The WAVE

The WAVE The official school publication of Aklan State University - New Washington Campus.

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:Ang ilang mag-aaral ng ASU New Washington ay boluntaryong nakilahok sa isang makabuluhang seminar ukol sa HIV/AI...
30/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

Ang ilang mag-aaral ng ASU New Washington ay boluntaryong nakilahok sa isang makabuluhang seminar ukol sa HIV/AIDS, Reproductive at Mental Health, at Anti-Drug Awareness. Ang seminar ay isinagawa ng Local Government Unit ng New Washington, Aklan ngayong ika-30 ng Agosto, 2024 mula 1:00-5:00 ng hapon na ginanap sa New Washington Auditorium at Sports Complex at Manuel C. Peralta Community Center.

Layunin ng seminar na palawakin ang kaalaman at kamalayan ng mga tagapakinig hinggil sa mga mahahalagang isyung pangkalusugan at pampubliko.

Ang ganitong mga inisyatiba ay mahalaga sa pagtataguyod ng mas malusog at mas ligtas na komunidad, at pinapakita ang dedikasyon ng mga kabataan sa pagtulong sa pagbuo ng mas mahusay na kinabukasan para sa lahat.

| Samantha Santiago
๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz

๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:Bilang pagpakikรญta ng pagkaiisa at pag-alala sa pag gunita sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Jai...
30/08/2024

๐‚๐€๐Œ๐๐”๐’ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„:

Bilang pagpakikรญta ng pagkaiisa at pag-alala sa pag gunita sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Jaime Cardinal Lachica Sin, bรบkas, Agosto 31, 2024, ipinaaalam ng ASU-New Washington Academic Affairs Office na walang pasok sa undergraduate at Masterโ€™s degree programs.

| via: Feb Ramintas

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:Ang iba't ibang kwentong kuha ng The WAVE sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2024.  ๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz, Jude Romel...
30/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

Ang iba't ibang kwentong kuha ng The WAVE sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2024.

๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz, Jude Romell Saluta, Japhet Reyes, Kingstone Zausa, Mary Joy Dayto, Kurt Russel Gahaton, Shane Pelayo, & Mark Janoras

๐€๐’๐„๐€๐ ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐Ž๐‘ & ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐‘๐„๐’๐’ ๐ง๐  ๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’!Eleganteng inirampa nang may pagmamalaki nina Mark Kennith Peรฑano ng BCAED 3...
30/08/2024

๐€๐’๐„๐€๐ ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐Ž๐‘ & ๐€๐Œ๐๐€๐’๐’๐€๐ƒ๐‘๐„๐’๐’ ๐ง๐  ๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’!

Eleganteng inirampa nang may pagmamalaki nina Mark Kennith Peรฑano ng BCAED 3A na kumatawan sa bansang Pilipinas at Sheri May Nervar ng BCAED 3B na kumatawan sa bansang Brunei para matamo ang titulong ASEAN Ambassador & Ambassadress 2024 ng ASU-CFMS.

Sa dami ng mga kalahok mula sa iba't ibang departamento ay talagang nangibabaw ang dalawang nagtagumpay sa pagdala at pagrampa ng kasuotan mula sa mga bansa ng ASEAN. Kanilang napabilib ang mga manonood at hurado sa kanilang ipinakitang angking galing at pagsagot sa mga katanungan.

Binabati namin kayo!

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Sykaye Dela Vega
Inilayout ni: Mc Cyril Albino

Dugo ko, Buhay mo: Mga mag-aaral  ng ASU-NW at Lokal na Komunidad, Nakiisa sa Bloodletting ActivityNgayong ika-30 ng Ago...
30/08/2024

Dugo ko, Buhay mo: Mga mag-aaral ng ASU-NW at Lokal na Komunidad, Nakiisa sa Bloodletting Activity

Ngayong ika-30 ng Agosto 2024, naglunsad ng Bloodletting Activity ang Local Youth Development sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan mula sa Municipal Police Station, Municipal Health Office, at Red Cross Philippines sa New Washington Sports Complex.

Ilan sa mga mag-aaral ng Aklan State University-New Washington Campus ay aktibong nakilahok at nagpakita ng kanilang suporta sa ganitong uri ng inisyatib.

