Quezon Chronos PH

  • Home
  • Quezon Chronos PH

Quezon Chronos PH Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Quezon Chronos PH, Publisher, .

Quezon Chronos Newspaper, a community newspaper with a tagline โ€œTruth Beyond Timeโ€ is dedicated to serve its readers through the hottest news and investigative reports that are designed to inform, educate and entertain its growing number of readers.

TINGNAN :  Kinumpiska ng PMRB at ng Quezon PNP ang isang dump truck na pagmamay-ari ng Sariaya LGU dahil sa laman nitong...
14/08/2024

TINGNAN : Kinumpiska ng PMRB at ng Quezon PNP ang isang dump truck na pagmamay-ari ng Sariaya LGU dahil sa laman nitong 18 kubiko ng mga bato para sa proyekto ng lokal na pamahalaan.

Sa opisyal na pabatid mula sa QPPO, sinabi ni Quezon police director Col. Ledon Monte na inaresto ang isang pahinante at driver ng dump truck na sina San Pedro Vito, 51, driver ng truck at Rodelito Ferrer, 48 ng Brgy Sto Cristo, Sariaya Quezon.

Ayon kay Monte, ito ay isang paglabag sa Executive Order no. 20 series of 2024 o An Order Declaring a Moratorium on Quarry Operations in the Municipality of Sariaya na ipinalabas ni Quezon Governor Angelina Tan noong nakalipas na April 29.

Dadalhin ang 18 kubiko ng bato sa proyekto ng isang alkalde ayon sa pahayag ng dalawa subalit walang naipakitang kaukulang permit ng sitahin ng PMRB at ng PNP.

Source: Radyo Pilipinas Lucena via Mae Formaran

๐๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ 2024Naging bahagi ng pagdiriwang ngayong ta...
14/08/2024

๐๐š๐ ๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐ญ๐ซ๐š๐›๐š๐ก๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง๐ข๐š๐ง, ๐ง๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข ๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐จ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ 2024

Naging bahagi ng pagdiriwang ngayong taon ng Niyogyugan Festival ang pagbibigay ng trabaho sa mga Quezonian sa pamamagitan ng ginanap na Niyogyugan Job and Business Fair sa Quezon Convention Center sa Lungsod ng Lucena kahapon, Agosto 13.

Mahigit tatlong libong (3,000) trabaho mula sa tatlumpu't siyam (39) na lokal na kumpanya at apat (4) na international employer ang inaplayan ng daan-daang aplikante mula sa ibaโ€™t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Ang aktibidad ay kaugnay ng HEALING Agenda ni Governor Doktora Helen Tan na makapagbigay ng maayos na trabaho sa mga Quezonian at patuloy na mapataas ang employment rate sa lalawigan.

Nais ni Governor Tan na makapagbigay ng pagkakataon sa mga naghahanap ng trabaho na direktang makipag-ugnayan sa mga employer, mapadali ang proseso ng paghahanap ng trabaho at mapalawak ang networking opportunities ng mga aplikante.

Ang naturang job fair ay pinangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Provincial Employment Service Office (PESO) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) โ€“ Quezon at TESDA-Quezon.

Nakasama din ang DICT-Quezon, DTI-Quezon, PhilHealth, SSS, PSA, PAG-IBIG, BJMP at BPI na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo para sa mga job seekers.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Tan sa mga naging katuwang na iba't-ibang local and overseas agencies na nagbigay ng pag-asa at oportunidad sa mga Quezonian upang makahanap ng maganda at nararapat na trabahong angkop sa kanilang kakayahan.

Source: Balitang Stan

TINGNAN: Bilang pakikiisa sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Lucena, nakilahok ang ilang kawani ng SM City Lucena sa ...
14/08/2024

TINGNAN: Bilang pakikiisa sa darating na pagdiriwang ng Araw ng Lucena, nakilahok ang ilang kawani ng SM City Lucena sa ginawang Tree Planting Activity na ginanap sa paligid ng Divine Providence Shrine, Brgy. Silangang Mayao. Mahigit 300 fruit bearing trees ang itinamin ng mga nakilahok mula sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Lucena at iba't ibang mga organisasyon sa naturang lugar. Ang naturang gawain ay pinangunahan ng City Tourism Office.

Residents attend Niyogyugan Job and Business Fair at the Quezon Convention Center in Lucena City, Quezon on Tuesday.Over...
13/08/2024

Residents attend Niyogyugan Job and Business Fair at the Quezon Convention Center in Lucena City, Quezon on Tuesday.

Over 3,000 job opportunities are available from 39 local and four international employers. | via Michelle Zoleta

TURN OVER OF LEADERSHIP. Rotary Club of Lucena South (RCLS) incoming  president, Engr. Fernando "Fando" Ignacio (right) ...
13/08/2024

TURN OVER OF LEADERSHIP. Rotary Club of Lucena South (RCLS) incoming president, Engr. Fernando "Fando" Ignacio (right) receives the symbolic bell and gavel" from his predeccessor, Lucena City Vice- Mayor Roderick "Dondon" Alcala as part of the turn over of leadership during the club's 55th Installation of Officers and Induction of New Members held at Potch Restaurant in Lucena City on Sunday.

