10/01/2024
Ang napansin ko na reaksiyon ng mga tao sa isyung 299 pesos na engagement ring ay yung mga lalake ay panig sa babae, samantalang ang mga babae ay nakikisimpatya sa lalake.
Sinasabi ng mga babae na okay o ayos lang yung ganyan ang mahalaga ay totong mahal mo siya. Hindi ka niya iiwan kahit ano mangyari.
Swerte ka kung nakahanap ka ng ganun magmahal ‘tsong.
Pero kung gagamitin mo ‘yun na dahilan para makampante sa buhay at wag mag grind sa mas marangyang buhay, hindi ka niya deserve.
Paginassure ka ng babae na kahit bente lang yung singsing ang mahalaga ay sinsero kang magmahal, magpasalamat ka, at lalong magpursigi.
"Salamat, mahal. Pero susubukan ko padin na maging better in life, yung version ko na deserve mo."