06/11/2022
[ Mula sa post ni Shkh. Muhammad Ali Granaderos ]
ANG SIRAT الصراط
Kabilang ang Sirat sa dadaanan ng mga tao sa Araw ng Paghuhukom.
📌 ANO ANG KATOTOHANAN NG SIRĀT?
Ang Sirāt ay isang tulay sa ibabaw ng Jahannam (Naraka). Napakaraming mga dalil sa Qur'an at Hadith ang nagpapatotoo nito, at gayundin sa Ijma ng mga Salaf.
Sinabi ng Allah:
وَإِن مِّنكُمۡ إِلَّا وَارِدُهَاۚ كَانَ عَلَىٰ رَبِّكَ حَتۡمًا مَّقۡضِيًّا
"At walang isa man sa inyo maliban na siya ay magdaraan sa ibabaw nito [ng Impiyerno]: ito ay nasa iyong Panginoon; isang itinakdang [pangyayari na] nararapat maganap." [Maryam, ayah 71].
Sa Hadith, sinabi ng Rasulullah ﷺ:
وَيُضْرَبُ الصِّرَاطُ بَيْنَ ظَهْرَيْ جَهَنَّمَ، فَأَكُونُ أَنَا وَأُمَّتِي أَوَّلَ مَنْ يُجِيزُهَا، وَلَا يَتَكَلَّمُ يَوْمَئِذٍ إِلَّا الرُّسُلُ، وَدَعْوَى الرُّسُلِ يَوْمَئِذٍ: اللَّهُمَّ، سَلِّمْ سَلِّمْ.
"At ang Sirat (Tulay) ay ilalagay sa ibabaw ng Jahannam (Impiyerno); at ako at ang aking Ummah ang mauunang makalampas dito; at walang magsasalita sa Araw na iyon maliban sa mga sugo, at ang panalangin ng mga sugo sa Araw na iyon ay: O Allah!iligtas Mo (ang aking mga tagasunod), iligtas Mo (ang aking mga tagasunod)." [Inulat ni Imam Al-Bukhari at Muslim].
📌 ANO ANG MGA KATANGIAN NG SIRĀT?
Nabanggit sa mga Hadith mula sa SAHIHAYN o isa rito na ito ay:
1. Napakadulas, na ang mga paa ng mga tao ay madudulas at matitisod sa sobrang dulas (دَحْضٌ مَزِلَّةٌ).
2. Sa bawat gilid niya ay merong mga bingwit at matitigas na mga tinik na bakal, mabibingwit nito at sasablay ang mga taong nararapat sa Impiyerno (Naraka Jahannam).
(فِيهِ خَطَاطِيفُ، وَكَلَالِيبُ وَحَسَكٌ
- وفي رواية: وَفِي حَافَتَيِ الصِّرَاطِ كَلَالِيبُ مُعَلَّقَةٌ مَأْمُورَةٌ بِأَخْذِ مَنْ أُمِرَتْ بِهِ -)
(فَإِنَّهَا مِثْلُ شَوْكِ السَّعْدَانِ، غَيْرَ أَنَّهُ لَا يَعْلَمُ قَدْرَ عِظَمِهَا إِلَّا اللهُ، تَخْطَفُ النَّاسَ بِأَعْمَالِهِمْ).
3. Manipis kaysa sa buhok at matalas kaysa sa espada.
(أَدَقُّ مِنَ الشَّعْرَةِ وَأَحَدُّ مِنَ السَّيْفِ)
4. Ang ilalim nito ay ang naglalagablab na Apoy ng Naraka Jahannam.
(وَيُضْرَبُ الصِّرَاطُ بَيْنَ ظَهْرَيْ جَهَنَّمَ)
5. Tatayo sa dalawang gilid ng Sirat ang Amanah (ipinagkatiwala) at ang ugnayang kamag-anakan, ang sinumang mabuti ang kanyang ugnayang kamag-anakan at mapagkakatiwalaan ay matutulongan upang mapadali ang pagtawid niya sa Sirat na iyon, subali’t ang sinumang masama ang kanyang ugnayang kamag-anakan at hindi mapagkakatiwalaan ay madaragdagan ang kanyang paghihirap roon.