The activity was graced by Rotary District 3820 Governor Arnold Mendoza, the guest of honor and inducting officer, RCLS' sister clubs, other guests and friends.

During his assumption, Ignacio expressed gratitude to his fellow Rotarians for entrusting to him the club's leadership and vowed to do his best in carrying out the mission and vision of RCLS to the community.
Photo by GEMI FORMARAN

๐†๐จ๐ฏ. ๐“๐š๐ง ๐ฐ๐š๐ซ๐ง๐ฌ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏโ€™๐ฅ ๐ ๐จ๐ฏโ€™๐ญ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ๐ข๐ง ๐Œ๐š๐ฒ 2025 ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ฌBy: John BelloGov. Helen Tan has warned ...
13/08/2024

๐†๐จ๐ฏ. ๐“๐š๐ง ๐ฐ๐š๐ซ๐ง๐ฌ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏโ€™๐ฅ ๐ ๐จ๐ฏโ€™๐ญ ๐ฐ๐จ๐ซ๐ค๐ž๐ซ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐š๐ฒ ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐œ๐ฌ ๐ข๐ง ๐Œ๐š๐ฒ 2025 ๐ฉ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ฌ
By: John Bello

Gov. Helen Tan has warned provincial government employees not to meddle in political partisanship as the campaign drive in the midterm national and local elections is fast approaching.

The first term governor did her warning during the flag-raising ceremony on Monday as she noted that political trolls and bashers have started to mount their insidious attacks against her administration.

โ€œAlam natin ang mga limitasyon kung hanggang saan ang gagawin ng bawat isa dahil palapit nang palapit ang eleksiyon. This serves as a warning as early as now, sanay na kayo sa ganyan, manood na lang kayo at hayaan nโ€™yo na lang kaming mga elective officials na depensahan ang aming mga sarili,โ€ Gov. Tan said mentioning the name of Provincial Human Resources Management Office chief Ruel Napenas as apparently monitoring the movement of provincial capitol employees in the run up to the elections in May next year.

She urged the assembled rank and file personnel headed by their various provincial government department chiefs, to refrain from being used in any political partisanship and to just stay where they are in doing their jobs for the Quezonians.

Gov. Tan who is up for reelection in next yearโ€™s May polls has asked the provincial government employees to support the activities and programs in the 10-day celebrations of the Niyogyugan Festival that began on August 9 and up to 19, Quezon Day, in which a wreath-laying ceremony for the late Pres. Manuel Luis Quezon will be conducted at Perez Park at 8AM; and at 6PM the Quezon Medalya ng Karangalan awarding and announcement of agri-tourism booth winners and the overall champion of Niyogyugan 2024 to be held at the 3rd Floor of the Provincial Capitol Building.

The Office of the Provincial Agriculturist, headed by Ana Clarissa Mariano, led the hosting of the Monday flag ceremony attended by office rank and file personnel.

Mariano revealed the province as 1st place winner in the Arabica category and 2nd place in Robusta category in the recent coffee competition held in Tagaytay city. She also announced that Quezon will be the host province of the Calabarzon Coffee Expo next year.

An audio-visual presentation showed the OPAโ€™s accomplishments from April to August which included the Agricultural Service Provider Project that saw the 5 metric tons target per hectare of palay harvest being surpassed by the actual harvest of 7 metric tons per hectare; the establishment of the Lambanog Industry Development Council with the issuance of Executive Order No. 24 signed by Gov. Tan to enhance the promotion and production of the provinceโ€™ coconut wine; the creation of the Agri-Fishery Enterprise Development Council; the drafting of the Quezon Agriculture and Fisheries Code; the establishment of the Quezon Coconut Industry Roadmap from 2024 to 2026; the conduct of the 1st Vegetable Summit; the update of farmers list per commodity, formation and partnership with farmers and fishers cooperatives; the conduct of the Cocolympics 2024 championship as part of the Niyogyugan Festival celebration.

๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ค๐š๐ง ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐“๐š๐งNasa limandaang (500) mga kawani ...
13/08/2024

๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐š๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ง๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐ข๐ ๐š๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง, ๐ญ๐ข๐ง๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ค๐š๐ง ๐ง๐ข ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐“๐š๐ง

Nasa limandaang (500) mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang napagkalooban ng ibaโ€™t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa pangunguna ng Quezon Provincial Health Office kahapon, Agosto 12, 2024 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena.

Ang naturang aktibidad na Kalusugan sa Niyogyugan na may temang "Kalusugan Pangkaisipan: Stress Management and Promotion of Healthy Lifestyle" ay bahagi ng idinaraos na Niyogyugan Festival 2024.

Layon ng naturang programa na mabigyang pansin din ang kalusugan ng bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan lalo na't ang pangunahing tinututukan ni Governor Doktora Helen Tan ay ang malusog na pangangatawan at kaisipan ng bawat mamamayan ng lalawigan.

