AHAdventist

AHAdventist AHA!

20/09/2023

😇❤

20/09/2023
20/09/2023

🙏

08/09/2023

Good Evening Brethren!🙏

Family Togetherness Week of Prayer - Day 6

Topic: KAPAYAPAAN SA GITNA NG BAGYO

"Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.”
- Juan 14:27

Speaker: Bro. Allan Dabuet



08/09/2023

HAPPY SABBATH! 😇

"Observe my Sabbaths and have reverence for my sanctuary. I am the Lord."
Leviticus 26:2



06/09/2023

HAPPY WEEK OF PRAYER!☺️

Join us for a Family Week of Prayer, September 3-9, 7:00 PM nightly. See you there at Southville 1 Seventh-day Adventist Church - Cabuyao District!🙏

This serves as a reminder for all to place God in the heart of family life. Through the resource book provided for the week, titled "Keys to Healthy Minds: Flourishing Families," families can integrate the teachings of Christ into their daily worship.

This week you and your family are called to
CHOOSE your own positive mental health. You are invited to revisit several Bible experiences where you can learn with God’s guidance to CHOOSE to live with healthy minds.

The body we were given is a big responsibility
for each of us (1 Corinthians 6:19-20). Our minds are a key part of our lives. CHOOSE to take steps to live to the fullest, even when times are difficult. Jesus will always be there with you.

Topics Covered:

Sunday - Thinking Well
Monday - Choose Gratitude
Tuesday - Choose Wonder
Wednesday - Choose Joy
Thursday - Choose Kindess
Friday - Choose Peacefulness
Sabbath - Choose Hope





06/09/2023

Good Evening Brethren!🙏

Family Togetherness Week of Prayer - Day 4

Topic: PILIIN ANG KAGALAKAN

“Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!”
- Mga Taga Filipos 4:4

Speaker: Sis. Nicole Ballarbare



06/09/2023

Titus 1:15 & 16 | NIV
"To the pure, all things are pure, but to those who are corrupted and do not believe, nothing is pure. In fact, both their minds and consciences are corrupted."

---------------------------------------------
Ways how to walk with God.
1. Know God first.
- Read His words, be filled with the Holy Spirit, and seek the Lord through prayer.

2. Know the purpose of the scripture.
Psalm 119:105 "Your word is a lamp for my feet, a light on my path."
- The scripture will take us away from the danger around us.
2 Timothy 3:16 "All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness,"

3. Be the salt and light of the world.
Matthew 5:13 “You are the salt of the earth. But if the salt loses its saltiness, how can it be made salty again? It is no longer good for anything, except to be thrown out and trampled underfoot."


16/08/2023

HAPPY MIDWEEK, BRETHREN. ❤️

Take time to pray, reflect, and seek for the help of the Lord.

"Watch and pray, that ye enter not into temptation: the spirit indeed is willing, but the flesh is weak."
(Matthew 26: 41)




16/08/2023

GOOD MORNING! 🌞

A HOPEFUL WEEK FOR EVERYONE.🙏

Have a conversation with God and meditate on His words every morning.




Morning DevotionalMayo 29 , 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU" NAGSISIKAP NA MAGBIGAY NG HULING BABALA "   Pagkatapos ng mga b...
28/05/2023

Morning Devotional
Mayo 29 , 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

" NAGSISIKAP NA MAGBIGAY NG HULING BABALA "

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nanaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan ; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian.
( Apocalipsis 18 : 1 )

