Bible Study Time

  • Home
  • Bible Study Time

Bible Study Time Our Daily word of truth study

13/07/2024

Kuya Raul ang OFW

21/06/2024

Doctrines of Aposle
In time like these what we should do.
Text: Joh 6:38 For I came down from heaven, not to do mine own will, but the will of him that sent me.
Joh 6:39 And this is the Father's will which hath sent me, that of all which he hath given me I should lose nothing, but should raise it up again at the last day.
Joh 6:40 And this is the will of him that sent me, that every one which seeth the Son, and believeth on him, may have everlasting life: and I will raise him up at the last day.

Ano ang turo ng Diyos or Doctrine of God.
God Doctrine
John 7:16 KJV Jesus answered them, and said, My doctrine is not mine, but his that sent me.
John 7:16 Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin.
My: Joh 3:11, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
Joh 3:31 He that cometh from above is above all: he that is of the earth is earthly, and speaketh of the earth: he that cometh from heaven is above all.
Joh 8:28 Then said Jesus unto them, When ye have lifted up the Son of man, then shall ye know that I am he, and that I do nothing of myself; but as my Father hath taught me, I speak these things.
Joh 12:49-50Joh 12:39 Therefore they could not believe, because that Esaias said again,
Joh 12:40 He hath blinded their eyes, and hardened their heart; that they should not see with their eyes, nor understand with their heart, and be converted, and I should heal them.

Joh 14:10 Believest thou not that I am in the Father, and the Father in me? the words that I speak unto you I speak not of myself: but the Father that dwelleth in me, he doeth the works.
Joh 14:24 He that loveth me not keepeth not my sayings: and the word which ye hear is not mine, but the Father's which sent me.
Joh 17:8 For I have given unto them the words which thou gavest me; and they have received them, and have known surely that I came out from thee, and they have believed that thou didst send me.
Joh 17:14 I have given them thy word; and the world hath hated them, because they are not of the world, even as I am not of the world.
Rev 1:1 The Revelation of Jesus Christ, which God gave unto him, to shew unto his servants things which must shortly come to pass; and he sent and signified it by his angel unto his servant John:
but: Joh 5:23-24,Joh 5:23 That all men should honour the Son, even as they honour the Father. He that honoureth not the Son honoureth not the Father which hath sent him.
Joh 5:24 Verily, verily, I say unto you, He that heareth my word, and believeth on him that sent me, hath everlasting life, and shall not come into condemnation; but is passed from death unto life.

Joh 5:30 I can of mine own self do nothing: as I hear, I judge: and my judgment is just; because I seek not mine own will, but the will of the Father which hath sent me.
Joh 6:38-40, our text
Joh 6:44 No man can come to me, except the Father which hath sent me draw him: and I will raise him up at the last day.

2. Apostles' doctrine"

Acts 2:42 KJV And they continued stedfastly in the apostles' doctrine and fellowship, and in breaking of bread, and in prayers.

they: Act 2:46 And they, continuing daily with one accord in the temple, and breaking bread from house to house, did eat their meat with gladness and singleness of heart,
Act 11:23 Who, when he came, and had seen the grace of God, was glad, and exhorted them all, that with purpose of heart they would cleave unto the Lord

fellowship: , Act 5:12-14; 1Jn 1:3, 1Jn 1:7
in breaking: Act 20:7, Act 20:11; 1Co 10:16-17, 1Co 10:21, 1Co 11:20-26
and in prayers: , Act 4:31, Act 6:4; Rom 12:12; Eph 6:18; Col 4:2; Heb 10:25; Jud 1:20
3. Sound doctrine
Sound doctrine yan! Tingnan natin kung ma-e-endure nila ang sound doctrine,

2Timithy 4:3 KJV For the time will come when they will not endure sound doctrine; but after their own lusts shall they heap to themselves teachers, having itching ears;
2 Timothy 4:3 Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; ano ang ibig sabihin nito ?
Ang tao nag nahanap ng Entertainment masaya, business pagkakapirahan sa church, Polotics before pastor appointed me na tutolong sa gawain May naririnig ako na nag ledelderan daw ako nagkamali kayo