Naniniwala si Governor Tan na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kawani sa pagbibigay ng maayos at epektibong serbisyo sa mamamayan, kaya naman mahalagang maalagaan nila ang kanilang pisikal at mental na kalusugan.

Kabilang sa mga libreng serbisyo na naipagkaloob sa mga kawani ay chest x-ray, ultrasound para sa mga kababaihan, cervical cancer screening, urine albumin-creatinine ratio (UACR) test, Random Blood Sugar (RBS), Kilatis โ€“ Kutis o dermatological services, Sexually Transmitted Infections/ HIV screening and counselling, pagbabakuna ng anti-pneumonia, dental services, libreng gupit ng buhok, libreng masahe at libreng mga vitamins.

Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa kalusugang pangkaisipan sa lugar ng pinagtatrabahuhan o Mental Health in the Workplace na pinangunahan ni Dr. Dario Domingo Flores ng Quezon Provincial Hospital Network - Quezon Medical Center (QPHN-QMC).

Samantala, pinangunahan din ni Governor Tan kasama si Provincial Health Officer Dr. Kristin Mae-Jean Villaseรฑor ang paglulunsad ng Capitolyo Health and Wellness Clinic na binuo upang tumugon sa mga kawani na nagnanais magpakonsulta ng kanilang kalusugan.

Bukas ang naturang clinic alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon tuwing Miyerkules at kung may espesyal na okasyon. Ang clinic ay magbibigay din ng libreng gamot.

Source: Balitang Stan

๐Š๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐“๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐š๐ง, ๐ฐ๐š๐ ๐ขTinanghal na kampeon ang kinatawan ng bayan ng ...
12/08/2024

๐Š๐ข๐ง๐š๐ญ๐š๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ฅ๐š๐จ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐๐ฎ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ ๐›๐ข๐ ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐“๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐š๐ง, ๐ฐ๐š๐ ๐ข

Tinanghal na kampeon ang kinatawan ng bayan ng Pagbilao sa katatapos lamang na Madulang Sabayang Pagbigkas noong Linggo ng gabi, Agosto 11 sa Capitol Compound Ground kaugnay ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024.

Naging kinatawan ng Pagbilao ang grupo mula sa Talipan National High School sa naturang patimpalak na nagpakita ng kanilang talento at dedikasyon kung saan nabigyang-buhay ang diwa ng pagbabayanihan

Sa kanilang pagtatanghal, binigyan nila ng bagong kahulugan ang salitang "bayanihan" na hindi lamang bilang isang tradisyunal na kaugalian kundi bilang isang modernong simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan upang makamit ang tagumpay.

Ang kanilang bawat salita, kilos, at emosyon ay nagpatibok sa puso ng mga manonood, na animo'y binabalikan ang kasaysayan at pamanang Pilipino.

Sa kabila ng hamon ng kompetisyon, naging malinaw ang kanilang mensahe: ang pag-ibig at malasakit sa bayan ay nagbibigay inspirasyon upang patuloy na mangarap at magtagumpay.

Samantala, nakamit naman ni Karla Gabriel Charisma Cosip mula pa rin sa Talipan National High School ang pangatlong pwesto (3rd place) sa patimpalak sa Talumpatian.

Sa kabila ng matinding kompetisyon, napatunayan ni Karla na hindi hadlang ang edad o kakulangan sa karanasan upang magtagumpay sa isang larangang nangangailangan ng talas ng isip at husay sa pagsasalita.

Ayon kay Mayor Ate Gigi Portes, ang pagkapanalo ng Pagbilao sa Madulang Sabayang Pagbigkas at Talumpatian ay hindi lamang tagumpay ng mga mag-aaral ng Talipan National High School kundi pati na rin ng buong komunidad ng Pagbilao.

Ito aniya ay patunay na ang bayan ng Pagbilao ay hitik sa yaman ng kultura at tradisyon, at patuloy na yumayabong ang mga kabataan na magtataguyod ng kanilang mga adhikain.

โ€œMula sa mga natamong parangal hanggang sa mga sumunod na selebrasyon, ang Pagbilao ay mananatiling buhay na halimbawa ng bayanihan at pagkakaisa. Sa bawat taon ng Niyogyugan Festival, asahan nating ang bayan ng Pagbilao ay patuloy na magbibigay-inspirasyon at pagmamalasakit sa kulturang Pilipino,โ€ saad ng Ina ng Bayan.

Umaasa si Mayor Ate Gigi Portes na maging daan ang pagkapanalong ito upang higit pang mapalalim ang suporta sa mga kabataang Pagbilaoin at maging inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang mga adhikain.

