16/12/2024
Dali Grocery Shop: Benepisyo sa Mamimili, Hamon sa Lokal na Negosyo ng Ibaan
Ang pagdating ng Dali EVeryday Grocery sa Ibaan ay inaasahang magbibigay ng mas murang grocery items, frozen goods, at iba pang pangunahing bilihin. Bagama't maganda ito para sa mga mamimili, direktang maaapektuhan nito ang mga nagtitinda ng parehong produkto sa palengke. Posibleng bumaba ang kanilang kita, mawalan ng suki, at magdulot ng pagbabago sa ekonomiya ng palengke.
Aking Opinyon:
Walang masama sa pagtatayo ng Dali Everyday Grocery kung ito ay makakatulong sa mamamayan. Gayunpaman, maraming pwedeng gawin ang lokal na pamahalaan kung kanilang pag-aaralan kung paano hindi maapektuhan ang mga negosyante natin sa palengke. Ang mas malaking suliranin ay hindi gaanong nakikita ng simpleng mamamayan: dumarami ang nagtitinda ng mga pangunahing bilihin, ngunit hindi naman dumarami ang mamimili. Sa halip, marami ang namimili sa ibang bayan dahil mas mura ang bilihin doon.
Kailangang balansehin ang pagpapaunlad ng ating bayan at ang proteksyon sa mga kabuhayan ng ating mga kababayan. Mahalaga rin ang mga polisiya na magpapababa ng presyo ng bilihin sa Ibaan upang dito mismo bumili ang ating mga mamimili.
Ano ang inyong saloobin tungkol dito? Ibahagi ang inyong opinyon sa komento!