Present the time: 2Ti 3:1-6; 1Ti 4:1-3
2 Timothy 3:1-6 (Tagalog AB)
3:1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.
2 Sapagka't ang mga tao'y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang, mga mapagmalaki, mapagtungayaw, masuwayin sa mga magulang, mga walang turing, mga walang kabanalan,
3 Walang katutubong pagibig, mga walang paglulubag, mga palabintangin, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo, mga palalo, mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios;
5 Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
6 Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,
1 Timothy 4:1-3 (Tagalog AB)
4:1 Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
2 Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;
3 Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Ano ang Respond nila ito yung member ng sariling kanya

they will:; Luk 20:19; Joh 8:45; Gal 4:16
Luke 20:19 (Tagalog AB)
19 At pinagsisikapan siyang hulihin sa oras ding yaon ng mga eskriba at ng mga pangulong saserdote; at sila'y nangatatakot sa bayan: sapagka't nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila.
John 8:45 (Tagalog AB)
45 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.
Galatians 4:16 (Tagalog AB)
16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?

sound: 1Ti 1:10
1 Timothy 1:10 (Tagalog AB)
10 Dahil sa mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral;

but: 2Ti 3:6; 1Ki 18:22; 2Ch 18:4Luk 6:26; Joh 3:19-21; 2Pe 2:1-3
having: Exo 32:33; Act 17:21 *Gr: 1Co 2:1, 1Co 2:4

Sana nga ipagkaloob ng Panginoon na makaunawa kayo mga kapatid. Kahabagan nawa kayo ng Diyos. 🙏

03/12/2023

Effectual Call of God is Inward call

Proverbs 22:28 removed not the landmarks" is a reference to a verse in the Book of Proverbs in the Bible. The full verse...
30/06/2023

Proverbs 22:28 removed not the landmarks" is a reference to a verse in the Book of Proverbs in the Bible. The full verse, in the King James Version, states:

"Remove not the ancient landmark, which thy fathers have set."

This verse is a proverbial statement urging people not to move or tamper with the boundary markers or landmarks that were established by their ancestors. In biblical times, land was typically divided and identified by specific landmarks such as stones or markers, which served as boundaries between different properties.

The proverb carries a moral lesson, emphasizing the importance of respecting property rights and boundaries. It implies that individuals should not encroach upon or take away what rightfully belongs to others. It serves as a reminder to honor the established boundaries and not to engage in dishonest practices such as land theft or boundary disputes.

In a broader sense, the proverb can be interpreted as a call to uphold integrity and fairness in all aspects of life, emphasizing the significance of respecting established rules, traditions, and values passed down by previous generations.

03/05/2023
05/12/2022
05/12/2022

Growth can be painful, change can be painful but nothing is as painful as staying stuck somewhere you don’t belong.
-Charles Spurgeon

07/10/2022

1Ki 22:14 …….. the LORD saith unto me, that will I speak

04/02/2022

☘️ ANG KALIGTASAN AY SA PANGINOON

"Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. KALIGTASA'Y SA PANGINOON (💎Jonas 2:9).
.. at HINDI sa tao o sa pamamagitan ng tao.

🤷🏻‍♂️ Kung ang tao, ayon sa Banal na Kasulatan ay...

~ patay sa kasalanan,
~ spiritually dead,
~ spiritually blind,
~ alipin ng kasalanan,
~ corrupted by sin,
~ UNWILLING and UNABLE to come to Christ, to believe, to repent, in, of and by himself...

🤷🏻‍♂️ PAPAANO SIYA NGAYON MALILIGTAS⁉️

Ang SAGOT: sa pamamagitan na lamang ng MERCY at GRACE ng Diyos! Nasusulat:

"For by GRACE have ye been saved through faith; and that NOT OF YOURSELVES [FREE WILL]: it is the gift of God."
(💎Ephesians 2:8 ERV)

"Not by works of righteousness which we have done, but ACCORDING TO HIS MERCY he saved us, by the washing of regeneration, and renewing of the Holy Ghost (💎Tit 3:5 KJV).

