Viva Taytay

Viva Taytay Proud Taytayeรฑo ka ba? I-LIKE at mag-FOLLOW na sa aming page! Ano man ang lahi mo sa Taytay, mapa-s

Dapat po ba hayaan na magsugal ang mga barangay kagawad sa session hall ng walang penalty?Ano ang opinion niyo dito? ๐Ÿค”
14/10/2023

Dapat po ba hayaan na magsugal ang mga barangay kagawad sa session hall ng walang penalty?

Ano ang opinion niyo dito? ๐Ÿค”

โ€œLGBT SUPPORTER NI MAYOR ALLAN, KINAWAWA AT GINUTOM SA ANNIVERSARY CELEBRATION SA TAYTAY KALAYAAN PARK!โ€Matagumpay na na...
25/07/2023

โ€œLGBT SUPPORTER NI MAYOR ALLAN, KINAWAWA AT GINUTOM SA ANNIVERSARY CELEBRATION SA TAYTAY KALAYAAN PARK!โ€

Matagumpay na naidaos ng Smile Taytay Administration sa pangunguna ng Mayor ng Taytay, Rizal na si Mayor Allan De Leon ang kanyang First Year Anniversary sa Serbisyo Publiko sa Munisipyo bilang Punong Bayan kasabay ng pag-unveil ng Filipino - Chinese Prosperity Fountain na bagong landmark na matatagpuan sa Taytay Veterans Park.

Ngunit sa kabila ng mga ngiti at kasiyahan, isang LGBT member supporter ni Mayor Allan De Leon ang dismayado at malungkot sa gabi ng anibersaryo dahilan sa pagpigil at pagharang diumano sa kanila ng mga OMM staff para makakain ng hapunan sa gabi ng palabas.

Makikita sa screen shot facebook post ang kanyang lungkot, hinanakit at malungkot na karanasan sa pagkadismaya sa naging pangyayari.

โ€œNawalan nako ng SMILE kasi di ninyo kami pinakain, hindi ko matanggap na nakapila na kami sa catering, inawat ninyo kami, para kaming kawawa. 4pm to 10pm gutom ang inabot namin. Hindi pa kami nadala lumapit pa kami sa isang catering, denied pa din. Haysssโ€ฆโ€, ayon sa isang stand-up comedian na nagpadala ng kanyang screen shot post.

Mababasa din ang ipinadalang conversation message ng kanyang sumbong sa mga naging pangyayari noong gabi ng programa ni Mayor Allan De Leon.

Sa ngayon ay hinihintay natin ang panig ng mga naging organizer ng palabas sa Taytay Kalayaan Park noong nakaraang Sabado para magbigay ng reaksyon at komento sa hinaing at pagkadismaya ng LGBT supporter ng alkalde.



14/07/2023

Sasakyan ng Barangay Juan ginagamit sa pagkakabit ng tarpaulin ng mga kandidato ni Kap Rasel Valera. Abusado at mapagsamantala! Tsk..Tsk..Tsk.. ๐Ÿค”๐Ÿค”๐Ÿค”

โ€œRED PLATE TAYTAY GOVERNMENT VEHICLE SPOTTED NA NAMAN SA ISANG PERSONAL OUTING NG PINSAN/BODYGUARD NI MAYOR ALLAN DE LEO...
12/06/2023

โ€œRED PLATE TAYTAY GOVERNMENT VEHICLE SPOTTED NA NAMAN SA ISANG PERSONAL OUTING NG PINSAN/BODYGUARD NI MAYOR ALLAN DE LEONโ€

Isang netizen ang nagpadala sa atin ng isa na naman abusadong empleyado ng Munisipyo ng Taytay, hindi lang basta empleyado kungdi, โ€œpinsan, kamag-anak at bodyguard pa ni Mayor Allan De Leon na staff sa Office of the Mayor na alyas, โ€œGlenn Singcuenco Villasantaโ€ ๐Ÿค”๐Ÿค”

Kitang-kita sa larawan na gamit nila ang isang official red plate taytay government vehicle ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa isang personal/birthday celebration outing ng kamag-anak ng nasabing abusadong empleyado ng Munisipyo. Malinaw na ebidensya na mapagsamantalang ginagamit ang red plate government vehicle at gasolina ng Munisipyo sa isang personal na outing ng kanilang pamilya.

