GO Muntinlupa

  • Home
  • GO Muntinlupa

GO Muntinlupa Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GO Muntinlupa, Media/News Company, .

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time ...
23/08/2024

NEW TSIKOT UNLOCKED 🔓

TINGNAN: Kahapon, pormal nang ibinigay ng Cherry Auto Philippines kay Philippine Olympian two-time Gold Medalist Carlos Yulo ang brand new SUV na Cherry Tiggo 7 Pro para sa kanyang tagumpay na ibinigay sa bansa noong nagdaang Paris Olympics 2024.

Ang nasabing Sports Utility Vehicle (SUV) ay nagkakahalaga ng ₱1,250,000.

Matatandaang binigyan din si Yulo ng Toyota Philippines ng Toyota Land Cruiser Prado.

📸/Source: Cherry Auto Philippines

RESULTS ARE OUT, RCRIM! 🤙🏻BASAHIN: Ngayong araw, inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng ...
23/08/2024

RESULTS ARE OUT, RCRIM! 🤙🏻

BASAHIN: Ngayong araw, inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta ng isinagawang Criminology Licensure Examination (CLE) noong ika-31 ng Hulyo hanggang ika-2 ng Agosto.

Mahigit kalahati (11,121 out of 22,539) ng examinees ang tagumpay na naipasa ang CLE 2024.

Pagbati sa mga bagong Criminologists!

Source: PRC Board
https://www.prcboard.com/top-10-july-august-2024-criminologist-board-exam-results/

HANDA NA ANG ATING MGA PARALYMPIANS! 🇵🇭TINGNAN: Ibinahagi ng Philippine Paralympic Committee ang isusuot ng ating mga Pa...
23/08/2024

HANDA NA ANG ATING MGA PARALYMPIANS! 🇵🇭

TINGNAN: Ibinahagi ng Philippine Paralympic Committee ang isusuot ng ating mga Paralympians para sa Paris Olympics 2024 Opening Ceremony na idaraos sa darating na ika-28 ng Agosto.

📸: Ditta Sandico
Source: PTV

22/08/2024

Saludo sa mga Working Student! 🫡

video courtesy: charizadrianosm | TikTok

TATLONG BATANG NA-TRAP SA SUNOG, INILIGTAS NG KANILANG TITOTINGNAN: Pinuri ni Mayor Ruffy Biazon ang kabayanihang ipinam...
22/08/2024

TATLONG BATANG NA-TRAP SA SUNOG, INILIGTAS NG KANILANG TITO

TINGNAN: Pinuri ni Mayor Ruffy Biazon ang kabayanihang ipinamalas ni Freddie matapos nitong iligtas ang kanyang tatlong pamangkin na na-trap sa CR habang kasagsagan ng sunog sa Manatra, Barangay Buli nitong Miyerkules, ika-21 ng Agosto.

Nagpasalamat ang kanyang mga pamangkin na sina Precious, Vhon at Kerth sa ginawa niyang pagbubuwis ng buhay.

📸/Source: Rufy Biazon

ISANG RIDER SA ALABANG, PINAGSUSUNTOK AT PINAGSISIPA ANG MTMB ENFORCERBASAHIN: Isang rider ang inaresto noong Martes mat...
22/08/2024

ISANG RIDER SA ALABANG, PINAGSUSUNTOK AT PINAGSISIPA ANG MTMB ENFORCER

BASAHIN: Isang rider ang inaresto noong Martes matapos nitong pagsusuntukin at pagtatadyakan ang MTMB Enforcer na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Ayon kay Joel Fernandez, isang MTMB Enforcer, nagdiri-diretso ang rider habang may mga tumatawid na bata kaya naman pinahinto niya ang rider at kinuha ang lisensya nito upang patawan ng paglabas sa batas trapiko.

Nang maibalik ang lisensya sa rider ay doon na pinagsusuntok at pinagtatadyakan ang enforcer na si Joel Fernandez na nakita sa CCTV footage.

Agaran namang rumisponde ang Pulisya ng Alabang upang mapahupa ang tensyon at dalhin sa kustodiya ang nanakit na rider na taga-Quezon City.