Ang aktibidad na ito ay nagbibigay buhay sa pagkaiisa ng bawat kasapi ng komunidad sa pamamamagitan ng pagbibigay donasyon ng kanilang dugo.

| Diana Joy Formelos
๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz

๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’ ๐๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐€๐’๐„๐€๐ 2024Ang ASEAN Month Celebration 2024  ay isang makabuluhang pagdiriwang na nagtampo...
30/08/2024

๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’ ๐๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐€๐’๐„๐€๐ 2024

Ang ASEAN Month Celebration 2024 ay isang makabuluhang pagdiriwang na nagtampok ng temang "Enhancing Connectivity and Resilience" bilang paggunita sa ika-57 anibersaryo ng ASEAN. Ang programa ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa at tibay ng loob sa harap ng mga pagsubok, isang mahalagang mensahe para sa mga bansang kabilang sa ASEAN.

Ang pangunahing bahagi ng programa ay ang kompetisyon para sa ASEAN Ambassador and Ambassadress 2024, na nilahukan ng mga pambato mula sa iba't ibang Departamento. Kasama rin sa mga tampok na aktibidad ay ang paligsahan sa ASEAN Photography, Poster Making, Quiz Bee, Bulletin Board Making Contest, Iconic Booth at Folktale Storytelling. Narito ang mga nanalo na kinilala sa Awarding Ceremony:

โ€ข ASEAN Photography
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: CAHM
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: EDUC
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: CRIM

โ€ข ASEAN Poster Making Contest
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: EDUC
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: EDUC
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: EDUC

โ€ข ASEAN Quiz Bee
๐Ÿ†Kampiyon: CAHM
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: EDUC
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: FIMARBS
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: CRIM

โ€ขASEAN Bulletin Board Making Contest
๐Ÿ†Kampiyon: EDUC
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: CRIM
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: FIMARBS
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: CAHM

โ€ข ASEAN Iconic Booth
๐Ÿ†Kampiyon: EDUC
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: CRIM
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: FIMARBS
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: CAHM

โ€ข ASEAN Folktale Storytelling
๐Ÿฅ‡Unang Gantimpala: EDUC - Kalahok #5
๐ŸฅˆPangalawang Gantimpala: CRIM- Kalahok #4
๐Ÿฅ‰Pangatlong Gantimpala: CAHM- Kalahok #2

โ€ขMale and Female Best in Costume
๐ŸŽ–๏ธCRIM- Kalahok #25
โ€ขMale Best in Interview
๐ŸŽ–๏ธEDUC (BCAED-3A)- Kalahok #1
โ€ขFemale Best in Interview
๐ŸŽ–๏ธ EDUC (BCAED-3B)- Kalahok #3

โ€ข ASEAN Ambassador 2024
๐Ÿ‘‘Mark Kennith Peรฑano- BCAED 3A PHILIPPINES
โ€ขASEAN Ambassadress 2024
๐Ÿ‘‘Sheri May Nervar- BCAED 3B BRUNEI DARRUSALEM

Ang programa ay naging matagumpay sa pagpapalaganap ng diwa ng pagkaiisa, pagkakaibigan, at kooperasyon sa mga kasapi ng ASEAN, at nag-iwan ng inspirasyon sa lahat ng dumalo.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Diane Nathalie Diapana
๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz, Jude Romell Saluta, Japhet Reyes, Kingstone Zausa, Mary Joy Dayto, Kurt Russel Gahaton, Shane Pelayo, & Mark Janoras

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:๐€๐’๐„๐€๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ 2024: ๐‘จ๐‘บ๐‘ฌ๐‘จ๐‘ต ๐‘ญ๐’๐’๐’Œ๐’•๐’‚๐’๐’† ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š๐’•๐’†๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ  ๐Ÿ“ธ: Shane Pelayo
29/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

๐€๐’๐„๐€๐ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡ ๐‚๐„๐‹๐„๐๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ 2024: ๐‘จ๐‘บ๐‘ฌ๐‘จ๐‘ต ๐‘ญ๐’๐’๐’Œ๐’•๐’‚๐’๐’† ๐‘บ๐’•๐’๐’“๐’š๐’•๐’†๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ


๐Ÿ“ธ: Shane Pelayo

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐€๐†๐€๐๐€๐: Ang pagpakikilala ng mga sakop ng bansang ASEAN sa pammagitan ng pag rampa ng mga kalahok para s...
29/08/2024

