Ang Magtitibag_Pantaylandians

  • Home
  • Ang Magtitibag_Pantaylandians

Ang Magtitibag_Pantaylandians Ang 'Ang Magtitibag' ay isang Filipinong pampahayagan ng Pantay Integrated High School. 🖋️

Mga Manunulat ng PIHS, Wagi sa 2025 District Schools Press Conference sa Teresa Elementary SchoolMalugod naming ipinapaa...
12/09/2025

Mga Manunulat ng PIHS, Wagi sa 2025 District Schools Press Conference sa Teresa Elementary School

Malugod naming ipinapaabot ang pagbati sa mga kinatawan ng Ang Magtitibag at La Vista na nagpakitang-gilas sa katatapos lamang na 2025 District Schools Press Conference na ginanap sa Teresa Elementary School, Teresa, Rizal.

Nagtagisan ng talino ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya ng pagsulat sa Filipino, at narito ang mga nakamit na karangalan:

Unang Pwesto - Pagsulat ng Balita
🥇Zoe Milcah L. Compuesto
Unang Pwesto - Pagsulat ng Kolum
🥇Karylle Anne A. Pantaleon
Unang Pwesto - Pagsulat ng Agham
🥇Joy Vea M. Balucan

Ikalawang Pwesto - Pagsulat ng Lathalain
🥈Kisha Mae Jamaika G. Satago
Ikalawang Pwesto - Pagguhit ng Editoryal Kartun
🥈Precious Nicole Alpuerto
Ikalawang Pwesto - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita
🥈Irish Diane L. Ariate

Ikatlong Pwesto - Pagsulat ng Balitang Isports
🥉Zairah Jhen G. Cruz
Ikatlong Pwesto - Pagsulat ng Editoryal
🥉Ariana S. Arcenue
Ikatlong Pwesto - Pagkuha ng Larawang Pamamahayag
🥉Aviona Brielle B. Asis

Ang kanilang tagumpay ay patunay ng husay at dedikasyon sa larangan ng campus journalism. Inaasahan ang kanilang paglahok sa Division Schools Press Conference ngayong Oktubre.

Lubos din po kaming nagpapasalamat kay G. EJ Estrabo sa kanyang ibinahaging kaalaman sa aming mga manunulat sa ginanap na cliniquing/training workshop. Kayo po ay naging isa sa mga katuwang at gabay ng aming mga kabataan sa kanilang paghubog bilang mga manunulat.

Mabuhay ang mga batang manunulat!

19/08/2025
19/08/2025

𝐍𝐨𝐭𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐈𝐆 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨, 𝐬𝐚 𝐧𝐨𝐭𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐚𝐲𝐚𝐰?😤

Mabuhay Pantaylandians! Mahalagang pagpapaalala na huwag kalimutang unahin ang mga dapat unahin, gaya ng pagno-notes😉. Wag puro sa feed ang pag uupdate, sa notebook din😆.

Alam nyo ba?🤓💡

• Mas tumatagal sa memorya ang lessons kapag isinusulat.

• Ang pagsusulat ng notes ay 'di lamang basta pagkopya, kundi paraan upang ma process ang informations.

• May mababalikan kang mga sulatin pag nagpa-open notes si mam/sir sa quiz😁.

Kaya naman sa pag-aaral galingan, Pantaylandians‼️❤️

✍️: Eunice Micah Villafranca
🖼️: Mc James Anthony Gertos

🎉 Pagpupugay sa mga Kampeon ng Panulat! 🖋️🏆 Matagumpay na nairaos ang School-Based Press Conference 2025, at ngayon ay b...
01/08/2025

🎉 Pagpupugay sa mga Kampeon ng Panulat! 🖋️🏆 Matagumpay na nairaos ang School-Based Press Conference 2025, at ngayon ay binigyang-parangal natin ang mga nagwagi—mga batang mamamahayag na nagpakita ng husay, talino, at tapang sa bawat salita't pahina! 👏

Mula sa Pagsulat ng Balita hanggang sa Larawang Pampahayagan, kayo ang tunay na boses ng kabataan at pag-asa ng campus journalism. 📰

Isang lubos na pasasalamat sa lahat ng lumahok, mga gurong gumabay, at mga speaker na nagbahagi ng kanilang kaalaman—kayo ang bumuo ng di-malilimutang karanasang ito! Salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa panulat.

Padayon, mga manunulat ng kinabukasan!

Ikaapat at Huling Araw ng School-Based Press Conference 🏁 Sa pagsasara ng makabuluhang serye ng talakayan, ipinamalas ni...
01/08/2025

Ikaapat at Huling Araw ng School-Based Press Conference 🏁 Sa pagsasara ng makabuluhang serye ng talakayan, ipinamalas ni Ma’am Christine Mae J. Medina ang kapangyarihan ng agham sa panulat!