PUBLIC ADVISORY:Magkakaroon ng pagsasara ng trapiko sa lungsod ng Lucena upang bigyang daan ang gaganaping Grand Parade ...
11/08/2024

PUBLIC ADVISORY:

Magkakaroon ng pagsasara ng trapiko sa lungsod ng Lucena upang bigyang daan ang gaganaping Grand Parade ng Niyogyugan Festival 2024 sa ika-17 ng Agosto, 1:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

Ruta ng Parada:
Kahabaan ng Quezon Ave mula Brgy. 10, kakaliwa sa M.L. Tagarao St., hanggang sa Alcala Sports Complex.

Ang Lucena City Traffic Unit ay magiging kaisa para mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at gabayan ang mga motorista para sa mga alternatibong ruta.

Malugod na hinihiling ang pang-unawa ng bawat isa.

Niyogyugan na!!


BCMW DONATION. Federation of Filipino- Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII)Vice chairman for Welfare Co...
10/08/2024

BCMW DONATION. Federation of Filipino- Chinese Chamber of Commerce & Industry Inc. (FFCCCII)
Vice chairman for Welfare Committe Neson Licup (seated, center) leads the signing of the deed of donation of a Blue Cops on Mobile Wheels (BCMW) unit which he donated to the Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) held at SLSU, Tiaong Campus in Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon on Wednesday.

The unit will be placed and manned by policemen along the highway in front of the campus to avoid or lessen road incidents. Licup is also the Vice- Chairman for External Affairs of PAGPTD.

He is flanked (from left) by SLSU Campus Director Alma Caringal, Tiaong Vice- Mayor Roderick Umali, Quezon police director Col. Ledon Monte and Tiaong police chief, Lt. Col. Daniel Camposo. Standing behind them are PGPTD members representing different sectors.

Photo by GEMI FORMARAN.

NIYOGYUGAN FESTIVALPinangunahan ng Provincial Government ng Quezon ang kick-off ceremony ng Niyogyugan Festival 2024 sa ...
10/08/2024

NIYOGYUGAN FESTIVAL

Pinangunahan ng Provincial Government ng Quezon ang kick-off ceremony ng Niyogyugan Festival 2024 sa Lucena City ngayong Biyernes, Aug. 9.

Binigyang-diin sa Agri-Tourism booths ang makukulay na pagdiriwang mula sa mga bayan at siyudad sa lalawigan na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na matutunan at masilayan ang mga kagandahan at yaman sa Quezon.

Nagmula ang pangalan ng pistang Niyogyugan sa salitang โ€œniyogโ€ na nangangahulugang โ€œcoconutโ€ sa Filipino. | via Roy Sta. Rosa

09/08/2024

๐๐ข๐ฒ๐จ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐…๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐š๐ฅ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐ง๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐š

Pormal nang sinimulan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024 ngayong araw ng Biyernes, Agosto 9 sa Capitol Compound sa Lungsod ng Lucena.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Vice Governor Third Alcala at mga board member ang opisyal na pagbubukas ng mahigit isang linggong pagdiriwang ng Niyogyugan Festival.

Tampok sa naturang pagdiriwang ang mga magagarbong Agri-Tourism Booth ng ibaโ€™t ibang bayan at lungsod sa lalawigan na nagpapakita ng makukulay na kasaysayan, kultura, sining at pinagmamalaking mga tanawin, produkto at festival.

Ayon kay Governor Tan ang pangunahing layon ng Niyogyugan ay maitanghal ang ibat-ibang produkto sa buong lalawigan at kilalanin at bigyang-pugay ang mga magsasaka ng niyog na pangunahing produkto ng Quezon.

Ikinatuwa ng gobernador ang pakikiisa ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan upang itampok ang kani-kanilang mayayamang kultura at turismo.

Patuloy namang hinihikayat ni Governor Tan ang publiko na pumasyal sa kapitolyo upang masaksihan ang mga naggagandang mga booth at ibaโ€™t ibang aktibidad na inihanda ng pamahalaang panlalawigan.

Samantala, dumalo at nakiisa sa pagsisimula ng pagdiriwang si Department of Tourism (DOT) CALABARZON Regional Director Marites Castro, mga Mayor sa pamumuno ni Mayor Rachel Ubana, mga Vice Mayor sa pamumuno ni Vice Mayor LA Ruanto at mga Provincial Director ng ibaโ€™t ibang ahensya ng nasyonal na pamahalaan.

Source: Balitang Stan

The kick-off ceremony of the Niyogyugan Festival 2024 was conducted today in Lucena City, Quezon on Friday.This colorful...
09/08/2024

The kick-off ceremony of the Niyogyugan Festival 2024 was conducted today in Lucena City, Quezon on Friday.

This colorful celebration highlighted Agri-Tourism Booths from towns and cities in the province, allowing everyone to learn about and glimpse the beauties and resources of Quezon.