๐Š๐€๐’๐€๐‹๐”๐Š๐”๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐€๐†๐€๐๐€๐:

Ang pagpakikilala ng mga sakop ng bansang ASEAN sa pammagitan ng pag rampa ng mga kalahok para sa ๐‘บ๐’†๐’‚๐’“๐’„๐’‰ ๐’‡๐’๐’“ ๐‘จ๐‘บ๐‘ฌ๐‘จ๐‘ต ๐‘จ๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’”๐’”๐’‚๐’…๐’๐’“ ๐’‚๐’๐’… ๐‘จ๐’Ž๐’ƒ๐’‚๐’”๐’”๐’‚๐’…๐’“๐’†๐’”๐’” 2024.

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ 2024: '๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚'Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Aklan State University-College of F...
29/08/2024

๐๐”๐–๐€๐ ๐๐† ๐–๐ˆ๐Š๐€ 2024: '๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚'

Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng Aklan State University-College of Fisheries and Marine Sciences sa New Washington Auditorium and Sports Complex ngayong araw, Agosto 29, 2024, para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang, "Filipino Wikang Mapagpalaya.

Nagsimula ang pagdiriwang sa isang pampasiglang bilang ng mga mag-aaral mula sa Bachelor of Culture and Arts and Education, na nagbigay ng tamang tono para sa mga susunod na gawain. Kasunod nito, nagbigay ng talakayan si Dr. Ruzel Espino-Paller, Director, Student Welfare and other Service Units, University of Antique, na binigyang-diin ang kahalagahan ng pagyakap sa ating wika.

Ang tampok na bahagi ng programa ay ang Cultural Show ng iba't ibang koponan: Tribu Pamalakaya: FIMARBS TEAM, Tribu Amumu-ong: CAHM TEAM, Tribu Pintados: CRIM TEAM, Tribu Tumalagsahon: EDUC TEAM, na nakatuon sa temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya."

Ang mga masidhing pagtatanghal ay lubos na nakaakit sa mga manonood, ipinapakita ang pagkamalikhain, masiglang pagpakita ng tradisyon sa pamamagitan ng sayaw at lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa tema at wikang Filipino.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Charles Riniel Porras
๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz, Jude Romell Saluta, Japhet Reyes, & Kingstone Zausa

Handa na ang entablado para sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2024, ika-57 Anibersaryo ng Pagkatatag ng ASEAN. Tunghayan ...
29/08/2024

Handa na ang entablado para sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2024, ika-57 Anibersaryo ng Pagkatatag ng ASEAN. Tunghayan ang mga kaganapan kaugnay sa nasabing pagdiriwang, dito sa New Washington Auditorium and Sports Complex.


๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’š ๐’Ž๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚ ๐’”๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚'๐’• ๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’๐’”๐’†๐’” ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Š๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’•๐’Š๐’." Isa sa mga paha...
29/08/2024

"๐‘จ๐’๐’ˆ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’š ๐’Ž๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚ ๐’”๐’‚๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’‚'๐’• ๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’ˆ ๐’‰๐’‚๐’๐’‚๐’ˆ๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’ƒ๐’๐’”๐’†๐’” ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’Š๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’•๐’Š๐’." Isa sa mga pahayag ni Dr. Ruzel Espino-Paller, Director, Student Welfare and other Service Units, University of Antique, bilang Tagapanayam sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 ng ASU-CFMS.

Pinalawak niya ang talakayan at binigyang diin ang tema sa ngayong pagdiriwang, "๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ดa๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’‘๐’‚๐’๐’‚๐’š๐’‚."

| ๐Ÿ“ธ: Fretz Dela Cruz

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 na may temang, "Filipino Wikang Magpagpalaya" ay magsisimula na, ipakita ang pagma...
29/08/2024

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024 na may temang, "Filipino Wikang Magpagpalaya" ay magsisimula na, ipakita ang pagmamahal sa ating pambansang wika at sa mga wikain, makiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, CFMSians!

| ๐Ÿ“ธ: Mary Joy Dayto

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ
28/08/2024

๐Ÿ“ฃ๐Ÿ“ฃ

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:Nagtagisan ng talino't husay ang mga mag-aaral mula sa apat na departamento ng ASU-CFMS sa ASEAN Quiz Bowl na gi...
28/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

Nagtagisan ng talino't husay ang mga mag-aaral mula sa apat na departamento ng ASU-CFMS sa ASEAN Quiz Bowl na ginanap ngayong araw, Agosto 28, 2024 sa Audio Visual Room, kaugnay pa rin sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN.

