20/08/2024
7.086M SLP Projects, iginawad sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa bayan
Iginawad nitong nakaraang Biyernes, Agosto 16, 2024, ang nasa P7,086,130 na pondo ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD-SLP sa mga kwalipikadong benepisyaryo nito. Ito ay isinagawas sa Evacuation Center, Municipal Grounds, Tboli, South Cotabato.
Iginawad ang mga tseke at Certificate of Accreditation sa 14 na mga asosasyon sa 12 na barangays ng bayan ng Tboli. Kabilang sa mga asosasyong nakatanggap ang Minggel Kesesotu SLPA ng Barangay Desawo, Kesetgel Lemblete SLPA at Tembol Proper SLPA ng Lemsnolon, Kesegmung Talufo SLPA, Mdengen Talufo SLPA, Laconon Dreamers SLPA, Lemnok Tudok SLPA, Progresibong Basag SLPA, Kaunlaran ng Maan SLPA, Lamhaku Kestobong SLPA, Kematu Kaagapay SLPA, Kematu Three Sitios SLPA, Mongokayo SLPA, Datal Dlanag IPs Farmers Peace and Development SLPA, at Tudok Proper Peace and Development SLPA.
Samu't saring mga isinumeteng proyekto ang naaprubahan at pinondohan ng ahensya tulad na lamang ng mga Sari-Sari Stores, General Merchandise Stores, Food Stores, Agricultural Supplies, Fish production Business, mga Agricultural Buy and Sell, at iba pa.
Ang pondong inilaan ng pamahalaan ay magsisilbing kapital ng mga benepisyaryo nito para sa mga negosyong isasagawa sa kani-kanilang mga lugar nang sa gayon ay makatulong sa pangkabuhayan ng mga miyembro ng asosasyon at makapagbigay ng serbisyong pang-ekonomiya sa mga nasasakupang mamamayan.
12 sa mga asosasyong ito ang regular na benepisyaryo at mga miyembro ng 4Ps kung saan nakatanggap ng kabuuang P5,956, 650 at ang dalawang iba pang asosasyon ay nakatanggap naman ng P600,000 sa ilalim ng EO 70. Ang natirang P529,480 naman ay nakalaan para sa Mongokayo SLPA.
Nagpapasalamat naman ang ahensya sa Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Tboli, sa pangunguna ni Tboli Mayor HON. KEO DAYLE T. TUAN, sa pagbigay ng walang sawang suporta at pagtulong sa pagsasagawa at maayos na implementasyon ng nasabing programa.
Nasa seremonya ng pamamahagi sina Municipal Vice Mayor Hon. Ronie L. Dela Peña, 1Lt. Maverick A. Ramos, CO Bravo Company 105th IB, 6ID PA, MSWDO Head Jerry Magbanua, RSW, Kateleen A. Apaitan, Provincial Monitoring Evaluation Officer, Jennifer Ambalgan, RSW-MAT Leader, ilang mga kawani ng DSWD XII at Provincial Office, MSWDO Staff at DSWD SLP-Tboli Office. (Oliver G. Calan, MIO News Team)