Samakatuwid... ⬇️⬇️⬇️

1. Ang isang TUNAY na MANANAMPALATAYA ni Kristo Hesus ay naligtas HINDI ayon sa KANYANG FREE WILL, kundi ayon sa SOVEREIGN WILL NG DIYOS.

👉 Ito ang sabi ng BIBLIYA:

John 1:12-13 (KJV)

[12] But as many as received him, to them gave he power to become the sons of God, even to them that believe on his name:

[13] Which were born, NOT of blood, nor of the WILL OF THE FLESH [FREE WILL], nor of the WILL OF MAN, BUT OF GOD [i.e. HIS OWN WILL].

2. Ang isang TUNAY na MANANAMPALATAYA ni Kristo ay kinikilala niya na siya ay naligtas HINDI sa pamamagitan ng POWER OF HIS OWN WILL, kundi sa pamamagitan ng SOVEREIGN, IRRESISTIBLE POWER ng DIYOS.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

Psalm 110:3 (KJV) Thy people shall be WILLING in the day of THY POWER.

3. Ang isang TUNAY na MANANAMPALATAYA ni Kristo ay naligtas HINDI dahil INIBIG O NINAIS NIYANG maligtas (ayon sa kanyang FREE WILL), kundi dahil lamang talaga sa AWA NG DIYOS sa kanya.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

Romans 9:16 (KJV) So then IT IS NOT OF HIM [WHO] WILLETH, nor of him that runneth, but of GOD [WHO] SHOWETH MERCY.

4. Ang isang TUNAY na MANANAMPALATAYA na saved ay kinikilala niya na HINDI ayon sa SARILI NIYANG PASYA kaya siya naligtas kundi ayon sa PASYA NG DIYOS.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

2 Timoteo 1:9 (TAB) Na SIYANG SA ATIN AY NALIGTAS, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi AYON SA KANIYANG SARILING AKALA [PASIYA; LAYUNIN; PURPOSE] at BIYAYA, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan.

Efeso 1:11 (TAB) Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na ITINALAGA na niya tayo nang una pa ayon sa PASIYA [PURPOSE; INTENTION] Niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa PASIYA [COUNSEL] ng kaniyang KALOOBAN [GOD'S OWN WILL].

5. Ang isang TUNAY na MANANAMPALATAYA ay naligtas HINDI dahil sa HINANAP NIYA ANG DIYOS (ayon sa kanyang FREE WILL), kundi SIYA ANG HINANAP NG DIYOS KAHIT TAGO SIYA NG TAGO.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

Roma 3:11 (TAB) Walang humahanap sa Dios.

Lucas 19:10 (TAB) Sapagka't ang Anak ng tao ay naparito upang HANAPIN at ILIGTAS ang NAWALA.

Roma 10:20 (TAB) At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako'y nasumpungan nilang mga HINDI NAGSISIHANAP SA AKIN; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin.

6. Ang isang HINIRANG NG DIYOS ay na-"saved" HINDI dahil TINANGGAP NIYA SI KRISTO (ayon sa kanyang FREE WILL), kundi SIYA ang TINANGGAP NG DIYOS dahil lamang o alangalang lamang sa KANYANG ANAK.

Ephesians 1:5-6

[5] (AMPC) For He FOREORDAINED us (destined us, planned in love for us) to be adopted (revealed) as His own children through Jesus Christ, in accordance with the PURPOSE OF HIS WILL [because it pleased Him and was His kind intent]–

[6] (KJV) To the praise of the glory of his grace, wherein HE HATH MADE US ACCEPTED in the BELOVED [meaning, JESUS CHRIST].

7. Ang isang HINIRANG NG DIYOS ay na-saved HINDI dahil SIYA AY LUMAPIT KAY KRISTO (ayon pa rin sa kanyang FREE WILL), kundi ang DIYOS ANG NAGLAPIT SA KANYA KAY KRISTO KAHIT SIYA AY NASA PAGTANGGI NOONG UNA.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

Juan 6:44 (TAB) Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang AMANG nagsugo sa akin ang SA KANIYA'Y MAGDALA [o MAGLAPIT] SA AKIN; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.