The festival's name, "Niyogyugan," comes from the word "niyog," which means coconut in Filipino. Coconut is a staple product in Quezon, playing an important role in the local economy. Over the years, the festival has expanded from honoring the coconut industry to a broader celebration that reflects various aspects of Quezon culture. | via Michelle Zoleta

1๐ฌ๐ญ ๐„๐• ๐‚๐ก๐š๐ซ๐ ๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ฅ๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก ๐ข๐ง ๐’๐Œ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐šElectronic vehicles (EV) owners can now travel worry-free as S...
09/08/2024

1๐ฌ๐ญ ๐„๐• ๐‚๐ก๐š๐ซ๐ ๐ข๐ง๐  ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ฅ๐š๐ฎ๐ง๐œ๐ก ๐ข๐ง ๐’๐Œ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐‹๐ฎ๐œ๐ž๐ง๐š

Electronic vehicles (EV) owners can now travel worry-free as SM City Lucena brought its first and only EV charging station in the this city as well as in the Province of Quezon.

Today, August 9 the mall launched itsโ€™ first ever electronic vehicle charging station headed by Lucena City Administrator Anacleto Alcala Jr., City Council Committee on Environment Chairman Councilor Wilbert Mckinley Noche, Department of Natural Resources (DENR) CENRO Ramil Gutierrez, Tanggol Kalikasan Program Director Jay Lim, Lucena City Tourism Officer Arween Flores, with mall management headed by Senior Assistant Vice-President for Operations for South Regions Engr. John Jason T. Terrenal, Regional Operations Manager for South 5 Arch. Marlon Niko Alvarez and SM City Lucena Mall Manager Maricel Alquiros.

The mall management said users of EV through itsโ€™ partner Evo X Charge can just park, pop and plug free of charge from 10 a.m. to 9 p.m. daily in the mallโ€™s front parking area.

The SM Supermalls leads the charge in enabling communities to adopt sustainable transport as a way of life, mallโ€™s commitment to sustainability and a forward-thinking approach in serving the needs of community and this is also for a purpose to build a greener environment for all Filipinos.

It is also the mallโ€™s continuous support for the governmentโ€™s National Renewable Energy Program to promote a more eco-friendly society to the city and the community.

This initiative aims to provide a beneficial infrastructure for EV owners, encouraging the adoption of clean transportation option and reducing carbon emissions.

SM Supermalls is the first mall chain to establish in-mall EV charging sites in the Philippines, with multiple installed chargers in 60 malls nationwide.

By opening more charging stations, SM has created the Philippines biggest chain of EV charging stations nationwide.

๐’๐ข๐ค๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ข๐ง๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ˆ๐†๐†๐’, ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ง๐šNakarating na sa Lalawigan ng Quezon ang homegrown at nangungunang food...
08/08/2024

๐’๐ข๐ค๐š๐ญ ๐ง๐š ๐ค๐š๐ข๐ง๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ˆ๐†๐†๐’, ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ง๐š

Nakarating na sa Lalawigan ng Quezon ang homegrown at nangungunang food chain sa Bicol Region na ๐๐ˆ๐†๐†๐’.

Ngayong araw ng Huwebes, Agosto 8 ay isinagawa ang groundbreaking ceremony ng ika-27 branch at kauna-unahang branch ng naturang food chain sa Quezon na matatagpuan sa Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon.

Ang seremonya ay pinangunahan nina BIGGS President Carlo Buenaflor, COO Emil Allan Capili at Franchisee dating Congressman Irvin Alcala kasama ang kanyang maybahay Mimi Alcala, Bernard Alcala at Atty. Shiela De Leon.

Ayon kay Capili na bukod sa BIGGS Pagbilao, magkakaroon pa ng limang (5) kasunod na mga branch ang naturang food chain sa lalawigan ng Quezon partikular sa bayan ng Tagkawayan, Lopez, Atimonan, Lungsod ng Lucena at Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng kanilang mga partner mula sa pamilya ng Alcala.

Dagdag pa ni Capili, sa pagsisimula ng pag-expand ng BIGGS na nagsimula sa Bicol ay inuna nila ang Quezon dahil malapit ito at target nila ay makapagtayo ng mga branch sa kahabaan ng Maharlika Highway kasunod ang mga karatig na probinsya sa rehiyon.

Target umano nila na magkaroon ng siyamnapuโ€™t apat (94) na branch ng BIGGS sa buong CALABARZON Region

Samantala, dumalo sa naturang aktibidad ang mga opisyal ng Barangay Talipan sa pamumuno ni Kapitan Editha Alano na nagpahayag ng suporta at pasasalamat dahil sa panibagong negosyo na itatayo sa kanilang barangay.

Dumalo at nagpahayag naman ng kanyang pagbati si Mr. Wally Dapla.

Ang BIGGS ang nangungunang food chain sa Bicol Region na kasalukuyan ay may dalawampu't anim (26) na branch na naghahatid ng mga homegrown comfort foods mula pa noong 1983.

Tech buffs, gadget experts and gaming enthusiasts unite! This August, SM Supermalls invites you to evolve, upgrade, and ...
07/08/2024

Tech buffs, gadget experts and gaming enthusiasts unite! This August, SM Supermalls invites you to evolve, upgrade, and LEVEL UP your life with the latest tech innovations at this yearโ€™s .

Kick off the month with a 3-day long multi-zone expo from August 2-4, 2024 at the SM Mall of Asia Music Hall. See you there!

