16/05/2022
Kahit pinalawak ng MMDA ang number coding scheme sa mga sasakyan, useless pa rin daw ito. Kung paanong hindi nakatulong ang provincial bus ban sa EDSA, hindi rin daw talaga luluwag ang mga kalsada sa Metro Manila dahil marami pa ring pamilya ang makaka-afford ng multiple family cars with different plate numbers. Kung talagang gustong iayos ng gobyerno ang trapiko sa bansa, wala raw mas bibisa pang solusyon kundi iayos ang public transport system at walkways na mag-i-encourage pati sa mga middle class na mag-commute. Ilagay sa tama ang paggamit sa pondo ng DOTr, i-prioritize ang mga projects na makakatulong sa nakararami at hindi sa interes ng iilan?
Agree ba kayo sa planong ito ng MMDA? Tingin n'yo ba, epektibong solusyon ito para mapaluwag ang mga kalsada sa Metro Manila? Or naniniwala rin ba kayo na sa isa na naman itong discriminatory policy ng gobyerno? Tulad sa provincial bus ban na nagpahirap nang husto sa mga mas nakararaming pobreng mananakay, hindi ba’t balewala lang ang number coding scheme na ‘yan sa mga pamilyang afford magkaroon ng multiple family cars with various last digit plate number? Anong sey n’yo?
SOURCE: https://www.cnnphilippines.com/news/2022/5/13/new-coding-postpone-next-admin.html