𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan

  • Home
  • 𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan

𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan, News & Media Website, .

'Ettam ngana ta Isabela' SA BAMBANTI FESTIVAL 2024, HANDA NANina Rey Velasco/ Lhea RebutazoLUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – ...
14/01/2024

'Ettam ngana ta Isabela' SA BAMBANTI FESTIVAL 2024, HANDA NA

Nina Rey Velasco/ Lhea Rebutazo

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – Muling masisilayan ang masaya at makasaysayang inaabangan na pagdiriwang ng taunang Bambanti Festival ngayon taong 2024 na may temang 'Ettam ngana ta Isabela' ang kasado na mga aktibidad at programa ang itinuturing na mother of all festivals sa Isabela.

Tampok sa pagdiriwang ang inaabangan na Search for Queen Isabela 2024, Agri-ecotourism Exhibit and Sale, Giant Bambanti Showcase, Street Dance and Dance Showdown Competitions, Festival King and Queen, Makan ken Mainum, Music Festival, Fun Run, Bubble and Rave Party, Grand Concert, at ang engrandeng Fireworks Display.

Pinangunahan ni Vice Gov. Faustino 'Bojie' Dy III bilang Director General ng Bambanti Festival 2024 ang pagsapinal kasama ang iba pang miyembro ng Executive Committee sa Balai, Isabela Provincial Capitol Compound bilang paghahanda sa makasaysayang pagdiriwang.

Dito ay tinalakay ang iba't ibang mga plano kaugnay ng isang linggong selebrasyon kabilang ang seguridad, trapiko, mga nakalatag na aktibidad o programa.

Para sa taong ito, ang lahat ng makikilahok mula sa ibat-ibang bayan at siyudad ng nasabing probinsya ay mahahati sa dalawang kategorya. Ang Category A ay para sa mga lungsod at 1st class municipalities, habang ang Category B ay para naman sa 2nd hanggang 5th class municipalities.

Samantala, ang 'Bambanti'

ay salitang Ilocano na ang kahulugan ay scarecrow sa wikang English habang ang temang 'Ettam ngana ta Isabela' ay mula sa salitang Ybanag o 'Tara na sa Isabela' na ipagdiriwang sa January 22-27, 2024.

Ang Bambanti ay ginagawang bantay at panakot sa mga peste, ibon o hayop sa mga taniman o palayan para sa masaganang ani.

Ang taunang selebrasyon ng Bambanti Festival ay nagsisilbi ring pasasalamat sa mga manggagawa sa kanilang progresibong kontribusyon sa agrikultura, sa pagkakaroon ng masaganang ani, kaya tinagurian bilang Agricultural Capital of the Philippines.

P250K pekeng binhi at abono, nasabatNi Rey VelascoSAN MANUEL, ISABELA - Nasabat ng mga kapulisan ang mga pekeng abono at...
11/01/2024

P250K pekeng binhi at abono, nasabat

Ni Rey Velasco

SAN MANUEL, ISABELA - Nasabat ng mga kapulisan ang mga pekeng abono at binhi na nagkakahalaga ng halos P250K sa Brgy. Sandiat West, San Manuel, Isabela.

Ayon kay PMaj. Michael Esteban, hepe ng San Manuel Police Station ay nahuli sa operasyon ang isang Eduardo Aquino 36-anyos at residente ng Sandiat West1 San Manuel, Isabela habang ang isang kasamahan nito na si Boss Pañing na taga Ramon, Isabela ay patuloy pa ring pinaghahanap.

Nakumpiska sa isinagawang operasyon ang sako-sako at pake-pakete ng pekeng binhi ng palay at abono na aabot sa halagang P250,000.¹

Nakuha rin mula sa suspek ang isang piraso ng tunay na 1000 peso bill at 254 na piraso ng One Thousand Pesos Bill na ginamit bilang boodle money.

