
18/02/2025
"Ako po si Anthony, 26 years old at isang ama. Isa akong rider mula pa noong 2019. Nagtrabaho ako araw-araw nang walang pagod para sa aking pamilya. Sa bawat byahe, dala ko ang pangarap na maitaguyod sila, na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng aking anak.
Nagsimula ang lahat nang may magbayad sakin via GCash noong 2022. Habang nagpapahinga, napansin ko ang isang laro sa app—“color game.” Sinubukan ko, limang piso lang ang taya, at nanalo agad. Napaisip ako, "Ang bilis nito, hindi ako napagod!" Dumaan ang mga araw, naging libangan ko na siya. Sa bawat panalo, nararamdaman ko ang saya at excitement na parang di ko nararanasan sa araw-araw kong trabaho.
Pero hindi ko namalayan, unti-unti nang nagbabago ang takbo ng buhay ko. Noong una, hindi ko masyadong pansin dahil natutustusan ko pa rin ang mga pangangailangan namin. Pero di nagtagal, nagsimula na akong humiram ng pera. Pati ang motor ko, na pinaghirapan kong bilhin, kinailangan kong ibenta. Natambakan ako ng utang hanggang sa lumobo ito sa halos 260,000 pesos. At hindi lang pera ang nawala—unti-unti ring nawala ang respeto at tiwala ng mga taong nagmamalasakit sa akin.
Mula sa dating breadwinner na tinitingala ng pamilya, ngayon ako'y aminadong pabigat sa kanila. Sila, na minsan kong pinangarap na itaguyod, ngayon ay pasan ang bigat ng mga pagkakamali ko. Araw-araw, lumalaban ako sa sarili kong galit at pagsisisi. Nawala ang dating pag-asa sa puso ko, at bawat umaga ay tila mabigat.
Sa mga panahong ito, natutunan kong mas mahalaga pala ang kapayapaan at pagmamahal ng pamilya kaysa sa kahit anong kayamanan o panalo. Kaya, sa lahat ng nagbabalak subukan ang madilim na mundo ng pagsusugal, sana matuto kayo sa kwento ko. Huwag ninyong hayaang sirain nito ang mga pangarap niyo at ang mga taong nagmamahal sa inyo. Dahil sa dulo, hindi pera ang tunay na kailangan natin, kundi ang pagkakataong makabangon muli." - Anthony, rider sa isang delivery app
Maraming Pilipino ang nahuhulog sa bitag ng online s u g a l dahil sa madaling access at mabilis na resulta ng mga laro, na nagdudulot ng maling pananaw na ito ay isang mabilis na paraan upang kumita. Magsimula man ito sa mga maliliit na panalo, nagiging sanhi ito ng a d i k syon at pagkawala ng kontrol sa oras at pera, na nagreresulta sa pagkabaon sa utang. Bukod dito, ang pagsu s u g a l ay nagiging paraan ng pagtakas sa mga problema, ngunit sa huli, pinapalala lamang nito ang kalagayan ng mga tao.
Ang epekto nito sa pamilya ay malaki, dahil ang oras at pera na inilalaan sa pagsu s u g a l ay nagiging sanhi ng hidwaan at pagkakabaon sa utang, na nagiging sanhi ng pagkasira ng relasyon at reputasyon. Bagamat ang pagsu s u g a l ay bahagi ng kultura ng ilang komunidad, ang mga online s u g a l apps ay nagiging mas accessible at nakatago sa mata ng iba, kaya’t madalas hindi ito nabibigyan ng sapat na pansin at solusyon.
Ctto- Master Pinoy