DWAN 1206 AM

DWAN 1206 AM DWAN 1206. The Future of AM Radio. DWAN: The One Ang Bagong Sandigan sa Balitaan, Talakayan at Musikahan.
(2)

22/11/2024

PANOORIN NGAYON: Mga balitang dapat ninyong malaman sa oras na ito kabilang ang mga kaganapan sa sports, entertainment, at iba pang tampok na mga istorya. Balitang Walang Labis, Walang Kulang, dahil Tanghali na lang ang Tapat, dito lamang sa DWAN 1206 AM.The Future of AM Radio.



Pinataob ng Philippine team ang Mongolia sa Davis Cup Tennis Championship kahapon na ginanap sa Polytechnic University s...
22/11/2024

Pinataob ng Philippine team ang Mongolia sa Davis Cup Tennis Championship kahapon na ginanap sa Polytechnic University sa Isa Town, Bahrain.

Pinangunahan ni Eric Jed Olivarez Jr. ang kampanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang 2-0 win kontra kay Sonompunsag Enkhjargal.

Nagwagi rin si Alberto Lim sa ikalawang singles match ng bansa.

Samantala, bumandera rin sa doubles event sina Ruben Gonzalez at Francis Alcantara laban kina Tenuun Oyunbold at Zolbadar Urnukh ng Mongolia.

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa kauna-unahang pagkakataon, 83-79, sa pagsisimula ng second window ng FIBA A...
22/11/2024

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa kauna-unahang pagkakataon, 83-79, sa pagsisimula ng second window ng FIBA Asia Qualifiers kagabi sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ni Kai Sotto ang tagumpay ng Gilas sa kanyang 19 points, 10 rebounds, at 7 assists.

Nagbuhos naman ng team-high 21 points si Justin Brownlee para sa national team.

Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pilipinas laban sa New Zealand matapos nilang mabigo sa unang apat na laro kontra Tall Blacks.

Kasalukuyan wala pa ring talo ang bansa sa qualifying round ng Asia Cup.

Muling sasabak ang national team kontra Hong Kong ngayong Linggo, November 24, sa Mall of Asia Arena.

Abiso para sa mga Maynilad Consumer, pansamantalang mawawalan ng tubig sa bahagi ng Barangay Gulod at Sta. Monica sa Que...
22/11/2024

Abiso para sa mga Maynilad Consumer, pansamantalang mawawalan ng tubig sa bahagi ng Barangay Gulod at Sta. Monica sa Quezon City dahil sa isasagawang network maintenance ng Maynilad Water Services, Incorporated sa Aguardiente at Nitang.

Mangyayari ito mula 10:00 AM hanggang gabi at maaari itong tumagal hanggang 6:00 AM ng umaga sa Lunes November 25.

Pinapaalalahanan ang mga maaapektuhang residente na mag-imbak ng tubig bago pa maantala ang serbisyo.

Inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu-Laurel Jr. na pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pa...
22/11/2024

Inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu-Laurel Jr. na pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang pagtatag ng Consultative Councils upang higit na mapabuti ang pagbuo ng mga patakaran para harapin ang mga hamon sa sektor, kabilang ang epekto ng climate change.

Sa taunang membership meeting ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated (PCAFI), ipinaliwanag ng kalihim na ang mga council na ito ay bubuuin katuwang ang mga kinatawan mula sa pribadong sektor, magsasaka, at iba pang stakeholders. Layunin nitong tiyaking may inklusibong konsultasyon sa bawat desisyon na gagawin.

Bahagi rin ang hakbang na ito ng mas malawak na plano ng DA upang i-modernisa ang agrikultura, mapataas ang produksyon, at mapalakas ang food security ng bansa.

Ito ang tugon ng kagawaran sa lumalalang hamon ng climate change at iba pang isyung kinakaharap ng sektor ng agrikultura.

22/11/2024

PANOORIN NGAYON: Tunghayan ang mga usaping pangkalusugan at public service dito sa "KAPWA KO, SAGOT KO" kasama sina Usec. Eric Tayag, Justinne Punsalang, at Naomi Tiburcio. Dito lamang sa DWAN 1206 AM. The Future of AM Radio.



