15/05/2024
Rhose Jen Imbong Lee
Requirements po para magpa dual citizen
✅ 1. Nso / Psa Birth Certificate
✅ 2.Nso/ Psa Marriage certificate
✅ Philippine passport (w/sig or 2 old Philippine government issued IDs
✅ Affidavit of renunciation if any
🔴in my case nag ask po ako about dito sabi q wala po akong ganyan
hindi na lang pinadala pero kindly ask the Embassy officer pra sigurado
✅Certificate of Naturalization (기본 증명서 상세) Kibun jeungmyeongso sangse
🔴 W/english translation plus notarization (공종)
25,000 sa notarized 15,000 sa english translation
✅Foreign passport and Korea id wag po yung drivers license ayaw po nila tanggapin yun
✅ Family registry 가족관계증명서 w/ english translation plus notarization (공종)
✅ 6pcs 2×2size pics front
✅ 1 pcs 2×2size left side view
✅1 pcs 2×2size right side view
♦️Kumuha nang appointment sa Philippine Embassy official website
marami naman slot maghintay lang for 1 month hindi kagaya sa passport na sobrang tagal
♦️Paki photocopy po nang lahat ng req 3 copy sa lahat ng documento
♦️ bring your Philippine Passport, Korean passport and Korean id
♦️Puede mag download nang application form para hnd na magtagal sa pag fill up dun sa immigration
♦️magprepare nang bayad kelangan po cash 67,000won
♦️sa Pinas po ako ngpa process ng birth at marriage 155 peso
Dinamihan q na ang copya para sure na magagamit in the future tig 5piraso sa birth at marriage
♦️Pag sa ems pinadala abutin daw 2-3months sa Jrs Express ko pinadala 2-3weeks ang dating for 950peso express documents
pero 1 week lang natanggap ko na agad super premium express pala.hapy ako sa sobrang bilis dumating
♦️May kamahalan po magpapicture
2×2 front 6pieces 30,000
2×2 left 10,000
2×2right10,000 humingi ng discount baka makadiscount pa
🔴Pag may appointment na at ma komplete na ang lahat requirements punta lang po sa embassy
Puede din tumawag sa tel nila kahit tig 19forgotten nila sagutin mgnda pag tumawag naka korean kasi nasagot talaga ang Korean 🔴Applying time
Pagkatapos pag andun na sa loob at nakapasa na lahat at nakabayad na din, bigyan na po kayu nang schedule para sa oath taking wed ung oath taking alas 2 bawal daw po ma late 1 kelangan nasa embassy na
🔴Sa March 30 pa kami mag oath taking pagkatapos nun puede na makarenew nang Phil passport