Ang nabanggit na tagisan ay pinangunahan ni Bb. Jodie Beatriz Zamora bilang Quiz Bowl Master. Samantala, matapos ang gitgitang iskor, ang departamentong CAHM ang nagsungkit bilang kampeon. Ang departamentong Educators ay nakuha ang unang gantimpala, sinundan ng FIMARBS sa ikalawang gantimpala, at ang ikatlong gantimpala ay pinuwestuhan ng departamentong Criminology.

Manatiling nakaantabay sa mga ganap kaugnay sa nasabing pagdiriwang!

|๐Ÿ–‹๏ธ:Chrisann Lee Cawaling
๐Ÿ“ธ: Mary Joy Dayto

๐“๐ž๐ซ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ค๐š '24 ๐ง๐  ๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!Ngayong araw, ika-28 ng Agosto, 2024, nagsagawa ng tertulyang pinamagatan...
28/08/2024

๐“๐ž๐ซ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ค๐š '24 ๐ง๐  ๐€๐’๐”-๐‚๐…๐Œ๐’, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!

Ngayong araw, ika-28 ng Agosto, 2024, nagsagawa ng tertulyang pinamagatang "Tertulyang Pangwika 2024" ang Aklan State University - College of Fisheries and Marine Sciences sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Sentro ng Wika at Kultura (SWK) na ginanap sa Function Hall and Training Center.

Ang nasabing ganap na may temang, "Pagpahaeaga sa mga Dunang Manggad sa Lenggwahe," ay may tunguhing mahikayat ang paggamit ng wikang pambansa bilang instrumento sa pagtuklas at pagbahagi ng kaalaman sa iba't ibang disiplina. Gayundin, nilalayong maibahagi ang mga paraan upang mapayabong ang wikang Filipino.

Ito ay magalak na isinakatapuran nina Dr. Elson C. Gonzales, Head of Teacher Education Department, at Dr. Randy J. Pastor, Chair of Planning and Development at NSTP Coordinator, bilang tagapanayam ng nasabing tertulya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga pananaliksik na nakatuon sa wikang Akeanon.

Ang nasabing tertulya ay dinaluhan ng mga piling g**o ng ASU-CFMS at mga una at ikatlong taong mag-aaral sa BSEd.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Kevin Leviste
๐Ÿ“ธ: Feb Ramintas

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ipinamalas ng mga CFMSians mula sa apat na departamento ang husay at pagkamalikhain sa ASEAN Poster-Making Cont...
28/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

Ipinamalas ng mga CFMSians mula sa apat na departamento ang husay at pagkamalikhain sa ASEAN Poster-Making Contest 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN nitong Agosto 27, 2024, sa Audio Visual Room.

Ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang natatanging talento sa pamamagitan ng makukulay at makabuluhang poster na sumasalamin sa kultura, tradisyon, at mga adhikaing mula sa mga bansang kabilang sa ASEAN. Mula sa masining na pagsasabuhay ng pagkaiisa hanggang sa malikhaing pagpahahayag ng mga layunin ng ASEAN.

Sino at aling departamento ang mangingibabaw? Huwag palampasin ang pagkakataong masilayan ang mga makabuluhang likha at mga masisiglang ganap habang patuloy na ipagdiriwang ang Buwan ng ASEAN, dito sa ASU-CFMS.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Diane Nathalie Diapana
๐Ÿ“ธ: Feb Ramintas

Pagpupugay sa ating mga dakilang bayani ng Pilipinas! Ngayong araw, Lunes, Agosto 26, taong kasalukuyan, ay ating  ginug...
25/08/2024

Pagpupugay sa ating mga dakilang bayani ng Pilipinas!

Ngayong araw, Lunes, Agosto 26, taong kasalukuyan, ay ating ginugunita ang Araw ng mga Bayani.