Tatlumput isang piraso ng NSIC RC 4864- LP 534, Labing limang piraso NSIC RC 176H (CORTEVA) apat na piraso ng NSIC RC 322H (CORTEVA),siyam na piraso ng NSIC RC 488H(SC-194), tatlong piraso ng PHB79 NSIC No. RC 322H, isang sako ng NSIC RC 234H (SYNGETA), walong plastic bag ng NSIC 2017 RC 486-LP 534, na tig limang kilo , labing isang plastic bag ng NSIC RC234H SYNGENTA, na tig limang kilo tatlong plastic bag ng NSIC 2015RC 404H- LP2096, na tig limang kilo, apat na plastic bag ng NH3017 SYNGENTA, na tig limang kilo, apat na plastic bag ng NSIC RC 132H (SL-8H), na tig limang kilo, dalawang bag ng NSIC RC 488H (SL-19H), na tig limang kilo, Dalawamput apat na pakete ng NSIC 2017 RC 486H- LP 534, na naglalaman ng tig tatlong kilo,Anim na plastic bag ng NSIC 2015 RC 456H LP937, na may laman na tig tatlong kilo, Anim na pakete ng NSIC 2015 RC 404H-LP 2096, na naglalaman ng tig tatlong kilo, Dalawang pakete ng PHB79- NSIC No RC 322H, na naglalaman ng tig limang kilo at isang pakete ng NSIC RC 540H (SL-20H) na may laman na limang kilo.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa San Manuel Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ipinasakamay sa CIDG Isabela PFU office.

Nahaharap ang nahuling suspek sa paglabag sa RA 7394, o "The Consumers Act of the Philippines." (REY VELASCO)

Ex-cop na tulak ng droga, timbogNi Rey VelascoCAUAYAN CITY, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng isang dating pulis Mayni...
09/01/2024

Ex-cop na tulak ng droga, timbog

Ni Rey Velasco

CAUAYAN CITY, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng isang dating pulis Maynila dahil sa pagtutulak ng iligal na droga at pag-iingat ng hindi rehistradong baril sa District 1, Cauayan, City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Duazo Jr., 34-anyos, dating pulis sa Metro Manila, na nasibak noong 2020 at residente ng District 1, Cauayan, City, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang .65 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10,000 at isang caliber 22 na revolver na baril.

Napag-alaman mula sa PDEA Region 02, noong pasko pa minamanmanan ang pinaghihinalaan na ikinukusidera bilang High Value Target o HVT dahil isa siyang dating pulis at sa dami rin ng nakuha sa kanyang iligal na droga.

Samantala, Todo tanggi nitong pagmamay-ari niya ang nakuhang iligal na droga at baril dahil niya ito sa Maynila.

Nagulat naman ang kanyang mga magulang dahil wala umanong pera ang kanyang anak at hindi rin umano nagtutulak ng iligal na droga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act).

Balitang Probinsya
09/01/2024

Balitang Probinsya

Balitang Nasyonal
09/01/2024

Balitang Nasyonal

08/01/2024
Mag-asawa pinagbabaril ng riding in tandemNi Rey VelascoCAUAYAN CITY, Isabela - Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang...
07/01/2024

Mag-asawa pinagbabaril ng riding in tandem

Ni Rey Velasco

CAUAYAN CITY, Isabela - Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan sa pananambang ng riding in tandem criminal sa mag-asawa habang silay pauwi sa kanilang bahay sa Barangay Buena Suerte dito sa nasabing Lungsod.

Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Tirso Ancheta, 49-anyos, magsasaka at asawa nitong si Mildred Ancheta, 47-anyos at residente sa naturang lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na pasado 6:30 ng gabi ay pauwi na ang mag-asawa sakay ang kanilang tricycle.

Nang makarating ang mga ito sa harap ng kanilang bahay nang akmang bubuksan ni Mildred ang gate ng kanilang bahay ay biglang may humintong single motorcycle sakay ng dalawang katao kung saan ang backrider nito ang bumaril ng apat na beses kay Mildred.

Sinubukan pang tulungan ni Tirso ang kaniyang asawa ngunit binaril din ito at tinamaan ang kaniyang binti.

Agad tumakas ang riding in tandem papuntang Cauayan City proper habang ipinunta naman ang mag-asawa sa pinakamalapit na pagamutan matapos magreport ang isang konsernadong mamamayan.

