12/03/2022
YOUR PAST DOES NOT DEFINE YOUR FUTURE!
Huwag mong hayaan na ang iyong nakaraan ang magdidikta ng iyong kinabukasan.
Tulad ng mga naririnig natin na mga opinion ng ibang tao na kapag mahirap ka at nangangarap na umasenso, sasabihan ka na agad na masyado ka namang ambisyosa o ambisyoso , hindi ka marunong makuntento, at sasabihin sayo lahat ng mga dahilan na hindi mo kayang umasenso, tulad ng mahirap lang kayo, hindi ka magaling, hindi ka makinis, hindi gwapo o maganda, probinsyano ka o probinsyana, bisaya magsalita, kaya wag ka na sumubok , mahirap ka ipinanganak, mahirap ka din mamumuhay at mahirap ka din mamamatay, mga ganitong salita ang iyong maririnig kapag nag decide ka na umunlad sa buhay ng mga taong nakapaligid sayo. Pero wag kang mag pa apekto sa kanila, kasi PANGARAP mo naman ang iyong pinaglalaban para sa iyong PAMILYA.
Tulad ni Xyza Escuadra, ipinanganak syang mahirap sa probinsya ng Mindanao sa Agusan Del Sur, nangarap sya na maiahon din ang pamilya sa kahirapan, kaya pinag butihan nya ang kanyang pag aaral , lumuwas dito sa Manila , at dito nag aral ng kursong BSBA sa RTU, pinagsasabay nya ang pag aaral habang nag t-trabaho sa Jollibee bilang crew at sa Call Center din, pero hindi na kinaya ng kanyang katawan pagsabayin ang pag aaral at pag t-trabaho sa Call center , dahil sa schedule, puyat sya palagi, at naging career nya na ang call center, hanggang naimbitahan sya ng kanyang kasamahan sa isang business opportunity, at dun nya nakita na ang kanyang PINAPANGARAP na magandang buhay ay POSIBLENG mangyari!
Kaya inaral nya ito, dumaan sa PROSESO, maraming pagsubok na pinagdaanan, minsan napag tatawanan na, pero tuloy pa din, minsan nadapa at nagamit pa ng mga taong mapagsantala pero bumangon ulit at natuto sa mga pagkakamali,
Hindi nya hinayaan na ang kanyang nakaraan ang magdidikta ng kanyang kinabukasan!
Kaya ngayon napagawa nya na ang Magandang bahay para sa kanyang pamilya! Meron na rin syang sariling sasakyan at 6 digits monthly INCOME!
Kaya para sa Movers sa buong mundo, laging mong tandaan , na hindi ang iyong nakaraan ang magdidikta ng iyong KINABUKASAN!
Tumuloy ka lang! Laban lang ng laban! Normal ang mga pagsubok, kasi dun tayo nahuhubog!
Keep dreaming! Keep moving! Keep working!
Fighting! ๐ช๐ผ Never give up! See you at the top! ๐๐ผโ๐ผ
CTTO