Sa araw na ito, tayo'y magsama-sama at magbigay pugay sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at maging sa mga modernong bayani sa kasalukuyan na minsa'y hindi nag-alinlangang ibigay ang sarili kapalit ang pagpapanatiling matanaw ng mga mamamayan ang bughaw na kalangitan.

Mabuhay ang Pilipinas!

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Diana Joy Formelos
Inilayout ni: Mark Laurence Janoras at Kyla Custodio

25/08/2024
Narito na ang iba't ibang masining na  larawan mula sa mga malikhaing mag-aaral pagdating sa paglikha ng kwento sa pamam...
24/08/2024

Narito na ang iba't ibang masining na larawan mula sa mga malikhaing mag-aaral pagdating sa paglikha ng kwento sa pamamagitan ng lente at salita sa ASEAN Photography Contest 2024, kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN.

Mga makabuluhang kultura, kahanga-hangang tanawin, at inspirasyon sa mga kasaysayang tunay na natatangi at nagpakikita ng lakas at pagkaiisa sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng komunidad ng ASEAN ang ibinahagi sa atin ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang departamento.

Kaninong obrang may kwento ang higit na natatangi sa lahat, CFMSians?

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Sykaye Dela Vega

๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„:๐Œ๐€๐ˆ๐’๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž["Magbaligya, magtinguha, indi't huya-huya, importante uwa ka it ginatapakang tawo,"] dala-d...
23/08/2024

๐…๐„๐€๐“๐”๐‘๐„:

๐Œ๐€๐ˆ๐’๐ญ๐ซ๐จ๐ง๐  ๐„๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž

["Magbaligya, magtinguha, indi't huya-huya, importante uwa ka it ginatapakang tawo,"] dala-dalang paniniwala ni Rolly Serrano habang naglalako sa loob at labas ng kampus.

Sakay ng tricycle karga ang isang sako, nakuha ng isang mag-aaral ang atensyon ng komunidad ng ASU-CFMS. Animo'y delivery rider papasok ng kampus, si Rolly pala, iniaabot sa iilang mga g**o't kapwa mag-aaral hindi ang parcel, kundi ang inilalako nitong mais o sweetcorn.

Bukod sa bitbit na mais ni Serano ay dala-dala rin nito ang kwentong hanguan ng inspirasyon sa lahat, higit lalo sa mga mag-aaral na may kaparehong danas sa kaniya.

Sa isang panayam, ibinahagi niya ang kaniyang karanasan sa pagiging mais vendor. Aniya, reseller lamang siya ng nabanggit na produkto.

["Dati, unga pa eang kami dahil sa kapobrehan, tinur-an kami it among ginikanan kung paano mag pangabuhi ag magdiskarte sa pang adlaw-adlaw. Sa ngaean nga malisod do kwarta sang mga ginikanan para makatus-tos sa akong pagtuon hay ging gamit ko do andang gin turo kakon para makabulig sa akong pagtuon."]

Noong una, nagkaroon pa aniya si Serrano ng pag-aalinlangang baka hindi gumana ang kaniyang planong ๐’”๐’Š๐’…๐’†๐’๐’Š๐’๐’†. Subalit nang dahil sa kaniyang pagpupursige, nag-๐’„๐’๐’Š๐’„๐’Œ umano ito hanggang ngayo'y marami namang tumatangkilik. Samakatuwid, kung minsa'y may mga customers na siya mula Kalibo at Boracay.

Si Serrano ay nasa ikaapat na taon sa ilalim ng programang BCAED. Aktibo rin ito sa mga organisasyon maging sa mga patimpalak. Bagaman isang hamon sa bulsa ang isa sa mga kalaban ng mga mag-aaral ay talagang mapaiisip ka ng paraang magpapagaan sa bigat ng mga bayarin. Para kay Serrano, malaking ambag ang kaniyang pinagkakaabalahan sa ngayon. Aniya, "Bale naka bulig eon imaw kakon pang pamasahe paagto sa skwelahan ag pang bayad it uniform ag FS 1 nga libro, naka buhin eon man gid kahit papaano sa gastusan sa skwelahan sang mga ginikanan, atleast sariling mong ging hinuguran."

