03/07/2021
BAKIT NGA BA AKO NAGBIBIKE?
by: kuya caleb stories
"Guys? Anung oras ride out?
"4:30am meet up time, 5am ride out"
"Sigi tulog na ko maaga pa ko lalarga sa meet up place"
"Tinatamad akong magbike bukas"
Dito nagsisimula ang lahat ng mga plano, kung saan, at anung oras ang ride out ng tropa, may excited at minsan nayayamot.............
"Guys! Anung oras na, saan na kayo?
"Asan si Pedro? Naku tulog nanaman ba si baby damulag?"
"Otw na ko sa meet up place"
"Ayuko sumama, kayo nalang"
At eto na yung pinaka aantay ng lahat ang magkumpulan sa meet up place para simulan ang isang "adventure ng buhay"
...............
"So tara na? Trangkohan ko na ba?"
"Chill ride lang, wag takbong 50"
"May shawty sanang makasalubong"
"Oh oh oh, bumabanat, bumabanat"
Nagbibike ako para mag unwind kasama ibang mga tropa, nagbibike ako para maging panatag ang isip at para hindi ma-stress
..................
"Saglit lang, ayun kantina!"
"Kakakain mo lang lalamon ka ulit?"
"Pagod na pagod sa ahon ah, parang di nag ukod"
"Gusto ko ng umuwi, iniisip ko nlang sumakay ng truck pauwi"
"Sabi niyo, patag lang! Bakit may ahon don?"
Ang sarap kasing magbike, yung bang kahit pagod maeenjoy mo yung "me time" mo sa sarili mo yung tipong maiisip mo sarap ng pakiramdam
Hindi ako nagbibike para magpasikat, hindi para kumarera at maging hambog.
Nagbibike ako para maging masaya, para maging malaya sa mundong madilim at mapang api.
Hindi mali ang naging desisyon mo para magbike, ok nga yun eh, mapupuntahan mo din yung mga lugar na gusto mong puntahan.
Maging masaya ka sa bawat lakbayin ng buhay mo.
Minsan ang pagbibike ay AHON: mapapagod ka muna bago mo marating yung destinasyon na pupuntahan mo.
Minsan ang pagbibike ay PATAG: pagkatapos mong umahon, dirstyo ka na sa lakbayin ng buhay mo ng walang alinlangan at walang pag iimbot.
Minsan sa pagbibike ay kailangan mong yumuko upang di ka mahirapan sa pagpadyak sa tuwing humahangin. Yun ang dahilan kaya minsan bumabagal ka.
Walang malakas o mahina sa pagbibike. "Mabagal ka lang, minsan mabilis sa pagpadyak"
"Ang saya sa pinuntahan natin nagiging maayos ako"
"Wag mong sukuan sa susunod, tuloy lang"
#