Sa kanyang sesyon sa Science Writing, binigyang-liwanag niya kung paanong ang mga datos at teorya ay nabibigyang-buhay sa mga pahina—tulad ng pag-uugnay ng kaalaman at imahinasyon. Mula sa mga eksperimento hanggang sa mga tuklas, tunay ngang nagniningning ang agham kapag isinulat nang may puso't talino!

Isang mahusay na pagtatapos sa PressCon na puno ng aral, inspirasyon, at paghasa ng panulat!

Sa Hapon naman ay isang mainit na talakayan at umangat ang boses ni Ma’am Anabel B. Cañamaque na tila komentaryong live ...
31/07/2025

Sa Hapon naman ay isang mainit na talakayan at umangat ang boses ni Ma’am Anabel B. Cañamaque na tila komentaryong live sa courtside—punong-puno ng energy at insight sa mundo ng Sports Writing!

Mula sa adrenaline ng bawat laro hanggang sa emosyon sa bawat tagumpay at pagkatalo, kanyang pinatunayan kung paanong ang sports ay hindi lang pisikal na laban kundi kwentong dapat maramdaman.

Ikatlong Araw ng School-Based Press Conference 🌟 Sa umaga'y pinag-alab ni Ma’am Rica Mae T. San Jose ang puso ng mga man...
31/07/2025

Ikatlong Araw ng School-Based Press Conference 🌟 Sa umaga'y pinag-alab ni Ma’am Rica Mae T. San Jose ang puso ng mga manunulat sa kanyang makabuluhang talakayan tungkol sa Feature Writing—na parang sining ng pagkukuwento na humihinga. 🖋️✨

SPC 2025 — Ikatlong Araw, Buhay na Buhay! Ngayong umaga, umapaw ang talino at imahinasyon sa editorial cartooning sessio...
31/07/2025

SPC 2025 — Ikatlong Araw, Buhay na Buhay! Ngayong umaga, umapaw ang talino at imahinasyon sa editorial cartooning session na pinangunahan ni Sir Jason R. Velgado. Mula sa lapis hanggang sa mensahe, bawat guhit ay naging pahayag ng tapang at katotohanan.

Ang sining ay naging sandata—at ngayong araw, ginamit ito ng mga kalahok para magsalita sa paraang hindi kailanman nakalilimutan.

Sa SPC Day 2, sa likod ng bawat headline ay isang editor na may puso’t paninindigan. Salamat, Ma’am Lailani T. Belen, sa...
30/07/2025

Sa SPC Day 2, sa likod ng bawat headline ay isang editor na may puso’t paninindigan. Salamat, Ma’am Lailani T. Belen, sa pagbibigay saysay sa bawat salita! 🖋️🧠

Matalas na paninindigan, malinaw na pagsusuri—salamat kay Bb. Michelle M. Vargas sa pagbibigay-linaw sa sining ng pagsul...
30/07/2025

Matalas na paninindigan, malinaw na pagsusuri—salamat kay Bb. Michelle M. Vargas sa pagbibigay-linaw sa sining ng pagsulat ng editoryal.

📸 Ikalawang Araw ng SPC: Mas lumalalim ang kaalaman at inspirasyon!Sa patuloy na paglalakbay ng School-Based Press Confe...
30/07/2025

📸 Ikalawang Araw ng SPC: Mas lumalalim ang kaalaman at inspirasyon!

Sa patuloy na paglalakbay ng School-Based Press Conference, itinampok ngayong araw ang makapangyarihang tinig ng photojournalism sa pamamagitan ni Ms. Alec Ingred O. Valdez. Habang siya'y nagsasalita, tila binubuksan niya ang lente ng katotohanan—kung paanong ang isang larawan ay kayang magpahayag ng damdamin, istorya, at panawagan.

Isang araw na puno ng matututunan at muling pagtuklas sa kapangyarihan ng media! 📷✨

HAPPENING NOW! Isinasagawa ang unang araw ng School-Based Press Conference sa Pantay Integrated High School! 🏫🖊️ Mga mag...
29/07/2025

HAPPENING NOW!

Isinasagawa ang unang araw ng School-Based Press Conference sa Pantay Integrated High School! 🏫

🖊️ Mga mag-aaral mula sa Junior at Senior High School ay aktibong nakikilahok sa mga pagsasanay sa iba't ibang larangan ng campus journalism gaya ng news writing, editorial writing, photojournalism, at column writing.





#2025

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Magtitibag_Pantaylandians posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share