Samantala, tila naging pasalubong na krimen sa pag-upo ng bagong Provincial Director PCol. Lee Allen Bauding kung saan ay maging hamon sa kanyang pamunuan at Cauayan City Police Station. (REY VELASCO

PCol. Bauding itinalaga bilang bagong PD ng IPPONina Rey Velasco/Lhea RebutazoCAMP LT. ROSAURO TODA JR. ILAGAN CITY, Isa...
07/01/2024

PCol. Bauding itinalaga bilang bagong PD ng IPPO

Nina Rey Velasco/Lhea Rebutazo

CAMP LT. ROSAURO TODA JR. ILAGAN CITY, Isabela - Itinalaga bagong Provincial Director si PCol. Lee Allen Bauding ng Isabela Police Provincial Office o IPPO matapos ang tour of duty na dalawang taon ni PCol. Julio Go na isinagawa sa IPPO Function Hall sa naturang kampo.

Nagsilbing presiding officer si Deputy Regional Director for Administration Brig. General Marcial Mariano Magistrado IV bilang representative ni PRO2 Regional Director Christopher Birung.



Nagpasalamat si PCol. Go sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng pamunuan ng PRO2 na pangasiwaan ang Isabela PPO sa loob ng dalawang taon nitong panunungkulan.



Una nang nagpaalam si Go sa mga kagawad ng media noong Disyembre 2023 dahil sa pagtatapos ng kanyang two-year tour of duty.

Tatlong Regional Director ng PRO2 nanungkulan si Go mula kay PBGen. Steve Ludan , Percival Rumbaoa at si Christopher Birung na siyang kasalukuyang namumuno sa Valley Cops at pansamantala madestino siya sa naturang Regional Command.



Samantala, si Colonel Bauding ay tubong Cervantes, Ilocos Norte na kasalukuyan nang naninirahan sa Baguio City at naitalaga sa Bontoc, Mountain Province at naging Deputy Provincial Director for Operations ng Abra Police Provincial Office o APPO at

dating hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) Visayas Field Office, AKG Luzon Field Unit at Intelligence Research and Analysis Division ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Isang malaking hamon sa kakahayan ni PCol. Bauding na pamunuan ang kapulisan sa Isabela lalo sa pagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan na nakatakdang ideklarang 'Insurgency Free Province' ang nasabing probinsya.

31/12/2023

Muling pagtatapos ng taon 2023 at harapin ang panibagong taon 2024 na puno ng pag-asa, katatagan at masaganang pagsalubong sa bagong taon...

Pagbati mula sa patnugutan at bumubuo ng intelihenteng pahayagan EXPOSY 'Ang Diaryo may Paninindigan'.

Senglot balik selda sa pagputok ng barilNi Rey VelascoSAN ISIDRO, ISABELA - Balik kulungan ang isang mister na lango sa ...
27/12/2023

Senglot balik selda sa pagputok ng baril

Ni Rey Velasco

SAN ISIDRO, ISABELA - Balik kulungan ang isang mister na lango sa alak matapos magpapaputok ng baril sa Purok 2, Brgy. Camarag, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Conrado Marzan Jr., 34-anyos, walang trabaho, at residente ng Brgy. Villaflor, San Isidro, Isabela.

Ayon kay PMaj. Grandeur Tangonan, hepe ng San Isidro Police Station, kasong paglabag sa RA 11926 o iligal na pagpapaputok ng baril at RA10591 o illegal possession of fi****ms and ammunitions ang isinampa nilang kaso laban sa suspek.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon si Punong Barangay Captain Marlon L. Millan ng Camarag na isa sa kanyang ka-barangay na sakay ng isang motorsiklo ay naglabas at nagpaputok ng kanyang baril.

Nagkataon namang nakita ng Kapitan ang isang pulis na kabarangay nito na nakatalaga sa San Isidro Police Station kaya agad itong nakahingi ng tulong.