Source: GMA Integrated News

WALANG PASOK ADVISORYBASAHIN: Suspendido na ngayong Lunes ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong ...
19/08/2024

WALANG PASOK ADVISORY

BASAHIN: Suspendido na ngayong Lunes ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod ng Muntinlupa dahil sa Volcanic Smog mula sa Bulkang Taal.

𝗦𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝟭𝟬:𝟬𝟬 𝗔𝗠 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄, 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟵, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗿𝗶𝘃𝗮𝘁𝗲 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹𝘀, 𝗮𝗹𝗹 𝗹𝗲𝘃𝗲𝗹𝘀, dahil sa unhealthy air quality sa Muntinlupa caused by volcanic smog.

Magshi-shift sa asynchronous mode of learning sa public schools, as advised by Schools Division Office-Muntinlupa City.

Tulad ng sinabi ko kaninang 5:30 AM sa live, naka-monitor tayo sa kalidad ng hangin sa lungsod. Bumababa ang level ng pollutants, pero nakikita pa rin na 'di gano'n kalakas o sapat ang hangin para maalis ang vog mula sa Taal.

Mag-ingat po ang lahat. Mas magandang 'di na lumabas para makaiwas sa pollutants. Kung kailangan lumabas, magsuot ng face mask.

Panoorin ang live announcement dito: https://www.facebook.com/share/v/RfZn1vDPgsJyoxfT/?mibextid=WC7FNe


02/08/2024

Hev Abi na may pagka-Aklas at Bio-Flu G ng MNHS 🤙🏻

Video Courtesy: John Luize Calica

PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭
24/07/2024

PRAY FOR METRO MANILA, PRAY FOR THE PHILIPPINES 🙏🏻🇵🇭

ABISO MUNTINLUPEÑOBASAHIN: Magiging bukas ang SM Center Muntinlupa ngayong Miyerkules para sa mga stranded na motorista ...
24/07/2024

ABISO MUNTINLUPEÑO

BASAHIN: Magiging bukas ang SM Center Muntinlupa ngayong Miyerkules para sa mga stranded na motorista sa kasagsagan ng Super Typhoon Carina.

MUNTI LGU, NAKIISA SA PAGTULONG SA LUNGSOD NG MALABON TINGNAN: Nakiisa sa pagtulong ang Water Search and Rescue (WASAR) ...
24/07/2024

MUNTI LGU, NAKIISA SA PAGTULONG SA LUNGSOD NG MALABON

TINGNAN: Nakiisa sa pagtulong ang Water Search and Rescue (WASAR) Team ng Muntinlupa sa Malabon City.

📸: Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management

Source: City Government of Muntinlupa - OFFICIAL

CROWDSTRIKE WINDOWS OUTAGE, NARANASAN SA IBA'T-IBANG BANSABREAKING NEWS: Naranasan ngayong Biyernes ang "Blue Screen of ...
19/07/2024

CROWDSTRIKE WINDOWS OUTAGE, NARANASAN SA IBA'T-IBANG BANSA

BREAKING NEWS: Naranasan ngayong Biyernes ang "Blue Screen of Death" sa iba't-ibang panig ng daigdig dahil sa nagaganap na Crowdstrike Windows Outage.

Naapektuhan ang mga malalaking kumpanya tulad ng mga paliparan, mga bangko at pati na rin ang mga media sa nasabing Microsoft outage.

Source: ABS-CBN News

OIL PRICE ROLL BACK! ⬇️GOOD NEWS: Sa apat na linggong sunud-sunod na pagpalo ng presyo ng petrolyo ay makakapagpahinga n...
13/07/2024

OIL PRICE ROLL BACK! ⬇️

GOOD NEWS: Sa apat na linggong sunud-sunod na pagpalo ng presyo ng petrolyo ay makakapagpahinga na ng bahagya ang bulsa ng mga motorista dahil magkakaroon na ng roll back sa darating na Martes, ika-16 ng Hulyo.

