22/06/2021
MAHABA βTO, pero nandyan na ang lahat ng detalyadong sagot sa mga tanong nyo tungkol sa larong ito.
Paki-βshareβ na din ito para mas madaming matulungan.
Ang nilalaman at pagkakasulat ng 'post' na ito ay orihinal na gawa ng AxieSphere.
TEKA NGA, ANO BA ANG AXIE INFINITY NA βYAN?
Ang Axie Infinity ay isang laro na pwede kang kumita. Kaya ito napasama sa mga listahan ng βPlay-to-Earnβ (P2E) na mga laro. At sa kasalukuyan, ito na ang nangungunang P2E.
Ginawa ito ng SkyMavis, para ang mga maglalaro ay kumita gamit ang Non-Fungible Tokens (NFTs) and Cryptocurrencies sa pamamagitan ng pagpaparami, paglalaban-laban at pakikipagkalakan ng mga βdigital assetsβ na tinatawag na Axie.
OH, EH ANO NAMAN YANG NON-FUNGIBLE TOKEN? ANG SAKIT NA AGAD SA ULO AH.
Ang Non-Fungible Token (NFT) ay nakapaloob sa teknolohiya ng βCryptocurrencyβ at βBlockchainβ. Ito ay isang βdataβ na naka-imbak sa βdigital ledgerβ (tinatawag na blockchain) na pinapatuyan na ang isang βdigital assetβ ay kakaiba, may halaga at hindi maipagpapalit palit sa kapwa nila βdataβ. Kaya kung nasa βyo ang isang NFT, mananatili itong nasa iyo at dahil mismong βblockchainβ ang nagpapatunay na sa iyo ito. Mawawala lang ito sayo kapag ibinenta, ikinalakal, ipinagpalit sa ibang bagay na may halaga din (gaya ng pera, ginto, kapwa NFT, cryptocoin atbp). At maraming anyo ang NFTs, maari itong isang larawan, βvideoβ, βaudioβ o kung ano pa man na maituturing na βdigitalβ.
Mas mainam na mag-basa at mag-aral tungkol sa teknolohiyang ito. Kung narinig mo na ang βBitcoinβ, βCryptocurrencyβ, βBlockchainβ
OKAY SIGE, SIGE. MAGBABASA MUNA AKO PARA MAS MAINTINDIHAN KO YAN CRYPTOCURRENCY. EH PAANO NAMAN AKO MAGSISIMULA SA AXIE INFINITY?
Sa larong ito, ang βdigital assetβ na kailangan mo para maglaro ay yung tinatawag na βAxieβ. At para magkaroon ka nun, kailangan mayroon ka din hawak na βcryptocoinβ (isang βdigital assetβ din) para makabili ka ng βAxieβ. Gaya ng sabi sa itaas, mag-basa tungkol sa teknolohiyang ito para mas malinawan ka sa konsepto nito. Kailangan mo mangkaroon ng hindi bababa sa tatlong (3) Axies.
NGEK, MAY GAGASTOS PALA. AKALA KO LIBRE. EH PAANO KO MABABAWI YUNG GINASTOS KO?
Syempre kailangan mong gumastos. May halaga ang βdigital assetβ (Axie) na yan at sertipikado yan na isang NFT. Nandun ulit sa taas ang paliwanag. Uulitin ko, mas mainam mag-basa at mag-aral muna bago paglaanan ng pera ang larong ito.
Ang Axie Infinity ay isang βPlay-to-Earnβ (maglaro para kumita), kaya mababawi mo ang ginastos mo. Uulitin ko, maglaro para kumita. Gamit ang iyong βdeviceβ (mobile phone or personal computer), kailangan mong palakasin ang mga βAxiesβ mo sa mga βadventuresβ, at makikipaglaban ka din sa mga βAxiesβ ng ibang tao. At dahil dun, natutulungan mo ang βdigital ledgerβ (blockchain) na magmina na mga data at digital asset na may halaga din. Kaya sa tuwing naglalaro ka, may ibibigay sayo ang ng Axie Infinity ang ambag mo sa pagmimina subalit hindi sa anyong salapi (fiat currency, na gaya ng nasa pitaka mo or nasa bangko mo). Makakatanggap ka ng βcryptocoinβ na tinatawag na Smooth Love Potion (SLP), parang Bitcoin, Etherium, at iba pang kahawig nito.