🌍 TRIVIA TIME! 🌍Alam mo ba na ang Earth ay may 23 oras at 56 minuto sa isang buong rotation nito, na tinatawag nating is...
22/11/2024

🌍 TRIVIA TIME! 🌍

Alam mo ba na ang Earth ay may 23 oras at 56 minuto sa isang buong rotation nito, na tinatawag nating isang araw? Ngayon, ang tanong: Ilang oras naman ang kinakailangan ng Jupiter para sa isang buong rotation?

πŸ‘‰ Makilahok! I-comment ang inyong sagot sa aming FB Live sa DWAN 1206 AM.
πŸ“£ Hintayin ang tamang sagot bago matapos ang programa!

22/11/2024

CONGRESS TV | NOVEMBER 22, 2024

Friday na! Kaya naman mag-bardagulan na tayo! 😁🫡🏻Ang tanong ni Kaka: Ano ang mas masakit? Pinagpalit? o Pinagsabay? I-sh...
22/11/2024

Friday na! Kaya naman mag-bardagulan na tayo! 😁🫡🏻

Ang tanong ni Kaka: Ano ang mas masakit? Pinagpalit? o Pinagsabay?

I-share n'yo na ang inyong sagot mga ka-DWAN! πŸ˜‹

Manood at makinig sa KALOGAN araw-araw, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 a.m to 9:00 a.m!

Dito lang sa radyo ng bagong Pilipinas, DWAN 1206 AM, The Future of AM Radio! πŸ“»βœ¨

MAY NANALO NA! πŸ₯³πŸ™ŒπŸ» ✨ RIZA ROTONI ✨Gusto mo ba manalo ng Php 500 pesos araw-araw? Sali na sa aming pa-giveaway! 😁Manood a...
22/11/2024

MAY NANALO NA! πŸ₯³πŸ™ŒπŸ»

✨ RIZA ROTONI ✨

Gusto mo ba manalo ng Php 500 pesos araw-araw? Sali na sa aming pa-giveaway! 😁

Manood at makinig lang sa 'Bawat Gising May Blessing' every Monday to Friday 7:00 am to 8:00 am at abangan ang aming item of the day na-ipopost dito sa aming page!

A reminder to give our all in faith and devotion. πŸ™ Happy Friday, mga ka-DWAN! 🀍
22/11/2024

A reminder to give our all in faith and devotion. πŸ™

Happy Friday, mga ka-DWAN! 🀍

NARITO NA ANG BLESSING SA INYONG UMAGA MGA KA-DWAN! πŸŒ₯Gusto mo bang manalo ng tumataginting na Php 500 araw-araw? Habang ...
21/11/2024

NARITO NA ANG BLESSING SA INYONG UMAGA MGA KA-DWAN! πŸŒ₯
Gusto mo bang manalo ng tumataginting na Php 500 araw-araw? Habang nanunuod ng Bawat Gising may blessing? πŸ€‘

Abangan lang ang aming daily schedule postβ€”at hintayin ang item of the day at i-comment ang inyong selfie na nanunuod sa aming livestream!

π—£π—”π—”π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”: One comment per account lang kailangang gawin para maging valid ang iyong entry!

Sali na, mag-selfie, at mag-enjoy! 🀳🏻

We are Bringing fun and excitement right to your screens! Dito lang yan sa radyo ng bagong Pilipinas, DWAN1206 AM, The Future of AM Radio! πŸ“»βœ¨

Para sa iba pang detalye, bisitahin lamang ang link na ito:
https://shorturl.at/tU3O4

21/11/2024

PANOORIN NGAYON: Simulan ang umaga ng may pasasalamat sa "BAWAT GISING MAY BLESSING!" kasama sina Maan Macapagal, Justinne Punsalang, at Dani Lagman.

Tunghayan ang mga kuwento na talagang namang masaya at kapupulutan ng aral mula sa iba't ibang tao, dito lamang sa DWAN 1206 AM, The Future of AM Radio.



Muling nagpakitang-gilas si Jin, ang "Worldwide Handsome" ng BTS, sa kanyang solo debut sa late-night show!Nag-guest si ...
21/11/2024

Muling nagpakitang-gilas si Jin, ang "Worldwide Handsome" ng BTS, sa kanyang solo debut sa late-night show!

Nag-guest si Jin sa 'The Tonight Show Starring Jimmy Fallon' kahapon, kung saan inawit niya ang isa sa kanyang bagong kanta na "Running Wild." Ang kantang ito ay bahagi ng kanyang debut solo album na pinamagatang "Happy," na inilabas noong Nobyembre 15.

