19/02/2024
Dagdag P100 sa daily minimum wage, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Senado!
Dumaan na po sa mga debate itong ating panukala, at sa Lunes, tuloy na po itong maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado.
Prayoridad ng Senado itong pagtaas ng sahod, kaya asahan niyong tututukan namin ito hanggang maipasa na at umabot na ang dagdag sahod sa kamay ng ating mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Mabuhay po ang manggagawang Pilipino!