10/08/2023
Harapin ang TAKOT//
gulong gulo ang isip at nilalamig
mga tinig sa gabi na bulong nang bulong
pinipigilan ka sa iyong pagtulog
sa bawat umaga na iyong pag bangon
hinde ka man lang naka ahon sa iyong paglubog
kaya't gusto kitang panooring lumaya sa madilim mong kwarto,
tutulongan makawala sa takot
na dulot ng pagkawalan ng tiwala sa mga tao
ipaparamdam na may nagmamahal at naniniwala sayo
hilahin ka palabas upang masilayan mo ang mundo
gusto kong malaman mong handa akong manatili sa tabi mo
MAY KASAMA KA, KAKAYANIN MO!
✍️ Admin rom