๐€๐ซ๐ž๐ง๐š๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐๐จ๐ฎ๐›๐ฅ๐ž ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ ๐ ๐จ๐ฅ๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐›๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฌ๐ฌ๐š๐๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐˜๐ฎ๐ฅ๐จArenaPlus, your 24/7 sports betting app, joins...
06/08/2024

๐€๐ซ๐ž๐ง๐š๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐๐จ๐ฎ๐›๐ฅ๐ž ๐จ๐ฅ๐ฒ๐ฆ๐ฉ๐ข๐œ ๐ ๐จ๐ฅ๐ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐›๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฆ๐›๐š๐ฌ๐ฌ๐š๐๐จ๐ซ ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ๐ฌ ๐˜๐ฎ๐ฅ๐จ

ArenaPlus, your 24/7 sports betting app, joins with countless Filipinos across the globe in celebrating the โ€œHIStoricโ€ double gold medal win of its official brand ambassador, Carlos Yulo, in the 2024 Paris Olympics.

Having sent Yulo off to the Olympics with a loud cheer of support last June 2024, ArenaPlus is now ready to welcome home the countryโ€™s golden boy with open arms after he became the second Philippine Olympic champion following his floor exercise routine on August 3, Saturday. The brand had been ecstatic about his initial win, the energy later shooting up when a second golden medal was announced for the vault exercise on August 4, Sunday.

These hard-won triumphs have earned Yulo a grand reward from ArenaPlus, both as an acknowledgement of his hardwork and a show of pride in his success.

In addition, ArenaPlus will be giving Php 5 million in cash to its official brand ambassador and golden boy Yulo, dubbed as โ€œAstig Hero Bonusโ€.

Of course, ArenaPlus will not turn a blind eye to the other Philippine athletes who have raised the countryโ€™s flag in the 2024 Paris Olympics. The brand stands with each of the athletes who have fought long and hard, and recognises everything they have done and gone through.

ArenaPlus salutes the other athletes who comprise Team Philippines for the 2024 Olympics: EJ Obiena, Lauren Hoffman, and John Cabang Tolentino for Athletics; guaranteed bronze medalist Nesthy Petecio, Carlo Paalam, Hergie Bacyadan, guaranteed bronze medalist Aira Villegas, and fellow ArenaPlus endorser Eumir Marcial for Boxing; Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, and Levi Jung-Ruivivar for Gymnastics; gold medalist hopefuls Elreen Ando, John Ceniza, and Vanessa Sarno for Weightlifting; Bianca Pagdanganan and Dottie Ardina for Golf; Kayla Sanchez and Jarod Hatch for Swimming; Joanie Delgaco for Rowing; Samantha Catantan for Fencing; and Kiyomi Watanabe for Judo.

For ArenaPlus, the Olympic gold is more than just an incredible achievement on the global stage. It also stands as a source of inspiration that will push Filipinos, as well as ArenaPlus, to continue pushing forward to attain their goals. Truly, Yulo, alongside his fellow Philippine athletes, have won the โ€œGinto para sa mga Astig na Atleta.โ€

๐‘ซ๐’Š๐’ˆ๐’Š๐‘ท๐’๐’–๐’” ๐’Š๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’‡๐’‚๐’”๐’•๐’†๐’”๐’•-๐’ˆ๐’“๐’๐’˜๐’Š๐’๐’ˆ ๐’…๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’•๐’‚๐’ ๐’†๐’๐’•๐’†๐’“๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐’„๐’๐’Ž๐’‘๐’‚๐’๐’š ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’“๐’š. ๐‘ฐ๐’• ๐’๐’‘๐’†๐’“๐’‚๐’•๐’†๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’„๐’๐’–๐’๐’•๐’“๐’šโ€™๐’” ๐’๐’†๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐’…๐’Š๐’ˆ๐’Š๐’•๐’‚๐’ ๐’‘๐’๐’‚๐’•๐’‡๐’๐’“๐’Ž๐’” ๐‘ฉ๐’Š๐’๐’ˆ๐’๐‘ท๐’๐’–๐’”, ๐‘จ๐’“๐’†๐’๐’‚๐‘ท๐’๐’–๐’”, ๐‘ท๐’†๐’“๐’š๐’‚๐‘ฎ๐’‚๐’Ž๐’†, ๐‘ป๐’๐’๐’ˆ๐’Š๐’•๐’”+, ๐’‚๐’๐’… ๐‘ฉ๐’Š๐’๐’ˆ๐’๐‘ท๐’๐’–๐’” ๐‘ท๐’๐’Œ๐’†๐’“, ๐’˜๐’Š๐’•๐’‰ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐’•๐’ ๐’„๐’๐’Ž๐’†. ๐‘จ๐’“๐’†๐’๐’‚๐‘ท๐’๐’–๐’”, ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’†๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‘๐’๐’“๐’•๐’” ๐’ƒ๐’†๐’•๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‚๐’‘๐’‘ ๐’•๐’‰๐’‚๐’• ๐’‘๐’“๐’๐’—๐’Š๐’…๐’†๐’” ๐’—๐’‚๐’“๐’Š๐’๐’–๐’” ๐’”๐’‘๐’๐’“๐’•๐’” ๐’๐’Š๐’—๐’† ๐’”๐’•๐’“๐’†๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ท๐’‰๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’‘๐’Š๐’๐’†๐’”, ๐’”๐’†๐’“๐’—๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‚๐’” ๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’†๐’‚๐’…๐’Š๐’๐’ˆ ๐’”๐’‘๐’๐’“๐’•๐’” ๐’†๐’๐’•๐’†๐’“๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐’ˆ๐’‚๐’•๐’†๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’๐’”. ๐‘ญ๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐’Š๐’๐’‡๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’, ๐’—๐’Š๐’”๐’Š๐’•: ๐’˜๐’˜๐’˜.๐’‚๐’“๐’†๐’๐’‚๐’‘๐’๐’–๐’”.๐’๐’†๐’•.

