09/05/2024
A simple story na sana lahat ng anak ay maging mapagmahal sa kanilang magulang..hinde ito obligasyon kundi malasakit at tunay na pagmamahal.at sa mga nagiging magulang na Ngayon, at bilang Isang lalake at pagiging AMA.
I don't want to brag or anything, pero naapreciate ko Ang bawat hirap at ginhawa sa pagsubok na naranasan ko sa Buhay. Tapos pandemic days pa na halos walang tumatanggap Sayo at ilang hospital na inikot natin At eto Yung laban na nagkakasakit na ang magulang natin dahil na Rin sa katandaan, grabe dito Yung gigisingin ka ng tadhana para ipaalala sayo kung gaano din kahirap at mga sakripisyo nila Nung naisilang ka dito sa Mundo, at gaano Sila nagaalala pag nagkakasakit ka...
At dito ko din nakita ang sarili ko pagtanda ko....
Mahirap ng naiwan magisa pagtanda mo, Lalo na wala na ang iyong katuwang sa buhay mo, at higit sa lahat yung panahon na meron ka at sagana ka sa bihaya na sa sobrang bait mo halos lahat todo bigay ka, at todo ka magunawa at todo sa sa pagtulong sa mga taong pinagmamalasakitan mo noon na pagdating ng panahon na Ikaw walang wala na at retired ka na at pagkadapa mo dito mo makikita Ang mga taong totoong nagmamahal sayo, at totoong may mga malasakit sayo, masaklap nyan mapapagod ang iba sa sitwasyon mo at susuko. Masaklap nyan nararanasan mo to sa mga mahal mo sa Buhay, masaklap pa nyan minsan sa mga anak mo na halos binuhos mo lahat para mabuhay Sila Ng marangal at mapunta sa tamang landas at magandang Buhay, pero bandang hull, Ikaw pa din Ang maiiwan magisa at walang sasalba kunde sarili mo lang ...
Pero sa pagkakataon ito, di ako sumusuko at sumama sa laban mo...
Kahit na alam ko di pa ako gaanon kaayos, pero pinipilit Kong samahan ka sa laban mo, dahil Ikaw din Ang nakakaalam Ng mga laban ko sa Buhay at Ikaw din Ang saksi sa mga laban ko na ilang beses din Ako nadadapa pero di mo ko hinushusgahan bagkos patuloy mo ko pinangangaralanan at ginagabayan at Minsan di Ako Ganon kaperpektong anak Minsan nakanapagbitaw ako Ng mga di magandang salita pero bandang huli iniintinde nyo ko sa mga bagay na Meron Ako or sitwasyon ko... At ilang beses din Ako nagkamali at ilang beses din Ako nagkasala pero di nyo ko sinusukuan, at sa bawat laban ko nandon ka. Ikaw kasama ko sa hirap at ginhawa, at bawat tagumpay ko ay tagumpay mo na din...
Ang karanasan ko na alagaan ka , at malasakit Nung mga panahon na agaw Buhay ka di kita sinukuan at kahit na Minsan naiisip ko paano Naman Ako, paano Naman Nung dapa din Ako, pero mas pinili Kong nandon sa mga panahon na kailangan mo Ng kalinga na di mangagaling sa ibang tao....
Masaklap nyan Yung mga inaasahan mo na anak mo na dapat nandon ay sumuko na... Pero di kita susukuan... Kahit na may mga panahon na nadurog Ako Ikaw Ang nagiging lakas ko na hinde pwede akong sumuko, dahil alam ko na Meron pa din akong purpose sa Buhay ko.
Dahil nakita ko Ang sarili ko na dapat Kong pagbutihin dahil ayaw ko na balang araw, Yung mga taong inubos ko Ng Oras at sakripisyo eh di ko na dapat asahan pang magkaroon Ng pagmamahal sa akin, at mapagpahalagahan Ang bawat sakripisyo ko, di ko na dapat pang asahan kundi sarili ko lang Ang dapat gumawa at iligtas ko Ang sarili ko sa ganong sitwasyon...kaya pinagsisikapan ko na HABANG nandyan ka pa, patuloy akong lumalaban at iangat Ang sarili ko..
Dahil siguro Ang purpose ko ay maging PUNDASYON sa mga minamahal k sa Buhay, Bago ko magawang tulungan Ang iba, tulungan ko Muna iangat Ang sarili ko para magawa ko Ang mga nararapat sa mga mahalaga sa buhay ko..
Kaya sa mga kabataan na nakapagbasa neto , kahit nasaan ka man or kahit ano pa Ang maging sitwasyon mo sa Buhay , wag Kang mawawalan Ng pagmamahal sa magulang mo at paggalang kahit ano pa Ang magulang mo. Dahil naniniwala Ako na Ang anak na mapagmahal sa magulang ay minamahal Ng diyos , dahil subok ko na Yan dati pa dahil hinde Ako pinababayaan Ng diyos kahit ano pang pagsubok Ang maranasan ko dahil naniniwala Ako sa proseso nyang binibigay at sa Plano na mas higit pa sa Plano mo.
Kahit sino pa makasama mo sa Buhay, kahit mawala Sila sa Buhay mo magulang mo pa Rin Ang bandang huli nandyan para sayo at mamahalin ka Ng walang dahilan at totoo....
Maraming salamat sa pagmamahal at pagiintinde
At maraming salamat sa mga taong di din nagsawa Tumulong sa tatay ko Lalo na sa mga pinsan ko at mga tita ko...
Salamat sa diyos at natagumpayan natin Ang pagsubok na ito at Ikaw ay masayang naglilingkod sa kapilya at sa AMA.
Myth Busters