Sa pagtugon ng kapulisan, binarurot ng suspek ang sakay na motorsiklo subalit dala ng kanyang kalasingan ay na-out balance at natumba ito sa kalsada kaya agad din itong naaresto ng mga humabol na pulis.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang G***k Caliber 9mm pistol na may kasamang magazine na kargado ng walong bala at isa pang magazine na kargado rin ng labing pitong piraso ng bala ng nasabing baril.

Kaugnay nito, isinailalim na sa cross-matching examination ang baril at mga bala na nakumpiska mula sa suspek.

Hindi naman inaalis sa imbestigasyon at tinitignang anggulo ng pulisya ang posibleng pagkakasangkot ng suspek sa mga naunanang naitalang insidente ng pamamaril sa kanilang bayan.

Samantala, napag-alaman na dati ng nakasuhan ng kaparehong kaso ang suspek na naitala naman sa bayan ng Echague, Isabela. (REY VELASCO)

24/12/2023

Mula sa bumubuo ng EXPOSY ' Ang Diaryo may Paninindigan' ay bumabati ng 'Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon'.

5 pamilya lubog sa baha sa CagayanNi Rey VelascoBALLESTEROS CAGAYAN - Posibleng madagdagan pa ang bilang ng indibidwal a...
23/12/2023

5 pamilya lubog sa baha sa Cagayan

Ni Rey Velasco

BALLESTEROS CAGAYAN - Posibleng madagdagan pa ang bilang ng indibidwal at pamilyang inilikas dahil sa patuloy pa rin ang pag-apaw ng tubig sa mga ilog papunta papunta sa mga kabahayan sa ilang barangay sa bayan ng Ballesteros, Cagayan.

Batay sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Ballesteros ang mga barangay na apektado ay ang Nararagan, Cabayu at San Juan.

Patuloy ngayon inilikas ang limang pamilya mula sa nasabing mga barangay at mananatili sa evacuation center na posibleng dito na aabutan ng pasko ang mga nasabing pamilya kung patuloy ang pagbuhos ng ulan sa lugar at karatig bayan. (REY VELASCO)

23/12/2023

Amazona,1 pa NPA patay sa engkwentro ng militar

Ni Rey Velasco

GATTARAN, CAGAYAN - Isang babae at isang lalaki na miyembro ng New People's Army (NPA) ang namatay habang walang naitalang casualty sa pwersa ng pamahalaan o kasundaluhan ng 95th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy. San Carlos, Gattaran, Cagayan, kaninang umaga (December 23, 2023).

Halos umabot sa 50 minuto ang engkwentro o labanan at nasamsam ang iba't ibang kagamitan ng mga patakas na rebelde sa lugar matapos ang engkwentro.

Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing makakaliwang grupo ng terorista.

Samantala, patuloy ang manhunt operation ng pwersa ng militar sa mga patakas na rebelde sa naturang lugar. (REY VELASCO)

Serbisyong Publiko Ni BRO
19/12/2023

Serbisyong Publiko Ni BRO

BACK PAGE
19/12/2023

BACK PAGE

FRONT PAGE...
19/12/2023

FRONT PAGE...

Mayor Rendon, pinangunahan ang tree plantingNi Rey VelascoAMULUNG, CAGAYAN - Bilang pagtalima para protektahan ang inang...
19/12/2023

Mayor Rendon, pinangunahan ang tree planting

Ni Rey Velasco

AMULUNG, CAGAYAN - Bilang pagtalima para protektahan ang inang kalikasan ay pinangunahan ni Mayor Elpidio R. Rendon ang tree planting kasama ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan at opisyal sa Brgy. Nabbialan Chocolate hills dito sa nabanggit na bayan.

Pinangunahan ni Mayor Rendon kasama si Bise Alkalde Edward M. Antonio kasama ang Tourism Sector, MENRO, Sb Member Ismael Zalun at ang Brgy. Officials ng Brgy. Nabbialan kasama din ang LGU employees.

Ang nasabing aktibidad ay sya ring sinuportahan ng Amulung Police Station sa pangunguna ni PMaj. Tristan John Zambale kasabay ng pagbibigay ngbseguridad sa mapayapang aktibidad.

