16/05/2022
PAGTAAS NG SAHOD NG MGA CAVITEÑO, MAISASAKATUPARAN NA DAHIL KAY VG JOLO REVILLA
Kasalukuyan ng dinidinig ang hinain ni VG Jolo Revilla na Provincial Resolution ng lalawigan ng Cavite para sa pagtaas ng sahod ng mga manggagawang Caviteño.
"PRESS RELEASE
May 16, 2022
PAGTAAS NG SAHOD NG MGA MANGGAGAWANG CAVITEÑO, MAISASAKATUPARAN NA
Trece Martires City --- Inilunsad ang public hearing kaugnay ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON ngayong araw na pinangunahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Legislative Building ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite.
Dumalo sa nasabing public hearing ang Chairman ng RTWPB IV-A at DOLE IV-A Regional Director, Director Ezekiel Ronie de Guzman, Cavite Vice Governor Jolo Revilla, mga kinatawan ng Labor Groups and Laborers kasama ang mga manggagawa sa mga pabrika sa lalawigan ng Cavite gayundin ang representative mula sa Management Group.
Matatandaan na mayroong inihaing na Provincial Resolution ang lalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Vice Gov Jolo Revilla noong nakaraang taon para isulong ang pagtaas ng sahod ng mga Caviteño at nitong Abril taong kasalukuyan ay naging matagumpay ang public consultation na ginanap sa buong rehiyon.
"Apat na taon na ang nakalipas mula nang huling itinaas ang sahod ng mga manggagawa sa Cavite. Napapanahon na para itaas ito ngayon, lalo na't walang tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin dahil na din sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Kamakailan lang ay muli na namang itinaas ang sahod ng mga manggagawa sa NCR, kaya naman panawagan namin sa Cavite ay itaas na din sahod kapareho nang sa NCR" pahayag ni VG Jolo Revilla.
"Kung titignan natin ang distansiya ng mga bayan at lungsod ng Cavite sa NCR, hindi pa aabot sa halos 6KM ang layo ng Bacoor, 10KM ang layo ng Imus habang 13KM naman sa Kawit. Kaya marapat lamang na ipantay ang sahod sa mga karatig na lugar ng NCR dahil kung ano ang presyo ng mga bilihin sa NCR, gayundin sa Cavite" dagdag ni Revilla.
"Kung bibigyan ng parehong pagkilala ang kalagayan ng mga manggagawa at kumpanya at hindi kakayanin na maibigay ang sahod tulad ng sa NCR, panukala ko ay dagdag na P125 sa arawang sahod para umakyat mula P373 patungong P498 ang maaaring tanggapin na sweldo ng mga manggagawang Caviteño" pagtatapos ni Revilla.
Ayon naman kay DOLE IV-A Regional Director, hindi kinakailangang lumagpas sa 30 days matapos ang public hearing ay may resulta na magkano ang itataas ang sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON.
"Positibo ang aking pagtingin na maitataas natin ang sahod ng mga manggagawa hindi lamang sa Cavite, kundi sa buong rehiyon" pagtatapos ni RD de Guzman.
Inaasahan na bago pa man lisanin ni VG Jolo ang kanyang posisyon sa Kapitolyo sa Hunyo ay maitataas ang sahod ng mga manggagawang Caviteño. " - VG Jolo Revilla