Kaya sig**o hindi matapos-tapos ang milyong milyong bayarin ng Munisipyo sa mga gas providers nito dahil sa mga ganitong klaseng abusado at mapagsamantalang empleyadong kamag-anak ni Mayor Allan!

Welcome back nga pala Mayor Allan! Nakita na namin kayo sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Taytay K Park! Baka pwede na tayo ulit maglingkod sa bayan?! Medyo napatagal na ang labing-siyam (19) na bakasyon-grande mo sa Amerika na โ€œALL OUT EXPENSE PAID TRIPโ€ ng Munisipyo.

Smile Taytay! Maiba Naman! ๐Ÿ’™๐Ÿ’™๐Ÿ’™







30/05/2023

SENIORS NG TAYTAY, KINAWAWA! PAGOD AT GUTOM SA MAGULONG PILA AT SISTEMA NG SOCIAL PENSION PAY-OUT!

Isa sa mga pangakong napako na ni Mayor Allan De Leon ang pagbabahay-bahay na distribution ng benepisyo at dagdag na cash gift ng mga Senior Citizen ng Taytay kasama na ang sektor ng solo parents at mga PWD. Pero hanggang sa ngayon ay nagdurusa at tila na echepwera na ang mga seniors sa pagtanggap ng kanilang ayuda.

Pagod, hirap at gutom sa magulo at walang sistemang pila ang kanilang dinaranas sa isang pay-out center para tanggapin ang kanilang social pension na tila pahirapan sa pagkuha.

Sa mga nanunungkulan sa MSWD Office na itinalaga ni Mayor Allan, Huwag naman po sana nating pasamain pa ang kanilang mga kalooban. Kaunting panahon na lang po ang ilalaan nila dito sa mundo. Ngayon at matanda na nga sila, mahina at sakitin pa, ang pensiyong natatanggap nila ay hindi pa nga sapat para sa kanilang medisina at pang-maintenance sa gamot. Bibigyan nyo pa ba sila ng galit, p**t at sama ng loob para sa pribilehiyong dapat nila matanggap.

Kailan po ninyo ibabahay-bahay ang kanila ayuda? Huwag nyo naman pang pahirapan pa sila! Pag-aralab nyo na kung paano ibabahay-bahay ang kanilang social pension dahil iyan ay pangako po ng ating Mayor Allan!

Mayor Allan, paramdam naman po kayo! Andyan na po ba kayo sa California, USA para tanggapin ang inyong Pandemic Hero Award? Paano naman po ang mga seniors natin? Patuloy po ang kanilang pagdurusa at paghihirap! Kailan po natin ibabahay-bahay ang Cash Gift ng mga Senior Citizen, Solo Parents at PWD?

Lagi na lang po kayong pasarap at pa travel abroad ng ating Munisipyo! Tsk.. tsk.. tsk.. ๐Ÿค”๐Ÿค”๐Ÿค” Talagang IBANG IBANG NA NGA!

Video kuha ng isang netizen sa Waltermart Taytay








Ang ALFAMART ay naghahanap ng mga SITE SURVEYOR at STORE CLERKS na i-aassign sa kanilang Rizal Area Branch. Para sa mga ...
02/03/2023

Ang ALFAMART ay naghahanap ng mga SITE SURVEYOR at STORE CLERKS na i-aassign sa kanilang Rizal Area Branch. Para sa mga interesadong aplikante, maaari po kayong magtungo sa ating Public Employment Service Office (PESO) ngayong darating na Friday, March 3, 2023 from 9:00am-3:00pm para mag-apply.

Magdala lamang po tayo ng two (2) copies ng updated nating resume sa araw ng interview. Ito po ang mga detalye ng requirements sa bawat position:

1. Site Surveyor (4)
Requirements:
Male
College Graduate
Preferably with own vehicle or motorcycle

2. Store Crew (30)
Requirements:
Male or Female
At least High School Graduate

Ang PESO ay matatagpuan sa 4th Floor, ng Rizal Provincial Capitol Annex Bldg. Ynares Complex, Antipolo City. Kung kayo po ay may katanungan, maaari po kayong tumawag sa PESO sa numerong ito: 09275724024 / 8256-3000 loc. 2203
Good luck po sa lahat!

Mga Tropapips! Happy HAMAKA Festival!Dahil Fiesta na naman may share  ako sa inyo! Tumutok lang sa page ni Mayo...
16/02/2023

Mga Tropapips! Happy HAMAKA Festival!

