24/08/2023
PARAGIS o GOOSE GRASS HEALTH BENEFITS!
Benepisyo ng Paragis: Saan Gamot ang Paragis?
Ang damong ito ay isang pangkaraniwang halaman na tumutubo halos kahit saan dito sa atin sa Pilipinas, kaya kadalasan ay binabaliwala lamang natin. Pero ang hindi natin alam, ito pala ay may taglay na sangkap na nakapagpapagaling ng maraming uri ng mga karamdaman. Ito ay ang Paragis o Goose grass!
Ang halamang gamot na paragis ay may scientific name na Eleusine indica. Ito ay matatagpuan halos saan man dito sa ating bansa, sa tabi ng mga kalsada, sa mga bakanteng lote at mga sa tabing ilog. Maramingb mga pag-aarala ng nagsasabing ang paragis ay may kakayahang gamutin o iwasan ang ilang partikular na mga sakit.
Mga Pakinabang ng Paragis bilang halamang gamot
Kanser β Ang anti oxidant na nasa halamang gamot na paragis ay humahadlang sa paglaki at pagparami ng mga cancer cells sa katawan ng tao.
Cyst sa obaryo at myoma β Dahil sa ang paragis ay humahadlang sa paglaki ng mga bukol sa katawan tulad ng cyst o tumor, ang ovarian cyst at mayoma ay sinsasabing nagagamot ng pag inom ng tsaa na gawa sa paragis.
Sakit sa bato β Ang mga problema sa kidney ay sinasabing nalulunasan ng pag inom ng tsaang gawa sa paragis. Ito daw kasi ay may kakayahang paramihin ang tubig sa katawan ng tao kayaβt napapadalas ang pag-ihi na siyang nag aalis ng sobrang asin sa katawan. Ang paragis ay kilalang natural na diuretic.
Arthritis β Dahil sa ang paragis ay may anti-inflamatory properties, ang ininit na dahon ng halamang gamot na ito na sinamahan ng kinayod na niyog ay epektibong lunas sa pamamaga ng mga kasukasuan kapag ito ay itinapal sa apaektadong bahagi ng katawan.
Diabetes β Sinasabi ng mga dalubhasa na ang paragis ay nagtataglay din ng sangkap na panlaban sa diabetes at may kakayahang gawing normal ang inyong blood sugar level.
Pagdurugo ng sugat β May sangkap din ang paragis na nakapagpapahinto ng pagdurugo. Magdikdik ng dahon ng paragis at ilagay sa sugat para tumigil ang pagdurugo ng sugat.
Iyan ay iilan lamang sa mga sakit na sinasabing kayang pagalingin ng halamang gamot na paragis. Ang ibang pang sakit na sinbasabing nalulunasan nito ay ang hika, pangingisay malaria, pagkabaog sa mga babae, sakit sa pantog, sakit sa atay at paninilaw. Dahil sa ito ay isang natural na diuretic, ito ay lunas sa mga sakit na dala ng kahinaan o problema sa pag ihi tulad ng bato sa bato at apdo, highblood, at mga sakit sa puso, baga at atay.