Ito ang mga magiging estimated na pagbaba ng presyo ng petrolyo:

DIESEL – ₱0.90 to ₱1.10/L
GASOLINE – ₱0.60 to ₱0.80/L
KEROSENE – ₱1.10 to ₱1.20/L

Source: ABS-CBN News

MAG-INGAT SA MGA KAWATAN SA KALSADA ⚠️TINGNAN: Sinamantala ng isang lalaki sa Alabang ang mabagal na daloy ng trapiko up...
10/07/2024

MAG-INGAT SA MGA KAWATAN SA KALSADA ⚠️

TINGNAN: Sinamantala ng isang lalaki sa Alabang ang mabagal na daloy ng trapiko upang makapagnakaw sa isang truck.

Ayon sa ulat, nahuli na ang suspek na tumangay ng box na may mahahalagang laman ngunit pinagdodoble iingat pa rin ng lokal na pamahalaan ang mga motorista sa ganitong uri ng krimen.

[screen grab to Joeven Rementas' facebook reels]

POGO RESORT SA PORAC, MAYROONG MGA MAGAGARANG PASILIDADTINGNAN: Tumambad sa mga awtoridad ang mga magagarang pasilidad n...
10/07/2024

POGO RESORT SA PORAC, MAYROONG MGA MAGAGARANG PASILIDAD

TINGNAN: Tumambad sa mga awtoridad ang mga magagarang pasilidad ng POGO Villas tulad ng helipad, underground tunnel, manicured lawns (na mayroong salon, spa at KTV bar) at game and entertainment centers.

Matatandaang ginalugad ang nasabing eksklusibong resort na matatagpuan sa Barangay Señora, Porac dahil pinamugaran ito ng mga Big Boss ng POGO sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac.

📸/Source: ABS-CBN News

SADAM, HINANGAAN NG MADLABASAHIN: Hinangaan si John Mark "Sadam" Ondevilla hindi lamang ng mga Muntinlupeño kundi pati n...
08/07/2024

SADAM, HINANGAAN NG MADLA

BASAHIN: Hinangaan si John Mark "Sadam" Ondevilla hindi lamang ng mga Muntinlupeño kundi pati na rin ng mga basketball fans sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas dahil sa kaniyang ipinakitang dedikasyon at disiplina sa unang game ng Finals ng La Liga De Muntinlupa noong Biyernes, Ika-5 ng Hulyo.

"Ganito ang magaling ng player focus lang sa game!!"

"Saludo sa player na to. Di nadadala sa taunt ng fans."

"Humble player👌 that's the character!🏀💪 Way to go sadam🙏 all the best! Mas kahanga hanga panoorin over the other one!"

Naging dikdikan man ang laban sa pagitan ng Barangay Cupang na kaniyang koponan kontra sa Barangay Bayanan na pinangungunahan ni UAAP Basketball Star Kean Baclaan ay hindi nagpatinag ang gilas ng isang Sadam.

Isa si Sadam sa mga naging role player ng
Barangay Cupang upang makamit ang panalo sa unang yugto ng Finals kontra sa Barangay Bayanan.

📸: Heber Photography

SOMEWHERE IN MUNTINLUPABawat motorista't komyuter may kanya-kanyang mga ala-ala sa lugar na ito.Saan kaya ito?
08/07/2024

SOMEWHERE IN MUNTINLUPA

Bawat motorista't komyuter may kanya-kanyang mga ala-ala sa lugar na ito.

Saan kaya ito?

MAYOR BIAZON, PINURI ANG PUBLIC APOLOGY NI KEAN BACLAANBASAHIN: Pinuri ni Mayor Ruffy Biazon ang Public Apology ni Kean ...
08/07/2024

MAYOR BIAZON, PINURI ANG PUBLIC APOLOGY NI KEAN BACLAAN

BASAHIN: Pinuri ni Mayor Ruffy Biazon ang Public Apology ni Kean Baclaan matapos nitong masuspinde sa La Liga De Muntinlupa dahil sa kinasangkutang gulo ng koponan ng Barangay Bayanan sa unang yugto ng Finals laban sa Barangay Cupang noong Biyernes.

"It takes courage to choose humility over pride. It takes maturity to assume responsibility than give excuses.

Kean Baclaan, this statement of yours shows there's more to you than being an excellent basketball player. Everyone has a moment in life that shows weakness. But a moment of weakness is an opportunity to learn from mistakes and strive to be better.