Dahil Fiesta na naman may share ako sa inyo! Tumutok lang sa page ni Mayor Joric Gacula sa darating na February 17, 2023, 6PM upang manalo.

Makipagkwentuhan, kulitan at manalo ng ating prizes. 20 lucky viewers ang mananalo ng panghanda para fiesta ng grocery package at isang mananalo ng ating grand prize worth P20,000.

Manood at i-comment lamang ang inyong buong pangalan, taga-saang barangay sa Taytay contact number at bakit ikaw dapat ang manalo ng ating pa-premyo.

PAALALA โœŠ
16/02/2023

PAALALA โœŠ

TINGNAN:

๐๐ซ๐จ๐œ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ‘๐Ÿ–, ๐ฌ. ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘

Signed on 25 January 2023

๐ƒ๐„๐‚๐‹๐€๐‘๐ˆ๐๐† ๐Œ๐Ž๐๐ƒ๐€๐˜, ๐Ÿ๐ŸŽ ๐…๐„๐๐‘๐”๐€๐‘๐˜ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ‘, ๐€ ๐’๐๐„๐‚๐ˆ๐€๐‹ (๐๐Ž๐-๐–๐Ž๐‘๐Š๐ˆ๐๐†) ๐ƒ๐€๐˜ ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐Œ๐”๐๐ˆ๐‚๐ˆ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐Ž๐… ๐“๐€๐˜๐“๐€๐˜, ๐๐‘๐Ž๐•๐ˆ๐๐‚๐„ ๐Ž๐… ๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹

๐Ÿ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐€ ๐‹๐€๐๐†!๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€Laman/Kasim/Porkchop - Php 280.00Liempo/Lomo - Php 295.00Ribs - Php 245.00 per kilogramButu-...
16/02/2023

๐Ÿ ๐€๐‘๐€๐– ๐๐€ ๐‹๐€๐๐†!

๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€
Laman/Kasim/Porkchop - Php 280.00
Liempo/Lomo - Php 295.00
Ribs - Php 245.00 per kilogram
Butu-buto - Php 230.00 per kilogram
Pata Una - Php 240.00 per kilogram
Pata Huli 230.00 per kilogram
Rabbit Meat (packed)- Php 350 per kilogram

๐——๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐˜† ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜๐˜€
Fresh Milk 1L - Php 150.00
Fresh Milk 300ml - Php 50.00
Choco Milk 1L - Php 160.00
Choco Milk 300ml - Php 50.00
Strawberry yougart 1L - Php 170.00
Strawberry yougart 300ml - Php 60.00
Blueberry yougart 1L - Php 170.00
Blueberry yougart 1L - Php 60.00
Mango yougart 1L - Php 170.00
Mango yougart 1L - Php 60.00
Plain yougart 1L - Php 170.00
White Cheese - Php 90.00
Pastillas - Php 100.00

๐—™๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐˜
Hito - Php 130.00 per kilogram

Sugod na ๐—ž๐—”๐——๐—œ๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—ข๐—ฃ-๐—จ๐—ฃ ๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—˜, ๐Ÿณ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—”๐—  hanggang ๐Ÿญ๐Ÿฎ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— , ๐—•๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜€, ๐Ÿญ๐Ÿณ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฏ sa tabi ng ating ๐— ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐˜†๐—ผ.
Handog sa atin ng Department of Agriculture RFO 4-A sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa pamumuno ng ating Mayor Allan De Leon at Sangguniang Bayan. Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ating HAMAKA 2023 Araw ng Pasasalamat.

09/01/2023
Happy Birthday Actionman Kap!
15/07/2022

Happy Birthday Actionman Kap!

Happy and Blessed Birthday to our beloved Barangay Captain Hon. Rasel Valera - our Actionman.We wish you many more fulfilling years of peaceful service in good health, happiness and all-round wellness. We are wishing you everything you heart desires. May God bless you and guide you always.

Greetings from Barangay Council and the whole family of Barangay San Juan. We Love you and will support you always!

BREAKING : Pia Cabral, muling nagpakalat ng sample ballot pero iba ang Ka-Tandem na Mayor. Pati ang Team Sagip na kaniya...
09/05/2022

BREAKING : Pia Cabral, muling nagpakalat ng sample ballot pero iba ang Ka-Tandem na Mayor. Pati ang Team Sagip na kaniyang kagrupo ay handa niyang iwanan para lang manalo ngayong halalan. Maaalala na ginawa niya rin ito noong nakaraang eleksyon noong 2019 kung saan trinaydor niya ang kaniyang grupo, Development Team, at ang pangalan ni Former Vice Mayor Bonoy Gonzaga ang kasama niya sa balota.

