19/11/2020
🤝💞
Ngayong panahon na marami sa ating mga kababayan ang lubos ang hinagpis sa kanilang pinagdadaanan dulot ng bagyo at pagbaha, ito na ang ating pagkakataon na ipakita ang kabutihan ng pusong Mindoreño 🥰💖
Kasama ang iba't ibang grupo na handang tumanggap ng tulong para sa ating mga kapwa Pilipino mula sa Cagayan at Isabela, ay ating pagsasama-samahin upang makapagpaabot ng pagmamahal at kalinga at makabawas sa hirap na kanilang dinaranas 🙏💌
Kami ay kumakatok sa mabubuting puso sa buong lalawigan, kami po ay tumatanggap ng anumang uri ng tulong at handa kaming ihatid ito sa kanila sa mas mabilis na pahanon. Kabayan, mas masarap ang pakiramdam ng tumutulong kesa tinutulungan 🤗💛
̃os
“At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.” ✨
— Hebreo 13:16