In sports, the greatest trait an athlete can show is not physical strength or skill but rather, an upright character." payahag ng Alkalde kay KB.

Kamakailan lang kinondena ni Mayor Ruffy Biazon ang gulo na nangyari sa loob ng Muntinlupa Sports Complex at nais mabigyan ng karampatang parusa ang mga manonood na sumali sa insidente.

Source: Ruffy Biazon

You are not everyone's cup of tea, and that's okay! 😊👍🏼
07/07/2024

You are not everyone's cup of tea, and that's okay! 😊👍🏼

FROM LEARNING EXPERIENCE TO WINNING MENTALITY  🇵🇭🏀🔥BASAHIN: Nakuha ng Gilas Pilipinas ang unang panalo kontra sa Latvia ...
04/07/2024

FROM LEARNING EXPERIENCE TO WINNING MENTALITY 🇵🇭🏀🔥

BASAHIN: Nakuha ng Gilas Pilipinas ang unang panalo kontra sa Latvia para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Muling nag alab sa FIBA stage si Justin Brownlee na may 26 puntos at naging katuwang niya sa opensa at depensa sina Kai Sotto na kumayod ng 18 puntos at Dwight Ramos na umiksor ng 12 puntos.

Sinelyuhan ng Pilipinas ang huling talaan sa 89-80 upang matalo ang pang anim sa pinakamalakas na koponan sa FIBA World Cup.

📸: FIBA
Source: One Sports

SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYONBASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdin...
02/07/2024

SEN. JUAN EDGARDO ANGARA, ITINALAGA BILANG BAGONG KALIHIM NG KAGAWARAN NG EDUKASYON

BASAHIN: tinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Sen. Juan Edgardo "Sonny" Angara bilang bagong Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at magiging epektibo ang bagong liderato sa darating na ika-19 ng July.

Source: Presidential Communications Office

SOMEWHERE IN MUNTINLUPA If you know, you know! ❤️
02/07/2024

SOMEWHERE IN MUNTINLUPA

If you know, you know! ❤️

A friendly reminder 👌🏻
02/07/2024

A friendly reminder 👌🏻

"ITO ANG TATLO KO" – SEN. RISA HONTIVEROSBASAHIN: Nag post sa kanyang social media account si Senator Risa Hontiveros ka...
27/06/2024

"ITO ANG TATLO KO" – SEN. RISA HONTIVEROS

BASAHIN: Nag post sa kanyang social media account si Senator Risa Hontiveros kasama ang mga kaalyadong sina Liberal Party Chairman Kiko Pangilinan, Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino Chairman Bam Aquino at Human Rights Lawyer na si Atty. Chel Diokno na may caption na "Ito ang tatlo ko".

Dati nang kinumpirma ni Leila De Lima na tatakbo ang tatlo sa Senado para sa 2025 Local and National Election bilang oposisyon.

Matatandaang natalo noong nakaraang halalan si Kiko Pangilinan sa pagtakbo niya sa pagka-Pangalawang Pangulo gayundin si Atty. Chel Diokno sa pagka-Senador at hindi rin nakapasok sa Magic 12 ng Senado noong 2019 si Bam Aquino na tumakbo sa ilalim ng Otso Diretso slate.

📸: Risa Hontiveros

"ITO ANG TATLO KO" – SEN. RISA HONTIVEROS

BASAHIN: Nag post sa kanyang social media account si Senator Risa Hontiveros kasama ang mga kaalyadong sina Liberal Party Chairman Kiko Pangilinan, Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino Chairman Bam Aquino at Human Rights Lawyer na si Atty. Chel Diokno na may caption na "Ito ang tatlo ko".

Dati nang kinumpirma ni Leila De Lima na tatakbo ang tatlo sa Senado para sa 2025 Local and National Election bilang oposisyon.

Matatandaang natalo noong nakaraang halalan si Kiko Pangilinan sa pagtakbo niya sa pagka-Pangalawang Pangulo gayundin si Atty. Chel Diokno sa pagka-Senador at hindi rin nakapasok sa Magic 12 ng Senado noong 2019 si Bam Aquino na tumakbo sa ilalim ng Otso Diretso slate.

