04/04/2024
Allahumma ameeb
ITAAS MO ANG IYONG KAMAY SA PAGDUA BAGO MAG-IFTAR DAHIL HINDI ITO MATATANGGIHAN "tinatanggap"❗❗❗
👉Baka ito na ang iyong huling Ramadhan. Kaya samantalahin ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Dua sa panahon bago siya kumain ng IFTAR❗
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Katunayan, ipagkakaloob sa isang nag-aayuno sa panahon ng kanyang Iftar ang isang panalangin na hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”
👉 Ang pinaka mainam sa lahat ng Dua na laging ginagawa ng Propeta (sakop ang buhay sa mundo at sa huling araw)
“Rabbana atina fid-dunya hasana, wa fil 'akhirati hasana, waqina 'adhaban-nar”
Na ang kahulugan ay: “Oh Allah, Ipagkaloob mo sa amin ang kabutihan sa dunya, at kabutihan sa akhira “Jannah” at ilayo mo sa amin ang parusa ng impiyernong apoy”
Kapag natapos kumain at habang naghihintay ng Iqamah ay magdua rin.
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Ang panalangin (Dua) sa pagitan ng Azan at Iqamah ay hindi matatanggihan “tatanggapin ang kanyang panalangin”
NOTE: Kung single ka pa i grab mo na ito, malay mo ito lang pala hinihintay sa iyo✌🌹😅
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: " قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: إن للصائم عند فطره دعوة لا ترد"
حديث: "قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: الدعاء لا يرد بين الأذان والإقامة"
- "رَبَّنَا آتِنَا فِي الدُّنْيَا حَسَنَةً وَفِي الْآخِرَةِ حَسَنَةً وَقِنَا عَذَابَ النَّارِ"
✍ Zulameen Sarento Puti