Naniniwala si Mayor Rendon at iba pang sektor na daragdag din ito sa ikakaganda ng kanilang bayan at makakatulong sa hinaharap na climate change.

ISABELA, MULING GINAWARAN SA IKA- PITONG PAGKAKATAON SGLG AWARDNi Rey VelascoILAGAN CITY, ISABELA – Muling ginawaran sa ...
18/12/2023

ISABELA, MULING GINAWARAN SA IKA- PITONG PAGKAKATAON SGLG AWARD

Ni Rey Velasco

ILAGAN CITY, ISABELA – Muling ginawaran sa ika- pitong pagkakataon ng prestihiyosong parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of Interior and Local Government o DILG para sa taong 2023 ang probinsya ng Isabela sa pamunuan ni Gov. Rodito T. Albano III sa Manila Hotel, Ermita, Manila.

Dahil sa mahusay na pamamalakad ng pamahalaan panlalawigan ay nagsimula sunod-sunod na pinarangalan noong 2015, 2016, 2017, 2018, 2019, 2022 at ngayon taon 2023 ay nasungkit ang nasabing prestiyosong parangal.

Bukod dito, ang Lalawigan ng Isabela at ang munisipalidad ng San Mateo ay pitong beses na magkakasunod na tumanggap ng naturang parangal.

Kabilang sa ginawaran na syudad ay ang Ilagan at Santiago. Habang ang mga bayan naman ay kinabibilangan ng Alicia, Angadanan, Aurora, Benito Soliven, Burgos, Cabagan, Cabatuan, Cordon, Delfin Albano, Ecahgue, Jones, Mallig, Naguilian, Ramon, Reina Mercedes, Roxas, San Agustin, San Guilermo, San Isidro, San Manuel, San Mariano, San Mateo, Santa Maria, Santo Tomas, at Tumauini.

Ang SGLG ay institusyonal na parangal, insentibo at recognition-based program ng national government na may layong iangat ang kultura ng maayos na gobyerno.

Kung saan ay namintina ng pamahalaan panlalawigan ng Isabela ang sampung (10) governance areas tulad ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; and Youth Development.

Kasabay nito ang pagbibigay ng SGLG ng karagdagan pondo bilang insentibo para sa kanilang proyekto.

Dahil dito, lalo pang pinag-ibayo nina Gov. Albano ang serbisyo publiko sa mga Isabeliños matapos nitong matanggap ang prestiyosong parangal kasama si Vice Gov. Faustino Dy III at Provincial Administrator Atty. Noel Manuel R. Lopez at iba pang opisyal ng pamahalaan.

17/12/2023

4 na tulak ng 'tobats', tiklo

Ni Rey Velasco

SANTIAGO CITY - Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang apat na pinaniwalaan umanong adik sa droga sa isinagawang magkahiwalay na buybust operation dito sa nabanggit na Lungsod.

Pinangunahan ng Santiago City Intillegent Unit o CIU PMaj. Christopher Danao kasama iba pang station ng Santiago City Police Station o SCPO ay naaresto si J***y Javier Romero at Alejandro Sagauinit Bartolome na kapwa Street Level Individual o (SLI)

sa Garzota St., Purok 6, Buenavista dito sa nasabing Lungsod.

Nabili sa mga suspek ang isang pakete ng pinaniwalaang shabu na tumitimbang ng halos mahigit kumulang .40 grams at nagkakahalaga ng P3,000.00 at narekober pa sa kanilang pag- iingat ang tinatayang .30 grams na nagkakahalaga din ng P2,040.00, marked money na isang genuine P1,000.00 at dalawang piraso ng P1,000.00 boodle money na ginamit sa buybust operation ng mga nasabing operatiba.

Kabilang ang isang unit ng Oppo Android Cellphone at Honda TMX 125 na ginagamit sa kanilang modus operandi sa pagbebenta ng illegal na droga.

Samantala, naaresto rin sa parehong operasyon sina Leo Lucas Raiz (SLI) at Marcelo Bugnusen Kiwang (SLI) kung saan ay narekober sa kanilang pag-iingat ang isang pakete ng ponaniwalaang shabu na tumitimbang na 0.8 grams na nagkakahalaga ng Php. 5,440.00 sa Promise Land, Purok 7, Rizal, Santiago City.