Kasama sa album ang limang iba pang kanta, kabilang na ang "Heart on Window," kung saan tampok si Wendy mula sa K-pop girl group na Red Velvet.

Matatandaang si Jin ang unang BTS member na nakatapos ng military service noong Hunyo, at ngayon ay aktibo na sa kanyang solo career.

Abangan ang higit pang proyekto mula kay Jin habang patuloy siyang nagpapasaya sa mga tagahanga sa buong mundo.

Patuloy na pinaiigting ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kampanya laban sa Philippine Offsho...
21/11/2024

Patuloy na pinaiigting ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kampanya laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Hinikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang mga alkalde na regular na i-monitor ang mga resort at hotel na ginagamit bilang POGO hub upang tuluyang matigil ang operasyon ng mga ito.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments, isiniwalat ni Remulla na may mga POGO na nag-a-apply ng permit bilang resort, hotel, o restaurant para itago ang kanilang iligal na aktibidad. Bilang halimbawa, binanggit niya ang insidente sa Lapu-Lapu City kung saan ginagamit na front ng POGO ang mga nabanggit na establisimyento.

Ayon kay Remulla, may kapangyarihan ang mga mayor, alinsunod sa Local Government Code of 1991, na magsuspinde o magkansela ng permit ng mga negosyong lumalabag sa batas.

Kaugnay nito, ipinaalala na nauna nang naglabas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 74, na nagbabawal sa POGO, internet gaming, at iba pang offshore gaming operations sa bansa.

Patuloy na umaasa ang DILG na makakatuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pagtugon sa hamon ng pagsugpo sa POGO.

21/11/2024

PANOORIN NGAYON:Narito na ang pinakamainit na balita at impormasyon. Simulan ang bawat umaga nang may alam at pakialam kasama si Alice Noel sa "BANGON BAGONG PILIPINAS"

Alamin ang mga balita kahapon at ngayon. Dito lamang sa DWAN 1206 AM. The Future of AM Radio.



Patuloy na nararanasan ang epekto ng sunod-sunod na bagyo sa Tuguegarao City, kung saan ilang lugar ang nananatiling lub...
21/11/2024

Patuloy na nararanasan ang epekto ng sunod-sunod na bagyo sa Tuguegarao City, kung saan ilang lugar ang nananatiling lubog sa baha.

Idineklara ang lungsod sa state of calamity matapos ang Super Typhoon Pepito, na nakaapekto sa 11,000 residente mula sa mahigit 40 barangay. Sa mga ito, 4,000 ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa 30 evacuation centers.

Tatlong linggo nang walang pasok sa mga paaralan, habang patuloy ang pamimigay ng tulong ng LGU at 11,000 family food packs mula sa DSWD.

Humuhupa na ang baha sa karamihan ng lugar, passable na ang mga kalsada, at ongoing ang clearing operations. Hinihikayat ng mga awtoridad ang patuloy na pag-iingat at pag-monitor sa mga abiso.

Naglabas ng pinagsamang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) kaugnay ng planon...
21/11/2024

Naglabas ng pinagsamang pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) kaugnay ng planong paglilipat ni Mary Jane Veloso mula sa Indonesia pabalik ng Pilipinas.

Ayon sa pahayag, nakahanda ang Pilipinas na igalang ang anumang kundisyon na itatakda ng Indonesia kaugnay ng paglilipat, kabilang ang patuloy na pagsilbi ni Veloso ng kanyang sentensiya sa Pilipinas, maliban sa parusang kamatayan na ipinagbabawal sa ilalim ng mga batas ng bansa.

Si Veloso, na hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa drug trafficking noong 2010, ay nananatili sa death row ngunit nakakuha ng pansamantalang reprieve noong 2015 matapos umanong isiwalat na isa lamang siyang biktima ng human trafficking.

Patuloy ang mga hakbang ng pamahalaan ng Pilipinas upang tiyaking magiging maayos ang proseso ng kanyang paglilipat, kasabay ng hangaring mabigyan siya ng pagkakataon na makapiling muli ang kanyang pamilya sa ilalim ng legal na mga kondisyon.

Address

Capitol Hills Drive, Corner Zuzuareggui Street
Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DWAN 1206 AM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to DWAN 1206 AM:

Videos

Share

Category

Nearby media companies


Other Media in Quezon City

Show All