Konsehal Pia Cabral, sumusobra na sa kakapalan ng mukha pati ka-team sa sagip iniwanan para manalo lang vice mayor. Hind...
08/05/2022

Konsehal Pia Cabral, sumusobra na sa kakapalan ng mukha pati ka-team sa sagip iniwanan para manalo lang vice mayor. Hindi na bago magkaroon ng sample ballot kapag eleksyon na, tulad nang ginawa niya noong nakaraang eleksyon kung saan trinaydor niya ang development team sa pamamahagi ng sample ballot kung saan nakasulat doon ay ibang mayor kasama ang kaniyang pangalan. Ngayong eleksyon naman ay nagpaimprinta ang konsehala ng kaniyang pangalan sa isang sticker paper at nag-utos ito na idikit at tapalan ang pangalan ni Vice Mayor Mitch Bermundo sa lahat ng sample ballot sa Taytay.

Konsehala Pia Cabral sobra na ito!

Dahil sa isinagawang pagsasampa ng kaso nina Kagawad Diego Samson at Kagawad Roy Tapawan ng kasong Falsification Of Publ...
27/03/2022

Dahil sa isinagawang pagsasampa ng kaso nina Kagawad Diego Samson at Kagawad Roy Tapawan ng kasong Falsification Of Public Documents laban kay Kupitan Este Kapitan ALLAN DE LEON ng Barangay Dolores naisip kong tuklasin ang mga nangyayari sa loob ng Barangay ni Kupitan Allan De Leon at ako ay nagulat sa aking natuklasan.

Taong 2014 pa pala kauupo pa lamang ni Kupitan Allan bilang Kapitan ay agad-agad may mga naganap ng IREGULARIDAD sa pondo ng BARANGAY DOLORES kung saan ayon sa C.O.A (Commision On Audit) AUDIT REPORT ay may mga nawalang tseke ng Barangay noong taon 2014...

Abangan ang mga susunod pang mga rebelasyonโ€ฆ

Sinampahan ng kasong FALSIFICATION of PUBLIC DOCUMENTS sa Rizal Provincial Prosecutorโ€™s Office nina Kagawad DIEGO SAMSON...
27/03/2022

Sinampahan ng kasong FALSIFICATION of PUBLIC DOCUMENTS sa Rizal Provincial Prosecutorโ€™s Office nina Kagawad DIEGO SAMSON at Kagawad ROY TAPAWAN si Kapitan Allan De Leon ng Barangay Dolores, ito ay matapos tangkain ni Kapitan Allan De Leon na palusutin nila ang Budget ng Barangay ng walang kaukulang pirmadong resolusyon buhat sa Sangguniang Barangay ng Dolores.

Kung ano man ang layunin ni Kapitan Allan De Leon sa pagpapalusot sa nasabing budget, ito ay maituturing na labag sa batas at maanomalya dahil hindi pinagsesyunan ng Sangguniang Barangay, at ito ay may layuning pagmamaniobra ang pondo ng Pamahalaang Barangay... ๐Ÿ˜ก๐Ÿ˜ก๐Ÿ˜ก๐Ÿ˜ก

NAWAWALANG MGA TSEKE SA BARANGAY DOLORES, HINAHANAP NG COA Matapos ang kamakailan lang na pagsasampa ng kaso nina Barang...
24/03/2022

NAWAWALANG MGA TSEKE SA BARANGAY DOLORES, HINAHANAP NG COA

Matapos ang kamakailan lang na pagsasampa ng kaso nina Barangay Dolores Kagawad Diego Samson at Roy Tapawan kay Kapitan Allan De Leon sa kasong Falsification Of Public Documents ay natuklasan na simula pa lamang ng pagkakaupo ni De Leon bilang kapitan noong 2014 ay may mga nawawala na palang mga tseke ang Barangay na agad na hinanap ng Commission On Audit. Ang mga nagaganap na iregularidad ang isa sa mga reklamo ng ilang nakaupo at opisyal ng barangay sa kanilang Kapitan na kasalukuyan ring tumatakbo bilang alkalde ng bayan ng Taytay

Naglabas ng saloobin sa social media ang isang leader mula sa Lupang Arenda patungkol sa umano'y pang-aangkin ng kredito...
21/01/2022