Lumilipas ang bawat araw patungo sa walang hanggan, na dinadala tayo mas malapit sa pagsasara ng pagsubok. Kailangan nating manalangin na tulad nang hindi pa natin ginagawa para ibuhos ang Banal na Espiritu nang higit na sagana ngayon, at kailangan nating hanapin na dumating sa mga manggagawa ang impluwensya nitong nagpapabanal, upang makilala ng mga taong kanilang pinagsusumikapan na nakasama nila si Jesus at natuto mula sa Kanya. Kailangan natin ngayon ang espirituwal na paningin nang higit kaysa dati, upang makakita tayo sa malayo, at upang makita natin ang mga patibong at panukala ng kaaway, at ipahayag ang panganib bilang mga tapat na tagabantay. Kailangan natin ng kapangyarihang espirituwal upang maunawaan natin, hangga't makakaya ng isip ng tao, ang mga dakilang paksa ng Cristianismo, at kung gaano kalayo ang abot ng mga prinsipyo nito.
Kapag nagpakumbaba ang bayan ng Diyos sa Kanyang harapan, na bawat isa'y hinahanap ang Kanyang Banal na Espiritu nang buong puso, maririnig mula sa labi ng mga tao ang patotoo na katulad sa Kasulatang ito : "Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang isa pang anghel na nanaog mula sa langit, na may dakilang kapangyarihan ; at ang lupa ay naliwanagan ng kanyang kaluwalhatian" ( Apocalipsis 18 : 1 ). Magkakaroon ng mga mukhang nagniningning sa pag - ibig ng Diyos, magkakaroon ng mga labing nahipo ng banal na apoy, na nagsasabi, "Ang dugo ni Jesus na Kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan" ( 1 Juan 1 : 17 ).
Silang nasa ilalim ng impluwensya ng Espiritu ng Diyos ay hindi magiging panatiko, kundi kalmado, matatag, malaya mula sa kabulagsakan. Ngunit itulot na mag - ingat kung paano sumisigaw ng kapayapaan at pagiging ligtas ang lahat na may liwanag ng katotohanan na nagniningning nang malinaw at tiyak sa kanilang landas. Mag - ingat kayo sa impluwensya na inyong ibinibigay sa panahong ito.
Nagnanasa si Jesus na ibigay ang makalangit na regalo sa mayamang sukat sa Kanyang bayan. Tumataas ang mga panalangin sa Diyos araw - araw para sa katuparan ng pangako ; at wala ni isa sa mga panalanging gingawa sa pananampalataya ang nawawala. Umakyat si Cristo sa kaitaasan, na dinalang bihag ang pagkabihag, at nagbigay ng mga regalo sa mga tao. Noong, pagkatapos ng pag - akyat ni Cristo, bumaba ang Espiritu sang - ayon sa pangako, katulad ng isang rumaragasa at malakas na hangin, na pinuno ang buong lugar kung saan nagkatipon ang mga alagad, ano ang nagjng epekto?
Libu - libo ang nahikayat sa isang araw. Nagturo tayo, umasa na bababa ang isang anghel mula sa langit, na maliliwanagan ang buong mundo ng Kanyang kaluwalhatian, kung kailan makakakita tayo ng pagtitipon ng mga kaluluwa katulad ng nasaksihan noong araw ng Pentecostes. ---- THE HOME MISSIONARY, November 1 , 1893.

God Bless Us 🙏🙏🙏

MAGANDANG MORNING
😍😍😍

Morning DevotionalMayo 28 , 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU" KAHABAGAN AT PAGMAMAHAL : GUMAGAWA ANG ESPIRITU NG DIYOS "   "A...
27/05/2023

Morning Devotional
Mayo 28 , 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

" KAHABAGAN AT PAGMAMAHAL : GUMAGAWA ANG ESPIRITU NG DIYOS "

"Ano sa palagay mo, alin sa tatlong ito, ang nagjng kapwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?" At sinabi niya, "Ang nagpakita ng habag sa kanya." Sinabi sa kanya ni Jesus, "Humayo ka, at gayundin ang gawin mo."
( Lucas 10 : 36 , 37 )

