23/07/2024
ILIGTAS NATIN ANG ATING MGA ANAK LABAN KAY SHAITAN " Jinn / Evil Eye", INGGIT AT KARAMDAMAN❗❗❗
👉 Hadith: Naging kaugalian ng Propeta na kanyang hinihingi ang kalinga (depensa) ni Allah para sa kanyang apo na sila Hasan at Husain at kanyang sinabi: "Ang inyong ama na si Propeta Ibrahem ay hinihiling niya ang depensa ni Allah para sa kanyang mga anak na sila Ismael at Ishaq at binabasa ang katagang ito:
"Ako ay nagpapakupkop sa kumpletong Salita ni Allah laban sa lahat ng Shaitan at mga nakakapinsala (tulad ng mga hayop, insekto) at sa lahat ng evil eye (masamang paningin / usog) at karamdaman". Inulat ni Imam Albukhari
👉👉SUNNAH NA BIGKASIN ANG DUA NA ITO PARA SA IYONG ANAK:
"OEEZUKA BIKALIMATILLAHI, AT'TAMATI, MIN KULLI SHAITAN WA HAMMA, WA MIN KULLI AININ LAMMA"
-Kung anak na babae ay ganito ang basahin: " OEEZUKI" then idugtong ang dua
BIKALIMATILLAHI, AT'TAMATI, MIN KULLI SHAITAN WA HAMMA, WA MIN KULLI AININ LAMMA"
- Kung dalawang anak ay ganito ang basahin: " OEEZUKOMA" then idugtong din ang Dua.
-Kung maraming anak ay ganito naman ang basahin: " OEEZUKOM" idugtong din dua
-Kung para sa sarili ay: "AOUZO" idugtong din ang
PAALAALA:
- Napakahalagang isagawa ang DUA dahil hindi natin alam ang anumang mangyayari
-Panatilihin ang pagasawa ng Azkar sa umaga at hapon at idagdag narin itong Dua.
-Huwag lahat ng bagay ay ipost sa social media lalu ang mga picture ng bagong ipinanganak.
-Kung nais mong bumili ng bagong sasakyan, bahay, planong magpatayo ng negosyo, mag-asawa ay huwag agad ihayag upang iwas sa evil eye at inggit.
Maaaring hindi matupad ang pangarap dahil dito.
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "كانَ النَّبيُّ صلَّى اللَّهُ عليهِ وسلَّمَ يعوِّذُ الحسنَ، والحُسَيْنَ، يقولُ: أَعوذ بِكَلماتِ اللَّهِ التَّامَّةِ، من كلِّ شيطانٍ وَهامَّةٍ، ومن كلِّ عينٍ لامَّةٍ، قالَ: وَكانَ أبونا إبراهيمُ يعوِّذُ بِها إسماعيلَ، وإسحاقَ أو قالَ: إسماعيلَ، ويعقوبَ" أخرجه البخاري (3371)
-عن ابن عباس قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يعوذ الحسن والحسين يقول: «أعيذكما بكلمات الله التامة من كل شيطان وهامة، ومن كل عين لامة»، حديث حسن صحيح
✍ Zulameen Sarento Puti