Naglabas ng saloobin sa social media ang isang leader mula sa Lupang Arenda patungkol sa umano'y pang-aangkin ng kredito ni Konsehal Pia Cabral sa pagtulong sa kababayan natin sa Arenda na maigawad sa kanila ang lupa na kanilang tinitirhan. Pinabulaanan ni Enteng Vicente Barlos ang sinabing ito ng konsehal. Ayon sa kanya ay matagal nang kumikilos ang Alliance of People Organization in Lupang Arenda katuwang ang iba pang mga organisasyon upang ipaglaban ang mga karapatan ng mga taga-Lupang Arenda. Kalakip ng kanyang post ang mga larawan na patunay ng kanilang pakikibaka. Hinamon din ni Enteng ang konsehal na maglabas o magpakita ng mga resibo bago nito angkinin ang kredito sa nasabing proyekto.

Isang kagawad ng Barangay Dolores ang dumulog sa DILG patungkol sa umanoy pagpapasa ng kanilang barangay ng "APPROVED" b...
20/01/2022

Isang kagawad ng Barangay Dolores ang dumulog sa DILG patungkol sa umanoy pagpapasa ng kanilang barangay ng "APPROVED" budget appropriations ngunit wala namang naganap na budget hearing o session sa kanilang barangay. Ayon sa post mula sa page ni Mayor Joric Gacula, isang liham ang kanilang natanggap mula kay Kagawad Diego Samson ng Barangay Dolores patungkol sa isyu. Isiniwalat sa sulat ang umanoy hindi tamang pamamalakad ng mga kasalukuyang namumuno sa barangay. Nakapagpasa umano ng Barangay Ordinance patungkol sa kanilang budget ngunit wala umanong kaalam alam ang mga kagawad ng barangay dahil wala namang naganap na kahit anong meeting patungkol rito.

Labis naman ang galit ni Mayor Joric Gacula dahil sa mga kaganapang ito. "Paano ninyo nasisikmura na gamitin ang buwis na pinaghirapan ng mga kababayan natin nang hindi dumadaan sa tamang proseso? Bakit ninyo ginagamit ang budget ng Dolores kung hindi naman pala aprubado ng mga kagawad ng barangay? Pagmamay-ari na ba ninyo ang Dolores kaya wala na kayong respeto sa mga batas na umiiral sa ating bansa?" dagdag pa ni Gacula. Nanatiling bukas ang tanggapan ng punong bayan upang hintayin ang paliwanag mula sa pamunuan ng Barangay Dolores.

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Barangay ng Muzon ang paglalagay ng COMELEC checkpoint at IATF mobility protocols checkpoin...
20/01/2022

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Barangay ng Muzon ang paglalagay ng COMELEC checkpoint at IATF mobility protocols checkpoint sa kahabaan ng national road. Katuwang ang mga kawani ng barangay, volunteer force multipliers at Taytay PNP ay binabantayang maigi ang mga dumaraang motorista at isinasailalim sa mahigpit na monitoring upang masig**o ang kaayusan . Isinasagawa ang checkpoint sa ilalim ng umiiral na gun ban sa ating bayan.

Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng Muzon sa pamamahagi ng ayuda sa mga kabarangay na positibo sa Covid-19. Agad na ipin...
19/01/2022

Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng Muzon sa pamamahagi ng ayuda sa mga kabarangay na positibo sa Covid-19. Agad na ipinag utos ni Kapitan Buboy Santos ang pagdadala ng Covid-19 Care packages sa mga covid-19 patients na naka- home quarantine. Naglalaman ng mga esensyal na bagay ang Covid-19 care packes mula sa barangay tulad ng gamot, bitamina, grocery items at itlog. ang bawat care package ay ideni-deliver ng personal sa bawat bahay upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Suspendido ang virtual classes sa lahat ng antas mula elementarya hanggang Senior High School sa mga pampubliko at priba...
18/01/2022

Suspendido ang virtual classes sa lahat ng antas mula elementarya hanggang Senior High School sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa ating bayan. Alinsunod sa utos ng Department of Education ay napagdesisyunan ni Mayor Joric Gacula at ng Pamahalaang Bayan ng Taytay na suspendihin ang mga lahat ng physical, online at virtual classes mula January 17 hanggang January 29, 2022 upang bigyang ng maayos na pahinga ang mga g**o at estudyante. Muli namang nagpaalala ang Pamahalaang bayan na mag ingat dahil patuloy ang paglobo ng bilang ng covid cases sa ating bayan.