Mga Awit 65:4 (TAB) Mapalad ang tao na IYONG PINIPILI, at PINALALAPIT [o INILALAPIT] mo sa iyo.

8. Ang isang TOTOONG KRISTIYANO na ligtas ay kinikilala niya na siya ay naligtas HINDI ayon sa KANYANG GAWA [o GINAWA batay sa kanyang FREE WILL], kundi ayon sa GAWA NG DIYOS.

👉 Ito ang sabi ng Bibliya:

Philippians 2:13 (KJV) For it is GOD which [WHO] WORKETH in you both TO WILL and TO DO of his good pleasure [including SALVATION].

🥀🥀🥀🥀🥀

🧔🏻 Ako ay naligtas dahil IPINASYA, GINUSTO, NILAYON, NILOOB NG DIYOS na ako ay MALIGTAS "nang una pa" o "buhat pa ng mga panahong walang hanggan." GOD PURPOSED MY SALVATION BEFORE THE WORLD BEGAN at ito ang MAIN REASON kung bakit ako naligtas!

Kung kaya...

HINDI SA AMIN, Oh Panginoon, HINDI SA AMIN, kundi SA IYONG PANGALAN ay magbigay kang karangalan, dahil sa IYONG KAGANDAHANG-LOOB, at dahil sa IYONG KATOTOHANAN (💎Mga Awit 115:1).

Sa IKAPUPURI ng KALUWALHATIAN ng KANIYANG BIYAYA..
(💎Efeso 1:6)

Amen! 🙏❤️

16/10/2021

☘️ ANG KATUNGKULAN NG TAO SA DIOS

📜 "Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ITO ANG BUONG KATUNGKULAN NG TAO." (Ecclesiastes 12:13 TAB)

Ang buong katungkulan ng tao ay matakot sa Dios at SUNDIN ANG KANYANG MGA UTOS.

Napakarami ang mga utos ng Dios sa tao na dapat niyang sundin at GAWIN. Ang ilan sa mga ito ay,

👉 Ang utos na siya ay magsisi sa Dios,

📜 Mga Gawa 17:30 - "Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa't ngayo'y IPINAGUUTOS NIYA SA MGA TAO NA MANGAGSISI SILANG LAHAT sa lahat ng dako."

👉Ang utos na siya ay sumampalataya kay Cristo Jesus,

📜 1Juan 3:23 - "AT ITO ANG KANIYANG UTOS, NA MANAMPALATAYA TAYO SA PANGALAN NG KANIYANG ANAK NA SI JESUCRISTO, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin."

Ang PAGSISISI at PAGSAMPALATAYA ang unang mensahe ni Jesu-Cristo sa mga Judio sa panimula ng Kanyang ministerio,

Marcos 1:15 - "At sinasabi, Naganap na ang panahon, at malapit na ang kaharian ng Dios: kayo'y MANGAGSISI, AT MAGSISAMPALATAYA sa evangelio.

Ito rin ang sinaksihan o ipinangaral ni Pablo sa mga Judio at mga Gentil,

Mga Gawa 20:21 - "Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego ang PAGSISISI SA DIOS, at ang PANANAMPALATAYA SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO."

Ang magsisi sa Dios at manampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo ang hinihingi o demand ng Dios sa tao upang maligtas. Ito ang UTOS ng Dios.

❓Ngayon ang tanong, kaya bang GAWIN ng tao ang sumunod sa utos ng Dios? Mayroon bang "SPIRITUAL ABILITY" ang isang taong makasalanan na makapagsisi at manampalataya?

Napakaraming mga pastor at mangangaral ang nagtuturo na ang tao daw ay may FREE WILL kung kaya't kayang gawin ng tao ang magsisi at sumampalataya kung gugustuhin o magpapasya lamang siya. Kung pipiliin lang daw ng tao na tanggapin si Cristo (ibig sabihin, sumunod sa Dios), maliligtas siya‼️

Ito ang paniniwala at katuruan ng mga Arminian.

Ngayon, pansinin mo ang inconsistency at contradiction ng kanilang paniniwala!!!

