QuezoNews

QuezoNews The official page of Quezon News with the tagline "Balitang mula sa masa. Pulso ng Lalawigan."

📸 Congratulations :)
26/11/2023

📸 Congratulations :)

24/10/2023

Kapitan ng Lucena ‘guilty’ sa pangmomolestiya sa 3 menor na edad na lalake
LUCENA CITY, Quezon- Isang incumbent barangay chairman ng lungsod na ito ang nahatulan ng ‘guilty’ sa pangmomolestiya sa tatlong menor de edad na mga batang lalakekamakailan.

Hinatulan si Bgy. Chairman Darwin Rodriguez Sevilla ng Ilayang Talim ng ‘Lascivious Conduct’ ni Presiding Judge Aristotle Reyes ng Br. 15 Family Court ng Fourth Judicial Region .

Si Sevilla ay kinasuhan ng tatlong magkakahiwalay na paglabag na Sec. 5 (b) ng Republic Act No. 7160 o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for Other Purposes na isinampa ng 3 menor de edad.

Ayon sa tatlong biktima, sila’y minolestiya ni Sevilla sa magkakahiwalay na insidente noong June 4, 2017; Sept. 7, 2018; at Dec. 10, 2019.

Lahat ng tatlong kasong kriminal na inihain laban kay Sevilla ay naggigiit na siya’y gumamit ng dahas at ginawan ang tatlong biktima ng pang-aabusong sekswal.

Sa kaniyang desisyon, sinabi ni Presiding Judge Reyes na ang mga ginawa ni Sevilla ay nagpapakita ng lascivious conduct.

Ipinahayag ng Presiding Judge na ang tatlong biktimang kabataan ay dumaan sa pananakot nang gawin ni Sevilla ang pang-aabuso nito.

Hinatulan ni Reyes na ‘guilty beyond reasonable doubt’ si Sevilla at pinatawan ng pagkabilanggo ng 10 taon, 2 buwan at 21 araw bawat isa sa tatlong kasong kriminal na isinampa laban sa kaniya.

Inatasan din si Sevilla na magbayad sa bawat isang biktima sa tatlong kaso ng tig-P50,000 bilang civil indemnity, P50,000 bilang moral damages at P50,000 bilang exemplary damages.

✍️Sol Luzano

25/05/2023

Listen to Destiny Radio anywhere. SCAN the QR Code or click the link below.

Link: http://cuts2.com/UplAO

13/05/2023

GCash down again?

The Gcash app has now gone down again and the Downdetector.ph has seen several reports at 10am, May 13.

Some users have reported problems in using e-wallet.

25/04/2023

BREAKING NEWS: Deadline ng Sim Card Registration, extended ng 90 araw

Tiniyak ni Justice Secretary Boying Remulla na extended ang SIM Card Registration na nakatakda na sanang matapos bukas, April 26.

Si Remulla ay kasama sa meeting sa Palasyo, kasama ang Department of Information and Communications Technology ( DICT) at si Pangulong Bongbong Marcos.

15/04/2023
15/04/2023
16/03/2023

LOCAL ARTISTS, NAGPASIKLABAN SA OUTDOOR MUSIC FESTIVAL SA LUCENA CITY

Ni: Norvie Giron

LUCENA CITY, Quezon- Napuno ng mga talentadong musikero ang lungsod na ito sa ginanap na Irie Nights: Outdoor Music Festival sa Purok Kaimito, Brgy. Ilayang Talim kamakailan.

Iba’t ibang banda at solo artists mula sa Maynila, Laguna, Batangas at Quezon ang nagpasiklaban.

Tampok rin dito ang iba’t ibang small local businesses kagaya ng handicrafts, tattoo, food stalls, clothing merchandise at iba pang produkto na likha ng mga Quezonians.

Ayon sa pahayag ng mga organizers, layunin ng Outdoor Music Festival na ito na mapaunlad pa at ipakilala ang husay ng mga musikerong Quezonian at de-kalidad na produkto ng lalawigan.

Dagdag pa nila, ginanap ang music festival sa labas kung saan malapit sa kalikasan upang paalalahanan na magkaugnay ang mga tao at kalikasan.

Inaasahan naman masusundan pa ang mga music festival sa Quezon, para sa patuloy na pagpapakilala ng talentadong homegrown artists ng Quezon, gayundin na din ang mga lokal na negosyo sa lalawigan.

📸 Paul Andreu Avio

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=125961400432231&id=100090551134972&mibextid=Nif5oz
16/03/2023

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=125961400432231&id=100090551134972&mibextid=Nif5oz

3-ANYOS NA BATA, PATAY SA SUNOG SA INFANTA, QUEZON

Ni: Anna Gob

INFANTA, Quezon- Patay ang isang tatlong taong gulang na bata matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Purok Rosal, Barangay Tudturan, Infanta, Quezon madaling araw ng Martes, Marso 14.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, ang nasunog na bahay ay may tatlong kwarto at sinasabing galing sa naiwang nakasinding kandila ang sanhi ng nasabing ng sunog.