Hindi maaaring maghikahos para sa pagmamahal ang puso kung saan nananahan si Cristo. Kung iniibig natin ang Diyos dahil nauna Niya tayong minahal, mamahalin natin ang lahat ng pinagbuwisan ni Cristo ng buhay. Hindi tayo makakalapit sa Diyos nang hindi lumalapit sa tao ; sapagkat sa Kanyang nakaupo sa trono ng sansinukob, nagsama ang Kadiyosan at katauhan. Nakaugnay kay Cristo, naiuugnay tayo sa ating kapwa sa pamamagitan ng mga ginintuang kawing ng tanikala ng pag - ibig. Pagkatapos ay makikita ang kahabagan at pagmamahal sa ating buhay. Hindi natin hihintayin na dalhin pa sa atin ang mga nangangailangan at sawimpalad. Hindi na kakailanganing magsumamo ang iba sa atin upang maramdaman ang kahirapan nila. Magiging likas para sa atin ang maglingkod sa mga nangangailangan at nagdurusa na gaya ni Cristo na lumibot na gumagawa ng kabutihan.
Kailanman mayroong bugso ng pag - ibig at simpatya, saanman umaabot ang puso upang pagpalain at itaas ang iba, naihahayag ang gawain ng Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pinakakailaliman ng paganismo, may mga taong walang nalalaman sa nakasulat na kautusan ng Diyos, na hindi pa naririnig ang pangalan ni Cristo ay naging mabuti sa Kanyang mga lingkod, na iniingatan sila sa panganib ng sarili nilang mga buhay. Ipinapakita ng kanilang mga gawa ang pagkilos ng isang banal na kapangyarihan ...
Nasa pag - angat sa nagkasala ang kaluwalhatian ng langit, sa pag - aliw sa mga nagugulumihanan. At saanman nananahan si Cristo sa puso ng mga tao. Siya'y mahahayag sa gayunding paraan. Saanman ito kumikilos, magpapala ang relihiyon ni Cristo. Saanman ito gumagawa, naroon ang kaliwanagan.
Walang pagtatangi ayon sa nasyonalidad, lahi o caste ang kikilalanin ng Diyos. Siya ang lumalang sa buong sangkatauhan. Iisang sambahayan ang lahat ng tao sa pamamagitan ng paglalang, at nagkakaisa ang lahat sa pamamagitan ng pagtubos. ----- CHRIST'S OBJECT LESSONS, pp. 384 - 386.

Pagpalain po tayong lahat ..

Good morning😇😇😇

Morning DevotionalMayo 26 , 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU" KASAMA ANG MGA NAKATALAGANG MGA LALAKI AT BABAE "   Sapagkat ti...
26/05/2023

Morning Devotional
Mayo 26 , 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

" KASAMA ANG MGA NAKATALAGANG MGA LALAKI AT BABAE "

Sapagkat tingnan ninyo ang inyong pagkatawag, mga kapatid : kakaunti sa inyo ang matatalino ayon sa pamantayan ng tao, hindi marami ang makapangyarihan, hindi marami ang isinilang na marangal.
( 1 Corinto 1 : 26 )

Hindi mapupunuan ng lahat ang magkakatulad na lugar ; ngunit ang bawat isa na nagsusuko ng kanyang sarili sa nagtatalagang impluwensya ng Banal na Espiritu ay mapapasailalim ng kontrol ni Cristo, at gumawa ang Diyos ng ganap na mapagkukunan para sa mga nakatalagang mga lalaki at babae. Ipagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan at instrumento. Hindi lamang ang pinakamaraming talento, hindi lamang silang nasa matataas na posisyon ng pagtitiwala, o iyong may pinakamataas na pinag - aralan ang gagamitin ng Panginoon sa gawain ng pagliligtas ng kaluluwa. Gagamitin Niya ang marami na nagkaroon ng kakaunting pagkakataon. Sa pamamagitan ng mga simpleng pamamaraan, dadalhin Niya silang nagmamay - ari ng mga kagamitan at lupa sa paniniwala sa katotohanan ; at magjging katulong ng Diyos ang mga ito sa pagpapasulong ng Kanyang gawain. Hindi palaging iyong pinakamagaling na talento ang nakakagawa ng pinakamarami para sa Diyos. Makapagsasalita ang Panginoon sa pamamagitan ninuman na nakatalaga sa Kanyang paglilingkod.
Kapag nauunawaan natin ang espiritu ng mensahe na magdadala sa mga kaluluwa na pumili sa pagitan ng buhay at kamatayan, makakakita tayo ng gawaing gagampanan na hindi natin inaakala. Minsang mapahintulutang mahawakan ang mga lalaki at babae, bata at maganda, ng espiritu ng misyonero, at makakakita tayo ng marami na humahayo sa malawak na daan at sa mga halamang - bakod, at inuudyukan ang tapat na pumasok.
Hayaang maalala nilang gumagawa para sa mga kaluluwa na naipangako silang makipagtulungan kay Cristo, na tutupad sa Kanyang mga tagubilin, na susunod sa Kanyang gabay. Araw - araw silang dapat na humingi at tumanggap ng kapangyarihan mula sa itaas. Dapat nilang ingatan ang nananatiling pagkadama para sa pagmamahal ng Tagapagligtas, ng Kanyang kagalingan, ng Kanyang pagbabantay, ng Kanyang kabaitan. Dapat silang tumingin sa Kanya bilang pastol at apostol ng kanilang kaluluwa. Tataglayin nila ang simpatya at tulong ng mga makalangit na anghel. Magiging katuwaan at putong ng pagdiriwang nila si Cristo. Makukontrol ng Banal na Espiritu ang kanilang mga puso. Hahayo sila na nararamtan ng banal na kasigasigan, at sasamahan ang kanilang mga pagsisikap ng kapangyarihan na angkop