UNA, kapag sila ay tinanong mo kung ang tao ba ay nakakasunod sa mga kautusan ng Dios, ang mariin nilang sagot ay HINDI. Pero naniniwala sila na dahil ang tao ay may free-will, may kakayahan siya na magsisi at sumampalataya. Kung ang tao ay may kakayahang magsisi at manampalataya, mangangahulugan may kakayahan siyang makasunod sa kautusan ng Dios sapagka't ang magsisi at manampalataya ay pawang mga utos ng Dios!

IKALAWA, naniniwala sila na ang tao ay hindi naliligtas sa pagsunod sa kautusan, pero naniniwala din sila na ang tao ay maliligtas kung siya ay magsisisi at sasampalataya, mga bagay na MAGAGAWA daw ng tao kung gugustuhin lang niya, ayon sa kanila!

Napakaliwanag! Ang katuruan ng mga Arminians ay "SALVATION BY MAN'S WORK" at hindi "SALVATION BY GOD'S GRACE‼️" Ang kaligtasan ay nakasalalay sa pasya at gawa ng tao, hindi sa pasya at gawa ng Dios!

Nasusulat,

"Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, HINDI AYON SA ATING MGA GAWA, kundi ayon sa kaniyang sariling AKALA (PASYA) AT BIYAYA, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan," (2 Timoteo 1:9).

☝️ Bagama't sa kaligtasan, walang nagawa ang tao upang siya ay maligtas...

☝️ Bagama't ang kapanganakang muli ay isang banal na pangyayari na hindi ayon sa ginagawa, nagagawa, o magagawa ng tao, kundi ayon sa ginagawa ng Dios sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa isang "spiritually dead sinner," hindi nangangahulugan na wala nang gagawin ang tao.

Maraming talata sa Biblia na nagsasabi kung ano ang dapat gawin ng isang makasalanan upang maligtas:

✝️ Magsisi - Mga Gawa 2:38; 17:30; Marcos 1:15; Lucas 13:3

✝️ Manampalataya - Juan 3:18, 36; 5:24; Mga Gawa 16:31

✝️ Lumapit kay Jesus - Mateo 11:28; Juan 6:35

✝️ Tumawag sa pangalan ng Panginoon - Roma 10:13

✝️ Tanggapin si Jesus - Juan 1:12; Colosas 2:6

✝️ Magpilit pumasok sa pintuang makipot - Lucas 13:24

Bagama't ang mga ito ay tungkulin ng tao, sapagka't iniuutos sa kanya ng Dios na gawin, hindi nangangahulugan na magagawa ito ng tao. Marami ang may maling paniniwala na komo inuutusan ng Dios ang mga tao na magsisi at manamapalataya akala nila ito ay magagawa nila.

Ang Dios ang gumagawa sa kaligtasan subali't kinakailangang hilingin pa rin ito ng tao sa Kanya.

📜 "Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Bukod dito pa'y pagsasanggunian ako ng sangbahayan ni Israel, UPANG GAWIN SA KANILA; ako'y magpaparami sa kanila ng tao na parang kawan," (Ezekiel 36:37).

[KJV Thus saith the Lord GOD; I will yet for this be ENQUIRED of by the house of Israel, TO DO IT FOR THEM; I will increase them with men like a flock.]

Upang maligtas, kailangan sanggunian [enquire] ng makasalanan ang Dios UPANG GAWIN SA KANYA ANG HINDI NIYA KAYANG GAWIN SA KANYANG SARILI.

11/05/2021

Next lesson po natin

1☘️ BIBLE DOCTRINE: MAN'S TOTAL DEPRAVITY

Introduction

📖 "Kayo'y mga PATAY dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan," (Efeso 2:1).

☝️ Ito ang isa sa mga pangunahin at mahalagang doktrina ng Biblia. Ito ay tungkol sa tao — ang kanyang anyo o kalikasan, kalagayan, at katayuan sa harap ng Diyos.

Bakit napakahalaga ng aral na ito?

