23/03/2024
Aktibong nakiisa ang Mataas na Paaralan ng Tampilisan sa NSED na ipinatupad ng Department of Education (DepEd) noong ika-22 ng Marso, 2024.
Kapwa nakibahagi ang mga g**o at mag-aaral mula ikapito hanggang ikalabing-dalawang baitang sa nasabing kaganapan. Nakiisa rin ang mga magulang ng mga mag-aaral mula sa ikalabing-dalawang baitang habang sila ay dumalo sa isang oryentasyon na inorganisa ng paaralan para sa imersyon ng kanilang mga anak.
Malaki ang naging papel ni G. Antonio Elepe Jr. sa matagumpay na pagpapatupad ng earthquake drill sa pamamagitan ng kanyang pamamahala at pangangasiwa. Ang mga kaganapang ito ay tiyak na makakatulong sa maraming tao, hindi lang ngayon ngunit sa hinaharap din.
βοΈ Rheyan B. Jatico
πΈ Margareth Eisma at Krystelle Camilo