The booths of each municipality in Quezon province are currently being prepared on Monday for the upcoming weeklong cele...
05/08/2024

The booths of each municipality in Quezon province are currently being prepared on Monday for the upcoming weeklong celebration of Niyogyugan Festival 2024, which will run from August 8-19, 2024. (Photos courtesy of Nicole Joseph Polo) | via Michelle Zoleta

Pormal na inilunsad ng Quezon Police Provincial Office sa pamumuno ni PCoL Ledon Monte ang proyektong Revitalized-Pulis ...
05/08/2024

Pormal na inilunsad ng Quezon Police Provincial Office sa pamumuno ni PCoL Ledon Monte ang proyektong Revitalized-Pulis sa Barangay.

Nakiisa sa paglulunsad na ito si Sir Arnel Avila bilang kinatawan ni Mayor Kuya Mark Alcala, Councilor Americo Lacerna, ang chairman ng committee on peace and order ng Sangguniang Panlungsod, City DILG Director Engr. Vilma De Torres, Deputy Director for Administration ng Quezon PPO PLt Col Carlo Caceres at kasama ang iba pang mga opisyal ng naturang tanggapan.

Sa ilalim ng naturang programa, mayroong 21 mga pulis mula sa ibaโ€™t-ibang mga bayan sa lalawigan ang kalahok dito na kung saan ay ide-deploy sa Barangay Marketview at Barangay Cotta sa lungsod ng Lucena.

Tatagal naman ang proyekto ng 2 buwan na kung saan ay nakapaloob rin dito ang walong araw na seminar ng mga kalahok.

Pangunahing layunin ng Revitalized Pulis sa barangay ay ang makalikha ng ligtas na pamayanan na konklosibo sa pamumuhay, pagtratrabaho at pag-aayos ng negosyo ng mga mamamayan.

Bukod pa rin dito ang pagkakalinya nito sa hangarin na anti-criminality, anti-illegal drugs at anti-insurgency.

In an out-of-the-box initiative to address the lack of emergency response vehicles in remote areas like in the Municipal...
05/08/2024

In an out-of-the-box initiative to address the lack of emergency response vehicles in remote areas like in the Municipality of Padre Burgos in Quezon Province, AboitizPower subsidiary Therma Luzon, Inc. (TLI) in partnership with Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) donated a fleet of tuk-tuks (local term for modern passenger motorcycle vehicles) as means of transportation for first responders.

These three-wheeled vehicles, a common mode of transportation in many parts of the country, have been repurposed to serve as vital lifelines for residents of four underserved barangays.

The deployment of tuk-tuks is seen as a practical and innovative solution to the challenges posed by geographical isolation. With their maneuverability and ability to navigate narrow roads, these vehicles are expected to reduce response time in case of emergencies such as medical crises, fires, or natural disasters.

This initiative aligns with several United Nations Sustainable Development Goals (SDGs), including SDG 3: Good Health and Well-being, SDG 10: Reduced Inequalities, and SDG 11: Sustainable Cities and Communities. By providing essential transportation for emergency responders, the project contributes to improving healthcare access, enhancing community resilience, and supporting disaster preparedness efforts.

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐“๐ข๐š๐จ๐ง๐ -๐‡๐ข๐ฒ๐š๐ฌ, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐งNi: Reygan MantillaPormal nang nanumpa sa katungku...
05/08/2024

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ฎ๐ง๐ฎ๐š๐ง ๐ง๐  ๐‘๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ฒ ๐‚๐ฅ๐ฎ๐› ๐จ๐Ÿ ๐“๐ข๐š๐จ๐ง๐ -๐‡๐ข๐ฒ๐š๐ฌ, ๐ง๐š๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง
Ni: Reygan Mantilla

Pormal nang nanumpa sa katungkulan ang mga bagong opisyales ng Rotary Club of Tiaong-Hiyas sa isinagawang 22nd Handover and Induction Ceremony noong Sabado, Agosto 3 sa Tiaong Town Plaza, Tiaong, Quezon.

