04/05/2020
"Bakit ba puro laro nalang inaatupag mo"
"Ang gastos mo"
"Pupunta kana naman sa Internet cafe?"
"Walang magandang maidudulot sayo yang mga barkada mo"
Sanay na akung makarinig ng ganitong mga salita sa ibang tao lalo sa Parents ko. pag may nakita silang taong lulong sa Computer shop, tingin nila wala na agad kinabukasan, walang plano sa buhay, walang mararating, at kung minsan napagkakamalan pang adik. Nakakadisappoint na may mga taong nanghuhusga sa kabila ng kawalan ng kaalaman kung bakit kaya kami ganito? Ano ang aming mga kadahilanan? Please broaden your mind and open your heart para sa mga Gamers na katulad ko.
We need acceptance from this society na puno ng panghuhusga. Internet cafe, isang simpleng lugar kung saan para samin ay 'place of happiness and acceptance'.
Dito napupunta yung mga taong walang kakampi sa bahay. yung feeling nila isa silang blacksheep sa family nila, sa mundo ng Online games ay tanggap sila. Yung mga outcast sa school, yung di napapansin sa paglalaro, nakakaramdam sila ng pagtreat ng isang pamilya. Yung binubully, walang confidence sa school ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay halimaw sa paglalaro. Heartbroken, yung mga taong minsang nasawi sa pag-ibig pero nakahanap ng genuine happiness sa paglalaro, at mga taong pilit linalabanan ang lungkot.
We need acceptance, we need care, we need someone we can lean on, we need someone who can understand. Sa mga bagong saltang Online gamers, Welcome to our new society;
✔Welcome to our new society na pag Gamer ka, wala ka raw kinabukasan
✔Welcome to our new society na pag Gamer ka, wala ka raw mararating sa buhay
✔Welcome to our new society na pag Gamer ka, pagkakamalan kang adik
✔Welcome to our new society na pag Gamer ka, di ka nag-aaral ng mabuti
And lastly,
✔Welcome to our new society na pag Gamer ka, kapwa rin natin Gamer ang nakakaintindi lang satin