09/11/2021
𝗕𝗔𝗦𝗔𝗛𝗜𝗡 | 𝗧𝗮𝗺𝘂𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹, 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗺𝗽𝗼𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗵𝗮𝗿𝗲𝗱 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆, 𝗰𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗳𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗳𝗮𝗰𝗲 𝗰𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀
Nobyembre 09, 2021 – Ipinamalas ng Tamulaya Elementary School (TES), na matatagpuan sa Polillo Island sa Quezon Province, ang kanilang kahandaan sa pagbabalik klase ng kanilang mga mag-aaral sa Nobyembre 15 sa nakatakda nilang partisipasyon sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Sa ocular visit ng mga opisyal ng DepEd sa pangunguna ni Pangalawang Kalihim Nepomuceno Malaluan at Planning Service Director Roger Masapol, ipinakita ng TES ang kanilang mga retrofitted classrooms, handwashing facilities, at iba pang mga health at safety protocols para sa nalalapit na face-to-face classes.
“This is not an inspection but a validation that our field units have implemented the Joint Memorandum Circular for the pilot implementation. I think it validates for us the framework of shared responsibility, kitang-kita natin ang pagtutulungan ng ating Regional and Division Offices, katuwang ang LGU at barangay, with the full support of the parents and teachers,” pagbabahagi ni Usec. Malaluan.
“Bilang nanay ng bayan ng Polillo, ako po ay laging handang (hingan), tawagan, at kung ano po ang maitutulong ng pamahalaang lokal ako po ay palaging nandiyan,” ani Polillo Mayor Cristina Bosque.
Nagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Polillo at Barangay Tamulaya upang makapagbigay ng kinakailangang suporta sa mga pangangailangan ng TES habang sinisig**o na ang mga nakapaligid na komunidad ay may kamalayan sa mga protocols kapag nagsimula na ang pilot implementation. Naka-istasyon ang mga barangay tanod at mga pulis sa mga checkpoints sa harap ng paaralan upang mapanatili ang kaayusan at masig**o na lahat ay susunod sa itinakdang mga protocols.
Ayon sa mga opisyal ng paaralan, ang lahat ng mga g**o at kawani ng TES ay 100% fully vaccinated na at ang buong populasyon ng Polillo Island ay umabot na sa 80% ang fully vaccinated na mga residente, naabot na ang immunity herd, isa sa pangunahing kadahilanan kung bakit naging kwalipikado ang TES sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Ang mga g**o ng TES, sa pamumuno ni Punong G**o Lilibeth A. Torres, ay nagpahayag ng kasigasigan sa pagbubukas ng paaralan. Ayon sa kanilang mga testimonya, ang pilot implementation ay interbensyon na lubhang kailangan upang masig**o na ang kanilang mga mag-aaral ay magkaroon ng daan sa kalidad na edukasyon.
Sa kabuuan, mayroong 49 na mga estudyante mula sa Kindergarten hanggang Grade 3 ang lalahok sa pilot implementation. Bawat klase ay binubuo ng 5-8 mga mag-aaral kada pangkat na may dalawang (2) mga grupo kada araw. Ang oras ng klase ay tatlong (3) oras kada araw, mula Lunes hanggang Biyernes.
Ang mga magulang ay mananatiling nakaantabay sa labas ng paaralan maliban sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Kindergarten na may permiso na manatili sa isang itinalagang lugar.
“Congratulations to Tamulaya Elementary School, you have shown that with proper coordination and participation, a community can come together and overcome anything for the sake of their children,” pagbabahagi ni Kalihim ng Edukasyon Leonor Magtolis Briones.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2021/11/09/tamulaya-elementary-school-highlights-shared-responsibility-commitment-in-their-preparation-for-pilot-face-to-face-classes/]