Ang bagong set of officers ay pinamumunuan ni Tiaong Councilor Eugene โ€œEulaโ€ P. Lopez bilang Magical President para sa taong 2024-2025 na may temang โ€œThe Magic of Rotary.โ€

Nagsilbing Inducting Officer si Rotary International District 3820 Irresistible District Governor Arnold Mendoza sa naturang seremonya.

Kasunod nito ang pormal na turn-over ng bell at gavel sa pagitan ng bagong pangulo na si Lopez at outgoing president IPP Marieta โ€œMayethโ€ Bautista.

Sa kanyang inaugural/acceptance speech, sinabi ni Lopez na noong tinanggap niya ang hamon na maging pangulo ay inenjoy niya ang bawat pagkakataon, ginagawang masaya kahit sa kabila ng mga sakripisyo.

โ€œNapaka-satisfying, fulfilling sa pakiramdam na maglingkod pala sa Rotary, akala ko enough na โ€˜yung ginagawa ko bilang public servant pero noong pumasok ako sa Rotary marami akong natutunan,โ€ saad ni Lopez.

Sa pamamagitan naman ng isang tula ay ipinahayag ni Lopez ang kanyang mensahe para sa mga kasamahan niya sa naturang grupo.

โ€œMga ka-Hiyas, hindi ko palaging maipapangako na ako ay palaging kalmado, lalo na pag ang sinasabi ko ay nasa tono at para sa kapakanan ninyo. Paminsan-minsan kailangan din nating maging disiplinado kaya mas mainam na isa na lang ang nagtataray sa ating grupo at iyon ay walang iba kundi ang nasa unahan nโ€™yo. Gayunpaman, alam koโ€™y akoโ€™y mahal ninyo dahil wala akong ibang kagustuhan kundi ang mapabuti tayo, lalo na at marami tayong bagong miyembro na sa tuwi-tuwinaโ€™y ilu-ilook-up kayo,โ€ sambit ni Lopez.

Ipinangako din ng bagong pangulo na anuman ang mangyari ay mananatili siya sa tabi ng mga miyembro at sama-samang magbibigay ng tulong, saya at ngiti sa bawat tao sapagkat naniniwala umano siya na lahat sila ay may ginintuang puso na nagsisilbing tatak at magic ng bawat rotarian.

Makakasama ni Lopez sa kanyang panunungkulan bilang mga opisyal ng naturang samahan sina PP Bernadette Castillo Palis bilang Vice President at District/Global Grants; AG/PP Glenda Lynne Dela Cruz bilang Secretary; PP Maybelyne Remo Atienza bilang Club Trainor at Legacy Project Chair; PP Elizabeth Castillo Kalaw bilang Club Admin at Auditor; Rtn. Herald โ€œHersheyโ€ Resma Bautista bilang Bulletin at Public Image Chair; PP Analyn Mayo bilang Treasurer at Membership Chair; CP Emilyn De Luna Singson bilang Executive Secretary at Finance Officer; PP Teodora Umali bilang Community Service at RCC Chair; PP Bella Caringal Marasigan bilang TRF; Rtn. Maricel Mendoza De Guiรฑo bilang Youth Leadership Chair; Rtn. Lemuel Panganiban Bolosada bilang Sgt. & Arms; PP Julieta Landicho Diasanta bilang End Polio at Community Economic Development Chair; Rtn. Dr. Zenaida Gret bilang Vocational Service at Basic Education and Literacy Chair; Rtn. Maria Teodora Castillo Carandang bilang International Service Chair; IPP Ma. Marieta Resma Bautista bilang Peacebuilding and Conflict Prevention Chair; Rtn. Ma. Guadalupe Almario Aniciete, Rtn. Carina Recto Perez, Rtn. Evan Hidalgo bilang Disease Prevention and Treatment Chair; Rtn. Lerma Baldonado bilang Water, Sanitation and Hygiene Chair; PP Marcela Icaro bilang Maternal and Child Health Chair; at Rtn. Annabelle Perez Cueto bilang Environment Chair.

Nagsilbi namang charging officer si District Governor-Elect Jeremie Lo para sa walong (8) bagong mga miyembro ng samahan na sina Rotarians Jairamae Marla Dia Bico, Kathleen Joyce Guevarra Lunar, Angelita Recio De Galicia, Jessa Atienza-Buendia, Pilar Garcia, Ma Alaine Leviste Cacha, Lerma Landicho Abarquez at Atty. Maria Rosario Castillo Ebreo, J.D.

Samantala, nagsilbi namang Guest of Honor and Speaker si Doctor Kim Tan ang panganay na anak ni Governor Doktora Helen Tan na nagpahayag ng suporta sa naturang samahan.

Dumalo naman at nakiisa ang mga opisyales at miyembro ng Rotary International District 3690 - Bucheon Dasarang Rotary Club mula sa bansang Korea sa pamumuno ni President Mong Lee Nam-yong.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quezon Chronos PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Quezon Chronos PH:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share