sa kahalagahan ng mensahe na kanilang ipinapahayag. ---- REVIEW AND HERALD, October 27 , 1910.

Pagpalain po tayong lahat ..

GOOD MORNING ❣️❣️

Psalms 51 : 10-1310 Create in me a pure heart, O God,    and renew a steadfast spirit within me.11 Do not cast me from y...
06/05/2023

Psalms 51 : 10-13

10 Create in me a pure heart, O God,
and renew a steadfast spirit within me.
11 Do not cast me from your presence
or take your Holy Spirit from me.
12 Restore to me the joy of your salvation
and grant me a willing spirit, to sustain me.

13 Then I will teach transgressors your ways,
so that sinners will turn back to you.

Morning DevotionalMayo 7, 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU"MAY MGA MAGULANG NA NAGMAMALASAKIT"   Sa Iyong harapan ay huwag Mo...
06/05/2023

Morning Devotional
Mayo 7, 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

"MAY MGA MAGULANG NA NAGMAMALASAKIT"

Sa Iyong harapan ay huwag Mo akong paalisin, at ang Iyong banal na Espiritu sa akin ay huwag Mong bawiin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng Iyong pagliligtas, at alalayan ako na may espiritung nagnanais. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga sumusuway ang mga lakad Mo ; at ang mga makasalanan ay manunumbalik sa iyo.
( Awit 51 : 11 - 13 ).

Anong panalangin ito! Maliwanag na hindi dapat na balewalain ang mga makasalanan sa sambahayan, kundi tinitingnan sila ng Panginoon bilang mga binili ng Kanyang dugo. Sa bawat sambahayan na naroon ang mga hindi hikayat, dapat na maging gawain nilang nakakakilala sa Panginoon na gumawa na may katalinuhan para sa kanilang pagkahikayat. Tiyak na pagpapalain ng Panginoon ang mga pagsisikap ng mga magulang, samantalang sa Kanyang takot at pagmamahal ay nagsisikap silang mailigtas ang mga kaluluwa sa kanilang sambahayan. Naghihintay ang Panginoon na maging mabiyaya.
O, nawa'y magsimula ang gawaing iyon sa puso! "Sapagkat sa alay ay hindi Ka nalulugod ; kung hindi ay bibigyan Kita, hindi ka nalulugod sa handog na sinusunog. Ang mga hain sa Diyos ay bagbag na diwa, isang bagbag at nagsisising puso. O Diyos, ay hindi Mo hahamakin" ( Awit 51 : 16 , 17 ). Kung gayo'y itulot na maunawaan ng lahat ng kaanib ng sambahayan na kailangang magsimula sa puso ang gawain. Dapat na maipasok ang puso at gawing nagsisisi sa pamamagitan ng lumalalang at nagpapanibagong - buhay na kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Sa pagkilala sa tulong ng makapangyarihang puwersang ito, hindi ba makagagawa ang mga magulang para aa pagkahikayat ng kanilang mga anak na may higit na kasigasigan at pagmamahal kaysa dati?
Ang pangako ng Panginoon ay "Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo ; kayo'y magiging malinis sa lahat ninyong karumihan, at lilinisin Ko kayo sa lahat ninyong mga diyus - diyosan. Bibigyan Ko kayo ng bagong puso, at lalagyan Ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo. Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at Aking bibigyan kayo ng pusong laman. Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin Ko kayo nang ayon sa Aking mga tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod sa Aking mga batas" ( Ezekiel 36 : 25 - 27 ).
Kapag gumagawa ang Espiritu ng Panginoon sa puso ng mga magulang, darating sa harapan ng Diyos ang kanilang mga panalangin at luha, at masikap silang magsusumamo, at tatanggap ng biyaya at karunungan mula sa langit, at magkakaroon ng kakayahang gumawa para sa mga anak nilang hindi hikayat. Habang ipinapakita ang espiritung ito sa tahanan, ito'y dadalhin sa iglesya, at silang mga misyonero sa tahanan ay magiging mga kinatawan din para sa Diyos sa iglesya at sa sanlibutan. Magtataglay ng malinaw na kakaibang hulma ang mga institusyon na itinayo ng Diyos. ---- REVIEW AND HERALD, March 14 , 1893.