(وَتُرْسَلُ الْأَمَانَةُ وَالرَّحِمُ، فَتَقُومَانِ جَنَبَتَيِ الصِّرَاطِ يَمِينًا وَشِمَالًا، فَيَمُرُّ أَوَّلُكُمْ كَالْبَرْقِ).
📌 SINO SA MGA PROPETA ANG UNANG MAKATAWID SA SIRĀT KASAMA ANG KANYANG MGA TAGASUNOD?
UNANG MAKAKATAWID sa SIRĀT SI PROPETA MUHAMMAD ﷺ AT KANYANG MGA TAGASUNOD - batay sa kanyang Hadith na sinabi - at walang magsasalita doon maliban sa mga sugo at ang kanilang sasabihin ay: "Ya Allah, iligtas Mo ang aking mga tagasunod, iligtas Mo sila." Ang dahilan niyan ay ang lahat ng mga propeta ay masasaksihan nila ang hirap na dinadanas ng kanilang mga tagasunod, dahil ang iilan sa kanila ay mabibingwit ng Naraka Jahannam (Impiyerno), at ang iba'y matatamaan ng Apoy ng Impiyerno, at ang iba naman ay makakaligtas roon, dadaan ng ligtas.
Ang mga tao sa araw na iyon ay susunod ang bawat sambayanan sa kung ano o sino ang kanilang sinasamba. Sa Hadith na isinalaysay ni Abu Sa'id Al-Khudriy sinabi ng Rasulullah ﷺ:
إِذَا كَانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ: لِيَتَّبِعْ كُلُّ أُمَّةٍ مَا كَانَتْ تَعْبُدُ. فَلَا يَبْقَى أَحَدٌ كَانَ يَعْبُدُ غَيْرَ اللهِ سُبْحَانَهُ مِنَ الْأَصْنَامِ وَالْأَنْصَابِ إِلَّا يَتَسَاقَطُونَ فِي النَّارِ،
"Sa Araw ng Paghuhukom magbabalita ang isang tagapagbalita: 'Sundan ng bawat nasyon ang anomang sinasamba nito.' Kaya wala ni isang matitira na sumasamba bukod sa Allah mula sa mga rebulto at mga itinayong altar maliban na sila'y magsisipaghulogan sa Apoy, (sa ibang salaysay:
فَيَتَّبِعُ مَنْ كَانَ يَعْبُدُ الشَّمْسَ الشَّمْسَ، وَيَتَّبِعُ مَنْ كَانَ يَعْبُدُ الْقَمَرَ الْقَمَرَ، وَيَتَّبِعُ مَنْ كَانَ يَعْبُدُ الطَّوَاغِيتَ الطَّوَاغِيتَ
Kaya susundan ng mga sumasamba sa Araw ang Araw, at ang mga sumasamba sa buwan ang buwan, at ang mga sumasamba sa mga tagut ang mga tagut* - naipaliwanag na natin ang kahulugan ng tagut at mga pinuno nito).
حَتَّى إِذَا لَمْ يَبْقَ إِلَّا مَنْ كَانَ يَعْبُدُ اللهَ مِنْ بَرٍّ وَفَاجِرٍ، وَغُبَّرِ أَهْلِ الْكِتَابِ، فَيُدْعَى الْيَهُودُ، فَيُقَالُ لَهُمْ: مَا كُنْتُمْ تَعْبُدُونَ؟ قَالُوا: كُنَّا نَعْبُدُ عُزَيْرَ ابْنَ اللهِ، فَيُقَالُ: كَذَبْتُمْ، مَا اتَّخَذَ اللهُ مِنْ صَاحِبَةٍ وَلَا وَلَدٍ، فَمَاذَا تَبْغُونَ؟ قَالُوا: عَطِشْنَا يَا رَبَّنَا، فَاسْقِنَا. فَيُشَارُ إِلَيْهِمْ: أَلَا تَرِدُونَ؟ فَيُحْشَرُونَ إِلَى النَّارِ، كَأَنَّهَا سَرَابٌ يَحْطِمُ بَعْضُهَا بَعْضًا، فَيَتَسَاقَطُونَ فِي النَّارِ،
