23/12/2022
Darating ang araw, masasabi mo nalang,
“Kaya pala hindi ibinigay sakin ni Lord, kasi mas maganda yung plano Niya kaysa sa gusto ko.”
Ginawa mo na ba lahat ang mga bagay para sa gusto mo?
Pinalangin, iniyak, iniluhod at nagsumikap ka, pero bakit wala parin?
Nakakapagtaka at nakakapagod na.
Tutuloy pa ba?
Mapapabigkas ka nalang talaga ng mga linyang,
“I have no idea what is ahead, but I will continue to put my faith in you, Lord.”
Sa panahon na hindi mo na naiintindihan, yan ang panahon na mas titibay ang iyong pananampalataya.
Sa gitna ng bagyo, inaakala mong ililigtas ka ni Lord sa pamamaraan na may isang De Makinang Barko at aabutin ang kamay mo sa pagkalunod.
Ngunit may iba pala talaga siyang paraan, hindi mo maiintindihan makikita mo ang kanyang paraan na may isang liwanag na naglalakad sa imabaw ng tubig.
Na may tama talaga Siyang oras para ipakita sayo na may mas maganda Siyang plano at paraan.
Na inaakala mong wala ng pag-asa, nilalamon ka ng anxiety, depression and past traumas mo.
At bigla ka nalang magugulat na alam mong hindi yon dahil sa pagsusumikap mo, kundi may isang kamay sa Itaas na tinulungan ka sa pagkalunod mo.
“What do you fear the most?”
I worry about growing too attached to impermanent things. The act of loving someone I cannot retain. I'm putting in a lot of effort for a things that is not for me. Even though I am aware that God always has a better plan, I continue to worry about the agony that comes with attachments.
May we never give our all to impermanent things.
Pagdating sa lugar ng Kanyang mga pangako at plano.
Masasabi mo nalang,
“Kaya pala ngayon naiintindihan ko na. Salamat Lord kasi hindi mo ako sinukuan, inabot mo ang kamay ko sa pagkalunod. Dinala mo ako sa lugar ng Pangako, Amen.”