God Bless Us 🙏♥️

Morning DevotionalMayo 5, 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU"MINAMAHAL PA RIN BAGAMA'T TAYO'Y NAGKAKAMALI "   Mga munti kong an...
05/05/2023

Morning Devotional
Mayo 5, 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

"MINAMAHAL PA RIN BAGAMA'T TAYO'Y NAGKAKAMALI "

Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo, upang kayo'y huwag magkasala. Ngunit kung ang sinuman ay magkasala, tayo ay may Tagapagtanggol sa harap ng Ama, si Jesu - Cristo na siyang matuwid.
(1 Juan 2 : 1)

Ang mga may kaugnayan sa Diyos ay mga daluyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kung maligaw ng landas ang taong araw - araw na nakikipagniig sa Diyos, kung babaling siyang pansumandali mula sa pagtitig kay Jesus, ito'y hindi dahil sa sadya siyang nagkakasala ; dahil kapag nakita siya ang kanyang pagkakamali, muli siyang babaling at itutuon ang kanyang paningin kay Jesus. Hindi dahil nagkamali siya ay nababawasan na ang pagmamahal sa kanya ng Diyos. Nalalaman niyang may pakikipagniig siya sa Tagapagligtas ; at kapag sinaway siya sa kanyang pagkakamali, hindi siya lumalakad nang malumbay, at umaangal sa Diyos, kundi ginagawang tagumpay ang pagkakamali. Natutuhan niya ang aral mula sa mga salita ng Panginoon, at nag - iingat upang hindi na siya madayang muli.
May panloob na katibayan ang mga tunay na nagmamahal sa Diyos na sila nga'y mahal Niya, na may pakikipagniig sila kay Cristo, na ang kanilang mga puso ay pinapag - alab ng pag - ibig sa Kanya ... Maaari nilang sabihin nang may ganap na pagtitiwala, "Sapagkat kami ay hindi sumunod sa mga kathang - isip na ginawang may katusuhan nang aming ipaalam sa inyo ang kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesu - Cristo, kundi kami ay mga saksing nakakita ng Kanyang kadakilaan ... Kaya't mayroon kaming salita ng propesiya na lalong tiyak. Mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong pagtutuunan ng pansin, gaya sa isang ilawang tumatanglaw sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang - liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso" ( 2 Pedro 1 : 16 - 19 ).
Ang panloob na buhay ng kaluluwa ay maghahayag ng sarili sa panlabas na pag - uugali. Hayaang taglayin ng Salita ng Diyos ang patotoo nito para sa sugong ipinadala ng Diyos na may mensahe para sa mga huling araw upang maihanda ang isang bayang tumayo sa araw ng Panginoon." 'Napakaganda sa mga bundok ang mga paa niyong nagdadala ng mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan na nagdadala ng mabuting balita ng kabutihan, na naghahayag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Zion, 'Ang iyong Diyos ay naghahari' " ( Isaias 52 : 7 ).
Hindi mapagkakatiwalaan ang karunungan ng tinatawag na mga taong intelektuwal, malibang matutuhan nila araw - araw ang mga aralin sa paaralan ni Cristo. Maaaring magpanukala at gumawa ng mga teorya at mga sistema ng pilosopiya ang mga tao, sa inaari nilang karunungan, ngunit tinatawag sila ng Panginoon na palalo at mangmang. Sinasabi ng Panginoon, "Sapagkat ang kahangalan ng Diyos ay higit na matalino kaysa mga tao, at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa mga tao" ( 1 Corinto 1 : 25 ). ---- REVIEW AND HERALD, May 12 , 1896.