Nagising na lamang si Arlene Jamantoc na nasusunog na ang kanilang kwarto kung kaya nagmadali itong lumabas kasama ang dalawang taong gulang na pamangkin habang naiwang natutulog ang tatlong taong biktima na nagresulta sa agarang pagpanaw nito.

Mabilis na natupok ang tahanan dahil gawa ito sa light materials.

Samantala, bandang alas 2:30 na nang maideklarang fire-out ang sunog.

📷 Quezon PNP PIO

03/03/2023
02/03/2023

TINGNAN: Piolo Pascual at cast ng 'GomBurZa,' spotted sa Tayabas City

TAYABAS CITY, Quezon - Tuwang-tuwa ang mga Tayabasin sa pagiging "bida" ng kanilang lungsod sa nagaganap ngayong shooting ng pelikulang "GomBurZa."

Ang naturang pelikula ay hinango sa kuwento ng mga paring Katoliko na sina Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora na binitay noong 1872 dahil sa umano'y pagiging subersibo.

Gumaganap sa lead role ang award-winning na aktor na si Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomez, theater at movie thespian na si Cedrick Juan bilang Padre José Burgos, at ang matinee idol na si Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora.

Gagampanan ni Piolo Pascual ang papel bilang Padre Pédro Pelaéz, ang pinuno ng kaparian na Pilipino na naging tagapagturo ni Padre José Burgos.

Masisilayan sa pelikula ang pamosong Patio ng Tayabas at Basilica Menor ng San Miguel Arkanghel.

Kasama rin sa listahan ang mahuhusay naaktor na kinabibilangan nina Epi Quizon, Jaime Fabregas, Carlitos Siguion-Reyna, Khalil Ramos, Elijah Canlas, Neil Ryan Sese, Paolo O'Hara, Tommy Alejandrino, Gerry Kaimo, Dylan Tay Talon, Jomari Angeles, Bon Lentejas, at marami pang iba.

Ang Venice International Film Festival Orrizonti Prize winner na si Pepe Diokno ang direktor ng "GomBurZa."

(Anna Gob/Larawan ni Tosha Saavedra)

07/02/2023

Prangkahan
Feb 8, 23023

06/02/2023

Prangkahan
Feb 07 2023

02/02/2023

SLSU, QMC ink MOA for base hospital

LUCENA CITY, Quezon - The Southern Luzon State University (SLSU) recently signed a medmorandum of agreement with the Quezon Medical Center (QMC) last Wednesday (February 1), for the establishment of a base hospital for SLSU’s College of Medicine.

Quezon Governor Angelina “Helen” Tan, together with QMC Chief of Hospital Dr. John Eugene Fidel Villanueva, QMC Chief of Clinics SLSU Vice President for Academic Affairs Dr. Ramon Carmona, and SLSU President Doracie Zoleta-Nantes, as well as PhD. Gondelina Radovan, were present at the event.

The MOA permits QMC to employ and train student clerks and medical interns from the SLSU’s College of Medicine.

Meanwhile, the medical education program, academic matters, and evaluation of the student clerks will be handled by SLSU in the interim.

According to Governor Tan, the MOA signing is a step forward in the provincial government’s goal to have “homegrown” doctors that will serve Quezonins.

"Bibigyan natin ng pagkakataong makapag-aral ng medisina ang mga bata mula sa malalayong lugar sa ating probinsya. Kung sa siyudad lamang dumarami ang doktor at hindi sa iba pang parte ng lalawigan, hindi mareresolba ang problema, hindi gaganda ang sitwasyon, at hindi magkakaroon ng pag-unlad sapagkat malaking factor ito sa ekonomiya ng isang lugar," Tan said.

As soon as it is finished, the SLSU College of Medicine will be the only state institution in the whole Calabarzon region to provide a Doctor of Medicine program. It is expected to begin operations this year.

Tan, who prioritized healthcare throughout her time as a lawmaker, has made this initiative one of her top priorities.

(Anna Gob/Photo courtesy of the Provincial Government of Quezon)

28/12/2022

TAYABAS CITY, Quezon – Namahagi ang lokal na pamahalaan ng lungsod na ito ng P3,000 na financial subsidy sa higit-kumulang na 800 g**ong Tayabasin sa Silungang Bayan ngayong Martes (December 27). Ayon sa pahayag ni Mayor Lovely Reynoso Pontioso, binibigyan niya ng halaga ang sakripisyo ng mga g**o...

07/11/2022

Prangkahan
08 Nov. 2022

Ms Flawless Joy Roales
Mr Suave Sol Luzano

27/10/2022

TEST BROADCAST

Address

Tayabas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when QuezoNews posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share


Other News & Media Websites in Tayabas

Show All