Ang kwentong buhay mag-aaral ni Serrano ay hindi malayo sa kwento ng nakararami, kung kaya't sa panayam, buong puso niya tinugunan ang tanong kung ano'ng maipapayo nito sa lahat, na maaaring magsilbing motibasyon. ["Uwa man it maduea kung ga try ka mag pangabuhi para pang tustos sa imo nga pag tuon,bukon it rason du kapobrehan para di ka eon mag tinguha para sing kaugalingon. Kung gusto mo makatapos hay buligan mo imong ginikanan ag imong sarili. Indi't huya-huya porket kolehiyo ka hay mahuya ka mag baligya sa mga maestra o kapwa mo estudyante. Duyun du dapat nimong itatak sa imong kaugalingon, 'Uwa it maagtunan du tawo kung ga huya-huya ag last hay malimpyo nga pangabuhi du imong gina ubra ag bukon it imposible du imong handum kung pursigido ka nga estudyante."]

๐Œ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ ๐š ๐Š๐ข๐ง๐š๐ค๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐  ๐’๐ฎ๐ฎ๐ง๐ ๐ข๐ง ๐”๐ฉ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ฆ๐จ ๐š๐ง๐  ๐€๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐ข๐ญ๐ก๐ข๐ข๐ง.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Feb John Ramintas
Larawan mula kay: Angelo Leocario
Inilayout ni: Ky Custodio

Ikinagagalak ng buong komunidad ng Aklan State University - New Washington campus na ipinaalam na ang noon ay simpleng m...
23/08/2024

Ikinagagalak ng buong komunidad ng Aklan State University - New Washington campus na ipinaalam na ang noon ay simpleng mag-aaral lamang ay tuluyan nang naging Registered Criminologist ayon sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission nitong ika-23 ng Agosto taong kasalukuyan.

Buong-pusong nagbubunyi ang paaralang inyong pinagmulan. Sila ang mga sumusunod:

1.Autencio Jr., Absel A.
2.Andrade, Joanna B.
3.Enoslay, Jayfone V.
4.Gomez, Cris ian V.
5.Gregorio, Gelly F.
6.Mahinay, Noreen Grace M.
7.Narral, Mc Kennedy T.
8.Nicodemus Jr., Philip V.
9.Tanod, Vhen Robert T.

Congratulations mga CMFSians!

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Angelika Tajaran
Inilayout ni: Rose Ann Cabaรฑero at Ky Custodio

๐‘๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐‹๐„ '24 ๐ง๐  ๐๐‘๐‚, ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐š!Ipinalabas ngayong araw, Agosto 23, 2024 ng Professional Regulation Commission o ...
23/08/2024

๐‘๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐‚๐‹๐„ '24 ๐ง๐  ๐๐‘๐‚, ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐š๐›๐š๐ฌ ๐ง๐š!

Ipinalabas ngayong araw, Agosto 23, 2024 ng Professional Regulation Commission o PRC Board ang resulta ng Criminologist Licensure Examination nitong Hulyo 31, 2024 โ€“ Agosto 2, 2024. Kaugnay nito, ipinaabot ng buong komunidad ng ASU-CFMS ang pagbati sa mga bagong Rehistradong Criminologists sa matagumgay na pagkakapasa.

National Passing Percentage: 49.34%
ASU Passing Percentage
First Timer- 57.14%
Repeater- 50%
Overall Passing Percentage- 53.57%

| Inilayout ni: Ky Custodio

"The Filipino is worth dying for."Ngayong Agosto 23, 2024, ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day, isang mahalagang araw ...
23/08/2024

"The Filipino is worth dying for."

Ngayong Agosto 23, 2024, ginugunita natin ang Ninoy Aquino Day, isang mahalagang araw para sa ating bansa. Ito ay isang pag-alala sa kabayanihan ni Benigno "Ninoy" Aquino Jr., na minsan na ring nagdala ng kalayaan sa bansa. Ang kaniyang pagbalik sa Pilipinas noong 1983, sa kabila ng panganib sa kanyang buhay, ay nagpakita ng kanyang matinding pagmamahal sa bayan. Ang kanyang pagkamatay ay nagsilbing mitsa ng People Power Revolution na nagbalik ng demokrasya sa bansa. Ngayong araw, binibigyang-pugay natin si Ninoy, isang simbolo ng tapang at sakripisyo para sa kalayaan ng bawat Pilipino.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Diane Nathalie Diapana
Inilayout ni: Bobby Marabiles

23/08/2024
๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:Ang apat na sulok ng EB Room 108 ay nag-umapaw sa kaiibang mga husay at talento nang ipinakita ng ilang mag-aara...
22/08/2024

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐:

Ang apat na sulok ng EB Room 108 ay nag-umapaw sa kaiibang mga husay at talento nang ipinakita ng ilang mag-aaral mula sa iba't ibang departamento ang determinasyon sa naganap na audition na isinagawa ng Lunday Dance Company ng ASU-CFMS ngayong araw, Agosto 22, 2024.