Kasama ang buybust money na Php3,000.00, (1) unit ISUZU Elf truck na may plate number TRP862 at (1) unit Black Nokia keypad.

Nahaharap ang apat na suspek sa kasong may kinalaman sa

Sec. 5 and 11 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Top 5 most wanted ra**st sa Cagayan, himas rehasNi Rey VelascoABULUG, CAGAYAN - Himas rehas ang tinaguriang Top 5 Most W...
14/12/2023

Top 5 most wanted ra**st sa Cagayan, himas rehas

Ni Rey Velasco

ABULUG, CAGAYAN - Himas rehas ang tinaguriang Top 5 Most Wanted Person na akusado sa patung-patong na kasong panggagahasa sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.

Kinilala ni PMaj. Antonio Palattao hepe ng Abulug Police Station ang akusadong si Julian Guillermo, 38-anyos, may asawa, driver at residente ng nasabing bayan.

Naaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest dahil sa dalawang bilang na kaso nitong “Statutory R**e” at dalawang bilang rin ng panggagahasa na isinilbi ng magkasamang puwersa ng Abulug Police Station, Provincial Intelligence Unit, 3rd Mobile Force Platoon ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, at Western Cagayan Maritime Police Station.

Dinala ang akusado sa himpilan ng Abulug Police Station para sa karagdagang dokumentasyonat tamang disposisyon bago ito ipasakamay sa korteng kinauukulan. (REY VELASCO)

FRONT PAGE
14/12/2023

FRONT PAGE

Magkalaguyong parak huli ni mister na hubo't hubad sa hotelNi Rey VelascoTUGUEGARAO CITY, CAGAYAN - Naudlot ang sana’y p...
13/12/2023

Magkalaguyong parak huli ni mister na hubo't hubad sa hotel

Ni Rey Velasco

TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN - Naudlot ang sana’y paglalaro ng apoy at pagnanasa ng isat-isa ang dalawang magkalaguyong pulis nang sila’y maaktuhan na magkasama sa loob ng isang hotel sa Centro 8, Tuguegarao City, Cagayan.

Pansamantala itinago sa pangalang Nene, 25-anyos, nakatalaga sa 205th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 2 habang ang kalaguyo nito ay itinago rin sa pangalang Cris, 32-anyos, nakadestino naman sa San Agustin Police Station na kapwa residente ng bayan ng Echague, Isabela.

Una rito, nakita ng complainant ang asawa ng babaeng pulis na sumakay ang kanyang misis sa isang kulay Maroon na Toyota Vios na minamaneho ng hinihinalang kalaguyo ng kanyang asawa dahilan upang sundan ang naturang sasakyan.

Pumasok umano ang naturang kotse sa isang hotel partikular sa bahagi ng Taft Street ng Brgy. Centro dito sa nasabing Lungsod kaya agad namang humingi ng tulong ang mister kay Police Chief Master Sergeant Romel Ramos upang alamin kung anong kwarto nag-check in ang magkalaguyo.

Dito na nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan tinungo ang hotel kasama ang Kapitan ng nasabing Barangay.

Sa tulong naman ng staff ng nasabing hotel ay sinabi na nakita nito na nakahiga na ang dalawang magkalaguyo na kung saan ay nakahubad na ang babae.

Dito na pinasok ng mga otoridad ang kuwarto at naaktuhan ang walang saplot na babae at tuluyang dinakip ang dalawang magkalaguyo.

Agad na dinala sa himpilan ng Tuguegarao City Police Station ang dalawang nahuli na kinasuhan ng Adultery. (REY VELASCO)

TIGNAN: Kilalanin ang tinaguriang 'Hero Dog' na si Wheel, scent-tracking dog mula sa AK9 Mandog Society na nakahanap sa ...
10/12/2023

TIGNAN: Kilalanin ang tinaguriang 'Hero Dog' na si Wheel, scent-tracking dog mula sa AK9 Mandog Society na nakahanap sa mga labi ni Erma Escalante, ang nag-iisang pasahero ng bumagsak na Piper plane sa Casala, San Mariano, Isabela.