Pormal nang sinimulan ng Bayan ng Taytay ang pagpapatupad ng Gun Ban alinsunod sa Resolution No. 10728 ng COMELEC. Noong...
18/01/2022

Pormal nang sinimulan ng Bayan ng Taytay ang pagpapatupad ng Gun Ban alinsunod sa Resolution No. 10728 ng COMELEC. Noong nakaraang araw ay nagtagalaga ang Taytay Municipal Police ng mga checkpoint at nagsagawa ng inspeksyon upang masig**o ang mahigpit na implementasyon ng bagong resolution. Muli namang sinig**o ng Pamahalaang Bayan ng Taytay ang mas mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng batas upang masig**o ang kaligtasan ng lahat.

Personal na sinaksihan ng ating Kapitan Rasel Valera ang pormal na panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisy...
18/01/2022

Personal na sinaksihan ng ating Kapitan Rasel Valera ang pormal na panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyales ng Samahang Nagkakaisang Tinig Homeowners Association Inc. Personal na bumisita sa ating Pamahalaang Barangay ang mga opisyales upang doon gawin ang kanilang panunumpa. Kasama sa mga dumalo ang NTHOAI President na si Eva Valle Hurtado.

Tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng Pamahalaang Barangay ng San Juan sa pangunguna ni Actionman Rasel Valera para sa mga...
17/01/2022

Tuloy ang pagbibigay ng serbisyo ng Pamahalaang Barangay ng San Juan sa pangunguna ni Actionman Rasel Valera para sa mga kababayang nagpositibo sa Covid-19. Tulung-tulong ang mga health workers at iba pang kawani ng Barangay San Juan sa pamamahagi ng pagkain, bitamina at ayuda para sa mga indibidwal at pamilyang nakasailalim sa home quarantine. Agarang ipinagutos ng ating Kapitan Rasel Valera ang patuloy na monitoring sa mga kababayang nagpositibo sa Covid-19 upang masig**o na may sapat na tulong ang makakarating sa mga apektadong residente.

Bumwelta sa social media ang mga supporters ng Development Team na partido ni kasalukuyang Mayor, Joric Gacula matapos a...
17/01/2022

Bumwelta sa social media ang mga supporters ng Development Team na partido ni kasalukuyang Mayor, Joric Gacula matapos ang umanoโ€™y walang katotohanang paratang ng kabilang kampo sa pagtatanggal ng tarpaulin ng kanilang partido sa kahabaan ng Rizal Ave. Nag-ugat ang iringan ng dalawang grupo matapos mai-post sa page ng Sagip Taytay ang ginagawang pagtatanggal umano ng tarpaulin ng kanilang grupo. Sa kabilang banda ay nilinaw naman ng mga supporters ng Development Team na hindi naman inalis at tarpaulin bagkus ito ay tinabihan lamang.

Sinimulan na ng Pamahalaang Barangay Muzon ang pamimigay ng Ham bilang pamaskong handog para sa mga senior citizens ng B...
19/12/2021

Sinimulan na ng Pamahalaang Barangay Muzon ang pamimigay ng Ham bilang pamaskong handog para sa mga senior citizens ng Barangay. Kasama ang mga kawani ng barangay ay naglibot si Kapitan Buboy Santos upang personal na iabot sa kanyang mga ka-barangay ang regalong ham. Ayon naman sa barangay ay makakatanggap ng regalo ang lahat ng nakalista sa Office of the Senior Citizens Affairs ng ating Pamahalaang Bayan.

For more updates, follow Viva Taytay.

Nakiisa ang Pamahalaang Barangay Sta. Ana sa isinagawang Online/ Virutal Barangay Information Drive ng Public Attorney's...
19/12/2021

Nakiisa ang Pamahalaang Barangay Sta. Ana sa isinagawang Online/ Virutal Barangay Information Drive ng Public Attorney's Office. Dinaluhan ito ng mga Lupong Tagapamayapa, VAWC Staff at mga tanod. Naglalayon ang programa na magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga kawani ng barangay patungkol sa mga batas na pumoprotekta sa mga mamamayan ng barangay.

For more updates, follow Viva Taytay.

Matagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng San Juan ang flushing operation sa Kabukiran St. Barang...
19/12/2021

Matagumpay na naisagawa ng mga kawani ng Pamahalaang Barangay ng San Juan ang flushing operation sa Kabukiran St. Barangay San Juan sa ilalim ng direktiba ng ating masipag na kapitan Rasel Valera. Bukod pa rito ay nagsagawa rin ng disinfection at paglilinis sa lugar upang masig**o ang kalinisan at kaligtasan ng mga residente sa lugar. Patuloy naman ang paalala ng Pamahalaang Barangay na panatilihin ang kalinisan sa kanilang mga lugar.

For more updates, follow Viva Taytay.

15/12/2021

MANILA WATER ADVISORY: Water interruption due to maintenance works TOMORROW December 16, 2021.

All residents are advised to store enough water to supply for their needs during the interruption.

14/12/2021

Good Morning Barangay!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng nagnanais na makapagbahagi ng dugo mayroon po tayong " GIVE BLOOD...SAVE LIVES" bukas napo ito...
December 15,2021 Wednesday, 8:00am hanggang 2:00pm

Sa pakikiisa ni Actionman Kap. Rasel Valera at sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay.


Masayang nakiisa ang Pamahalaang bayan sa 18-day campaign to end VAWC. Pinangunahan ni Mayor Joric Gacula ang pamamahagi...
14/12/2021

Masayang nakiisa ang Pamahalaang bayan sa 18-day campaign to end VAWC. Pinangunahan ni Mayor Joric Gacula ang pamamahagi ng grocery packs para sa mga dumalo sa ginanap na seminar para sa mga kababaihang naging biktima ng karahasan at pang aabuso. Nagbahagi ng mga kaalaman patungkol sa batas na pumoprotekta sa mga kababaihan ang speaker na si si Billy Ines. Naging kabahagi din ng programa ang Taytay PNP, MSWDO, BAC, MPDO at GAD Taytay Rizal sa pangunguna ni GAD Focal Person Gianne Yupangco na siyang nag organisa ng atkibidad.

For more updates, follow Viva Taytay.

14/12/2021
Isang Taytayeรฑo na tubong Barangay Sta. Ana ang nagtaas ng bandera ng buong bayan ng Taytay at buong Pilipinas sa ginana...
14/12/2021

Isang Taytayeรฑo na tubong Barangay Sta. Ana ang nagtaas ng bandera ng buong bayan ng Taytay at buong Pilipinas sa ginanap na international sports competition sa Phuket, Thailand. Naiuwi ni PH Muay Thai Star na si Phillip Delarmino ang gintong medalya sa 57KG Senior Male Division ng International Federation of Muaythai Association World Championship 2021. Nasungkit ni Delarmino ang kanyang kauna-unahnag world title matapos pataubin ang kanyang katunggali na si Aleksandr Abramov mula sa Russia sa iskor na 30-27. Malaking karangalan ito hindi lamang para sa ating bayan kundi maging sa buong bansa.

For more updates, follow Viva Taytay.

SIGURADONG LILIWANAG AT GAGANDA ANG ATING BAHAY KA-VIVA!Ang ating nakita ngayon hapon ay ang Patrice Lighting dito nag-o...
13/12/2021

SIGURADONG LILIWANAG AT GAGANDA ANG ATING BAHAY KA-VIVA!

Ang ating nakita ngayon hapon ay ang Patrice Lighting dito nag-offer sila ng kanilang ibat-ibang design ng ilaw hindi lang para sa loob ng bahay pati rin sa labas kaya naman kung ikaw ay may katanungan magpunta na sa kanilang official FB Page

Patrice Lighting
https://www.facebook.com/patricelighting/

Contact Number:
266586949

For more updates, follow Viva Taytay.

13/12/2021
T-SHIRT BA ANG IYONG NA ISIP I-REGALO NGAYON DARATING NA KAPASKUHAN?Ang ating nakita para diyan ay ang Kenny's Sublimati...
13/12/2021

T-SHIRT BA ANG IYONG NA ISIP I-REGALO NGAYON DARATING NA KAPASKUHAN?

Ang ating nakita para diyan ay ang Kenny's Sublimation T-shirt dito sa kanila ay may ibat-ibang T-shirt design silang ino-offer mag-tabi ng malaking budget dahil sa ganda ng kanilang design buong pamilya ay mabibilhan๐Ÿ˜„

Paano mag-order?
Visit: Kenny's Sublimation T-shirt
https://www.facebook.com/Kennys-Sublimation-T-shirt-116952390432112/

For more updates, follow Viva Taytay.

Address

Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Viva Taytay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share