Kaugnay nito, pagbati sa mga bagong miyembro ng nasabing organisasyon. Samantalahin ang pagkakataong ito upang maabot ang bagong tagumpay habang ipinaiiral din ang inyong pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng sayaw.

Sayaw Lunday! Sayaw!

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Leslie Lachica
๐Ÿ“ท: Angelo Leocario

22/08/2024

THIS IS D-DAY CFMSians! โœจ

We are now hours away from our highly anticipated dance auditions, and we couldnโ€™t be more thrilled to see all of your incredible talent on display!

AUGUST 22, 2024 (Thursday)
EB 108 | PE Room
2:00PM

See you all later! ๐Ÿค—

Departmental Orientation ng mga Mag-aaral ng BCAEd at BSEd Filipino, Isinagawa!Ngayong Agosto 21, 2024, ganap na 8:30 ng...
21/08/2024

Departmental Orientation ng mga Mag-aaral ng BCAEd at BSEd Filipino, Isinagawa!

Ngayong Agosto 21, 2024, ganap na 8:30 ng umaga, isinagawa ang Departmental Orientation para sa mga mag-aaral sa ilalim ng programang Bachelor of Culture and Arts Education (BCAEd) at Bachelor of Secondary Education major in Filipino (BSEd Filipino) sa ASU-CFMS Student's Center.

Ang pagtitipong ito ay aktibong dinaluhan ng mga mag-aaral mula unang taon hanggang ikatlong taon, mga g**o, at ilang mga magulang, sa pangunguna ng Teacher Education Department. Ang oryentasyong ito ay idinisenyo upang magbigay ng malinaw na gabay sa mga bagong mag-aaral ng BCAEd at BSEd Filipino programs tungkol sa kanilang kurikulum, mga patakaran ng unibersidad, at mga oportunidad na naghihintay sa kanila bilang mga g**o sa hinaharap. Tinalakay din ang mahahalagang isyung pang-akademiko, etikal na mga pamantayan, serbisyong magagamit, at mga paraan upang magtagumpay sa kanilang napiling larangan.

Bukod dito, naging pagkakataon din ito para sa mga mag-aaral na makipag-ugnayan at makilala ang mga g**o at kawani ng departamento. Sa pamamagitan ng isang open forum, nagkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na magbigay ng kanilang opinyon o palagay hinggil sa naganap na oryentasyon.

Ang pagtitipong ito ay hindi lamang nagbigay ng mahalagang impormasyon kundi naglatag din ng pundasyon para sa matagumpay na paglalakbay ng mga mag-aaral sa mundo ng edukasyon. Sa pagtatapos ng programa, iniwanan ng mga tagapagsalita ang mga mag-aaral ng inspirasyon at paghahanda, na nagsisilbing gabay sa kanilang akademikong buhay.

| ๐Ÿ–‹๏ธ: Samantha Santiago
๐Ÿ“ธ: Mary Joy Dayto & Kingstone Zausa

20/08/2024

THE LAST DAY OF OUR COUNTDOWN CFMSians! โœจ

We are just 1 day away from our highly anticipated dance auditions, and we couldnโ€™t be more thrilled to see all of your incredible talent on display!

AUGUST 22, 2024 (Thursday)
EB 108 | PE Room
2:00PM

See you all tomorrow! ๐Ÿค—

20/08/2024

๐€๐๐๐Ž๐”๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“!

For the guidance of the MAEd-PE thesis advisers, thesis writers, and committee members, the following schedule for oral defense shall be observed for AY 2024-2025:

Requirements:
- accomplished application form
- compliance form (pre-oral and final oral)
- copies of the thesis/dissertation manuscript on the date stipulated on the deadline.


Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The WAVE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The WAVE:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share