19/03/2024
Chapter 3
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Madison nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone sa ilalim ng unan niya. Naputol ng alarm clock ang panaginip na iyon noong nag-propose sa kanya si William sa Baywalk habang hawak nito ang engagement ring na tatlong taon nitong pinag-ipunan. She looked at her ring finger and the soft sparkle of the diamond caught her eyes. The diamond did not fade since that day, but her relationship to William felt fading.
Dahan-dahang bumangon si Madison at tinungo ang banyo. Maingat siyang naglakad para hindi magising ang asawa. Alam niyang hindi niya dapat itinatago kay William ang gagawin pero ayaw niyang makita na naman itong lugmok kung sakaling hindi naman lumabas ang inaasahan nila.
Pagkaharap sa salamin ay napabuntong hininga si Madison. Bakit ba nila kailangan pagdaanan ang ganitong problema?
She walked towards the toilet with the pregnancy kit in her hand. Carmela told her to use the kits on different days so they’d have two comparisons. But she wanted them to have the same results at once.
Habang binubuksan ang pregnancy kits ay naaalala niya si William at kung paano ito labis na naapektuhan noong nakakuha siya ng negative result sa huling pregnancy test niya. Her husband looked so fragile and devastated. She doesn’t know if she still could bear to see him in that state again.
Ipinikit niya ang mga mata habang pinapatakan ang maliit na butas sa test kit. Tahimik siyang nanalangin na sana ay ibinigay na ngayon ng Panginoon ang matagal na nilang inaasam na resulta.
Matapos ang ilang minuto ay binuksan niya ang mga mata at dahan-dahang ibinuka ang palad para tingnan ang resulta. Awtomatikong tumulo ang mga luha niya sa nakita, muli ay naramdaman niya ang matinding sakit sa loob ng dibdib.
“I’m sorry, William…”
“Why are you saying sorry?”
Pumihit paharap si Madison at nakita ang asawa na nakatayo sa pintuan ng banyo. Magulo ang buhok nito at namumungay pa ang mga mata dala ng antok. Mukhang naalimpungatan ito nang makitang wala siya sa k**a.
“W-William… maaga pa,” tarantang sabi niya at mabilis na itinago sa likuran ang hawak na test kit. “You should go back to sleep, honey.”
William’s brows furrowed. “What are you hiding, Maddy?” he asked and walked towards her. He looked on the sink and as soon as he saw the pregnancy kit box, pain etched across his handsome face. “Is it negative again?”
“William…” mahinang tawag niya sa asawa at niyakap ito. “I’m sorry…”
Pero nanatili lang na nakababa ang mga k**ay ni William at hindi yumakap pabalik sa kanya. “Ako ang dapat na nagso-sorry sa’yo dahil hindi kita mabigyan ng mga anak…” Nagsimulang ymugyog ang balikat ng asawa at nararamdaman niyang umiiyak na ito. “The problem is in me… I knew it, Maddy.”
“No, William. Huwag mong sabihin ‘yan,” kontra niya at mas niyakap pa ito ng mahigpit. “Susubukan uli natin sa susunod—”
William held her shoulders and pulled her away from him. “I saw the results of our recent tests. You’re doing good, while me…” He lowered his head. “I can’t produce healthy sperms…”
Madison cupped her husband’s face and forced him to look at her. “Honey, hindi ‘yan totoo. We both did great on our recent test, right? You produced healthy sperms—”
“But the count is not enough,” putol ni William sa mas matigas na tinig. “Still not enough, Madison…” Humakbang ito palayo sa kanya at pakiramdam ni Madison ay may pader na namagitan sa kanila. “Dahil kung talagang walang mali sa akin, hindi mo makikita ‘yang single red line na ‘yan sa test kit,” sabi nito at hinablot sa k**ay niya ang pregnancy test. “See? At plano mo pang itago ito sa akin, Madison?”
“William…” Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni Madion. Ito ang iniiwasan niyang mangyari. “William, malalampasan natin ito. Pagsubok lang ito—”
“Pagsubok?” he repeated and scoffed. Ang matinding sakit na nakikita niya sa mukha ng asawa ay mas higit ang sakit na idinudulot sa kanya. “So, sa tingin mo pagsubok na itong nangyayari sa atin? O, mas dapat sabihin na sa akin? Kasi ako lang naman ang may problema. Ako ang pagsubok sa buhay mo—”
“Honey, huwag mong sabihin ‘yan. Alam mong hindi ganyan ang naiisip ko…” Inabot ni Madison ang k**ay ng asawa pero umiwas ito. “There’s still next time, William. We can try it over again. And, if we failed, then we’ll do it again.” Sunod-sunod na umagos ang mga luha niya, hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman sa loob ng dibdib. “Huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang sabi ni Carmela—”
“Sinabi mo kay Carmela? Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na huwag mong sabihin kahit kanino ang problema natin? I don’t want anyone to know about our problem—that I can’t make you pregnant…” William caught his head. “Hindi mo naisip na nakakahiya iyon para sa akin.”
“William, Carmela is my OBgyn. And she’s our friend,” Madison explained, trying her best to calm him down. “She understands our case because it’s her field of study.”
“Siguro kinaaawaan ako ni Carmela…” he said in a disappointed tone and started to pace in the toilet. “Siguro sinasabi niya na napak**alas mo dahil nakapangasawa ka ng walang silbing lalaki—”
“William, alam mong hindi ‘yan totoo!” Hinawakan niya ito sa braso at pilit na pinakalma. “Pinakasalan kita dahil mahal kita at walang kahit anong makakapagbago ng pagmamahal ko sa’yo.”
William held her hand and looked into her eyes. “Kahit hindi kita mabigyan ng anak? Mananatili ka pa rin ba sa tabi ko kahit hindi ko maibigay ang pinapangarap mong masayang pamilya?”
Madison pressed her lips together as she held his tainted husband’s gaze. “William…” she hesitated. “We’re going to have a baby. Just don’t give up…”
- A Wife's Secret is now available on J. Cross VIP Stories. Get your membership for only P149 per month!