God Bless Us and GOOD MORNING 🌞🙏

Morning DevotionalMayo 3 , 2023SINASAMAHAN NG ESPIRITU"NAPALILIBUTAN NG ISANG BANAL NA KALASAG"   "At tumawag ka sa Akin...
02/05/2023

Morning Devotional
Mayo 3 , 2023
SINASAMAHAN NG ESPIRITU

"NAPALILIBUTAN NG ISANG BANAL NA KALASAG"

"At tumawag ka sa Akin sa araw ng kabagabagan ; ililigtas kita, at luwalhatiin mo Ako."
(Awit 50 : 15)

Kapag nagbangon ang mga pagsubok na tila hindi maipaliwanag, hindi natin dapat na pahintulutang masira ang ating kapayapaan. Gaano man kawalang katuwiran ang pagtrato sa atin, huwag ninyong pabayaang magising ang mabigat na damdamin. Sinusugatan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa espiritu ng pagganti. Sinisira natin ang sarili nating pagtitiwala sa Diyos, at pinapalungkot ang Banal na Espiritu. Nasa ating tabi ang isang Saksi, isang makalangit na sugo, na magtataas para sa atin ng watawat laban sa kaaway. Ikukulong Niya tayo sa maliliwanag na sinag ng Araw ng Katuwiran. Sa labas nito'y hindi makakapasok si Satanas. Hindi niya malalagpasan ang kalasag na ito ng banal na kaliwanagan.
Habang sumusulong ang sanlibutan sa kasamaan, hindi dapat natin lokohin ang ating sarili na hindi tayo magkakaroon ng mga kahirapan. Ngunit ito mismong mga kahirapang ito ang nagdadala sa atin sa tanggapan ng Kataastaasan. Maaari tayong humingi ng payo sa Isa na may walang hanggang karunungan.
Sinasabi ng Panginoon, "At tumawag ka sa Akin sa araw ng kabagabagan ; ililigtas kita, at luluwalhatiin mo Ako" ( Awit 50 : 15 ). Inaanyayahan Niya tayo na ibigay sa Kanya ang ating mga kagulumihanan at pangangailangan, at ang ating pangangailangan para sa banal na tulong. Sinasabihan Niya tayong agad na manalangin. Sa sandaling bumangon ang mga kahirapan, dapat nating ihandog sa Kanya ang ating mga tapat at masikap na panalangin. Sa pamamagitan ng ating masusugid na panalangin nagpapatotoo tayo sa ating matibay na pagtitiwala sa Diyos. Dinadala tayo ng ating pangangailangan na manalangin nang masikap, at nakikilos ang ating Ama sa langit ng ating mga panalangin.
Madalas na silang nagdurusa ng kahihiyan o pang - uusig dahil sa kanilang pananampalataya ay natutuksong isipin na sila'y pinabayaan ng Diyos. Sa mata ng mga tao sila ang nasa kakaunti. Kung titingnan nagtagumpay ang kanilang mga kalaban sa kanila. Ngunit hindi nila dapat labagin ang kanilang konsensya. Siyang naghirap para sa kanila, at nagpasan ng kanilang kalumbayan at kahirapan ay hindi sila pinabayaan.
Hindi pinapabayaan ang mga anak ng Diyos na nag - iisa at walang katulong. Kinikilos ng panalangin ang bisig ng Makapangyarihan sa lahat. Ang panalangin ay "lumupig ng mga kaharian, naglapat ng katarungan, nagtamo ng mga pangako, nagpatikom ng mga leon, pumatay ng bisa ng apoy" ---- malalaman natin ang kahulugan nito kapag nakarinig tayo ng mga balita tungkol sa mga martir na namatay para sa kanilang pananampalataya ---- "nagpaturong ng mga hukbong dayuhan" ( Hebreo 11 : 3 : 3 ). ----- CHRIST'S OBJECT LESSONS, pp. 171 , 172.

