guo nang maiturn-over ng Indonesian authorities kay DILG Secretary Ben Abalos. May special treatment!? Bakit di nakposas? Kakaiba sa mga mahihirap na suspek sa isang krimen, agad nakaposas at kulong pa. Double edge of our justice system!?
May masasabi ka ba?

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Durian News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Durian News:

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share

Our Story

Publishing news, informations and materials relevant to the Filipinos worldwide. We entertain opinions, hecklers and healthy debate with our subscribers and followers. This is the news website for you. not yellows but pro-Duterte.