🔸Kung wala ang katuruang ito, hindi malalaman ng tao kung gaano kalubha ang kanyang mga kasalanan at kung gaano siya kasama; kung papaano siya, bilang isang nilalang, na hindi karapatdapat sa paningin ng Diyos; na hindi nararapat sa ano mang kabutihan na nagmumula sa Diyos, kahit sa kaliit-liitang pabor; na hindi siya karapatdapat ng langit kundi ng impiyerno; na siya ay karapatdapat sa lahat ng kaparusahan na maaaring igawad sa kanya ng Diyos.

🔸Kung wala ang katuruang ito, hindi malalaman ng tao kung bakit KINAKAILANGAN niyang maligtas; na kailangan niya si Jesucristo at ang Kanyang kaligtasan; na lubha niyang kailangan ang kapatawaran ng Diyos.

🔸Kung wala ang aral na ito, ang tao ay mananatiling hambog at mapagmalaki sa kanyang sarili!

🤷🏻‍♂️ Kapag sinabi natin ang tao ay "totally depraved," ano ang ibig sabihin nito?

~ Ito ay tumutukoy sa masamang kalalagayan ng tao na nagkamit ng makasalanang anyo o kalikasan nang siya ay ipinanganak.

~ ang karimarimarim na dumi ng kasalanan ay umabot sa BAWAT PARTE O BAHAGI NG TAO — katawan at kaluluwa; ang kanyang buong pagkatao ay naapektuhan ng kasalanan.

~ na ang tao ay bulok dahil sa kanyang kasalanan, at ang kanyang kabulukan ay humawa sa kabuuan ng kanyang pagkatao — ISIP (INTELLECT), PUSO (HEART), AT KALOOBAN (WILL).

~ na walang makikita sa isang tao ng ano mang kabutihang espiritwal na may kinalaman o kaugnayan sa Diyos, kundi pawang KASAMAAN at KALIKUAN.

Nasusulat,

📖 Mga Awit 14:2-3 "Tinutunghan ng Panginoon ang mga anak ng mga tao mula sa langit, UPANG TINGNAN, KUNG MAY SINOMANG nakakaunawa, na hinahanap ang Dios.
Silang lahat ay nagsihiwalay; sila'y magkakasama na naging kahalayhalay; WALANG GUMAGAWA NG MABUTI, WALA, WALA KAHIT ISA.“

📖 Roma 3:10-12 "Gaya ng nasusulat, WALANG MATUWID, WALA, WALA KAHIT ISA; Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios; Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, WALA KAHIT ISA."

📖 Roma 3:23 "Sapagka't ang LAHAT AY NANGAGKASALA nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios."

Ito ang kasamaan na naging bunga ng pagkalaglag ng unang tao sa kasalanan.

👉 May malaking katotohanan ang sinabi ni Brother Arthur Pink (1886-1952) tungkol sa kung gaano kasama ang naging kalalagayan ng tao matapos siyang malaglag sa kasalanan. Wika niya,

"The entrance of sin has blinded the eyes of man’s heart and has darkened his understanding. So much so that, left to himself, man is unable to perceive the awfulness of his condition, the condemnation which rests upon him, or the peril in which he stands. Unable to see his urgent need of a Savior, he is, spiritually, in total darkness. And neither the affections of his heart, the reasonings of his mind, nor the power of his will, can dissipate this awful darkness."
~ Gleanings in Genesis

👉 Sa Confessions of Faith naman na ginawa ng mga Baptist sa England noong 1689, ipinahayag nila ang naging epekto ng pagka-hulog ng tao sa kasalanan. Ito ang kanilang sinabi,

"Man, by his fall into a state of sin, HAS WHOLLY LOST ALL ABILITY OF WILL to any spiritual good accompanying salvation (Rom. 5:6, 8:7); so as a natural man, being altogether averse [i.e. hostile, resistant, negative, allergic] from that good, and dead in sin (Eph. 2:1,5), is not able by his own strength to convert himself, or [even] to prepare himself thereunto (Titus 3:3–5; John 6:44).

🧔🏻 Itutuloy...