Sa ngayon, ang isang SLP ay may katumbas na Php 6.0 β 6.5, at nagbabago yan depende sa takbo ng merkado ng Cryptocurrency, gaya ng normal na pera (pesos, dolyar) ang halaga nito ay hindi permanente dahil ito ay ginagamit natin sa kalakalan,
AT GAANO NAMAN KATAGAL O KABILIS KO MABABAWI ANG IPINUHUNAN KO?
Para maliwanag, uulitin ko. Kailangan mong maglaro gamit ang βapplicationβ ng Axie Infinity.
Sa isang araw ay 150 SLP ang pinakamababa mong makukuha, kapag tinapos mo ang mga βtaskβ, βquestβ. Sa βadventureβ kasi ay makukuha mo ang 100 SLP at sa βdaily rewardsβ ay 50 SLP naman. Kapag naglalaro ka na, maiintindihan mo naman ang mga βtaskβ na nakatalaga. At panigurado naman na makukuha mo yun, basta maglalaro ka. Hindi kailangan laging panalo, mas mabilis lang ang pagkuha ng 150 SLP kung mas madalas ang panalo mo.
Kung sa isang araw ay nakakakuha ka ng 150 β 200 SLP (kung ang 1 SLP = Php 6.5 sa kasalukuyan), ito ay may halagang Php 975 β 1300.
Kaya sa isang buwan, katumbas ito ng halos Php 30,000 β 40,0000.
Sa loob ng isa or dalawang buwan ay mababawi mo ang ipinuhunan mo basta maglalaro ka ng madalas β uulitin ko βPlay-to-Earnβ ito at hindi kusang dadating ang mga cryptocoins sayo. Hindi ko na ipapaliwanag pa dahil inulit ulit ko na kanina pa.
WOW! AYOS AH! TEKA, MAGKANO ANG KAILANGAN KO PARA SA ISANG AXIE TEAM NA SINASABI MO?
Dati ay nasa Php 10,000 β 15,000 lamang ang isang Axie Team (1 Team = 3 Axies), subalit ngayon ay mahal na dahil sa nagkakaroon na ng mataas βdemandβ ang mga digital asset (Axie) na yan at dahil hindi pwedeng basta na lamang gumawa ng Axie ang βdeveloperβ ng larong yan. May kaakibat na sertipikasyon bilang isang NFT. Kaya tayo naglalaro, ay para tumulong magmina sa blockchain nila at ng sa gayon ay makapaglabas ng mga sertipikasyon. Sumatutal, mahal na ang presyo ng isang Team ngayon kumpara nung mga nakaraang buwan. Nasa Php 30,000 β 80,000 ang presyo ng isang team, depende sa kalidad ng bawat Axie. Mas βrareβ, mas mahal. Mas puro, mahal. Mas malakas, mas mahal.
Disente na ang isang team sa presyong Php 30,000 β 40,000, madali mo na matatapos ang βquestβ o βfarmβ basta maglaro ka ng tuloy tuloy (βgrindβ)
MADALI LANG BA LARUIN? HINDI KASI AKO βGAMERβ EH. ILANG ORAS ANG KAILANGAN DYAN SA ISANG ARAW, PARA MATAPOS KO YUNG QUEST NA SINASABI MO?
Ito ay isang βturn-basedβ na laro, kaya para siyang βChessβ, βCheckersβ atbp., na halinhinan kayo ng kalaban mo sa paglalatag ng mga galaw ninyo. May mga aspeto lamang sa laro na nagpapaiba-iba ng βturnβ. May elemento ito ng stratehiya , kaya maaliw ka din. Nasa 4-6 oras ang igugugol mo kada araw. Pwede mapabilis or mapabagal depende sa istilo mo sa laro.