Hanggang sa kapag wala ng natitira maliban sa sumasamba sa Allah matuwid man o masama, at mga natitirang mga Kristiyano at mga Hudyo, tatawagin ang mga Hudyo at sasabihin sa kanila na: 'Ano ang inyong sinasamba?' Sasabihin nila: 'Sinasamba namin si Uzair [Ezra] ang anak ng Allah.' Sasabihin sa kanilang: 'Nagsinungaling kayo, (sapagka’t) hindi nagkaroon ang Allah ng asawa at anak, kaya ano ang nais ninyo?' Sasabihin nilang: 'Nauuhaw kami, O aming Panginoon, kaya painumin Niyo po kami.' Kaya ituturo sa kanila (ang isang partikular na direksyon): 'Bakit ayaw niyong pumunta doon upang uminom ng tubig?' Kaya sila'y ihahatid at titipunin doon sa Apoy, na inaakala nilang ito'y tubig (sa tinding uhaw nila) na sinusunog at dinudurog nito ang lahat ng bagay na naroroon, kaya sila'y magsisipaghulogan doon sa Apoy,
ثُمَّ يُدْعَى النَّصَارَى، فَيُقَالُ لَهُمْ: مَا كُنْتُمْ تَعْبُدُونَ؟ قَالُوا: كُنَّا نَعْبُدُ الْمَسِيحَ ابْنَ اللهِ، فَيُقَالُ لَهُمْ: كَذَبْتُمْ، مَا اتَّخَذَ اللهُ مِنْ صَاحِبَةٍ وَلَا وَلَدٍ. فَيُقَالُ لَهُمْ: مَاذَا تَبْغُونَ؟ فَيَقُولُونَ: عَطِشْنَا يَا رَبَّنَا، فَاسْقِنَا. قَالَ: فَيُشَارُ إِلَيْهِمْ: أَلَا تَرِدُونَ؟ فَيُحْشَرُونَ إِلَى جَهَنَّمَ، كَأَنَّهَا سَرَابٌ يَحْطِمُ بَعْضُهَا بَعْضًا، فَيَتَسَاقَطُونَ فِي النَّارِ،
Pagkatapos, tatawagin ang mga Kristiyano at sasabihin sa kanila na: 'Ano ang inyong sinasamba?' Sasabihin nila: 'Sinasamba namin si Al-Masīh [ang Mesiyas] ang anak ng Allah.' Sasabihin sa kanilang: 'Nagsinungaling kayo, (sapagka’t) hindi nagkaroon ang Allah ng asawa at anak, kaya ano ang nais ninyo?' Sasabihin nilang: 'Nauuhaw kami, O aming Panginoon, kaya painumin Niyo po kami.' Kaya ituturo sa kanila (ang isang partikular na direksyon): 'Bakit ayaw niyong pumunta doon upang uminom ng tubig?' Kaya sila'y ihahatid at titipunin doon sa Apoy, na inaakala nilang ito'y tubig (sa tinding uhaw nila) na sinusunog at dinudurog nito ang lahat ng bagay na naroroon, kaya sila'y magsisipaghulogan doon sa Apoy,
حَتَّى إِذَا لَمْ يَبْقَ إِلَّا مَنْ كَانَ يَعْبُدُ اللهَ تَعَالَى مِنْ بَرٍّ وَفَاجِرٍ أَتَاهُمْ رَبُّ الْعَالَمِينَ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَى فِي أَدْنَى صُورَةٍ مِنَ الَّتِي رَأَوْهُ فِيهَا،
Hanggang sa kapag wala ng natitira maliban sa sumasamba sa Allah تعالى matuwid man o masama, darating sa kanila ang Panginoon ng sanlibutan سبحانه وتعالى sa Anyo (Katangian) Niya na alam nila (na mga Mu'minin) na nauukol at angkop sa Kanya,
قَالَ: فَمَا تَنْتَظِرُونَ؟ تَتْبَعُ كُلُّ أُمَّةٍ مَا كَانَتْ تَعْبُدُ. قَالُوا: يَا رَبَّنَا، فَارَقْنَا النَّاسَ فِي الدُّنْيَا أَفْقَرَ مَا كُنَّا إِلَيْهِمْ، وَلَمْ نُصَاحِبْهُمْ.
Sasabihin Niya: 'Ano ang inyong hinihintay? Sundan ng bawat nasyon ang anomang sinasamba nito.' Sasabihin nila: 'O aming Panginoon, nilisan namin ang mga tao (na sumuway at lumihis sa pagsunod sa Iyo) sa daigdig na kinakailangan namin (sa pamumuhay at pakikisalamuha), nguni’t hindi namin sila sinamahan (dahil sa mas pinili namin ang Iyong KALUGURAN).'
