27/05/2022
Hindi mo rin talaga masasabing sayang lang ang oras sa mga kalokohang ginawa mo nung kabataan kapa eh. Bakit kanyo? Eto ah. Habang tumatanda kayong magbabarkada. Unti unting nababawasan yung mga inuman, tambay, kwentuhan, kase nga lahat busy na. May kanya kanya ng responsibilidad bawat isa. Yung mga dating isang aya mo lang kumpleto na kayo, minsan susunduin nyo pa sa bahay para lang payagan. Eh ngayon, wala, kailangan mo pa ata magdasal sa lahat ng santo makumpleto lang kayo.
Kase aminin natin, may mga mas mahahalagang bagay na kasi tayong dapat unahin eh diba? Pamilya, trabaho, career, pera, lovelife kaya gustuhin mo mang makasama yung mga tropa mong daig pa magkapatid sa sobrang close nyo, ang hirap na magawa. Kase meron ng due date, bills, naghahabol ng promotion, nagpapayaman, busy sa career, o minsan ayaw lang talaga payagan ng asawa haha.
Kaya yung mga kalokohan, katarantaduhang ginagawa nyo dati? Oo minsan mali, dala lang ng kabataan, o lasing pero Hindi yun pag aaksaya ng oras kapatid. Para syang investment ba sa sarili mo. Para sa mga panahong di mo sila makasama? May mga alaala kang nakatabi. Yung tipong kahit wala sila, pag naalala mo yung mga pinag gagagawa nyo dati eh, para kang lumalaya, parang bumabalik yung pagkabata mo tapos ayun mapapangiti ka nalang bigla. Sabay sabi sa sarili, miss ko na tong mga gagong to ah 🍻