Isang matuturing na makabuluhang laro, dahil kailangan mong dumiskarte. Sa aspetong ito, maari kang manood sa Youtube or magbasa sa Google ng mga taktika na pwede mo magamit sa laro. Nasasaiyo na yan kung paano mo ikakatuwa ang paglalaro. Kung hindi mo gusto, pwede mong ipalaro sa iba. Hati na lang kayo sa Kita. Oo, tama ang nabasa mo, bigyan mo naman ng hati yung naglaro kasi sya ang tumulong sa Sistema para makapagmina sa pamamagitan ng paglalaro niya.
AYUN NAMAN PALA EH, PWEDE NAMAN PALA IBA ANG MAGLARO. HINDI BA DELIKADO YUN KASI HAWAK NG IBA ANG DIGITAL ASSET KO NA SINASABI MO?
Ang karaniwang tawag dyan ay βScholarshipβ, iba ang naglalaro para sayo at may kapalit itong kabayaran or hatian sa kita. βManagerβ naman ang itatawag sayo. May mga hatian na 40%-60%, 50%-50%, 60%-40%, 70%-30% atbp., depende sa napagkasunduan ninyong dalawa.
Hindi ito delikado kung mapapagkatiwalaan mo ang kausap mo. Parang pera yan na ipinahawak mo sa iba, kung iwawala nya or mawawala sa kanya β nasasainyo kung paano nyo aayusin ang naging problema ninyo.
HA? MAY MGA PROBLEMA DIN? SINASABI MO NA MAY βRISKβ TONG LARONG βTO.
Lahat naman ng bagay na may halaga ay may βriskβ na nakakasalamuha. Oo may βriskβ, dahil pwedeng ma-βBanβ ang Axies mo at bawiin ng developer sa kadahilanan na may hindi sinunod ang naglaro nito. Halimbawa, yung pinagkatiwalaan mo ay naging gahaman at kumuha ulit ng isa pang βscholarshipβ β bawal ito ayon sa βRulesβ ng larong ito; o kaya naman binago ang oras ng βcellphoneβ para mapabilis ang pagkuha ng mga βenergyβ na kailangan pa matapos agad ang βquestβ, atbp. Tsaka ko na sasabihin yung iba pang bawal, ilalathala ko yan dito sa pahina ng AxieSphere (at lahat yun ay galing sa mga nakalatlaha din sa Axie Infinity website, hindi inimbento lang)
OH SIGE NGA, PAG-ISIPAN KO βTO. MAG-ARAL MUNA AKO TUNGKOL DITO. NAGBEBENTA BA KAYO NG MGA AXIES?
Tama yan. Maipapayo namin talaga na mag-aral muna tungkol dito. Dahil ang halaga nito ay sumasabay din sa takbo ng kasalukuyang Cryptocurrency. Unawain mo muna βyun bago ka maglabas ng malaking halaga. At parating umiwas sa mga βscammerβ, responsibilidad mo na yan kung mawalan ka ng pera dahil sa mga scammer.
Oo, nagbebenta ang AxieSphere ng mga digital assets gaya ng βAxiesβ, βSLPβ, βAXSβ at βWETHβ. Subalit sa kasalukuyan, nakalaan muna ang mga hawak naming digital assets para sa Scholarship program dahil madami ang naapektuhan ng pandemya (gaya ng nawalan ng trabaho) at may mga taong gusto kumita ng pa ng βextraβ
Subalit wag kayo mag-alala dahil ang βbreeding teamβ namin ay maglalabas na din ng mga programa para magkaroon kami ng mga Axies na naaayon sa META (most effective tactic available) sa ngayon at mga Axie team na nasa makatarungan na presyo para sa kalidad nila. Marami naman kagaya naming na nagbi-βbreedβ at nagbebenta ng mga βAxie teamsβ, mayroon ding sariling βMarketplaceβ ang Axie Infinity. Pwedeng doon na din bumili. May mga hakbang para magaya yon at sa susunod ko na ipapaliwanag.
WAHHHHH!!!! NALUNOD ANG UTAK KO DUN AH! SIGE USAP MUNA TAYO SUSUNOD HA. KAILANGAN MONG ITURO SA AKIN TO.
Tama na muna ito. Masyado nang marami ang impormasyon na ito, at tingin ko ay sapat na para malaman mo kung paano tumatakbo at kumikita sa larong ito.
AxieSphere