فَيَقُولُ: أَنَا رَبُّكُمْ. فَيَقُولُونَ: نَعُوذُ بِاللهِ مِنْكَ، لَا نُشْرِكُ بِاللهِ شَيْئًا. مَرَّتَيْنِ، أَوْ ثَلَاثًا، حَتَّى إِنَّ بَعْضَهُمْ لَيَكَادُ أَنْ يَنْقَلِبَ،
Kaya sasabihin Niya na: 'Ako ang inyong Panginoon.' At sasabihin nilang: 'Humihingi kami ng proteksyon sa Allah laban sa iyo, hindi kami magtatambal sa Allah ni katiting.' Sasabihin nila ito ng dalawang beses o tatlo, hanggang sa iilan sa kanila ay muntik ng magkamali (sa katotohanan dahil sa tindi ng pagsubok na dinaranas nila),
فَيَقُولُ: هَلْ بَيْنَكُمْ وَبَيْنَهُ آيَةٌ فَتَعْرِفُونَهُ بِهَا؟ فَيَقُولُونَ: نَعَمْ.
Kaya sasabihin Niya: 'Mayroon bang tanda sa pagitan ninyo at sa Kanya, na makikilala ninyo Siya sa pamamagitan nito?' Kaya sasabihin nilang: 'Opo' (Meron).
فَيُكْشَفُ عَنْ سَاقٍ، فَلَا يَبْقَى مَنْ كَانَ يَسْجُدُ للهِ مِنْ تِلْقَاءِ نَفْسِهِ إِلَّا أَذِنَ اللهُ لَهُ بِالسُّجُودِ،
Kaya ilalantad (Niya) ang (Kanyang) SĀQ (Binti), kaya walang matitirang nagpapatirapa alang-alang sa Allah nang bukal sa kanyang kalooban maliban na pahihintulotan siyang magpatirapa,
وَلَا يَبْقَى مَنْ كَانَ يَسْجُدُ اتِّقَاءً وَرِيَاءً إِلَّا جَعَلَ اللهُ ظَهْرَهُ طَبَقَةً وَاحِدَةً، كُلَّمَا أَرَادَ أَنْ يَسْجُدَ خَرَّ عَلَى قَفَاهُ،
At walang matitirang nagpapatirapa (noon sa mundo) upang ipakita lamang sa tao at upang magkaroon lamang sila ng dangal sa tao at proteksyon, maliban na gagawin ng Allah ang kanyang likuran na isang buto, sa tuwinang magtatangka siyang magpapatirapa matutumba siya sa kanyang likuran (hindi niya kayang magpatirapa),
ثُمَّ يَرْفَعُونَ رُءُوسَهُمْ، وَقَدْ تَحَوَّلَ فِي صُورَتِهِ الَّتِي رَأَوْهُ فِيهَا أَوَّلَ مَرَّةٍ، فَقَالَ: أَنَا رَبُّكُمْ. فَيَقُولُونَ: أَنْتَ رَبُّنَا. ثُمَّ يُضْرَبُ الْجِسْرُ عَلَى جَهَنَّمَ.
Pagkatapos ay ibabangon nila ang kanilang mga ulo, at Kanya ng naibalik ang Kanyang Anyo sa unang pagkakakita nila sa Kanya, at Kanyang sasabihin: 'Ako ang inyong Panginoon.' At sasabihin nilang: 'Ikaw ang aming Panginoon.' At ang Tulay (SIRĀT) ay ilalagay sa ibabaw ng Jahannam (Impiyerno)." [Isinalaysay ni Imam Al-Bukhari at Muslim].
Sa Hadith ni Jabir bin Abdillah - رضي الله عنه - sinabi ng Rasulullah :
حَتَّى نَنْظُرَ إِلَيْكَ، فَيَتَجَلَّى لَهُمْ يَضْحَكُ.
"Hangga't titingin kami sa Iyo, kaya Siya (Allah) ay lilitaw sa kanila na tumatawa.
