30/10/2024
IPINATIGIL NG SUPREME COURT ANG PAGLILIPAT NG PHILHEALTH EXCESS FUNDS SA NATIONAL TREASURY
Suportado ni Senator B**g Go ang pag-issue ng temporary restraining order ng Korte Suprema laban sa paglilipat ng Php89.9 Billion na excess funds ng PhilHealth sa National Treasury.
Sulit ang pangungulit ng ating Senate Committee on Health Chairperson Senator B**g Go dahil aniya ang pera ng PhilHealth ay para sa health. At hindi dapat gamitin sa ibang proyekto na walang kinalaman sa kalusugan ng Pilipino. Habang ang mga kababayan natin ay naghihingalo at walang pambayad sa hospital, nananatiling sobra-sobra ang pondo ng PhilHealth.
Matatandaan na sa apat na senate hearings, paulit-ulit na kinukwestiyon ni Senator B**g Go kung bakit kukunan din ang pondo ng PhilHealth, gayong importante na magamit ang pondo nito para sa maayos na implementasyon ng Universal Health Care Act. Maaaring sila ay lusot sa legal na paraan, pero morally ay hindi katanggap-tanggap ang aksyong ito ng PhilHealth at Department of Finance.
**gGo
**gGo🇵🇭👊🏻