Abangan ang boung detalye sa EXPOSY 'Ang Diyaryo may Paninindigan'

Estudyanteng ra**st sa region 02, himas rehas habangbuhayNi Rey VelascoCORDON, ISABELA - Himas rehas habangbuhay ang aku...
08/12/2023

Estudyanteng ra**st sa region 02, himas rehas habangbuhay

Ni Rey Velasco

CORDON, ISABELA - Himas rehas habangbuhay ang akusado na isang estudyante na nasa Top 9 Most Wanted Person o TMWP Regional level sa ilalim ng COPLAN “WAKAT” sa Brgy. Anonang, Cordon, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Felix Mendoza, hepe ng Cordon Police Station kay PCol. Julio Go, kinilala ang suspek na si alyas Mer, 17 anyos, binata at residente sa nabanggit na lugar.

Matagumpay itong nahuli nang pinagsanib na pwersa ng Intel operatives ng Cordon PS na pinamumunuan ni PMaj. Mendoza kasama ang PIU IPPO, 2nd IPMFC, RIU PIT Quirino, at 145th SAC PNP SAF Lamut Ifugao sa pangunguna ni PCapt. Dandy Pinìon Cadurnigara sa kanilang isinagawang manhunt operation sa nasabing lugar sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Nicasio B. Bautista III, Presiding Judge, RTC Br. 21, Santiago City noong ika-9 ng Agosto, 2023 sa kasong R**e na walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang naturang suspek ay dinala sa himpilan ng Cordon para sa dokumentasyon at ngayon ay pansamantalang nasa pag-iingat ng Balay Namnama (Youth Home for Boys) Balintocatoc, Santiago City. (REY VELASCO)

116,584 ISABELIÑOS NABIYAYAAN SA IKA-WALONG 'BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR'Ni Rey VelascoILAGAN CITY, ISABELA - Umabot ...
05/12/2023

116,584 ISABELIÑOS NABIYAYAAN SA IKA-WALONG 'BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR'

Ni Rey Velasco

ILAGAN CITY, ISABELA - Umabot sa 116,584 Isabeliños ang nakinabang sa ika-walong bugso ng 'Bagong Pilipinas Serbisyo Fair' (BPSF) na umabot sa P400M ang naibahaging tulong ng pamahalaang nasyonal sa dalawang araw (Nov. 25-26, 2023) sa isinagawang aktibidad sa Isabela National High School at Ilagan City Sports Complex sa naturang Lungsod.

Sa inilunsad na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ang pinakamalaking service caravan sa bansa na nag­lalayong magbigay ng mga pangunahing serbis­yo ng gobyerno sa mga mahihirap na Pilipino sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.

Ang programang ito ay isa lamang sa mga unang hakbang ng pamahalaan upang magkaroon ng ba­gong pag-asa at bagong simula ang mga Pilipino.

“Magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino,” sabi ni Pangulong Ferdinand 'Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang naturang fair ay nagdala ng mga serbisyo ng pamahalaan at nagkakaroon din ng cash aid distributions.

“Batid po namin na hindi madali sa marami sa atin, lalo na kayong nakatira sa malalayong lugar, ang pumunta at makahingi ng tulong sa pamahalaan. Kaya nga po, sa Serbisyo Fair na ito, ang pamahalaan na po ang lumalapit sa inyo,” ani Romualdez.

“Sa Serbisyo Fair, nagsama-sama ang iba’t-ibang mga sangay ng pamahalaan upang maihatid at maipaabot nang mas mabilis ang mahahalagang impormasyon at serbisyo tungo sa ating sama-samang pag-unlad,” dagdag ni Romualdez.

Samantala, sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, na miyembro rin ng BPSF national secretariat, na aabot sa P152 million halaga ng cash aid ang naipamahagi sa mga residente ng Isabela.