GOOD MORNING and God Bless Us All 🙏♥️

Psalms 119:133 "Establish my footsteps in your word. Don't let any iniquity have dominion over me."
02/05/2023

Psalms 119:133

"Establish my footsteps in your word. Don't let any iniquity have dominion over me."

08/03/2023

HAPPY MIDWEEK, BRETHREN. 😇


03/03/2023

Happy Sabbath😇

Remember the Lord, our creator.

24/02/2023

HAPPY SABBATH BRETHREN !💗🙏

" You are to speak to the people of Israel and say, ‘Above all you shall keep my Sabbaths, for this is a sign between me and you throughout your generations, that you may know that I, the Lord, sanctify you."
(Exodus 31:13)



22/02/2023

Happy Midweek!❤️

Upon the right improvement of our time depends our success in acquiring knowledge and mental culture. The cultivation of the intellect need not be prevented by poverty, humble origin, or unfavorable surroundings. COL p.344

HAPPY SABBATH BRETHREN ! 💗Be thankful that the Lord is giving us a Sabbath rest and be prepared for it." It was the day ...
17/02/2023

HAPPY SABBATH BRETHREN ! 💗

Be thankful that the Lord is giving us a Sabbath rest and be prepared for it.

" It was the day of Preparation, and the Sabbath was beginning."
(Luke 23:54)



HAPPY SABBATH BRETHREN !💗 "May today be a blessed day of rest for all of us."" And keep my Sabbaths holy that they may b...
10/02/2023

HAPPY SABBATH BRETHREN !💗

"May today be a blessed day of rest for all of us."

" And keep my Sabbaths holy that they may be a sign between me and you, that you may know that I am the Lord your God."
(Ezekiel 20:20)



HAPPY SABBATH BRETHREN !💗 "May peace be granted to us on the Sabbath day.""Therefore the people of Israel shall keep the...
03/02/2023

HAPPY SABBATH BRETHREN !💗

"May peace be granted to us on the Sabbath day."

"Therefore the people of Israel shall keep the Sabbath, observing the Sabbath throughout their generations, as a covenant forever."
(Exodus 31:16)



HAPPY SABBATH BRETHREN !Worship and learn together in thy name."Come to me, all you who are weary and burdened, and I wi...
27/01/2023

HAPPY SABBATH BRETHREN !

Worship and learn together in thy name.

"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest."
(Matthew 11:28)



Be joyous and glad, for the Sabbath Day is near. Happy Preparation Day ❤️"Wherefore, beloved, seeing that ye look for su...
26/01/2023

Be joyous and glad, for the Sabbath Day is near. Happy Preparation Day ❤️

"Wherefore, beloved, seeing that ye look for such things, be diligent that ye may be found of him in peace, without spot, and blameless."
2 Peter 3: 14


HAPPY SABBATH! 🍃Get up, prepare, and let us go to our churches for we will worship and learn from God."And he came to Na...
20/01/2023

HAPPY SABBATH! 🍃

Get up, prepare, and let us go to our churches for we will worship and learn from God.

"And he came to Nazareth, where he had been brought up: and, as his custom was, he went into the synagogue on the sabbath day, and stood up for to read."
(Luke 4: 16)


Happy Sabbath! ❤️There remains, then, a Sabbath-rest for the people of God; for anyone who enters God’s rest also rests ...
13/01/2023

Happy Sabbath! ❤️

There remains, then, a Sabbath-rest for the people of God; for anyone who enters God’s rest also rests from their works, just as God did from his.

Hebrews 4:9-10


13/01/2023

“Come, let us worship and bow down; let us kneel before the Lord our Maker” -Psalm 95:6
Happy Sabbath day from us!

Address


Telephone

+639268269141

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AHAdventist posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share