08/03/2021

☘️ BIBLE DOCTRINE: UNCONDITIONAL ELECTION

(Part 2)

Bible Facts:

🔹"elect" - binanggit sa Biblia 20 times
🔹"elected" - once
🔹"election" - 6 times
🔹"choose" - 39 times
🔹"chosen" - 122 times

I. SINO ANG PUMILI?

ANG DIYOS; ito ang ating mababasa sa

📖 1Corinto 1:26-28 - "Sapagka't masdan ninyo ang sa inyo'y PAGKATAWAG, mga kapatid, na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman, hindi ang maraming may kapangyarihan, hindi ang maraming mahal na tao ang mga TINAWAG: [27] Kundi PINILI NG DIOS ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga marurunong; at PINILI NG DIOS ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan, upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas; [28] At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan, at ang mga bagay na hinamak, ang PINILI NG DIOS, oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga..."

Ang kausap ni Pablo ay ang mga mananampalataya sa Corinto. Napansin nyo ba sa talatang ito ang kaugnayan ng PAGKATAWAG sa kanila sa PAGKAHIRANG sa kanila ng Diyos? Malinaw na ang mga TINAWAG (sa kaligtasan) ay mga PINILI NG DIYOS.

⛪ Sa mga mananampalataya naman na nasa Tesalonica, ito ang sabi ni Pablo tungkol sa kanila,

📖 2 Tesalonica 2:13 -" Nguni't kami ay nararapat magpasalamat sa Dios dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sa PAGKAHIRANG SA INYO NG DIOS buhat nang pasimula sa ikaliligtas sa pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan..."

👉 Napakalinaw ng katuruan ng Biblia! Hindi ang tao ang pumili sa Diyos, ang Diyos ang pumili sa tao. At ito ay pinatotohanan ni Jesucristo ng sabihin Niya sa Kanyang mga apostol,

📖 Juan 15:16 - "AKO'Y HINDI NINYO HINIRANG, nguni't KAYO'Y HINIRANG KO, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo."

☝️Hindi totoo na sabihin na kaya daw pinili ng Diyos ang isang tao ay sapagka't nakita Niya na ang taong iyon ay tatanggap kay Hesus. Samakatuwid, mauuna ang tao na piliin si Cristo bago siya pipiliin ng Diyos. Ito ay isang malaking kasinungalingan at salungat sa nabasa natin sa mga talata!

📖 Ito pa ang ating mababasa sa Marcos 13:20,

"At malibang paikliin ng Panginoon ang mga araw, ay walang laman na makaliligtas; datapuwa't dahil sa mga HIRANG, na KANIYANG HINIRANG, ay pinaikli niya ang mga araw."

Sino ang humirang sa kanila? Ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit may tinatawag na "GOD'S ELECT,"

📖 Romans 8:33 - Who shall lay any thing to the charge of GOD'S ELECT? It is God that justifieth.

"Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas," (Colosas 1:2), tinawag sila ni Pablo na mga "ELECT OF GOD,"

📖 Colossians 3:12 KJV Put on therefore, as the ELECT OF GOD, holy and beloved, bowels of mercies, kindness, humbleness of mind, meekness, longsuffering..."

👉 Matapos nating matunghayan mula sa liwanag ng Banal na Kasulatan na ang Diyos ay may mga PINILI o HINIRANG, hindi ko maintindihan kung bakit marami sa mga pastor at mangangaral, pati na rin sa mga nagsasabing sila daw ay Kristiyano, ang pilit na tinatanggihan at hindi pinaniniwalaan ang katuruang ito. Karamihan sa kanila ay galit na galit sa doktrinang ito at lubos nilang kinasusuklaman samantalang napakaliwanag naman na ito ay itinuturo sa Biblia. Papaano nila nagawang ikaila at itakwil ang isa sa mga pangunahing katuruan ni Cristo Hesus (Juan 6:37-45; 10:24-27; 17:2,6,9,11,12,20,24)⁉️

🤔 Hindi kaya ang ibig lamang sabihin nito, HINDI SILA KABILANG SA MGA HINIRANG NG DIYOS? Hmmm...
🤔⁉️🤔⁉️🤔⁉️

Susunod...

Sino ang mga Pinili ng Diyos?

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bible Study Time posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bible Study Time:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share