Umabot sa 36 partisipanteng ahensya mula sa mga tanggapan ng DOH, SSS, PHILPOST, DICT, GSIS, PhilHealth, BIR, LTFRB, DOT, OCD, OWWA, NTC, DOLE, DHSUD, DMW, DTI, DENR, FDA, DOST, DepEd, DA, DAR, PCA, BFAR, PNP, NFA at iba pang ahensya ng pamahalaan at 195 major government services ang nakinabang na nakapagparehistro sa dalawang araw na BPSF.

Sa pay out ng DSWD province-wide sa 34 bayan at 3 lungsod ay umabot sa 42,000 indibidwal na benepisyaryo sa P140M ang nakinabang sa naipamahaging tulong.

Ilan sa mga serbisyong kabilang dito ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS of the Department of Social Welfare and Development o DSWD, maging ang scholarship programs ng Technical Education And Skills Development Authority o TESDA at Commission on Higher Education o CHED.

Namigay rin ang pamahalaan panlalawigan ng Isabela ng libreng wheelchairs sa mga Senior citizens at Persons With Disabilities o PWD's.

Naging host sa distrito (1st District) si Deputy Speaker Antonio "Tonypet" T. Albano katuwang sina Isabela Governor Rodolfo T. Albano Ill, Vice Gov. Faustino Dy III at Local Government Unit ng Lungsod ng Ilagan kabilang ang suporta nina 5th Dist. Cong. Faustino Michael Carlos T. Dy at iba pang kongresista sa probinsya para mailapit ang mga programang nasyonal sa mga Isabeliños.

Labis na nagpasalamat sina Gov. Albano at Vice Gov. Dy sa tulong na programa ng pamahalaan sa inisyatibo ni Pangulong Marcos at kay House Speaker Romualdez sa mga Isabeliños.

Samantala, ang naturang aktibidad ay halos kaparehas sa programang Bojie Rodito Opportunities o BRO nina Gov. Albano at Vice Gov. Dy na kasalukuyang isinasagawa sa bawat bayan at lungsod dito sa nasabing probinsya. (REY VELASCO)

Bayan ng Jones, Isabela idenklarang 'Insurgency Free' naNi Rey VelascoJONES, ISABELA -Pinangunahan ni BGen. Eugene Mata,...
04/12/2023

Bayan ng Jones, Isabela idenklarang 'Insurgency Free' na

Ni Rey Velasco

JONES, ISABELA -Pinangunahan ni BGen. Eugene Mata, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade, 5ID Philippine Army ang pagdedeklara bilang 'Insurgency Free' ang bayan ng Jones, Isabela na sinaksihan nina PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, PMaj. Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station at Mayor Nhel Montano ng naturang bayan.

Ayon kay Brigade Commander BGen. Mata, idineklara ang Jones, Isabela bilang 'Insurgency Free' municipality dahil wala nang namomonitor na presensya ng mga makakaliwang grupo o New Peoples Army (NPA) dito sa nasabing lugar.

Pangatlo ito sa mga bayan na idineklarang malaya na mula sa mga teroristang grupo kung saan una itong nakamit ng bayan ng San Guillermo at Echague.

Sinabi pa ni BGen. Mata, malapit nang matapos ang presensya ng mga makakaliwang grupo sa rehiyon dos kung saan sa hilagang bahagi na lamang sa probinsya ng Cagayan ang may minomonitor na nalalabing kasapi ng NPA.

Ang bayan ng Jones ay kabilang sa bumubuo ng JESSA Complex kasama ang mga bayan ng Echague, San Agustin, San Guillermo, at Angadanan na matagal na pinamugaran at naging kanlungan ng mga NPA sa rehiyon.

Ang pagiging insurgeny-free ng Jones ay hindi magagawa lang ng kasundaluhan at kapulisan kundi kasama ang LGU, DILG, NICA at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, target naman sa unang bahagi ng taong 2024 na maideklarang insurgency-free ang probinsya ng Nueva Vizcaya at Isabela. (REY VELASCO)

Address


Telephone

+639361838542

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 𝗘𝗫𝗣𝗢𝗦𝗬: Ang Diyaryong may Paninindigan:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share