📸: Risa Hontiveros

SQUAMMY FESTIVAL 🫢BASAHIN: Patuloy na nag viral ang ilang video ng pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival ng lungsod ng S...
27/06/2024

SQUAMMY FESTIVAL 🫢

BASAHIN: Patuloy na nag viral ang ilang video ng pagdiriwang ng Wattah Wattah Festival ng lungsod ng San Juan.

Marami ang bumatikos sa naging pagdaos nito ngayong 2024 at binansagan pa itong 'SQUAMMY FESTIVAL' ng mga netizens dahil sa perwisyong idinulot nito sa mga dumaraan sa kalsada.

"Government of San Juan must do something about it. This is ridiculous 😕😠" aniya ng isang netizen na nadismaya sa asal ng mga residente.

"Fiesta ng mga Skwating" dagdag pa ng isang netizen.

"This is not celebrating tradition anymore, this is becoming an excuse to be inconsiderate and rude for a day." reaksyon ng isang netizen sa pagdiriwang ng Wattah Wattah ngayong taon.

"Kawawa naman yung mga papasok sa work nila naperwisyo pa" pag-aalala ng netizen sa mga puwersahang binasa ng mga taga-San Juan.

Nilinaw naman ng pamahalaan ng lungsod ng San Juan na pinaalalahanan nila ang mga residente at nag anunsyo sila ng mga dapat at hindi dapat gawin sa pagdiriwang ngunit hindi ito sinunod ng mga mamamayan nila.

[screen grab to Gian Russel Bangcaray's facebook reels]

SOMEWHERE IN MUNTINLUPA Paniguradong pamilyar ang lugar na 'to sa inyo! 😉👌🏻
26/06/2024

SOMEWHERE IN MUNTINLUPA

Paniguradong pamilyar ang lugar na 'to sa inyo! 😉👌🏻



DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa is...
25/06/2024

DIGONG, PULONG AT BASTE, KAKANDIDATONG SENADOR SA 2025 💚🤍🇵🇭

BREAKING NEWS: Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview ang pagtakbo sa Senado ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang dalawang kapatid na sina Rep. Pulong Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte sa darating na Halalan 2025.

“Yes, tatlo ang Duterte next year for Senator" pag kumpirma ni VP Inday sa pagtakbo sa Senado ng kanyang ama at mga kapatid.

Sa hiwalay na ulat, nauna nang naghayag na na tatakbo muli sa darating na halalan ang kaalyado ni Former President Duterte na sina Sen. Christopher B**g Go at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa bilang kinatawan ng Mindanao sa Senado.

Inaasahan na ang alyansang ito ang magiging oposisyon ng Administrasyon at ipagpapatuloy ang nasimulang adhikain na sugpuin ang kriminalidad at iba pang programa ng nakaraang administrasyon.

FROM FREE LEILA TO DE LIMA IS FREEBASAHIN: Naipanalo na ni Leila De Lima ang lahat ng Illegal Drug case na inihain sa ka...
25/06/2024

FROM FREE LEILA TO DE LIMA IS FREE

BASAHIN: Naipanalo na ni Leila De Lima ang lahat ng Illegal Drug case na inihain sa kanya ng nakaraang Administrasyon matapos ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang huling kaso niya nitong Lunes, ika-25 ng Hunyo.

Sa pamamagitan ng Demurrer to Evidence nakumbinse ng kampo ni De Lima ang Muntinlupa RTC na maipanalo ang kanyang huling kaso.

Ang pagkilala ng RTC sa Demurrer ay nangangahulugang hindi sapat ang mga ebidensyang ipinakita ng kabilang kampo upang hatulan si De Lima sa kasong kinasasangkutan niya sa illegal na droga.

Source: Philstar

Sir, pa-void!! 😅❤️
24/06/2024

Sir, pa-void!! 😅❤️

BINI RUN 2024 👟LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila to...
23/06/2024

BINI RUN 2024 👟

LOOK: The Nation's Girl Group BINI and their 6,000 Blooms run together along Roxas Boulevard in Manila today, June 23.

📸: ABS-CBN News

Address


Website

http://gophilippines.com/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Muntinlupa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Muntinlupa:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share