09/02/2023
๐
บ๐๐
ด๐
ฝ๐๐
พ ๐
ฝ๐
ถ ๐
ฟ๐
ฐ๐
ถ-๐
ฐ๐๐
ฐ
๐๐๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐ฏ๐ข๐ฌ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ข๐: ๐๐๐๐๐ก๐๐ซ ๐๐ก๐๐ฅ
Labis ang pagka-โhookโ ng mga mag-aaral ni Sir Michael Ayore Royo o mas kilala sa tawag na Teacher Khel mula sa Pagbilao National High School nang siya ay pumasok sa kanyang English class suot ang costume ng Disney character na si Captain Hook.
Dahil sa kanyang patok na gimik, agad na nag-viral ito at natampok sa ibaโt ibang mga media outlets tulad ng Bayan Mo, Ipatrol Mo; GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog; GMA News GTV; at CNN Philippines.
Kinapanayam din siya ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya at DZRH upang alamin ang kwento sa likod ng kanyang viral na costume.
Naniniwala si Teacher Khel na magiging makabuluhan at engaging ang teaching-learning process kung ganap na mapupukaw at mapapanatili ang interes ng mga mag-aaral. At ito rin ang kanyang dahilan kung bakit madalas siyang nag-iisip at gumagawa ng ibaโt ibang gimik sa kanyang klase.
โKailangan po talaga maging motivated ang ating mga bata sa pagpasok sa paaralan at pag-attend ng mga klase, lalo na po at galing tayo ng pandemya,โ ani ni Teacher Khel sa isang panayam.
Ayon kay Teacher Khel, ang kanyang mga istratehiya sa pagtuturo ay ibinabase niya sa interes at karanasan ng kanyang mag-aaral kaya minsan na rin siyang nagbihis bilang isang news reporter, chef at judge na talaga namang kinagiliwan din ng kanyang mga mag-aaral.
โAs class adviser at g**o, makikita mo kung ano ang kailangan nila (mag-aaral). After knowing their stories, mauunawaan mo ang behavior nila. So pwedeng from their experience, ibabase mo yung activity. Ipapasok natin yung lesson sa experiences ng mga bata. From there, we can design activities that would not just fit their interest but their needs,โ dagdag pa niya.
Dahil sa pagiging inobatibo at malikhaing g**o, minsan na rin siyang na-feature sa isang balita sa telebisyon. Sa katunayan, ang kanyang โCaptain Hook attireโ ay hindi ang unang beses na gawaing pampaaralan na naitampok sa ibaโt ibang balita. Ibinida rin sa GMA News and Public Affairs Newsfeed ang โbilao superhero costumesโ na nilikha naman ng kaniyang mga mag-aaral para sa kanilang culminating activity. Bukod sa bilao na iniugnay sa pagdiriwang ng pista ng Pagbilao, gumamit din ang mga mag-aaral recyclable materials upang mapayabong ang kanilang pagiging mapamaraan at pagkamalikhain.
Nagamit na rin ni Teacher Khel sa kanyang pagtuturo ang mga linya ng ibaโt ibang karakter sa Mobile Legends na sikat sa mga kabataan ngayon. Higit pa rito, madalas din niyang magamit ang kanyang mga natutunan at karanasan sa teatro tuwing gumaganap siya ng ibaโt ibang karakter sa harap ng kanyang mga mag-aaral.
โMeron kasing mga time na wala tayong materials lagi at medyo mahal din, so may time na ako ay uma-act gamit ang background ko sa theatre. So minsan, makikita mo ako naka-uniform pero magtotonong Chinese ako. Tapos papasukan ko ng astrology na konektado sa lesson,โ pagbabahagi ni Teacher Khel.
Sa pamamagitan ng ganitong pamamaraan, naging ganado at bigay-todo ang partisipasyon ng mga mag-aaral ni Teacher Khel na nagbunga ng matataas na iskor at malalim na lebel na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda, bukod sa pagtalakay sa mga essential competencies, binibigyang halaga rin ni Teacher Khel ang pagkikintal ng mabuting asal at pagtuturo ng mga life skills na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
โHindi naman basta matatandaan ng bata ang technical aspects ng ating tinuturo. So โyung tehnical aspects, hanapan natin kung paano mai-integrate yung values integration at basic life skills,โ paliwanag ni Teacher Khel.
Dagdag pa ni Teacher Khel, hindi biro ang pagbuo ng konsepto at paggawa ng kagamitang panturo sapagkat ito ay lubos niyang pinagtutuunan ng atensyon at pinaggugugulan ng oras. Sa kabila nito, ang makitang masayang natututo ang mga mag-aaral ang nagtutulak sa kanya upang magpatuloy.
Kakaiba at makabago kung ilarawan ng ilan ang ginagawang effort ni Teacher Khel sa kaniyang klase. Subalit para sa mga taong higit na nakakakilala sa kanya, hindi ito bago sapagkat ito ay karaniwang na niyang ginagawa sa loob ng sampung taong karanasan niya sa pagtuturo at simula pa noong siyaโy nasa kolehiyo pa lamang. Sa katunayan, dahil sa kanyang husay sa pagpapakitang-turo sa kolehiyo ginawaran siya ng โBest Student Teacher Award.โ
Sa tulong ng teknolohiya at internet, maraming inobatibong paraan upang mabigyang sigla ang bawat araw ng pagpasok ng mga mag-aaral sa paaralan. Subalit ang kahandaan, pagkamalikhain at dedikasyon pa rin ng isang g**o ang tulay sa matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ika nga ni Teacher Khel, โKahit anong ganda ng materials natin, tayo pa din ang best visual aid.โ +++
๐๐๐๐๐๐ P. ๐๐๐๐๐
๐๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ข๐ด๐ฆ & ๐๐ช๐ฆ๐ญ๐ฅ ๐๐ฐ๐ณ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฑ๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต | Pagbilao NHS, ๐๐ฆ๐ข๐ค๐ฉ๐ฆ๐ณ ๐๐