20/12/2021
Long story ahead but please take time to read:
Let me start with the group tha I joined, Iron Vultures headed by Cholo. A group of people who's into classic bikes, modifications, etc. Nasali lang ako kasi nagkasabayan sa pagawaan ng motor, ininvite sa group. Walang snob, lahat game, maparides, drinking session atbp. Yun yung mga pinopost ko sa FB ko, at sa mga my day ko.
So ayun na nga, one day, isang araw 🤣, nameet ni kuya Rey si Tatay Marcelino, isang magtataho. Binubuhat niya ang kanyang paninda sa edad na 57, manas na ang paa, at mejo may kabagalan na.
Inilatag ni kuya Rey ang kanyang suggestion to help tatay, which is magpatak patak para maibilhan ng pedicab ng gumaan gaan naman ang kanyang paglalako ng taho.
In a matter of days, nabuo ang budget, nakahanap ng secondhand na pedicab which is in prestine condition, pinagtulungang ayusin, binaklas, pininturahan, binuo, pinalitan ang mga dapat palitan and VOILA! Ready na yung bike para kay Tatay Marcelino.
Pero dahil walang cellphone si tatay, mejo tumagal ang turnover, we waited for either Cholo or Rey to catch him.
Yesterday, nahuli din namin siya sa wakas, nagtipon-tipon ang Iron Vultures upang maipagkaloob na ang munting regalo namin sa kanya na pedicab, upang mapagaan ang paglalako ni Tatay Marcelino, pinakyaw na namin ang dala niyang paninda, nagkaroon kami ng taho party, pati mga batang naglalaro ng basketball, mga kapitbahay ni Cholo at mga dumadaan na ate, kuya, bata, matanda ay kanilang natikman ang napakasarap na taho ni tatay (May kasama pang groceries, courtesy of Kuya Rey's wife). Tatay Marcelino was about to cry pero siyempre, puro kami kalokohan kaya nauudlot ang luha niya hahaha!
My heart was filled with joy, dahil ang adhikain ng aking page, at ang adhikain ng motorcycle group na aking sinalihan ay iisa, which is to helpout people that are in need.
Below are the photos taken, di ko na lalagyan ng caption. Try ko na lang iarrange .
Salamat sa pagbabasa, at ang aking panalangin ay magkaroon tayo ng isang masaya at maligayang pasko, at manigong bagong taon!