فَيَنْطَلِقُ بِهِمْ، وَيَتَّبِعُونَهُ، وَيُعْطَى كُلُّ إِنْسَانٍ مِنْهُمْ مُنَافِقٍ أَوْ مُؤْمِنٍ نُورًا،
Pagkatapos sila ay ihahatid ng Allah at susundan nila Siya, at bibigyan Niya ang bawat tao sa kanila, munafiq man mu'min ng liwanag (dahil napakadilim ang madadaanan nila papuntang Sirāt),
ثُمَّ يَتَّبِعُونَهُ، وَعَلَى جِسْرِ جَهَنَّمَ كَلَالِيبُ وَحَسَكٌ، تَأْخُذُ مَنْ شَاءَ اللهُ،
At susundan nila Siya, at sa ibabaw ng Jahannam ay mga bingwit at mga tinik na bakal, mabibingwit nito at kukunin ang sinuman na ninais ng Allah (mga taong nararapat sa Impiyerno),
ثُمَّ يُطْفَأُ نُورُ الْمُنَافِقِينَ، ثُمَّ يَنْجُو الْمُؤْمِنُونَ، فَتَنْجُو أَوَّلُ زُمْرَةٍ، وُجُوهُهُمْ كَالْقَمَرِ لَيْلَةَ الْبَدْرِ، سَبْعُونَ أَلْفًا لَا يُحَاسَبُونَ.
Pagkatapos mamamatay ang liwanag ng mga munafiqin (mga hipokrito at mga nagkukunwaring muslim), at ang tanging makakaligtas ang mga Mu'minun, at ang mauunang grupo sa kanila ang kanilang mga mukha ay tulad ng buwan sa gabi ng kabilugan nito (na napakaganda at napakaliwanag)." [Isinalaysay ni Imam Muslim].
Kaya ang mga Mushrikun (mga mapagsamba sa mga diyos-diyusan) at ang mga Ahlul-Kitab (mga Hudyo at mga Kristiyano) na hindi nila sinasamba ang Allah ay hindi na sila aabot pa sa SIRĀT na iyon, sapagka’t mula sa lugar ng pagtitipon sa عرصات القيامة ay direkta silang itatapon sa mga Impiyerno.
Ang mga Munafiqun naman - mga nagkukunwaring muslim pero ang mga puso nila ay di-naniniwala sa Islam - ay bibigyan din sila ng liwanag nguni’t hindi ganap, kaya kapag ito'y mamamatay sa ibabaw ng SIRĀT na lugar na napakadilim, tatawagin nila ang mga Mu'minin ng: “Kami ay inyong hintayin upang kami ay mabahaginan ng inyong liwanag!” Sa kanila ay sasabihin: “Magsibalik kayo sa inyong mga likuran, at inyong hanapin ang liwanag!” At doon ang maghihiwalay ang mga Mu'minun at mga Munafiqun.
يَوۡمَ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلۡمُنَٰفِقَٰتُ لِلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱنظُرُونَا نَقۡتَبِسۡ مِن نُّورِكُمۡ قِيلَ ٱرۡجِعُواْ وَرَآءَكُمۡ فَٱلۡتَمِسُواْ نُورًاۖ فَضُرِبَ بَيۡنَهُم بِسُورٍ لَّهُۥ بَابُۢ بَاطِنُهُۥ فِيهِ ٱلرَّحۡمَةُ وَظَٰهِرُهُۥ مِن قِبَلِهِ ٱلۡعَذَابُ
"Sa Araw [ding iyon] ang mga mapagkunwaring lalaki at mga mapagkunwaring babae ay magsasabi sa mga naniniwala: “Kami ay inyong hintayin upang kami ay mabahaginan ng inyong liwanag!” Sa kanila ay sasabihin: “Magsibalik kayo sa inyong mga likuran, at inyong hanapin ang liwanag!” At ang isang dingding ay ilalagay sa kanilang pagitan na mayroong pintuan. Sa loob nito ay [naroroon ang] habag, at sa labas nito ay [naroroon ang] parusa." [Al-Hadeed, ayah 13].
📌 GAANO KALAKI ANG LIWANAG NA IBIBIGAY SA MGA MU'MIN?
Magkakaiba-iba sila batay sa mga gawain ng bawat isa.
