Kaibigan sa DZTC

Kaibigan sa DZTC Kaibigan sa DZTC every Satuday 5:00 pm to 5:30 pm at DZTC 828 kHz AM Band.

ENHANCED PUBLIC SAFETY PROGRAM PATULOY NA PINAIIGTING NG TARLAC PNP Camp General Francisco S. Macabulos, Tarlac CityBuo ...
20/09/2024

ENHANCED PUBLIC SAFETY PROGRAM PATULOY NA PINAIIGTING NG TARLAC PNP

Camp General Francisco S. Macabulos, Tarlac City
Buo parin ang tiwala ng mga mamamayan sa lalawigan ng Tarlac sa pagpapaigting na peace and order ng Tarlac Pnp sa lugar. Dahil sa mahigpit ang direktiba ni Tarlac Police Provincial Director, PCOL MIGUEL M GUZMAN, sa kanyang mga kapulisan na matiyak ang seguridad ng mga mamamayang Tarlaqueño, partikular sa mga malalaking kumpanya na patuloy na dumarayo sa lalawigan.
tiwala at kumpyansa naman ang mga ito dahil batid nila na mapayapa ang lalawigan. Isa sa mga ginagawang pagpapaigting ng Tarlac PNP itong Enhance Public Safety Program sa lahat ng kanilang nasasakupan dahil “sa bagong Pilipinas, gusto ng pulis ligtas ka”, direktiba ni PCOL MIGUEL M GUZMAN sa kanyang mga kapulisan na tiyakin palagi ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan sa pamamagitan ng kanilang presensya na isang malaking papel na ginagampanan ng mga kapulisan sa Tarlac at maging sa buong Pilipinas na nais ng ating Chief PNP General Marbil.
Lubos naman ang pagpapasalamat at patuloy na nagtitiwala para sa seguridad nitong mga negosyante sa lalawigan dahil ramdam nila ang presensya ng mga kapulisan saan mang sulok. Sa patuloy na isinasagawa ng Tarlac Police Provincial Office Command Group and Staff Conference, kasama ang lahat ng mga Chief of Police ng 17 na bayan at 1 syudad na bumubuo sa lalawigan ng Tarlac, bukod pa ang mga Force Commanders ng dalawang Provincial Mobile Force Companies, sa panguguna ng kanilang mahusay na Provincial Director. Kasama ang mga makabagong pag- aaral laban sa kriminalidad, ang tinatalakay sa kanilang isinasagawang Conference at iba pa, at higit sa lahat ay ang patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan sa komunidad upang mapabilis ang mga pagsugpo sa mga kriminal, dalhin sa hukuman upang harapin ang anumang mga parusa na ihahatol ng korte sa mga ito.

Sa katunayan ayon sa bagong datus ang lalawigan ng Tarlac ay naiulat na may mababang antas ng krimen, na masasabing isang ligtas na lugar para sa mga kilalang investors, mga higanteng kumpanya na dumarayo pa sa probinsya ng Tarlac, upang dito ay mamuhunan dahil batid nila ang kanilang seguridad at kaligtasan ay kanilang nakikita dahil sa mga programang pinaiigting ng kapulisan dito sa direktang superbisyon ni PCOL Miguel Guzman upang patuloy na umusbong pa ang pag unlad sa lalawigang Tarlac.
Ayon din sa ginawang pananaliksik sa mga datus patungkol sa mga crime rates ng Tarlac PPO sa mga nakalipas na taon, lumalabas na mas mataas ang naitalang krimen noong nakalipas na taong 2023 ikumpara ngayon sa ilalim ng kasalukuyang niyang pamumuno, ay nakapagtala ang Tarlac PPO nang mababang crime rates, mula Enero hanggang Agosto 31, taong 2024. Ibig sabihin ay bumaba ngayon ang bilang ng insidente ng krimen sa lalawigan ng tarlac simula ng maupo ito sa pwesto bilang Provincial Director ng Tarlac PPO si PCOL MIGUEL GUZMAN nitong Enero lamang taong 2024.
Ayon din sa datus na nakalap, ang average na monthly crime rate mula January 1 hanggang August 31, 2024, ay naitala din sa 23.70%. Ito ay isang pagbawas ng 3.74% mula sa average na 24.62% na naitala sa parehong panahon sa nakalipas na taong 2023. Lumalabas din na mahigit tatlong porsyento ang naging kabawasan na isang karangalan na maipagmamalaki ng buong lalawigan ng Tarlac, bunga ito lahat ng mga sakripisyo at mga istratehiya ng bagong Provincial Director ng Tarlac PPO, kasama ang pinaigting na ugnayan ng pulis at komunidad, at ang patuloy na suportang ibinibigay ng Provincial Government ng Tarlac sa pamumuno ng butihin gobernador Susan Yap.
Lumalabas din sa datus na ang karamihan sa mga naging insidente ng krimen ay nalutas, na humahantong sa mga pagsingil sa mga kriminal at sa mga suspek. Sa ngayon sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno ni PCOL MIGUEL MENDOZA GUZMAN, ang tanggapan ng Tarlac Police Provincial Office ay makailang ulit na ring ginawaran ng mga prestisyosong pagkilala sa buong region 3 base sa Monthly Unit Performance Rating nito o ang tinatawag na UPER, na kung saan ginawaran ng Police Regional Office 3 ang Tarlac PPO bilang Number 1 sa loob ng 7 na buwan ngayong taon sa lahat ng mga 7 Police Provincial Offices at 2 City Police Offices (Angeles City at Olongapo City) na nasasakupan nito, mula Enero hangang Mayo at Hulyo 2024.
Maliban pa rito, humakot din ng 3 parangal sa katatapos na pagdiriwang ng ika-29 na taon selebrasyon ng Police Community Relation Month noong Hulyo 30, 2024, na ginanap sa Police Regional Office 3, Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando Pampanga. Ang mga parangal na ito ay ang mga sumusunod:

1. Most Outstanding Provincial Community Affairs and Development Unit CY 2024;
2. Outstanding Provincial Community Affairs and Development Junior Police Commissioned Officer; at
3. Outstanding Provincial Community Affairs and Development Senior Police Commissioned Officer CY 2024, na iginawad sa ating masipag na Provincial Director PCOL MIGUEL M GUZMAN.

Isa rin na mahalaga ang impormasyon sa mga insidente ng krimen na ibinibigay ng komunidad at napakahalaga para sa agarang pagsisiyasat ng kaso at ang pag -aresto sa mga suspek na nagkasala, ayon kay PCOL GUZMAN. "Ang ganitong pag -asa ay nakatuon sa komunidad dahil sa kanilang aktibong pakikilahok at pakikipag -ugnayan sa mga tauhan ng Tarlac PPO." Giit pa niya na sa pinaigting na ugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng mga programa ng PNP gaya ng kanilang mga patuloy na isinasagawang Community Outreach Programs, Medical Missions at iba pa, ay napakalaking bagay sa pagsugpo ng krimen. lubos din ang kanyang pasalamat sa mga mamamayang Tarlaqueño sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa kapulisan.
Ayon sa Provincial Director, "sa kanilang mga pagsisikap upang ma-usig ang mga kriminal, ang buong kapulisan ng Tarlac PPO ay buong katapatan na gingawa ang kanilang mga trabaho nang epektibo at mahusay, "Kami aniya ay lubos na nagpapasalamat sa komunidad sa buong lalawigan ng Tarlac sa kanilang walang tigil na suporta sa pulisya, at binabati rin namin sila sa adhikaing ito."
Giit pa nito na ang pulisya ng Tarlac ay hindi titigil sa pagtatrabaho patungo sa isang mapayapang pamayanan kung saan ang mga tao ay maaaring mabuhay, magtrabaho, at magsagawa ng negosyo
“Dapat ang mga kapulisan ng Tarlac ay nakikita, nakakausap at nararamdaman, Hindi tayo kailanman susuko sa pakikipaglaban sa krimen", dagdag pa ni PD PCOL Guzman.

Thank you so much ❤️ Presidential Tasks Force of Media Security ( PTFoMS )To God be all the glory !!!
02/06/2021

Thank you so much ❤️ Presidential Tasks Force of Media Security ( PTFoMS )
To God be all the glory !!!

10/05/2021

EO 26 and RA 9211 Mahigpit na Ipinapatupad ng City Government of Tarlac

Tarlac City....
Walang humpay ang pagsisiguro ng Ina ng Lungsod sa kaligtasan ng bawat isa batay sa Executive Order No.26 - Nationwide Smoking Ban
Kayat Mahigpit na ipinapatupad ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles kasama ang Smoke Free Task Force, Public Order and Safety Office, Barangay Health Workers at PNP Tarlac na sumunod sa pinapatupad na Nationwide Smoking Ban Order at To***co Regulation Act of 2003 (EO 26 & RA 9211), sinasabi dito na:

1. Bawal magbenta ng sigarilyo sa menor de edad
2. Bawal manigarilyo sa public places (palengke, mall, hospital, restaurant, transport terminals, PUV-jeepney, tricycles at bus, atbp.)
3. Bawal manigarilyo ang menor de edad.

Ang penalty sa mahulihan nito:
1st offense - P500-P1,000
2nd offense - P1,000-P5,000
3rd offense - P5,000 - P10,000 at pagkansela ng business permit ng establishment na lumalabag dito
Walang patid ang operasyon ng City Government sa pagpapanatili ng kaligtasan ng lahat at patuloy na babantayan ang bawat sulok ng lungsod upang mabantayan ang mga pasaway.


19/02/2021

MISYONG PULIS ACCOMPLISH

06/02/2021
01/02/2021

Address

# 05 Brazil Street Barangay Suizo
Tarlac City
2300

Telephone

+639224684525

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaibigan sa DZTC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kaibigan sa DZTC:

Share

Category


Other Tarlac City media companies

Show All