03/05/2024
Basketball 3x3 SB, Wagi sa CLRAA 2024; Matatalaib HS, Depensado pauwi ang Medalyang Pilak para sa Tarlac
-Noel Tacusalme
Kalkulado sa basket ng MHS ang dagdag na Pilak para sa Tarlac City sa ginanap na CLRAA 2024, Mayo 3, Brgy. San Vicente, bayan ng Victoria.
Sa tulong ng dedikasyon at hindi mapag-aalinlanganang karanasan sa laro ay naiuwi ng mga manlalarong sina Gabriel Basangan, Jero Cunanan, Reico Cura, at Jhan Aldrei Ibe ang Pilak sa kanilang muling pagsabak sa CLRAA.
We are [actually] aiming for the gold this year, since hindi ito ang unang beses na sasampa kami ng CLRAA, but Silver is a very good win para sa aming lahat. There's still room for improvement. Definitely mas paghuhusayan pa namin next year. Gusto ko lang din pong pasalamatan ang magulang ng ating mga players sa buong suportang kanilang ipinakita, hindi nila tayo iniwan since day one, dakal salamat po. - Allan Butz Surla, team Coach.
Bagamat bigong masungkit ang inaasam na Ginto ay ipinamalas ng koponan ang di matatawarang gilas sa paglalaro matapos talunin ang iba't ibang koponan mula sa Gitnang Luzon.
Game 1
Tarlac City(14) Vs San Fernando(15)
Winner: San Fernando
Game 2
Tarlac City(21) vs Munoz(12)
Winner: Tarlac City
Game 3
Tarlac City(17) vs Mabalacat(8)
Winner: Tarlac City
Game 4
Tarlac City(14) vs Bulacan(21)
Winner: Bulacan
Elimination Result: Tarlac City-Rank 2.
Quarter Finals
Game no. 6
Tarlac City (20) VS Tarlac Province (16)
Winner: Tarlac City
Semi Finals
Tarlac City (16) vs Nueva Ecija (13)
Winner: Tarlac City
Finals, May 3, 2024
Tarlac City(17) vs Bulacan (21)
Dagdag naman ng isa mga manlalaro ng koponan na si Cunanan, hindi niya inakalang mananalo sila dahil matatangkad at malalaki ang katawan ng manlalaro ng ibang koponan, kaya't laking pasalamat nila sa kanilang coach at mga tagapagsanay dahil alam niyang kung hindi mo pinaghirapan, hindi magiging maayos ang iyong laro.
Very good! [At] well-played talaga ang mga bata, ang ganda ng ipinakita nilang laro, makikita mo rin every training nila ang kanilang dedication na manalo. I also would like to thank our City government headed by Hon. Mayor Cristy Angeles, and the Whole TCSD sa suporta. Syempre ang ating School Head, sir Tito Ariola for the usual support. Also to our Sports Coordinator Sir John David and to the whole MHS community, sampu ng mga parents at stakeholders. Thank you po! Atin ang tagumpay na ito. - Bryan Dayrit, Team Trainer.