1. Merong sinlaki ng bundok, at meron ding mas malaki pa kaysa diyan.
2. Merong sinlaki ng kahoy na datiles, at meron ding mas maliit pa kaysa diyan.
3. Ang may pinakamaliit na liwanag ang liwanag niya ay sa hinlalaki na daliri ng kanyang paa, na patay-sindi. Sa Hadith ni Ibnu Mas'ud - رضي الله عنه - :
فيعطَوْن نورهم على قدر أعمالهم، فمنهم من يعطى نوره مثل الجبل، ومنهم من يعطى نوره فوق ذلك، ومنهم من يعطى نوره مثل النخلة بيمينه، ومنهم من يعطى نوره دون ذلك، حتى تكون آخر من يعطى نوره على إبهام قدمه يضىء مرة ويطفىء مرة، فإذا أضاء قدم قدمة، وإذا أطفيء قام، فيمر، ويمرون على الصراط. (رواه المروزي في "تعظيم قدر الصلاة"، والطبراني، والحاكم، وإسناده صحيح).
Sa panahon na iyon ang Du'a ng mga Mu'minin ay:
ربنا أتمم لنا نورنا واغفر لنا إنك على كل شيء قدير
"Aming Panginoon, gawin Mo pong ganap para sa amin ang aming liwanag at kami Po ay Iyong patawarin. Katotohanan, Ikaw ang tanging may Ganap na Kakayahan sa lahat ng bagay."
📌 GAANO KABILIS ANG PAGDAAN NG MGA TAONG MU'MININ SA SIRĀT?
Magkakaiba-iba din sila batay sa mga gawain ng bawat isa, tulad ng pagkakaiba-iba nila ng liwanag na naibigay sa kanila.
1. Merong simbilis ng isang kisap mata.
2. Merong simbilis ng kidlat.
3. Merong simbilis ng hangin.
4. Merong simbilis ng ibon.
5. Merong simbilis ng mabibilis na kabayo.
6. Merong simbilis ng mabibilis na kamelyo.
7. Merong simbilis ng tumatakbo.
8. Merong simbilis ng naglalakad.
9. At ang iba ay madadapa, gagapang, labis na mahihirapan, madudulas ang kanyang kamay o paa doon, tatamaan minsan ng Apoy ang kanyang mga gilid, at mabibingwit minsan ng mga bingwit ng Jahannam. Iyan ang mga nabanggit sa mga Hadith Sahih sa SAHIHAYN at iba pa.
فَيَمُرُّ الْمُؤْمِنُونَ كَطَرْفِ الْعَيْنِ، وَكَالْبَرْقِ، وَكَالرِّيحِ، وَكَالطَّيْرِ، وَكَأَجَاوِيدِ الْخَيْلِ وَالرِّكَابِ، فَنَاجٍ مُسَلَّمٌ، وَمَخْدُوشٌ مُرْسَلٌ، وَمَكْدُوسٌ فِي نَارِ جَهَنَّمَ.
وفي رواية: وَشَدِّ الرِّجَالِ...حَتَّى يَجِيءَ الرَّجُلُ، فَلَا يَسْتَطِيعُ السَّيْرَ إِلَّا زَحْفًا.
وفي رواية: فَنَاجٍ مُسَلَّمٌ، وَنَاجٍ مَخْدُوشٌ، وَمَكْدُوسٌ فِي نَارِ جَهَنَّمَ، حَتَّى يَمُرَّ آخِرُهُمْ يُسْحَبُ سَحْبًا.
وروى البيهقي بسنده عن مسروق عن ابن مسعود وفيه: ومنهم من يمر كشد الرجل، يرمل رملا على قدر أعمالهم، حتى يمر الذي نوره على إبهام قدمه، تخر يد وتعلق يد، وتخر رجل وتعلق رجل، وتصيب جوانبه النار.
Kaya kung gaano mo kabilis sa mga kabutihan ay gayundin ang bilis mo sa pagtawid sa SIRĀT. At sinumang mabagal sa pagtupad ng mga tungkulin at paggawa ng mga kabutihan ay mabagal din ang pagtawid nila roon, at sinumang hinahaluan niya ng kasamaan ang kabutihan at hindi ito pinatawad ng Allah sa kanya, ay maaaring idadaan muna siya sa Apoy upang ito'y kanyang pagbayaran at pagdusahan. والعياذ بالله.
فالجزاء من جنس العمل جزاء وفاقا، ومن بطأ به عمله لم يسرع به نسبه.
Lahat ng tao na makakaligtas doon sa SIRĀT ay mga Mu'minun lamang at lahat sila makakapasok sa Paraiso.